Você está na página 1de 2

PAGBAGSAK NG PIYUDALISMO Isa sa itinuturing na pinakamahalagang kaganapan noong huling bahagi ng panahong Midyibal ang tuluyang pagbagsak ng piyudalismo.

Ang sanhi ng pagbagsak nito ay ang mga sumusunod: 1. Paglakas ng kapangyarihan ng mga monarko 2. Ang krusada 3. Pag-unlad ng mga bayan at mga lungsod 4. Pagkakaimbento ng mga armas pandigma Paglakas ng mga Monarko Ang paglakas ng kapangyarihan ng monarko at pagkakatatag ng sentralisadong pamahalaan ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng piyudalismo. Hindi kaya ng mga baron o panginoong piyudal na mag organisa ng isang hukbo na armado ng kanyon at baril tanging mga hari lamang ang makakagawa nito kaya isinuko ng mga baron ang kanilang kapangyarihan sa monarko. Inangkin ng mga monarko ang lubos na kapangyarihan sa loob ng kanilang estado at pinilit nila ang mga panginoong piyudal na kilalanin ang kanilang pamumuno. Paglahok sa Krusada Maraming mga panginoong piyudal ang sumama sa krusada na hindi nakabalik nang buhay. Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at pribelehiyong pulitikal upang makalahok sa krusada. Nang sila magbalik nakabaon na sa utang ang kani-kanilang estado at hindi na sila ang dating makapangyarihang panginoon at upang mabuhay kinailangan nilang maglingkod sa hari. Marami sa kanila ang naging basalyo ng hari. Pag-unlad ng mga Bayan at Lungsod Nagkaroon ng lakas ng loo bang mga pesante na tutulan ang mga panginoong piyudal. Lumaya na sila sa sistemang manorial at nagsimula ng bagong buhay sa mga bayan at lungsod, Di naglaon nagkaroon na rin ng sariling pamahalaan ang mga bayan at di na kailangan ng pamumuno ng panginoong piyudal. Gradwal na sumipot ang mga bayan sa paligid ng kastilyo at ng mga monastery. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao at nagkaroon ng malaking epekto sa sistemang piyudal. Sa mga lungsod sumipot ang mga bourgeoisie o mayayamang mangangalakal na ayaw kumilala sa kapangyarihan ng mga panginoong piyudal. Ang iba ay nagsipag-alsa at napilitan ang mga panginoon na pagkalooban sila ng kalayaan. Ang iba naman ay nagkaroon ng karta ng kalayaan matapos magbayad sa panginoon. Ang Italya ang nanguna sa pagtatatag ng mga lungsod. Dito matatagpuan ang mga kilalang lungsod sa Europa gaya ng Florence, Venice Genoa at Milan. Pagkakaimbento ng mga Armas Pandigma Ang paggamit ng armas na pumuputok ay naging laganap sa Europa noong huling bahagi ng panahong Midyibal.Nakatulong ito ng malaki sa paghina ng mga panginoong piyudal. Nawalan ng silbi

ang mga kabalyero na aramado lamang ng espada kalasag at sakay ng kabayo. Hindi na nila kayang labanan ang sandatahang kawal ng hari na armado ng mga kasangkapang pumuputok.

Você também pode gostar