Você está na página 1de 12

Ang Mangingisda

ni Ponciano Pineda

Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides. Ito ang kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang mga bagay na ito and nagsilang ng kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan. Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides. "Kung maari sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?" Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang. Nauunawaan niya ang katotohanang ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pagaalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides. Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides. "E ano and magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling swertihin ako mamayang gabi." Sinabi niya ito upang mapaliwanag upang humingi ng muling kaluwagan upang kahit paano'y hugasan ng kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay. Nalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... " "Bukas ho'y tinitiyak kong makakabayad na ako." Gabi ng nga umalis siya sa Tangos. Nakagapis siya sa dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan. Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib ibig niyang magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na
1

pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides. Makakapagkarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ang kanyang barko ang kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" itatanong niya. Siya'y sasagutin. At "ako'y tatlumpong araw,"sasabihin niya pagkatapos. Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong ng payabong, paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya sa kung gabi'y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan. "Balang araw, Inang." Ang pagtatapat niya isang gabi, "bibili ako ng lantsa." Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng gayon. "Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-araw." "Magsasampa tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na. Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw ang nagliliwanag na punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig hanggang sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng mga taong nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa. "Talagang bibili ako ng lantsa, Inang." Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang. Ang kaligayahan na tao anak. Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. Ang diwa nyay nasa malayo. Nasa dagat, nasa laot Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda, bago siya nakapagtipon ng sapat na salaping ibinili ng motor. Iyon ay isang makasaysayang pangyayari, isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walang pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan sa kanyang sarilit sa kanyang ina. Di na ako ganong mahihirapan sa pagsagwan kapag akoy napapalaot. Ito na ang simula, Inang Naunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak. Huwag mong kakalimutanang Maykapal, anak, ang sabi ng kanyang ina. Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit, ng sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsan. Kagaya ng kung siyay hindi pinapalad. Kagaya nitong tatlong araw na nangagdaan.

Nakabili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang damdamin ni Don Cesar nang siyay unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika niya sa sarili. Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng punduhan. Ang kanyang sariliy malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo; samantalang siyay hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man lamang. Itoy katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumunimuni. At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tigang gawing hilaga ng ilog; doon ay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, mga bangkang malalaki , may mga bagay na nagandahan, may mga lantsa,may mga barko, ngunit sa gawing timog-sa kanilang pook- ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog, bangkang maliliit,mga manggagawa; mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang. Ang kanyang mga pagtatanong ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar at ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides! Nagging tatlo ang lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palaki ang punduhan nina Fides. At siya nagtutumibay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa; higit pang nagkakulay ang kanyang paghanga sa punduhan. Minsan narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipinapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar. Isang Labas lang pala ng bagong lantsa ni Don Cesar ay halos bawi na ang puhunan, ang pagbabalita ng isa. At ang pakinabang sa isang labas, kung sinusurwtey santaaon na nating kikitain , naganyakang kanyang kalooban. Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Binulatlat ang baluatan. Kay gaganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makakauwi na siya nang ,ay dalang isda, maraming isda. Makababayad na siya kay Fides. Sandali lamang ang pagsabog iyon. Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang Bangka bago dumating ang patrulya sa mga baybayin.saglit nyang piata ang kanyang motor at mga lantsang pamalakaya. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng patrulya. At pinaugong uli ang kanyang motor. Hindi na sya nayayamot. Naliligayahan na siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. Kumilos ang kanyang lantsa. Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita. Maiging pinagdikit ang mitsa niyon,at kinambal ng dalawang bagay. Masisiyahan ang kanyang ina paggising nito kinaumagahan.Sinuwerte ako, Inang , sasabihin niya. Ay! Salamt sa Diyos! sasabihin naman ng kanyang ina. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit siya ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina. Sinuwerte ako, Inang Sinuwerte ako. Kiniskisan ang posporo. Tumilamsik ang ga-buhangung baga. Ayaw magdingas ng palito. Idinikit sa kanyang kilikiliang gilid ng posporo. Nag-init . ikiniskis uli. Hinipan ang hangin. Inilapit, idinikit na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitang mahigpit na kamal sa kanyang kanang kamay, sumagitsit parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabayhalos ng siklab na sumugat sa gabiy isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan.

