Você está na página 1de 45

LUGAR KUNG SAAN MAS NAIS NA MAGTRABAHO NG MGA MAGSISIPAGTAPOS SA KOLEHIYO NG PANGANGALAKAL AT PALATUUSAN (CBAA) NG PAMANTASANG BALIWAG AKADEMIKONG

TAON 2011-2012 AT ANG MGA KADAHILANAN NITO

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa mga Guro ng mga Mag-aaral

Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 200

nina Jerome Dela Cruz Raymond Abalos Marvin Villangca Edgardo Dela Cruz Mark Anthony Lazaro Pebrero 2012

DEDIKASYON

Bukal sa aming loob, kaming mga mananaliksik ay nagkaroon ng dedikasyon upang mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito para sa mga sumusunod na tao: Para sa aming mga magulang, na naging inspirasyon upang matapos ang aming isinasagawang pag-aaral. Para sa aming kapwa mag-aaral na nagbigay suporta sa amin. Para kay Bb. Leeh Manahan na aming guro na nagbigay ng mga ideya at mainspirasyong gabay upang kami ay maliwanagan ng husto at magkaroon ng isang makabuluhang pananaliksik.

PAGKILALA

Nagbibigay ng pasasamalat at papuri ang mga mananaliksik sa mga taong nakapag-ambag ng hindi matatawarang kontribusyon upang makumpleto at maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Isang taos-pusong pasasalamat at papuri ang inihahandog ng mga mananaliksik kay Bb. Leeh Manahan, guro sa Filipino 200, na nagbigay ng mga suhestiyong kapakipakinabang na nagsilbing gabay ng mga mananaliksik upang bigyang pansin at maging handa sa pananaliksik na ito. Para sa mga mag-aaral na nasa ika-apat at ika-limang antas ng kursong Bastilyer ng Agham sa Palatuusan (BSA) at Pangangalakal (BSBA) na nagsilbing mga tagatugon sa aming sinaliksik, para sa bukal sa loob nilang pagtanggap at matapat na pagsagot sa ibat-ibang tanong sa ipinamahagi naming talatanungan kaugnay ng aming isinasagawang pag-aaral. Para sa minamahal naming magulang, na nagbigay sa amin ng suportang pinansyal at pagmumulat sa amin sa pagkakaroon ng pananalig sa Diyos upang maisagawa at matapos namin ng matagumpay ang aming pananaliksik. At para sa ating dakilang Panginoon, sa Kanyang walang sawang paggabay upang matapos ang makabuluhang pag-aaral na ito.

TALAAN NG NILALAMAN KABANATA I SULIRANIN AT SANDIGAN NITO... Panimula... Kahalagahan ng Pag-aaral Paradigm... Paglalahad ng Suliranin Batayang Konseptwal at Teoretikal. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral Katuturan ng mga Talakay... KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA KABANATA III PAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG DATOS... Pinanggalingan ng mga Datos.. Pamamaraang Ginamit. Istatistikal na Tritment ng mga Datos.. KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON, AT TAGUBILIN. Lagom... Kongklusyon.... Tagubilin . TALASANGGUNIAN MGA DAHONG DAGDAG.. KURIKULUM BAYTA.

KABANATA I Suliranin at Sandigan Nito

Panimula Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagsisikap na makatapos ng pagaaral ang isang estudyante ay para makahanap at magkaroon siya ng magandang hanapbuhay na makapag-bibigay sa kanya ng magandang kita na magagamit niya upang masuportahan at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, at mapaganda ang kanilang kalagayan sa buhay. Subalit sa panahon ngayon kung saan patuloy ang pag-tindi ng kompetisyon pag-dating sa pag-hahanap at pag-aaplay ng trabaho bunsod na din marahil ng hindi sapat na bilang ng trabaho na mayroon sa ating bansa epekto marahil ng patuloy na pag-lobo ng populasyon kung kaya bago pa man siya mag-tapos ng pag-aaral ay pinag-iisipan na niya kung mananatili ba siya sa ating bansa o makikipag-sapalaran sa ibang bayan. Sa pinaka-huling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia noong 2005 ipinakikita na mas lalong lumaki porsiyento ng mga tagatugon 26 na porsiyento noong Hulyo at 33 porsiyento noong Oktubre na sang-ayon sa pahayag na "Kung may posibilidad, mangingibang bansa ako para doon manirahan." ang interes sa pangingibang bansa ay hindi limitado lang sa mga matatanda. Sa pangkalahatang sarbey na isinagawa sa buong bansa noong 2003, 47 porsiyetnto ng mga kabataan ang nagpahayag na nais nilang magtrabaho sa ibang bansa balang-araw. 60 porsiyento sa kanila ay mga anak

1 2 ng OFW o 'di naman kaya ay may kamag-anak sa ibang bansa.1 Sa pag-dedisisyon maraming mga bagay na isinasaalang-alang ang bawat isa. Mayroong iba na mas pinipili ang manatili sa sariling bansa dahil na rin sa mga pansariling dahilan habang ang iba naman ay mas pinipili na mag-trabaho sa ibang bansa sa pag-asang mas marami at mas magagandang oportunidad ang kanilang makakatamtan doon na hindi nila makikita dito sa sarili nating bansa. Sa pag-aaral na ito sisikapin ng mga mananaliksik na malaman kung ano nga ba ang mas matimbang para sa mas nakararami.

http://www.migrationinformation.org

3 Kahalagahan ng pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sapagkat sa tulong nito mababatid natin kung saan nga ba mas ninanais ng mga nagsisipagtapos ng kolehiyo na magtrabaho. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito ay magkakaroon tayo ng

kaalaman kung anu-ano nga ba ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa desisyon ng mga magsisipagtapos ng kolehiyo ukol sa lugar na kanilang napiling pagtrabahohan. Sa tulong din ng pag-aaral na ito, maikukumpara natin kung ang ating mga sariling desisyon ay tugma o taliwas sa desisyon ng mga mag-aaral na sumagot sa talatanungan na ipinamahagi ng mga mananaliksik.

