Você está na página 1de 1

Ang Alamat ng Araw

Ilang libong taon na ang nakaraan, nababalot pa ng kadiliman ang buong daigdig. Ang tanging tanglaw ng mga taon noon ay ang apoy. Buong magdamag silang nagsisiga ng kahoy para lang magkaroon ng tuloy-tuloy na liwanag. Hindi pa uso noon ang flashlight kaya kahit saan sila magpunta ay may dala-dala silang sulo na nagsisilbi nilang ilaw sa daan at sa kung anu-ano man nilang ginagawa. Isang gabi, may dalawang bata ang nagpunta sa kapatagan upang maglaro. Uso na noon ang soccer at iyon ang paborito nilang laro. Ang gamit nilang bola ay yung tipong ginagamit sa panggata. Oo, matigas nga iyon at hindi ko alam kung paano sila nakatatagal sa paglalaro gamit ang bolang iyon. Nasa kalagitnaan na ng kasiyahan ang dalawang bata sa paglalaro nang biglang humina ang apoy ng sulo na nagsisilbi nilang liwanag. Napatigil sila sa paglalaro, inis na inis ang dalawang bata dahil sa tuwi na lamang sila nasa kalagitnaan ng kasiyahan ay laging nalang itong nangyayari. Wala silang nagawa kundi kargahan nalang muli ng gaas ang sulo para lang muli itong magliyab. Matapos kargahan ng gaas ang sulo ay nagpatuloy sa paglalaro ang dalawang bata. Maya-maya, sa sobrang kasiyahan ng isa, dala na rin siguro ng kanyang sumasabog na emosyon ay napalakas ang sipa niya sa bola at hindi na niya ito nakontrol. Lumipad ito patungo sa sulo, nabasag ang lagayan ng gaas at pumalibot ang gaas sa bola saka nagliyab ng sobrang lakas, habang patuloy na lumilipad patungo sa langit. Hindi na muling nakabalik sa lupa ang niyog na bola at doon sa langit ay nagpatuloy na itong nagliliyab, paikot-ikot sa langit ng walang katapusan. At iyon ang naging dahilan kung bakit may araw ngayon. Ang isa pang misteryo ay kung bakit ito natawag na araw, wala pang nakakaalam ng tunay na dahilan. Simula noon ay hindi na kinailangan ng mga tao na magsilab ng kahoy sa magdamag para lang magkaroon ng liwanag. Salamat sa dalawang batang iyon.

Você também pode gostar