BUOD Ang maliwanag na ilaw sa punduhan nina Fides at lantsa ni Don Cesar ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang pangarap at umunlad sa buhay. Nais din ng mangingisda na magkaroon ng punduhan at lansta. Madalas siyang nangungutang ng langis at gasolina sa punduhan ni Fides at kung mahina ang kanyang huli ay hindi siya nakakabayad. Hindi siya makatitig sa naniningkit na mata ni Fides tuwing uutang siya. Sa mga sulyap pa lamang na iyon ay alam na niya ang nais nitong ipahiwatig na hindi na namn siya makakabayad. Tuwing papanaog siya sa laot, lumalakas ang kanyang loob at hangaring magkakaroon din siya ng lantsa tulad ng lantsa ni Don Cesar na nasa babayin ng punduhan ni Fides. Kapag nagkaroon siya ng lantsa ay matutungo din niya ang layong inaabot ng lanstang pamalakaya. Makakabayad na siya ng utang kay Fides at makaktitig na sa singkit nitong mata. Ngunit lagi siyang pinaaalalahanan ng kanyang ina na huwag mangarap ng mataas. Maging masaya na nahuhuli na makakasuporta na sa araw-araw na pamumuhay. Madalas din siyang inaaliw sa mga pangaral na manlig sa Maykapal sapgkat ito lang ang makakatulong sa mga problema na darating sa kanila. Ngunit madalas na siyang nawawalan ng pananalig sa pagtatakang ang mga taga-Hilaga ay maganda ang buhay, may mga pagawaan ng bangka, may punduhan, may lantsa at sa Timog sa kanilang pook ay puro bahay na pawid na nagsilawit sa ilog. Patuloy siyang nagtatanong kung bakit tatlo na ang lantsa ni Don Fides at lumalaki na ang punduhan ni Fides ngunit siya wala pa kahit isa. Patuloy siyang nangangarap habang sinisindihan ang dinamitang inaakalang magpapaganda ng kanyang buhay. Binilisan niya ang paghagis bago dumating ang patrolya. Ngunit hindi na siya mahuhuli ng patrolya sapagkat wala na, wala na siya. II. Ang May-akda Ang may akda ng maikling kwentong Ang Mangingisda ay si Ponciano Pineda. Si Ponciano B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogada. Itinuring si Ponciano Pineda bilang Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.[1] Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan. Ang Diksyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda. Inilathala ni Pineda ang Diksyunaryo ng Wikang Filipino, na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya. Sa tulong ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pilipino na si Jose Villa Panganiban, nakapagtapos si Pineda sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1948 sa kursong Associate in Arts. Bukod dito, naging patnugot rin si Pineda ng Filipino sa Varsitarian. Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko, isa rin siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino. Kabilang sa kanyang mga akdang pambalarila ang Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan, Pandalubhasaan Sining Ng Komunikasyon, at Sining Ng Komunikasyon Para
4

Sa Mataas Na Paaralan. Pinarangalan ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang gantimpala para sa kanyang mga maikling kuwentong Ang Mangingisda (1958) at Malalim ang Gabi (1953). Kung ating mapapansin eksperto siya sa kulturang Pilipino, nangangahulugan na alam niya ang buhay ng mangingisda lalo pa at ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino dahil ang ating bansa ay isang arkipelago. IV. Mga Tauhan Ang Mangingisda Sa kanya umikot ang buong kwento at ang kanyang pangarap na magkaroon ng lantsa at punduhan. Siya ay tauhang flat sapagkat walang anumang pagbabagong naganap sa kanyang pananaw at paniniwalang matutupad niya ang kanyang mga pangarap kahit anupamang pangaral ang sabihin sa kanya ng kanyang ina. Ngunit ang kanyang pangarap ang nagbuhat sa sarili niyang kapahamakan. Hindi nagkaroon ng pagbanggit sa kanyang pangalan upang maipakita ang katangian ng mga mangingisda at mga taong nasa mababang uri ng pamumuhay. Marami sa mga Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng magandang buhay at makikitra natin ito sa paraan ng kanyang pananalita. Namumutawi sa kanyang mga salita na magkakaroon siya ng lantsa. Ang hindi pagbanggit sa kanyang pangalan ay hindi nakabawas sa kagandahan ng kwento. Ina Isang ina na kontento na buhay, hindi na nagnanais ng higit pa sa buhay na tinatamasa. Mapapansin natin na hindi siya nasisiyahan sa sobrang pangangarap ng kanyang anak ngunit naiintindihan niya ito. May matinding pananalig siya sa Maykapal na ito ang tutulong sa mga problemang maari nilang kaharapin. Fides Ang may-ari ng punduhan kung saan dito nangungutang ang mangingisda ng gasolina at langis para sa bangka. Sinasabi na may singkit itong mata na may posibilidad na isa siyang Tsinoy na negosyante. Nagagalit siya sa mangingisda lalo na kung hindi ito nakakabayad ngunit pinauutang pa rin niya ito.