4 Paradigm

Lugar kung saan mas nais na magtrabaho ng mga magsisipagtapos sa Pamantasang Baliug CBAA sa taong-panuruan 2011-2012

Pilipinas

Ibang Bansa

Mga Dahilan

Mga Dahilan

Pagiging-makabayan.

- Mas madaming mga opurtunidad. Mas matas ang kita.

- Kontento na sa simpleng pamumuhay. - Mahalaga ang relasyon sa pamilya. - Hindi magaling magIngles. - Takot sumakay sa barko o eroplano.

- May mga kamag-anak na doon din nagtatrabaho. - Para sa Foreign Citizenship. - Ito ang napagkasunduan ng mga kabarkada.

5 Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mag-bigay kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:
-

Saan mas nais magtrabaho ng mga magsisipagtapos ng kolehiya sa Pamantasang Baliwag partikular sa CBAA?

Anu-anu ang mga posibleng dahilan na nakaka-apekto sa kanilang desisyon?

Sang-ayon ba sila sa posibilidad na maging under-employed sila kung sakali na sila ay mangibang-bansa?

6 Batayang Konseptwal at Teoretikal Ang pag-aaral na ito ay isinagawa batay sa ilang mga konsepto at teoryang may kaugnayan dito. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga sumusunod na batayang konseptwal at teoretikal ay nagsilbing matibay na pundasyon at sandigan ng pananaliksik na ito:

Teorya ng Pandarayuhan. Ayon sa isang Amerikanong iskolar na si H. Otley Beyer (1883-1966), na namalagi sa Pilipinas at nagsaliksik ukol sa mga katutubong Pilipino at pinagmulan nito, ibat-ibang pangkat ang dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na lupa o sakay ng mga inukit na bangka. Ang mga sinaunang manlalakbay na ito ang sinasabing nakapagbigay-ambag sa kultura ng mga sinaunang Pilipino.2 Pinag-basehan ng mga mananaliksik ang teoryang ito sapagkat tungkol ito sa pandarayuhan na siya namang sentro ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik. Ang pag-kakaiba lamang ay ang teorya ng pandarayuhan ay tumatalakay sa pag-pasok ng mga dayuhang manlalakbay sa Pilipinas, habang ang pag-aaral naman na ito ay tumatalakay sa pangingibang-bansa ng mga Pilipino.

Colonial Mentality Ang konseptong ito ay patungkol sa mentalidad na ang banyagang kultura ay mas maganda at mas nakaka-angat kay sa kultura ng sariling
Michael DC. Rama et.al., PILIPINAS: Isang Sulyap at Pagyakap,(Makati City: EdCrisch International, Inc.), 46
2

7 bansa. Ito ay pinaniniwalaang bunga ng pagkaka-sakop sa Pilipinas ng mga banyagang bansa sa loob ng mahabang panahon.3 Ang konseptong ito ay may kinalaman sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik, sapagkat, isa ito sa mga dahilan kung bakit nais mangibang-bansa ng mga magsisipagtapos ng kolehiyo, ginamit ito bilang basehan ng mga mananaliksik sa pag-babalangkas ng ilan sa mga katanungan sa sarbey na isinagawa.

Culture Migration Magmula pa noong dekada 70, ang pilipinas isang bansang may humigit kumulang 7,000 isla na may iba-ibang mga etno-lingwistikong grupo ay nagpapadala na ng lahat ng uri ng trabahador sa iba't-ibang mauunlad na rehiyon sa daigdig skilled at low-skilled. Noong Disyembre 2004, tinatayang 8.1 milyong mga Filipino - halos 10 porsiyento ng 85 milyong populasyon ng bansa -- ang nagtatrabaho o naninirahan sa hindi bababa sa 200 bansa o teritoryo sa labas ng Pilipinas. Sa isang pelikulang ipinalabas noong 2005 na pinamagatang "La Visa Loca", ipinakita dito ang masidhing pagsisikap ng isang ordinaryong Filipino para sa pagkakaroon ng US visa, ang pinaniniwalaang tiket para sa mas magandang buhay. Sa tunay na buhay, ang pagsisikap na makakuha ng pasaporte ay hindi lamang limitado sa Estados Unidos. mayroon pang ibang maituturing na lupang pangako sa ibang rehiyon ang Middle East, Asia, Europe, Africa, and Oceania ay kasama na rin
Florencia C. Domingo, Araling Panlipunan: Batayang Aklat(Pasig City: EdCrisch International, Inc.), 95
3

8 sa mga pinapangarap ng ibang mga Filipino. Sa nakalipas na 30 taon, umusbong ang tinatawag na "culture of migration", kung saan hindi lamang libo kung hindi milyong mga Filipino ang may masidhing pagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa, sa kabila ng mga panganib o peligro na maaari nilang harapin. Sa isang sarbey na ginawa sa 1,200 mga adult respondents noong 2002, lumalabas na isa sa bawat limang Filipino ang nagpahayag ng pagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.4 Ang konseptong ito ang naging batayan ng mga mananaliksik upang isagawa ang pag-aaral na ito, ginamit ito upang ikumpara ng mga mananaliksik kung ang mga magsisipagtapos ng kolehiyo sa napiling pamantasan ay may kaparehong pananaw sa iba pang mna mamamayang Filipino na nagging pokus ng mga naunang pag-aaral at upang patunayan kung mayroon nga talagang culture migration.

