Você está na página 1de 5

Friday Araling Panlipunan V- Bronze V- Mercury V- Pilot Section I. II.

7:30-8:10 8:10-8:50 8:50-9:30 V- Coal V- Copper V- Nickel 12:00-12:40 12:40-1:20 1:20-2:00

June 28,2013

Natatalakay ang mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino A. Hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino B. Sanggunian : BEC PELC I.C1 Makabayang Kasaysayang Pilipino pp. 43-45 C. Kagamitan : Show me Drill Board , mapang pangkabuhayan , mga larawan D. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa pinagkukunang Yaman E. Ugnayang Pang kurikulum : EPP, Filipino A. Panimulang Gawain 1. Balitaan : Magpabalita tungkol sa kalagayan ng kabuhayan ng ating bansa 2. Pagsasanay : Ipahanda ang Show Me Drill Board. Ipasulat ang sagot sa sumusunod na tanong : a. Ano ang kahulugan ng Islam? b. Ano ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino? c. Paano lumaganap ang Islam sa Pilipinas? d. Paano pinahahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kababaihan? e. Anu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino? 3. Balik-aral Ihanda ang roleta ng karunungan Ipaikot ang roleta. Kung saangg paksa ito huminto,magpabigay sa mga bata ng mga natutuhan nila tungkol dito. 4. Ipakita ang larawan ng mga likas na yaman ng bansa.Pag usapan ito. Ipakita rin ang mapang pangkabuhayan ng bansa. Ipaturo rito ang mga yamang likas sa ibat ibang panig ng Pilipinas. 5. Ilahad ang paksang tatalakayin B. Panlinang na Gawain 1. Ipabuo ang suliranin Ano ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino? 2. Paglikom ng mga kaalaman sa mga sanggunian. Gawing patnubay ang retrieval chart na ito

III.

Mga naging hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino batay sa likas na yaman ng bansa Ilog, dagat Bundok, bulkan

Kagubatan

kapatagan

3. Ipatalakay ang nalikom na datos. Bigyang diin ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino. 4. Paglalahat Bakit mahalaga ang pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino? 5. Paglalapat Mahalaga ba ang pinagkukunang yaman sa pamumuhay ng mga Pilipino? Bakit? IV.Pagtataya PANUTO : Ibigay ang hinihingi 1. Anu-ano ang likas na yaman ng bansa na ginamit ng mga sinaunang Pilipino para mabuhay? 2. Anu-ano ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino? V.Kasunduan: Gumuhit ng mga kasangkapan na ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa pagsasaka, pangingisda, at paggawa ng banka.

V- Bronze 5 4 3 TOTAL

V- Mercury

V- Pilot Section

V- Coal

V- Copper

V-Nickel

Monday Araling Panlipunan V- Bronze V- Mercury V- Pilot Section I. II. 7:30-8:10 8:10-8:50 8:50-9:30 V- Coal V- Copper V- Nickel 12:00-12:40 12:40-1:20 1:20-2:00

July 1,2013

Nasusuri ang teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino. A. Teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino B. Sanggunian : BEC-PELC I C.2 Makabayan Kasaysayang Pilipino pp. 39-42 Pilipinas Bansang Malaya pp. 31-35 C. Kagamitan : mga larawan , flaglets D. Pagpapahalaga : Pagkakaisa at pagtutulungan E. Ugnayang Pangkurikulum : Pilipino , sining A. Panimulang Gawain 1. Balitaan : Magpatanghal ng SAKSI. Magpaulat ng mga balita tungkol sa mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa kabuhayan. 2. Pagsasanay PANUTO : Itaas ang nakangiting smiley kung ang inihahayag ng pangungusap ay totoo at hindi nakangiting smiley kung di-totoo a. Katolisismo ang relihiyon ng mga sinaunang Pilipino b. Barangay ang tawag sa uri ng pamamahala sa ating mga sinaunang Pilipino c. Lumaganap ang Islam sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa kalakalan. d. May pormal na edukasyon an gating mga ninuno. e. Ibat iba ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino. 3. Balik-aral Pagbuuuin ng tatlhuan ang mga bata. Ipabahagi sa kanilang ginawang kasunduan tungkol sa mga pinagkukunang yaman ng bansa. 4. Magpakita ng mga larawan ng ibat ibang kagamitan. Pag-usapan ang pagkakayari ng mga ito. Ipabigay ang kahulugan ng teknolohiya. 5. Ilahad ang paksa B. Panlinang na Gawain 1. Ipabuo ang suliranin Anu-ano ang teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Lumang Bato, bagong bato at metal? 2.Pangkatin ang mga bata sa apat. Magpalikom ng mga datos tungkol sa paksa. Ibigay ang patnubay na tsart na ito.

III.

Mga Kagamitang Ginamit ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahon ng : Lumang Bato Bagong Bato Metal

3. Ipaulat ang nalikom na kaalaman ng bawat pangkat. 4. Paglalahat Anu-ano ang teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng lumang bato, bagong bato at metal? 5. Paglalapat a. Ipahambing ang teknolohiya noon sa uri ng teknolohiya sa kasalukuyan b. Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang grapikong presentasyon sa ibaba. Teknolohiya Noon Ngayon

IV.Pagtataya: PANUTO : Isulat ang PLB kung ang teknolohiyang inilalarawan ay sa panahon ng Lumang Bato, PBB kung panahon ng Bagong Bato at PM kung panahon ng Metal _____1. Nakagawa ng batong pampukpok at pampana _____2. Nalinang ang paraan ng pagpapanday _____3. Sinimulan ang paggamit ng mga kagamitang yari sa malalaki at magagaspang na bato. _____4. Nalinang ang halaga ng Kristal. _____5. Sinimulan ang paghahabi at paggawa ng palayok V. Kasunduan : Gumuhit o gumupit ng mga larawan tungkol sa pagbabago ng teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino sa ibat ibang panahon. Ilarawan ito.

V- Bronze 5 4 3 TOTAL

V- Zinc

V- Pilot Section

V- Coal

V- Copper

V-Nickel

Tuesday Araling Panlipunan V- Bronze V- Mercury V- Pilot Section I. II. III. 7:30-8:10 8:10-8:50 8:50-9:30 V- Coal V- Copper V- Nickel 12:00-12:40 12:40-1:20 1:20-2:00

July 2,2013

Nakasasagot sa mga katanungan ng may 75% na antas ng pang-unawa Lagumang pagsusulit A. Pagbasa ng batayan sa pagkuha ng pagsusulit B. Pagbibigay ng katanungan C. Pagbasa ng panuto D. Pagsagot ng mga bata Pagtatama/Pagrerekord

IV.

Você também pode gostar