V. Tagpuan Ang buong kwento ay naganap sa tatlong lugar, sa bahay ng mangingisda, sa punduhan at sa dagat. Nangangahulugan lamang na sa probinsya naganap ang kwento. Mapupuna na nagkaroon ng pagpangkatpangkat ng mga tao batay sa estado ng buhay, noong sinabi ng mangingisda kung bakit sa Hilaga nandoon ang mga pagawaan ng bangkang malalaki, may apugan, punduhan, lantsa, barko at mga bagay na naggagandahan samantalang sa Timog nandoon ang mga mangingisdang posyentuhan lang, mga bahay na naglalawit sa ilog at mga manggagawa.
5

Sa mga pahayag na yaon ng magingisda, masasabi natin talaga na sa lipunang ating ginagalawan ay may dalawa lamang klase ng tao, mayaman at mahirap, makapangyarihan at alipin. Alinman sa dalawang ito tayo nabibilang. Hindi nagkakaroon ng pantay na pagtingin dito sa lipunan na ating ginagalalawan. Sa punduhan naganap ang pangungutang ng mangingisda ng gasolina at langis kay Fides. Pinautang naman siya ni Fides ngunit hindi nagkaroon maayos na pakikitungo ang mayayaman kay Fides. Nagkaroon ng diskriminasyon sa mahihirap kapg nasa lugal ka ng may kaya sa buhay. Sa bahay nina Fides, dito nagkaroon ng palitan ng pahayg ang mag-ina. Dito si Fides nagsimulang mangarap na balang araw ay mapupunta rin siya sa Hilaga kung saan nandoon ang mayayaman. Naging akma ang lugar na ito upang magpalitan ng pahayag ang mag-ina sapagkat ito ang tamng lugar para sa isang pamilya. Ang huli ay sa dagat kung saan ito ang maituturing na buhay ng mga taga-roon. Dito sila yumayaman o nasasawi ang buhay o kaya naman ay nangangarap na magtungo pa sa mas malayong lugar.

VI. Banghay Panimula Nangingisda siya gamit ang dinamita at kahit nasugatan na siya ay patuloy pa rin siyang nangangarap na balang araw ay aangat din siya tulad ng nagliliwanag na punduhan ni Fides at ang lantsang pamalakaya ni Don Fides. Saglit na Kasiglahan Nagpakarga siya ng gasolina sa punduahn ni Fides para sa kanyang bangkang dimotor. Nakikita niya sa naniningkit nitong mata ang gustong ipihiwatig ng mag iyon habang inililista ang kanyang utang. Nanumbat na kung hindi na naman siya makahuli ng maraming isda ay hindi na naman ito makakabayad. Sinabi na lamang niyang baka swertehin siya mamaya at baka sakaling makabayad na siya upang mahugasan ang kanyang kahihiyan. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas Binubuhayan siya ng pag-asa sa kanyang mga pangrap na pataas nang pataas at patuloy na yumayabong. Patuloy ng mangingisdang sinasabi sa kanyang ina ang kaniyang pangarap na magkaroon lantsa at punduhan. Kapag nagkaroon na siya ng lantsa ay magiging maganda na ang buhay nila at hindi na sila kailanman magkakaroon ng problema sa pagbabayad ng utang sa gasolina kina Fides. Sa mga oras na iyon ay lagi siyang pina-aalalahanan ng kanyang ina na makontento na sa buhay na meron siya at palaging manalig sa Maykapal. Ngunit nawawalan na siya ng pananalig sa Kanya lalo na habang tinititigan niya ang gawing Hilaga kung saan andoon ang magagandang buhay na maari nating maranasan na kabaliktaran ng buhay nila sa Timog.