Brain Drain Ang human capital flight, o mas mdalas tawagin bilang "brain drain", ay ang malawakang pag-alis ng malaking bilang o grupo ng mga indibidwal na may teknikal na kakayahan o kaalaman. Ang dahilan nito ay kadalasang may dalawang aspeto, ito ay maaaring dahil sa bansa at sa mismong indibidwal. Sa isang bansa, ang mga dahilan ay maaaring ang sosyal na kapaligiran (social environment) halimbawa nito ay: kakulangan ng mga oportunidad, hindi matatag na gobyerno, depresyon sa ekonomiya, mga panganib sa kalusugan, atbp. Samantala, ang ilan naman sa mga
4

http://www.google.com/poeareportonmigration

9 indibidwal na kadahilanan ay: pamilya, sariling kagustuhan, para makapag-lakbay sa ibang lugar, para sa ambisyong mapabuti ang kalagayan sa buhay, atbp. Bagamat ang terminolohiyang ito ay orihinal na tumutukoy sa pag-alis ng mga teknolohikal na manggagawa ng isang bansa, mas lumawig ang kahulugan nito bilang: ang pag-alis ng mga edukado o mga propesyunal na tao mula sa isang bansa, sector ng ekonomiya, o larangan para sa ibang oportunidad, na ang kadalasang dahilan ay para sa mas mataas na kita at mas magandang buhay. Tinawag itong human capital flight sapagkat kasabay ng pag-alis ng mga indibidwal ay ang pagkawala din ng halagang katumbas ng mga pagsasanay na naidulot sa kanila ng bansang kanilang pinag-mulan.5 Naging batayan din ang teoryang ito sa pananaliksik. Sapagkat, ang mga tagatugon ng mga mananaliksik ay mga magsisipagtapos na siyang magiging mga bagong propesyunal ng ating bansa. Ito din ang naging batayan sa pag-pili ng mga tanong sa ipinamigay na mga sarbey kwestyoneyr sa mga tagatugon.

10 Sakop at Limitasyon ng pag-aaral


5

http://www.google.com/braindrainanditseffects

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Kolehiyo ng Pangangalakal at Palatuusan (CBAA) na kinapalooban ng mga magsisipagtapos sa taong panuruan 2011-2012. Binubuo ito ng 20 mag-aaral ng Bastilyer ng Agham sa Palatuusan (BSA) at 80 piling mag-aaral mula naman sa Bastilyer ng Agham sa Pangangalakal (BSBA). Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay kinapalooban ng 100 mga magsisipagtapos sa nasabing Kolehiyo ng Pamantasang Baliuag. Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga bagay na nakaka-apekto sa pagpapasya ng mga magsisipagtapos ng kolehiyo ukol sa lugar na mas nais nilang pagtrabahuhan. Isinaalang-alang din ng mga mananaliksik ang ilang mga bagay sa pangangalap ng mga datos, tulad ng kasarian ng mga tagatugon. Nag-pokus lamang ang mga mananaliksik sa mga magsisipagtapos ng kolehiyo sapagkat ang napiling paksa ng mga mananaliksik ay may kinalaman sa pagpili ng lugar ng hanap-buhay na isa sa mga bagay na pinagdedesisyunan ng mga magsisipagtapos bago pa man dumating ang araw ng kanilang pagtatapos. Kung kaya naniniwala ang mga mananaliksik na sila ang pinaka-angkop na maging tagatugon ng pag-aaral na ito.

11 Katuturan ng mga Talakay

Brain drain Ito ang pag-alis ng mga propesyonal sa isang bansa upang magtrabaho sa ibang bansa. Colonial Mentality Ito ay ang mentalidad na ang kultura ng ibang bansa ay mas maganda at mas nakaka-angat kay sa kultura ng sariling bansa Foreign Citizenship Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng pagkakataon na maging isang legal na mamamayan ng isang dayuhang bansa. Maari itong makuha ng isang tao sa pamamagitan ng matagal na paninirahan sa isang dayuhang bansa, pag-aasawa ng banyaga, o kapag isinilang sa dayuhang bansa. Migration ito ang pag-lipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar. OFW Overseas Filipino Worker o mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. POEA Philippine Overseas Employment Agency, isang ahensyang responsable sa pag-tanggap ng mga trabahador sa ibang bansa. Pasaporte - Ito ay isang dokumento na inisyu ng gobyerno na nagpapatunay sa nasyonalidad at pakay ng pag-alis ng may hawak nito. Ilan sa mga impormasyong makikita ditto ay ang pangalan, kapanganakan, edad, kasarian, at tirahan ng may-ari nito.

