Você está na página 1de 3

Ipinasa ni: Gabrielle Kate F. Godoy IV-318 Ipinasa kay: Bb.

Elvira Tabinas

Pamagat: ITO PALA ANG INYO ni Federico B. Sebastian mula sa Yunit 1 ng PLUMA IV Buod: Dinala ni Bert si Clary sa kaniyang tahanan sa lalawigan. Mamuhay na sila bilang mag-asawa. Naging isang makabagong mundo para kay Clary ang payak at maralitang pamumuhay ni Bert taliwas sa magandang pananamit at tindig nito noong nanliligaw pa lamang sa kanya sa Maynila. Maliit lamang ang tahanan ni Bert na may isang silid kung saan doon na lahat gagawin, ang magbihis, matulog at kumain. Wala ding tulugang katre si Bert na lalong nagpa-inis kay Clary na kailangan matulog siya sa sahig. Hindi rin katanggap-tanggap para kay Clary na maliligo siya sa isang batalan na walang tabing at kailangan niyang magdumi sa likod ng mga puno ng kawayan. Lalo pang nagalit si Clary nang malaman na may apat na anak na pala si Bert. Tauhan: Bert/Alberto isang biyudo na apatnapung taong gulang may taglay na kakisigan, mabait Clary/Clarita isang babaeng taga-Maynila, makabago, dalawamput limang taong gulang, maykaya sa buhay may

Aling Isyang Tiya ni Bert, limamput pitong taong gulang, puti na ang buhok at may kapusukan ang ugali Apat na anak ni Bert sa unang asawa Tagpuan: Tahanan ni Bert sa lalawigan Kasalukuyang panahon Tunggalian: Tao laban sa uri ng pamumuhay Lumaki sa maginhawang pamumuhay si Clary kaya isang matinding hamon sa kanya ang pamumuhay na inihahandog sa kanya ni Bert. Ang pamumuhay sa lalawigan na napag-iiwanan ng sibilisasyon ang

katunggali ni Clary upang makasama si Bert. Suliranin: Payak ang pamumuhay ni Bert sa lalawigan na isang matinding suliranin para kay Clary dahil laking Maynila siya at sibilisado. Simbolismo: Kurbata sinisimbolo nito ang pormal na pamumuhay ni Bert sa Maynila bilang isang kawani Lumang bangko ang makalumang muwebles sa bahay ni Bert na sumisimbolo sa napabayaang tahanan sa lalawigan Kasuotang may almirol sinisimbolo nito ang pagtitiis sa hirap ni Bert na kailangan naka-almirol ang damit upang mukha laging bago at pormal Silid ang bahay ni Bert ay may isang silid lamang na sumisimbolo sa payak na pamumuhay sa lalawigan Batalan lumang palikuran sa lalawigan na sumusimbolo sa napagiiwanan uri ng pamumuhay Saglit na kasiglahan: Bumagsak sa kinauupang lumang bangko si Clary na kinainis nito, agad naman siyang nilambing ni Bert at nagtawanan pa sila.

Você também pode gostar