Kaukdulan Kanyang nalaman na tatlo n ang lantsa ni Don Cesar at patuloy na lumalaki ang punduhan ni Fedes. Nalaman niyang ang isang labas lang ng lantsa ay nakapagbibigay ng malaking kita sa kanila. Halos isang taon na nila iyong kita. Lalong lumawig ang kanyang pangarap na lantsa at hinahangaang punduhan. Ang dalawang bagay na ito ang nagbibigay sa kanya na lakas ng loob.Habang siya ay nasa kaligitnahan ay patuloy pa rin siyang nangangarap habang nasisilayan niya ang maliwanag na ilaw sa punduhan at ang inaasam niyang lantsa. Lalo siyang ginanahan at sinindiahan niya ang kanyang dinamita bago pa man dumating patrolya.

Wakas Sa hindi inaasahang pangyayari kinain ng apoy at lagabalab ng usok ang dagat. Kasamang nalusaw ang pangarap niyang magkaroon ng lantsa. Pumanaw siyang nangangarap at ang pangarap ay nanatiling pangarap.

VII. Pagdulog Pormalistiko

Naging maganda ang banghay ng kwento mula sa simula hanggang sa katapusan. Mapapansin na mayroong panandaliang pagbabalik-tanaw na nakadagdag sa magndang daloy ng kwento. Ang lalong nagpaganda sa kwento ay ang madalas na pagbanggit sa mga hangarin sa buhay ng mangingisda na nakapgpadagdag ng kakintalan sa mambabasa kung ano ba ang nais ipahiwatig ng kwento. Sa huli hindi man nabanggit kung ano ang tunay na nangyari sa mangingisda pero nagbigay ito ng dahilan sa mambabasa para basahin ang akda hanggang sa huli nitong salita. Doon mo pa lamang maiisip ang tunay na mensahe ng huling talata. Pagdating sa tauhan, may malinaw na hangganan sa pagitan ng mayaman at mahirap. Ang mga mahihirap ninanais na umangat at ang mayayaman ay patuliy pang yumayaman. Uunti man ang tauhan ngunit naging makatotohanan pa rin ang kwento. Sinisimbolo ng pangunahing tauhan ang buong mangingisda at mahihirap na dahil sa hirap ng buhay ay napilitang gumawa ng masama. Sa kabilang banda ay may mga tao pa rin na nakokontento sa mga bagay na meron sila at patuloy na naniniwala sa Panginoon sa kabila ng kahirapang dinaranas. Sa kabuuan, ang tauhan, tagpuan at ang istilo ng akda ang nakapagpaganda ng kwento. Moralistiko

Ang dahilan ng marami sa atin kung bakit tayo anag-aaral, nagtatrabaho at nabubuhay ay hindi lang basta mabuhay kundi ang umangat, yumaman at makatakas sa lupit ng buhay. Sa mga hangaring ito ay nagkakaroon nayo ng matinding pananalig sa Panginoon at kung walang pagbabagong nagaganap ay umiisip tayo ng alternatibong bagay at kung minsan ay nagbubunsod sa atin na gumawa ng masama.
7