Pulse Asia Isa itong organisasyon na itinatag upang masuri kung ano ang reaksyon ng publiko ukol sa mga isyung politikal, pang-ekonomiya, at kultural. Skilled laborers Ito ang tawag sa mga taong may natatanging kakayahan sa pisikal at teknolohikal na gawain, (hal. welder). Tubong lugaw Ito ang tawag kapag ang isang negosyo ay kumikita lamang ng maliit na halaga. Under-employed Ito ang tawag sa mga taong may trabaho na mas mababa sa lebel kumpara sa kurso niyang pinagtapusan. Visa ito ang tawag sa dokumento na nagbibigay pahintulot sa isang tao na pumasok sa isang teritoryo. Ang pahintulot na ito ay maaaring kinakatawan ng isang dokumento o ng tatak sa pasaporte ng taong binigyan nito.6

http://www.google.com/wikipediafreeencyclopedia

KABANATA II KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Ang mga simulaing ito ay nagsilbing patnubay ng mga mananaliksik sa pagsusuri at pangangalap ng mga datos na siyang naging daan upang maisagawa at mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Helen Ramos, sa kanyang pag-aaral na pinamagatang NSAT Performance of the Fourth Year Students of Western Tarlac, ang pangunahin sa mga kailangang bigyan ng pansin ay ang paglinang ng mga mahuhusay na mamamayan sa isang bansa. Para sa kanya, ang mga kabataan na may malaking posibilidad na abutin ang pangarap ng isang bansa ay ang mga nasa kolehiyo. Gumawa siya ng isang pag-aaral upang: (1.) Matulungan ang mga kabataan na maging handa para harapin ang mga pagsubok sa mundo ng paghahanapbuhay as pamamagitan ng career development program. (2.) Maging basihan ng mga mag-aaral para sa kanilang pipiliing hanapbuhay upang mapaunlad ang kanilang saloobin sa paghahanapbuhay na kinakailangan ng isang kontribyutor sa pagpapaunlad ng kaniyang buhay at komunidad. (3.) Magkaroon ng pag-intindi at saloobin sa kanilang 14

15 magiging hanap-buhay at mga kapwa trabahador. (4.) Tulungang malinawan ang mga estudyante sa ibat ibang halaga at saloobin ng isang indibidwal at malaman ang posibleng epekto nito sa kanyang mga desisyon at pagpipilian. (5.) Makapag-bigay ng mga paraan kung saan maaaring matulungan ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa paghahanda ng epektibong gabay sa pag-unlad ng kanilang saloobin sa paghahanapbuhay. (6.) Malaman ng mga otoridad at tauhan ng mga kolehiyo at unibersidad ang kanilang responsibilidad sa paghahanda ng kanilang mga estudyante para sa kanilang pipiliing propesyon.7 Ayon kay Zenaida M. Martinez, mahalagang malaman kung gaano kalaki ang pakikipagkumpitensiya ng isang tao sa kanilang hanapbuhay. Kaya sa pamamagitan ng kaniyang pag-aaral na pinamagatang Competency of the Graduates of KatipunanBased Nonformal Education Program. Isa sa mga inalam niya ay ang kaugnayan sa pagitan ng hanap-buhay ng mga nagsipagtapos at sa kanilang naging pagsasanay. Dapat na pagtuunan ng pansin ng mga tagapagsanay kung paano pa nila pag-iibayuhin ang kanilang pagtuturo upang mas maging handa ang kanilang mga estudyante sa mga pagsubok na kanilang kakaharapin sa mundo ng paghahanapbuhay. At kung hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang pagsasanay sa mga

16
Helen Ramos, NSAT Performance of the Fourth Year Students of Western Tarlac (dinalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)
7

estudyante, kailangan gumawa ang mga tagapagsanay ng mga polisiya na mas makakatulong sa kanilang mga estudyante.8 Sa mga may balak na magtrabaho sa ibang bansa, anu-ano ang mga programa ng ating gobyerno para kanila at sa kanilang pamilya? Iyan ang inalam ni Jones A. GasIb sa kaniyang ginawang pag-aaral na may pamagat na Government Programs for Overseas Contract Workers and Their Dependents in the Cordillera Administrative Region. Ayon sa kanya, may pagkakaiba sa pagitan ng pananaw ang mga tagapagpatupad, mga manggagawa sa ibang bansa, at sa mga pamilya nito. Ang mga ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng mga programang ito ay ganap ang pakikisangkot sa pagpapatupad ng mga ito. Ang mga programa na ipinapatupad sa ating bansa ay bahagya lamang na nakakatulong sa komunidad. Lahat ng programa na kinakailangang madama ang pakikisangkot ng gobyerno ay mas kailangan ng mga manggagawa sa ibang bansa. At meron ding mga malalaking problema na

nakakaapekto sa pagpapatupad ng mga programang ito.9

17 Kaugnay na Literatura
Zenaida M. Martinez, Competency of the Graduates of Katipunan-Based Non-formal Education Program (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)
8

Jones A. Gas-Ib, Government Programs for Overseas Contract Workers and Their Dependents in the Cordillera Administrative Region (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)
9

Ang hanap-buhay ay mahalaga at kadalasang ginugustong parte ng ating buhay. Higit pa pagpunan ng pangangailangan sa pagkain, masisilungan at iba pang mahalaga sa ating buhay ang naging tungkulin nito. Pinupunan din nito ang kahulugan ng layunin, pagsubok, katuparan sa sarili at pagkalinang, kasama din ang kailangang kita para makapagpartisipa ang isang tao sa ikot ng buhay. Marami sa mga kalalabasan ng paghahanapbuhay at karera na kakaharapin ng isang tao ay nakadepende sa kung paano nila gagawin ang kailangan nilang gawin sa kanilang trabaho; hindi ito tungkol sa kung ano ang bokasyon, propesyon, trabaho o karera na kanilang pipiliin. Ito ay kung gaano kahalaga ang hanapbuhay para sa kanila, bilang bahagi ng kanilang buhay.10 Sa isang blog spot sa internet na Answers.com-tagalog, tinalakay ang katanungan na: Bakit dapat magtrabaho ang mga Pilipino sa ibang bansa? Ayon sa nasabing blog spot, Maraming Pilipino ang nakakapag-isip na

mangibangbayan o maghangad na makapagtrabaho sa ibang bansa dahil sa maraming bagay. Una dito ang pagkakaroon ng mas mataas na sahod. Marami silang maibibigay na tulong sa kanilang pamilya. Kaya mas titiisin nalang na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Importante mabigyan sila ng maginhawa at magandang kinabukasan. Pero hindi ko sinasabi na pabor ako na dapat magtrabaho ang mga Pilipino sa ibang 18

