Você está na página 1de 3

Group 1: PANAGHOY NG GERERO (Kylie & Marie) 1. Tulad ng binatang nakagapos, ang gererong Moro ay iyakin din.

Sa palagay mo, kapani-paniwala ba ang isang gererong iyakin? Ipaliwanag. 2. Kabaligtaran ng ama ng nakagapos ang ama ng gerero ang siya pang naging karibal ng sariling anak sa kamay ni Flerida. Sadyang mahiwaga ang pag-ibig. Maging mag-aamay nag-aagawan sa isang babae, nang dahil sa pag-ibig. May maibibigay ka bang halimbawa ng katu;ad na pangyayari na naganap sa inyong pook, o kayay nabasa mo sa pahayagan? GAWIN: Ihanay ang mga pang-uring ginamit o maaaring gamitin sa paglalarawan sa ama ng gerero, at sa ama ng nakagapos. Anong larawan ang mabubuo? Pang-uri Ama ng Nakagapos Ama ng Gerero

Group 2: DALAWANG NAGNGANGALIT NA LEON (Celine & Joseph) 1. Ang pananaw o point of view ang tagapagsalaysay o mata sa isang akda, na sa pamamagitan nito ay nababatid ng mga mambabasa ang mga pangyayari. Anong uri ng pananaw ang ginamit sa awit na Florante at Laura? Ipaliwanag at gumamit ng halimbawa. 2. Noong panahon ni balagtas, namamayani ang mga akdang tigib ng kababalaghan o mga pangayayaring waring kataka-taka at di-kapanipaniwala. Isa rito ay ang inilalarawan sa araling ito: ang pagtigil ng mga lepn sa harap ng binate upang panoorin muna ang sisilaing biktima. Dahil ditto, nagkaroon pa ng panahon ang binate na mamaalam sa baying Albanya at sa minamahal na si Laura. Kung ituturing ang Florante na isang alegorya, ang mga leon ay sagisag ng ibang bagay. Ano sa palagay mo ang sinasagisag ng dalawang leon? GAWIN: 1. Magkwento ng mga kababalaghan at halos di-kapani-paniwalang pangyayari na narinig mo o nabasa mo. 2. Suriin ang limang kwento sa iyong aklat sa panitikan (maaaring Ingles). Isulat ang pamagat at ang pananaw na ginamit sa bawat isa.

Group 3: ANG TAGAPAGLIGTAS (Dj & Sherikka) 1. Isalaysay kung paano ipinagtanggol ng gerero ang binate laban sa mga leon. 2. Bakit tinawag na bagong Marte ang gererong Moro? 3. Kung ikaw ang nasa lugar ng gerero, ililigtas mo rin ba ang binate? Bakit? GAWIN: 1. Mayaman ang wikang Filipino sa mga salitang may onomatopeya. Magbigay pa ng mga halimbawa. 2. Anong mga pangyayari sa buhay ng tao ang karaniwang kinaaawaan natin? Magkwento ng ilang pangyayaring nasaksihan mo.

Group 4: SA KANDUNGAN NG GERERO (Jonah & Luigi) 1. Ano ang naging reaksyon ng binate nang makitang kandong siya ng isang Moro? Basahin ang saknong na nagpapakita ng naging reaksyon niya. 2. Kristiyano ang binatang nakagapos,samantalang Moro (o sa tamang salita, Muslim) naman ang gerero. Gayunman, ipinamalas ng gerero na bagamat may ibat ibang paniniwalang panrelihiyon ang mga ito, iisa ang batas ng langit na kanilang sinusunod. Ito ang tinatawag na unibersalidad ng relihiyon. Naniniwala siyang may iisang batas na sinusunod ang mga tao: ang batas ng pagkakakapatiran ano man ang relihiyon. Ano naman ang paniniwala mo tungkol dito? 3. Nabigla ang binate nang magmulat ng mata at makitang nasa kandungan siya ng isang Moro, na isang kaaway sa relihiyon. Hinusgahan niya agad ang Moro sa pananamit o sa panlabas na anyo. Sa kabilang dako, pansining hindi nag-atubili ang gerero sa pagtulong sa binatang di niya kapanalig sa relihiyon. Ano sa palagay mo ang ibig ipahiwatig ni Balagtas sa bagay na ito? Sa paglalarawan ng tauhan, ano naman ang ipinapahiwatig nito tungkol sa katauhan ng binate? Sa palagay mo, tama bang husgahan ang kapwa sa panlabas na anyo? GAWIN: 1. May kaibigan ka bang di-Kristiyano? Isang Muslim halimbawa? Ilarawan siya. O marahil ay may nabasa kang kwento ng isang di-Kristyano na higit pang Kristiyano kaysa sa mga Kristiyano. Isalaysay. Group 5: MGA MAPAGPALANG KAMAY( Myrrel & Celina) 1. Sa biglang malas, waring hindi kapani-paniwala ang pag-aalaala ng gerero sa binate. Hindi ito natulog upang mabantayan ang binatang noon lamang nakilala. Sa kabilang dako, sinasabing nakababawas sa sariling kalungkutan ang pagkaalam na mas matindi ang kalungkutan ng iba. Ito marahil ang dahilan ng labis na pag-aalaala ng gerero sa binatang iniligtas niya. Sang-ayon k aba sa pagpapakahulugang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. Kung ikaw ang gereo, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? GAWIN: 1. Iguhit ang pagliligtas ng gerero sa binatang nakagapos.

Group 6: KABATAAN NI FLORANTE/LAKI SA LAYAW (Helena, Cathy & Bianca) 1. May nagsasabing Plorante raw at di Florante ang tamang baybay ng panglan ng ating bayani. Sumipi ng mga patunay na saknong. May dapat bang pagtalunan? Ayon kay Shakespeare, a rose by any other name is just as sweet. Sang-ayon k aba?

2. Sa araling ito, nangangaral si Balagtas tungkol sa tamang pagpapalaki ng mga anak. Ngunit di tahasan ang pangangaral. Sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa kabataan ni Florante, naipahayag ni Balagtas ang aral na di dapat palakihin sa layaw ang bata upang matutong humarap sa mga problema paglaki niya. Sang-ayon k aba na nagiging masama ang anak dahil sa maling turo ng magulang? Ipaliwanag ang iyong sagot. Sa pamilya mo, pinalalayaw ba kayong magkakapatid ng inyong mga magulang? GAWIN: 1. Subukin namang kunin ang aral sa mga sumusunod: a. S198 Sapagkat ang mundoy bayan ng hinagpis, Mamamayay sukat tibayan ang dibdib; Lumaki sa tuway walang pagtitiis Anong ilalaban sa dahas ng sakit!

b. S197 Pag-ibig anakiy nakilala, Di dapat palakihin ang bata sa saya; At sa katuawaay kapag namihasa. Kung lumakiy walang hihinting ginhawa. c. S202 Ang laki sa layaw karaniway hubad sa bait at munit sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak.

Você também pode gostar