Ang Mangingisda Siya ay may magandang hangarin sa buhay. Nangangarap at wala naman masamang magarap ngunit pinangimbabawan ng pangarap ang ang tama. Gumawa siya ng masama bilang daan sa pagkamit ng pangarap. Ang gumawa ng masama ay labag sa utos ng Panginoon. Isa pa sa nakawala ng kanyang moral ay ang noong siya ay nangingisda at sinabi niya na hindi niya sasabihin sa kanyang ina na gumamit siya ng dinamita. Ina Makikita sa kanyang mga pananalita ang mabuti niyang pag-uugali. Noong pinangangaralan niya ang kanyang anak ay pilit niyang sinasabi na huwag mangarap ng gayon sapagkat alam niyang iyon ang ikapapahamak nito. Lagi rin niyang pina-aalalahanan ang kanyang anak na manalig sa Maykapal. Makikita na isa siyang maka- Diyos. Fides Hindi kalugod-lugod ang ginawa niyang pagpapautang sa mangingisda sapagkat binigyan nga niya ng pera ang mangingisda para sa gasolina pero hindi pa rin bukal sa loob niya ang pagpapautang. Sinumbatan pa rin niya ang mangingisda kung sakaling hindi ito makabayad. Tama ang kanyang ginawa ngunit mali ang paraan ng kanyang pagbibigay. Sosyolohikal Nakikitungo tayo sa iba base sa kung ano talaga ang ating ugali at minsa pinakikitunguhan nila ang ibang tao batay sa estado ng buhay. Mangingisda Pagdating sa pakikitungo niya sa kanyang ina, makikita mo na mahal niya ito talaga. Ang kanyang ina ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nangangarap na magakaroon ng magandang buhay. Upang maging hindi na sila magutang kailanman. Sa kabilang dako, hindi pa rin niya nagawang sundin ito sa kabila ng mga pangangaral nito. Kay Fides, makikita mo sa kanyang pananalita ang kahihiyan sa pangungutang. Ninanais niyang hugasan ang kanyang kahihiyan sa pamamamagitan ng pangangako. Ina Mahal na mahal niya ang kanyang anak. Makikita ang magandangpakikitungo nito sa kanyang anak sa lahat ng pagkakataon. Nangangaral siya at nagpapaalala sa kanyang anak ng tama tulad ng huwag mangarap ng mataas at manalig sa Diyos. Fides Makikita na napakababa ng pagtingin niya sa mahihirap tulad ng mangingisda. Nagkakaroon na siya ng pangitain na hindi makakabayad ng utang ito dahil madalas itong nagaganap.
8

Sikolohikal Ang ating utak ang nagdirikta sa anumang ating ginagawa, sinusulat at sinasalita. Minsan may mga bagay na ating naiisip ngunit hindi naibubulalas ng ating mga bibig ngunit makikita sa ekspresyon ng mukha. Mangingisda Noong nangangarap siya ay makikita mo na marami siyang iniisip na magagawa para sa sarili at sa kapwa nya. Marami pa siyang pangarap bukod pa sa pangarap niyang magkaroon ng lantsa. Noong siya ay nangungutang kay Fides ay makikita mo na maraming gumugulo sa kanyang isipan tulad ng kahihiyan at hangaring makabayad ng utang. Ina Kung ating susuriin sa paraan ng pagsasalita ng ina ng mangingisda ay makikita mo ang pangamba. May mga iniisip siya sa kung ano ang maaring mangyari sa anak dahil sa mga paghahangad. May mga bagay na naglalaro sa kanyang utak at ito ay nagsisilbing pangitain sa mga maaring mangyari sa kanyang anak. Fides Sa pagpapautang niya sa mangingisda ay natatakot siya may masabi ang mangingisda sa kanya kaya niya ito pinautang. Labag man sa loob niya ang ginawa niya ito kahit alam niyang posible na naman itong hindi makabayad.

VIII. Bisa ng Akda Bisang Pangdamdamin Sa lipunang ating ginagalawan ay napupuno ito ng milyong milyong tao at pagkatao pero nananatiling sa dalawa lamang tayo nabibilang mahirap at mayaman, makapangyarihan at alipin, nangangarap at nakakaangat. Mahirap ang buhay sa ngayon at kung ating iisipin masasawa na tayo buhay na meron tayo. Nagnanais talaga tayong umangat paminsan-minsan. Gayunpaman, nakakalungkot isipin na may mga taong sobrang nasisilaw sa kinang ng barya. Animoy mabubulag kakatitig dito at nagdudulot sa atin upang gumawa ng masama. Napangunahan tayo ng hangararin natin sa buhay at ng mga pangarap na masyado nating pinadali ang paghangad nito. Hindi naman masamang mangarap basta ang mahalaga sundin natin ang tamang proseso sapagkat ito ang magdadala sa atin sa tunay na tagumpay. Sa mga mayayaman dapat lamang na maging mapagkumbaba tayo upang balang araw ay hindi tayo magdusa dahil sa ugaling ipinakikita natin sa tao. Bisang Pangkaisipan

Ang kwento ay nagbigay ng malawak na kamalayan sa tunay na estado ng lipunan. Lalong lalo na sa tunay na buhay ng ating mga mangingisda. Maging sa buhay ng mayayaman. May malaking hangganan sa pagitan nila. At tanging makawawasak nito ay ang may malawak na pananaw sa kung ano ang tama.
9