10

Yehuda Baruch, Manging Career: Theory and Practice,_____________, 2004

bansa kung may pagkakataon din lang sana na makahanap ng magandang trabaho dito sa ating bansa. Mataas na pasahod na kayang bigyan ng magandang buhay ang pamilya.11 Lahat tayo ay gustong umasenso, pero ang kahulugan ng asenso ay ibat iba para sa ibat ibang tao at nagkakaiba ang mga ito ayon sa sirkumtansiya. At palaging nauugnay sa layuning personal, propesyonal, at organisasyonal ang kahulugan nito. Upang suriin ang tagumpay ng karera mula sa personal na kuru-kuro, maaaring maging batayan ang objective measures o subjective measures.

11

http://tl.answers.com/Q/Bakit_dapat_magtrabaho_ang_mga_Pilipino_sa_ibang_bansa

KABANATA III Pamamaraan at Pinagkunan ng Datos

Ang kabanatang itoy inilalahad ang pinanggalingan ng mga datos, ang pamamaraang ginamit sa pangangalap nito ang disenyo ng pananaliksik at ang pagtutuos na pang-istatistika o tritment na ginamit sa mga datos na nalikom.

Pinanggalingan ng mga Datos Ang mga datos na ginamit sa pananaliksik na ito ay nagmula sa mga mag-aaral na magsisipagtapos sa kursong Bastilyer na Agham sa Palatuusan (BSA) at Pangangalakal (BSBA) sa Pamantasang Baliwag sa kasalukuyang taong panuruan 2011-2012.

Binubuo ito ng 182 na mag-aaral: 27 na BSA at 155 na BSBA. Mula dito ay kumuha ang mga mananaliksik ng 20 BSA at 80 BSBA sa pamamagitan ng random sampling. Sa kabuuan, mayroong 100 na tagatugon ang pag-aaral na ito. Kumunsulta din ang mga mananaliksik ng mga aklat sa Araling Panlipunan, mga di-nalimbag na tisis sa silid aklatan ng Pamantasaang Baliwag at sa Internet upang mas maging makabuluhan ang pananaliksik na ito.

Pamamaraang Ginamit Ang sarbey-kuwestyoneyr ang napiling gamitin ng mga mananaliksik sapagkat ito ang pinaka-epektibo, pinakamadali at pinakakumbinyenteng paraan ng pagkuha ng impormasyon. Ang pamanahong papel na ito ay ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib analisis. Ang metodololohiyang ito ay isang paraan upang makahanap o makakalap ng mga impormasyon at makapagbigay ng maayos na interpretasyon ng mga resulta. Dahil pagpili ng lugar ng hanap-buhay ang napiling paksa ng mga mananaliksik, na tumatalakay sa kung anu-ano ang gusto at batayan ng mga magsisipagtapos ng kolehiyo sa pagpili ng lugar kung saan sila magtatrabaho, ang pamamaraang ito ang pinakaangkop ng gamitin. Ito ay dahil makapagbibigay ito ng maayos na paglalarawan sa mga nalikom na impormasyon.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan lamang ng simpleng istatistikal na pamamaraan. Nagkaroon ng masusi at maingat na pagta-tally ng mga impormasyong mula sa mg sagot ng mga tagatugon. Upang mas maging mabisa, gumamit ang mga mananaliksik ng pie-chart at bar graph bilang representasyon kung saan ang bawat tugon ay may katumbas na porsiyento. Sa pagkuha ng porsiyento ng mga tugon ginamit ng mga mananaliksik ang pormulang ito: % = n/D 12 Kung saan:
12

% = porsiyento

http://www.google.com/basicmathformulas

n = bilang ng tugon D = kabuuang populasyon

KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat ukol sa impormasyon sa mga pangunahing dahilan na nakaka-apekto sa pagpapasya ng mga magsisipagtapos kung saan nila mas nais magtrabaho. Sentro ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasa ika-apat at ika-limang antas ng Bastilyer ng Agham sa Palatuusan (BSA) at Pangangalakal (BSBA) sa Pamantasang Baliwag. Nagpakalat ng 100 kopya ng palatanungan ang mga mananaliksik sa Kolehiyo ng Pangangalakal at Palatuusan (CBAA). Partikular sa mga nasa ika-apat at ika-limang taon. Gamit ang mga datos na nakalap mula sa mga tagatugon, matagumpay na nasagot ang mga katanungan ng mga mananaliksik tulad ng mga sumusunod:

