Você está na página 1de 7

Aralin 2

Mahatma Ghandi Alam mo ba?


Mohandas GHandi Si Mohandas Ghandi ay iasng dakilang guro, isang idealista, at praktikal na tao. Siya ay higit na kilala sa pangalang Mahatma na hango sa wikang Sanskrit na ang ibig sabihin ay Dakilang Kaluluwa o Dakilang Nilalang. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 2, 1869 sa Porbandar, India. Ang kanyang ama ay si Karamchand Ghandi at ang kanyang ina ay si Putlibai. Itinuro ni Putlibai sa kanyang mga anak ang ahimsa o dikarahasan, at pagiging tapat. Noong siyay labintatlong gulang pa laman, ikinasal siya kay Kasturbai na labintatlong gulang din ayon sa kaugaliang Hindu.

Mga Elemento ng Tula


Sukat at tugma ng tula Pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtud ay tinatawag na tugma. Ito ay may dalawang uri-ang tugmang ganap at di-ganap.

Ganap ang tugma kapag magkakapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod. Halimbawa: Ang paglilider moy namumukod-tangi Pulos halimbawat walang talumpati; Iyong inaakay ang buo mong lahi Sa paghihimagsik na may ibang uri.

Di-ganap kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod, ngunit magkakaiba ang titik. Halimbawa: Maganda ang ulan na papatak-patak, Sa gitna ng bukid ay butil ng perlas; Maganda ang ibon na lilipad-lipad, Sa langit ay muntingbangkang naglalayag.

Sukat-ito ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong. Sesura-Ang saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas sa kalagitnaan ng bawat taludtod, pagkatapos ng ikaanim na pantig na nilagyan ng panandang -.

Iba pang Elamento ng Tula (larawang-Diwa at Simbolismo)

1. Larawang-Diwa (Imagery)- Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mamababasa.

2. Simbolismo (Symbol)- Ito ang mga salita sa tulang may kahulugan sa mapanuring isipan ng mamababasa.

Isaisip natin
PANANDNAG KOHESYONG GRAMATIKAL Ang mga koheyong gramatikal ay mga panghalip na tulad ng ako, siya, kanila, at ikaw. Halimbawa: Marahil pinakabantog sa mga dakilang pilosopong Tsino si Confucius. Nagsimula siyang magturo sa gulang na 22. Siya ay naglilingkod din sa pamahalaan subalit napilitang tumiwalag dahil hindi niya maunawaan ang namumuno. Naniniwala siyang dapat makatao ng mga namumuno, at dapat hirangin ang mga naglilingkod sa pamahalaan batay sa kakayahan.
Kohesyong Gramatikal

ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN

Ako, ikaw, ka, siya Kita, tayo, kayo, sila Kami, kayo, sila

Ko, mo, niya Natin, ninyo, nila Namin, ninyo, nila

Akin, iyo, kanya Atin, inyo, kanila Amin, inyo, kanila

Aralin 5
Amerikanisasyon ng isang Pilipino
Alam mo ba? Si Ponciano B.P. Pineda ay itinuturing na Ama ng Komisyon ng Wikang Pilipino dahil sa matiyagang pagsusulong niyang maitatag ang komisyon batay sa Seksyon 9 ng ating Saligang-Batas. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay sinimulan niya ang mga sosyolinggwistikang pananaliksik na naglalayong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Pilipino.

Alamin Natin

PAGLALARAWAN
Paglalarawan- ay isang uri ng pagpapahayag na nagpapakita ng hugis, kabuuan, o kaanyuan sa pamamagitan ng mga salitang panlarawan.

Upang maging mabisa ang paglalarawan, kailangan ang mga sumusunod:


1.

Pagpili ng paksa. Mahalaga kung may kaugnayan sa sumusulat at


hindi bago sa kanyang paningin ang tao o bagay na inilalarawan.

2.

Pagbuo ng isang batayan.Unang kakintalan ng bagay, pook, at tao


o pangyayaring inilalarawan sa bumabasa o nakikinig.

3.

Pagpili ng sariling pananaw.Ito ay ang pagtingin ng sumusulat sa


isang bagay na kanyang inilalarawan na pinagkukunan niya ng pangunahing kakintalan.

4.

Pagpili ng sangkap.Hindi lamang mga bahaging bumubuo sa


pangunahing larawan ang dapat isama.

Dalawang uri ng Paglalarawan


1.

Karaniwan.Pangunahig layunin nito ang makabuo lamang ng isang


malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa o nakikinig.

2.

Masining.Napupukaw ang guni-guni ng bumabasa o nakikinig.

Isaisip Natin
PANG-URI AT KAANTASAN NITO

Pang-uri tawag sa mga salitang naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip. 1. Lantay- naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip Halimbawa: Ang muling pagbabalik sa kanilang katutubong kultura na matagal ding naitago ng mga mananakop ay muling binubuhay.

2. Pahambing- pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.Ito ay may dalawang uri. a. Magkatulad- paghahambing kung patas sa katangian ag pinagtutulad. Halimbawa: Magkasinlaki ang problemang naidudulot ng polusyon sa tubig at polusyon sa lupa.
b.

Di-magkatiulad- ang paghahambing kung nagibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat. (1) (2) Palamang-May higit na positibong katangian. Pasahol-May higit na ngatibong katangian

3. Pasukdol-nasa pinakadulong digri ang kaantasang pasukdol.

Você também pode gostar