Sa bahagi ng mayayaman, kung sakaling pagbigyan na lamang nila sa maraming pagkakataon ay sila naman ang maaring magdusa. Hindi tama na kahit sila ay may kayamanan ay magbibigay na lamang sila ng magbibigay at ang mga mahihirap ay tatanggap na lamang nang tatanggap. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan at hindi basta na lamang nakukuha. Umangat sila dahil naghirap sila ta ngayong mahirap na sila ay hindi sila dapat sila magpatumpik-tumpik sapagkat maari silang lumagapak sa lupa. Mayroon ding punto ang mga taong naghihirap tulad ng mangingisda sa maraming pagkakataon. Nabubuhay sila upang mabuhay ng maayos at hindi maghirap at magdurusa. Walang dahilan para sila ay mangarap at para makuha ito ay maari silang maglakas ng loob na kumapit sa mayayaman. Iyon ang tama at madaling gawing bagay. Gumagawa rin tayo ng masama hindi lng dahil gusto natin kundi may mga bagay pa tayong isinasaalang-alang. Hindi natin sila masisisi. Bisang Pangkaasalan Ang ugali natin ay hindi lahat nababatay sa kung paano tayo pinalaki minsan ito ay nakabatay sa sitwasyon. Kung inaapi tayo maaaring patuloy tayong magpaapi o kaya naman ay lumaban. Kung marami namang umaasa sa ating kakayahan ay posible tayong magreklamo o kaya naman ay magmalaki. Sa buhay, hindi lang tayo ang gumagawa ng ugali maging ang sitwasyon Masyado minsan nating sinasanto ang mga bagay na mali masunod lamang ang ating hangarin. Mali ito sa mata ng Diyos maging sa lipunan. Huwag natin hayaang maging masama tayo dahil lamang sa pag-aasam. Matuto tayong maghintay at paghirapan ang mga bagay upang ating maabot. Mainam pa ang maglupasay ka sa hirap kaysa mayaman ka ngunit ang puso mo ay matindi pa sa burak sa kanal. Sa Panginoon dapat tayo magtanong at magsabi kung ano ba ang tama. Ang utak, walang tama at mali ang dinidikta nitoa y ang bagay na makapagpapasaya sa katawan. Ang DIYOS muna bago ang lahat.

10

KONKLUSYON Ang buhay hindi hawak ng ating mga kamay maging ang ating kapalaran. Habang maaga, dapat na nating mabatid ang tunay nating misyon sa buhay na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng Panginoon. Ang ating mga desisyon ay dapat nating pag-isipan. Maaari itong makabuti o makasa sa atin. Sa katunayan, karamihan sa atin ay nag-aaral at nagtratrabaho dahil naghahangad tayo ng kayamanan o ng kapangyarihan. Lalo na ang mga taong kapos-palad. Aminin man natin o hindi n a natin nabibigyan ng panahon ang makapagnilay nilay sa Panginoon. Ang negatibong resulta nito ay ang masamang gawain. Nagnanakaw, namamalimos at pumapatay dahil sa pera. Ang pera ay hindi ang Diyos, hindi rin buhay. Sa tatsulok na mundo, ang nasa tuktok ay ang mga makapangyarihan at nag mayayaman. Sila ang ating tinitingala, hinahangahan. Sa gobyerno, sino ba ang namumuno, sino ang nagtatangkang lumaban sa eleksyon, walang iba kundi ang mayayaman. Sila lamang ang may kakayahan. Gayunpaman, minsan inaabuso minsan nila ang kanilang kapangyarihan. Nakakagawa sila ng marahas na bagay para sa pera at kapangyarihan at sa sobrang abala nila sa pagpapayaman, nawawalan na rin sila ng pananalig sa Panginoon. Sino ba ang lumikha sa tao, ang sarili ba nating yaman o pangarap. Huwag tayong tumalikod sa Kanya. Siya ang tanging makalulutas sa walng katapusang pagsubok ng panahon. Ang tamang oras ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Purihin natin siya at pasalamatan sa kung ano tayo ngayon dahil baka sa huli hindi yaman, kapangyarihan at pangarap ang alisin niya sa atin kundi ang ating buhay na pinakaiingatan.

11

12

Você também pode gostar