1. Saan mo mas gustong magtrabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral?

GRAP 1
Ibang Bansa - Lalaki 11% Pilipinas - Babae 36%

Ibang Bansa Babae 24% Pilipinas - Lalaki 29%

Ayon sa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik, lumalabas na mas malaking porsiyento ng mga tagatugon ang nagsabi na mas nais nilang manatili sa Pilipinas upang ditto na lamang maghanap-buhay kay sa mangibang-bansa. Sa 100 na tagatugon, 65 ang nagsabi na mas nais nilang manatili sa Pilipinas. Hindi hamak na mas malaki ang bilang na ito kumpara sa 35 na nagsabi na mas nais nilang sa ibang bansa maghanap-buhay. Sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga nakuhang sagot at napag-alaman na 36 sa 65 na pumili sa Pilipinas ay pawing mga babae, habang 29 naman sa mga ito ay mga lalaki. Samantala, sa 35 naman na mas piniling sa ibang bansa na lamang magtrabaho, 24 sa kanila ay mga babae at 11 lamang ang mga lalaki. Sa unang tingin, masasabi na mas marami ang mga kababaihan na pumili sa Pilipinas bilang lugar kung saan mas nais nilang magtrabaho kay sa mga kalalakihan. Subalit, natural lamang ito sapagkat hindi hamak na mas madami din ang bilang ng mga

kababaihan kay sa mga kalalakihang tagatugon. At kung susuriin lamang ng mabuti, ay masasabi na mas madami talaga ang bilang ng mga kalalakihan na nag-nanais na manatili sa ating bansa kaysa mga kababaihan at ito ay masasalamin sa tsart sa itaas. Kung mapapansin, ang 29 na bilang ng mga lalaki na pumili sa Pilipinas ay mahigit doble kumpara sa 11 lalaki lamang na pumili sa ibang bansa, habang ang isang beses lang ang lamang ng mga kababaihan na pumili sa Pilipinas kay sa ibang bansa.

2. Sa mga pumili ng Pilipinas, narito ang mga bagay na naka-apekto sa desisyon ng mga tagatugon.

GRAP 2

Ayon sa pagsisiyasat ng mga mananaliksik, lumagay sa unang pwesto ang PAGIGING-MAKABAYAN na may 83% na tugon, nangangahulugan lamang ito na

marami pa rin sa mga magsisipagtapos ang makabayan at naniniwala na mas dapat bigyang prayoridad ang pagsisilbi sa bayan kay sa dayuhang bansa. Pumangalawang pwesto naman ang PAGIGING-KONTENTO SA SIMPLENG PAMUMUHAY, nagtala ito ng 65% na tugon, nangangahulugan lamang ito na kahit paano ay mayroon pa ring mga kontento na sa mga oportunidad na kayang ipag-kaloob ng ating bansa o hindi naman kaya ay makapag-tayo ng negosyo kahit tubong-lugaw lamang basta ang mahalaga ay nakakaraos sa araw-araw. Pumangatlong pwesto naman ang KAKULANGAN SA KAKAYAHANG MAKIPAGTALASTASAN GAMIT ANG BANYAGANG WIKA. Nag-tala ito ng 60% na tugon. Base sa resulta, ipinagpapalagay ng mga mananaliksik na dahil sa kakulangang ito sa kasanayan sa pag-gamit ng wikang banyaga tulad ng Ingles ay nakaka-bawas sa kompiyansa sa sarili ng isang estudyante na siyang nagiging dahilan upang maisip nila na wala din silang pagkakataon na magkaroon ng magandang hanap-buhay sa ibang bansa kahit tapos siya ng pag-aaral at kahit pa hindi maikakailang mas madaming mga oportunidad sa ibang bansa kumpara sa ating bansa, kung kaya naman mas pinipili na lamang nila na manatili sa Pilipinas.

3. Sa mga pumili ng Ibang Bansa, narito ang mga bagay na naka-apekto sa desisyon ng mga tagatugon.

GRAP 3

KABANATA V Lagom, Kongklusyon at Tagabilin Ang kabanatang ito ay inilalahad ang kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik. Dito makikita ang pag-bubuod ng kabuoang pag-aaral at ang mga kongklusyon at tagubilin ng mga mananaliksik.

Lagom Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung saan mas nais magtrabaho ng mga magsisipagtapos sa Pamantasang Baliwag partikular sa Kolehiyo ng Pangangalakal at Palatuusan (CBAA) ng taong akademiko 2011-2012 at upang malaman kung anu-ano ang mga bagay na kanilang isinasaalang-alang sa pagdedesisyon ukol dito. Gumamit ng disenyong deskriptib-analitik ang mga mananaliksik at nagsagawa ng sarbey sa mga kapwa mag-aaral. Sa kabuuan, mayroong 100 na tagatugon ang pananaliksik na ito.

Narito ang mga kasagutang nabuo ng mga mananaliksik base sa mga nakalap na datos: Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, napag-alaman ng mga mananaliksik na mas marami pa rin sa mga magsisipagtapos ang nais na manatili na laman sa sariling bansa kay sa makipag-sapalaran sa ibang bayan. Pinatutunayan lamang nito na marami pa rin ang makabayan sa panahon ngayon. Maliban dito napatunayan din ng mga

mananaliksik na may iba pang mga kadahilanang nakaka-apekto sa kanilang pagdedesisyon. Una, marami pa rin sa mga magsisipagtapos ng kolehiyo ang hindi sapat ang kakayahan sa pakikipag-talastasan gamit ang ibang lenguahe kung kaya nakakabawas ito ng kanilang kompiyansa sa sarili na siyang pangunahing kailangan sa paghahanap ng trabaho. Ikalawa, mahalaga sa kanila ang relasyon sa pamilya na isa sa mga katangian nating mga Pilipino kung kaya hindi sila sanay na mapalayo sa mga ito. Ikatlo, hindi sila sang-ayon sa posibilidad na maging under-employed sa ibang bansa o magkaroon ng hanap-buhay na mas mababa sa kanilang pinagtapusan. Gayun pa man, may mga nagnanais pa din na mangibang-bansa upang doon magtrabaho. Sa tulong ng pag-aaral na ito, napag-alaman namin na: Una, karamihan sa mga tumugon na nais nilang sa ibang bansa magtrabaho ay may mga kamag-anak na nasa ibang bansa din na maaaring makatulong sa kanila sa pag-aaplay ng trabaho. Ikalawa, ang paghahangad nila na magkaroon ng mas malaking kita at magkaroon ng mas maraming opurtunidad na hindi makikita sa Pilipinas ay isa din sa kanilang isinasaalang-alang. At ikatlo, bagamat maliit na porsiyento lamang,

mayroon pa rin ang nagsabi na gusto nila na magkaroon ng foreign citizenship na nagpapatunay laman na may colonial mentality talaga ang mga Pilipino. Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pananaliksik na ito. Napatunayan ng mga mananaliksik ang ilang mga bagay at nabigyang kasagutan din ang mga katanungan at suliranin.

Kongklusyon Sa pagtatapos ng makabuluhang pag-aaral na ito ay nasagot ang aming mga suliranin. Dahil sa mga pagsisiyasat, napag-alaman namin na mas nakararami pa rin sa mga magsisipagtapos mula sa CBAA ang nag-nanais na manatili sa ating bansa upang magtrabaho. Pinatunayan lamang nito na kahit paano ay marami pa rin sa atin ang makabayan. Napatunayan din ng pag-aaral na ito na mahalaga sa ating mga Pilipino ang relasyon natin sa ating pamilya kung kayat kahit limitado lamang ang mga oportunidad sa ating bansa kumpara sa iba ay kontento pa rin tayo sa pananatili sa ating bansa kasama ang mga nagpapasaya sa atin. Isinasaalang-alang din ng marami sa mga magsisipagtapos ang kanilang kasanayan sa pakikipag-talastasan gamit ang wikang banyaga kung kayat iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagpapalawig sa paraan ng pag-tuturo ng mga asignaturang kaugnay nito. Sa kabilang dako, mayroon din naming mga nagnanais pa din na mangibangbansa upang doon magtrabaho at kapansinpanis na karamihan sa kanila ay may mga kamag-anak na sa ibang bansa kung kaya ito ang kanilang naging pasya bukod pa sa

kadahilanan na mas naghahangad sila ng mas magagandang opurtunidad at mas malaking kita. Mayroon din naming nagnanais na makatagpo ng mapapangasawang banyaga at magkaroon ng foreign citizenship bagaman maliit na porsiyento lamang. Sa kabuuan, mas maraming bilang pa rin ng mga magsisipagtapos sa CBAA ang ayaw makipag-sapalaran sa ibang bansa sapagkat batid nila na walang kasiguraduhan na may magandang bukas nga na naghihintay sa kanila sa dayuhang lupa. At hindi din sila sang-ayon sa posibilidad na magkakaroon ng mas mababang uri ng hanap-buhay sa ibang bansa kumpara sa tinapon nilang kurso dito sa ating bansa. Subalit, mayoon din naming handing sumugal para sa mas malaking kita at mas magandang opurtunidad na mapaganda ng antas ng kanilang pamumuhay at sa kanilang pananaw ay sa ibang bansa nila ito matatagpuan.

Mga Tagubilin Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ng mga mananaliksik ang ilang tagubilin:

Sa mga Mag-aaral Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Pangangalakal at Palatuusan (CBAA). Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

pagsasagawa ng kaparehong pag-aaral na kapapalooban ng mas malaking populasyon para sa mas makabuluhang resulta. Iminumungkahi din ang pagsasagawa ng mga kaugnay na pag-aaral para sa iba pang departamento at kolehiyo ng Pamantasang Baliwag para maikumpara kung mayroon mang kapansin-pansin na pagkakaiba o pagkakatulad pagdating sa kanilang pagpapasya.

MGA DAHONG DAGDAG

TALASANGGUNIAN

TALASANGGUNIAN AKLAT Michael DC. Rama et.al., PILIPINAS: Isang Sulyap at Pagyakap,(Makati City: EdCrisch International, Inc.), 46 Florencia C. Domingo, Araling Panlipunan: Batayang Aklat(Pasig City: EdCrisch International, Inc.), 95 TISIS Helen Ramos, NSAT Performance of the Fourth Year Students of Western Tarlac (dinalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan) Zenaida M. Martinez, Competency of the Graduates of Katipunan-Based Non-formal Education Program (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan) Jones A. Gas-Ib, Government Programs for Overseas Contract Workers and Their Dependents in the Cordillera Administrative Region (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan) MAGASIN Yehuda Baruch, Manging Career: Theory and Practice,_____________, 2004

INTERNET http://www.migrationinformation.org http://www.google.com/poeareportonmigration http://www.google.com/braindrainanditseffects http://www.google.com/wikipediafreeencyclopedia http://www.google.com/basicmathformulas http://tl.answers.com/Q/Bakit_dapat_magtrabaho_ang_mga_Pilipino_sa_ibang_bansa

KURIKULUM BAYTA

Jerome Paguio Dela Cruz


Address: Zone 6 Masalipit, San Miguel, Bulacan Numero: 09099630670 | Email: jerome_pdelacruz@yahoo.com.ph PANSARILING TALA Araw ng Kapanganakan: Kasarian: Relihiyon: Hulyo 23, 1993 Lalaki Katoliko

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL KOLEHIYO BALIUAG UNIVERSITY Baliwag, Bulacan BS in BUSINESS ADMINISTRATION Major in Management Accounting SEKONDARYA JOHN J. RUSSELL MEMORIAL HIGH SCHOOL San Miguel, Bulacan 3rd Honorable Mention ELEMENTARYA SIBUL ELEMENTARY SCHOOL San Miguel, Bulacan 4th Honorable Mention KARANGALAN

2009 Kasalukuyan

2005 2009

1999 2005

3rd Honorable Mention John J. Russell Memorial High School 4th Honorable Mention - Sibul Elementary School AKTIBIDAD Management Accounting Society (MAS) Miyembro Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) Miyembro Business Administration and Accountancy Students Association (BAASA) Miyembro

2009 2005

2011 - Kasalukuyan 2009 - Kasalukuyan 2009- Kasalukuyan JEROME P. DELA CRUZ Mag-aaral

Raymond Tubangui Abalos


Tirahan: 155 Purok 2 Barit, Candaba, Pampanga Numero: 09351598660 | Email: raymondabalos12@yahoo.com PANSARILING TALA Araw ng Kapanganakan: Kasarian: Relihiyon: Disyembre 12, 1992 Lalaki Katoliko

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL KOLEHIYO BALIUAG UNIERSITY Baliwag, Bulacan BS in BUSINESS ADMINISTRATION Major in Management Accounting SEKONDARYA SAINT JOSEPH SCHOOL OF CANDABA Tenejero, Candaba, Pampanga Salutatorian ELEMENTARYA BARIT ELEMENTARY SCHOOL Barit, Candaba, Pampanga Valedictorian KARANGALAN 2009 Kasalukuyan

2005 - 2009

1999 - 2005

Salutatorian - Saint Joseph School Of Candaba Valedictorian - Barit Elementary School AKTIBIDAD Business Administration And Accountancy Students Association (BAASA) Miyembro Management Accouting Society P.R.O. Sangguniang Kabataan Kagawad

2009 2005

2011-Kasalukuyan

2011-Kasalukuyan 2010-Kasalukuyan RAYMOND T. ABALOS Mag-aaral

Marvin Morella Villangca


Tirahan: 206 Dr. Guizano St., Capihan, San Rafael, Bulacan Numero: 09231610168 | Email: marvin.villangca@gmail.com PANSARILING TALA Araw ng Kapanganakan: Kasarian: Relihiyon: Agosto 26, 1992 Lalaki Iglesia Ni Cristo

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL KOLEHIYO BALIUAG UNIVERSITY Baliwag, Bulacan BS in BUSINESS ADMINISTRATION Major in Management Accounting SEKONDARYA MARIANO PONCE NATIONAL HIGH SCHOOL Baliwag, Bulacan ELEMENTARYA SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL San Rafael, Bulacan Salutatoriyan KARANGALAN

2009 Kasalukuyan

2005 2009

1999 2005

Deans Lister (2011 2012) - Baliuag University Salutatoriyan - San Roque Elementary School AKTIBIDAD Management Accounting Society (MAS) Miyembro Students In Free Enterprise (SIFE) Miyembro Business Administration and Accountancy Students Association (BAASA) Miyembro

March 17, 2011 2005

2011 - Kasalukuyan 2011 - Kasalukuyan 2009-Kasalukuyan MARVIN M. VILLANGCA Mag-aaral

Edgardo Abantodela Cruz Jr.


Tirahan: 672 Aguilar St.,Caingin, San Rafael, Bulacan Numero: 09279483983| Email: msyu097@yahoo.com PANSARILING TALA Araw ng Kapanganakan: Kasarian: Relihiyon: August 15,1993 Lalaki Baptist

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL KOLEHIYO BALIUAG UNIERSITY Baliwag, Bulacan BS in BUSINESS ADMINISTRATION Major in Management Accounting SEKONDARYA GRACE CHRISTIAN ACADEMY Sabang, Baliwag, Bulacan ELEMENTARYA GRACE CHRISTIAN ACADEMY Sabang, Baliwag, Bulacan KARANGALAN Salutatoriyan - Grace Christian Academy 2009 Kasalukuyan

2005 - 2009

1999 - 2005

2009

AKTIBIDAD Management Accounting Society (MAS) Miyembro Business Administration and Accountancy Students Associtaion (BAASA) Miyembro 2011-Kasalukuyan 2009-Kasalukuyan

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) Miyembro

2009 - Kasalukuyan

EDGARDO A. DELA CRUZ JR. Mag-aaral

Mark Anthony Robles Lazaro


Tirahan: 047 Rose St., Sulivan, Baliwag, Bulacan Numero: 09261318077| Email: mark_anthony2893@yahoo.com PANSARILING TALA Araw ng Kapanganakan: Kasarian: Relihiyon: Pebrero 8, 1993 Lalaki Katoliko

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL KOLEHIYO BALIUAG UNIERSITY Baliwag, Bulacan BS in BUSINESS ADMINISTRATION Major in Management Accounting SEKONDARYA MARIANO PONCE NATIONAL HIGH SCHOOL Baliwag, Bulacan ELEMENTARYA TILAPAYONG ELEMENTARY SCHOOL Baliwag, Bulacan AKTIBIDAD Business Administration And Accoutancy 2011-Kasalukuyan 2009 Kasalukuyan

2005 - 2009

1999 - 2005

Students Association (BAASA) Pangalawangingat-Yaman Sangguniang Kabataan Kagawad Mnistry Of Altar Servers Miyembro 2010-Kasalukuyan 2006-Kasalukuyan

MARK ANTHONY R. LAZARO Mag-aaral

Você também pode gostar