Você está na página 1de 16

3

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN


Maraming kabutihang dulot ang pananahi. Upang lalong maging kasiya siya ang pananahi sa kamay, bigyang pansin ang mga sumusunod na Puntos sa paggawa ng anumang proyektong napili. 1. Iangkop ang uri ng tela sa gagawing proyekto 2. Iangkop ang mga materyales na gagamitin. 3. Gumamit ng tamang tahing kamay. 4. Sumunod sa tamng hakbang sa paggawa. 5. Sundin ang mga kaugaliang pangkalusugan at pangkaligtasan habang gumagawa. 6. Iangkop sa badyet ang halaga ng proyekto. 7. Simulan at tapusin ang gawa sa takadang araw/panahon. 8. Isagawa sa pinakamahusay, pinakamabilis, at pinakamalinis na paraan ng proyekto. 3. Pagtatalakayan Maari mo bang ilahad saakin ang Kaalaman sa pananahi sa kamay? Ano ang mga Kabutihang dulot ng pananahi sa kamay? Dapat bangmatutunan ang pananahi? Bakit? 4. Paglalahat Ang kahalagahan ng pananahi ay hindi ka aasa sa iyong nanay. ng pagkukumpuni ng maliit na sira ng kasuotan. C. Pangwakas na Gawain Gumawa ng isang Lesson Journal tungkol sa ating pinag aralan. Isulat sa Notebook IV. PAGTATAYA Isulat ang kung tama at kung mali. 1. Ang pananahi ay isang kawiliwiling gawain. 2. Kawiliwili ang pananahi ngunit masyadong magastos ito. 3. Masyadong mahirap talakayin ang pananahi. 4. Mayroong 8 uri ng Kabutihang dulot ang pananahi. 5. Masyadong nakakalito ang pananahi. TAKDANG ARALIN Isulat sa notebook ang mga kagamitan sa pananahi. Magdala ng sewing box. Isama ang 15x15 inches ng tela. Color Coding: ELC: Red AAE: Orange BRS: Yellow MCC: Green AGN: Violet.

Petsa: _______________________ PART A GAWAING PANTAHANAN I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natatalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pananahi batay sa pagkumpara ng presyo ng damit sa tindahan at ang presyo ng mga materyales sa paggawa nito. II. PAKSA AT KAGAMITAN -PANANAHI SA KAMAY (PANIMULA) AT ANG MGA KABUTIHANG DULOT NITO. 1. RBEC/PELC 4.1 2. E.P.P IV Textman 3. Kagamitan -Textman 4. KBI Pagiging matiyaga PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagbabalik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin. 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang: Pananahi at Kasanayan 3. Pagsasagot at Pagpapasa ng Individual Work Activity mula sa Textman. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang ginagawa ninyo kapag natastas ang tupi sa palda? Kayo ba ay marunong manahi sa kamay? Alam ninyo ba ang kabutihgang dulot nito? 2. Paglalahad (Discussion) Ang kaalaman sa pananahi sa kamay, kagaya rin ng ibang gawain, ay lubhang nakawiwiling gawin at kapakipakinabang. Ang isang batang katulad mo na makabubuo ng isang simpleng kagamitan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay ay makadarama ng pagmamalaki sa kanayang sarili at sa iba pang miyembro ng pamilya. Mahalagang matutunan ang pananahi sa kamay sapagkat sa ganitong paraan makatitpid ng gastusin ang mag anak. Ang salaping ilalaan sa ilang simpleng kagamitang maari namang gawin ay maari nang maiukol sa ibang mas mahalagang bagay. maliban dito, ang gawain ng iyong ina ay mababawasan din sapagkat sa iyong sarili ay makalilikha ka sa pamamagitan ng pananahi sa kamay bukod pa sa pagkukumpuni ng mga sirang damit. Ang kaalaman sa pananahi ay maari ring hanap buhay. Ang mga tahing gawang kamay ay karaniwang matitibay at pulido kung kaya nagugustuhan nang marami at nabibili sa magandang presyo. Isagawa sa pinakamahusay, pinakamabilis, at pinakamalinis na paraan ang proyekto Kabutihang dulot ng pananahi sa kamay III.

V.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN gumawa nito sa korteng puso, bulaklak, o kaya naman mga prutas. 4. Threader- Yari sa manipis na metal ang threader. Ginagamit ito na pantulong upang mapabilis ang pagpasok ng sinulid sa butas ng karayom. 5. Emery Bag- Halos kaparehas ito ng Pin Cussion. Naiiba lamang ang palaman nito na maaring buhangin, lahar, dinurog na pinong pinong bubog. 6. Gunting- Ito ay metal na panggupi ng tela, sinulid at padron. May dalawang uri ng gunting: maliit na panggupit ng manipis na tela at ang mahaba o shears na ginagamit sa makakapal na tela. 7. Sinulid- ay hibla na nilalagay sa karayom bilang panahi. Maaring yari ito sa koton, nylon, linen o seda. 8. Medida- Ginagamit ang medida sa pagkuha ng sukat ng tela, katawan o padron. May bilang ito sa magkabilang bahagi at magkasalungat ang direksyon. 9. Ruler. Ginagamit panukat at pangguhit ang ruler upang maging tuwid ay daraan ng karayom at sinulid. 10. Tailors Chalk- Pangmarka sa tela. 3. Pagtatalakayan Ano ano ang mga kasangkapan sa pananahi? Sa tingin mo Lahat ba ng kasangkapang ito nagagamit ninyo? Ilan ba ang mga kasangkapang ito? 4. Paglalahat Ang mga kagamitan sa pananahi ay dapat ilagay sa sewing box upang hindi mangalat at madaling makita. C. Pangwakas na Gawain Sasagutan sa Textman ang Activing MAY NAINTINDIHAN BA AKO? IV. PAGTATAYA Sasagutan ang Activity sa Textman na SUSUBIKAN KO ULIT! TAKDANG ARALIN Magdala ng sewing box

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natutukoy at naiguguhit ang mga kagamitan at mga kasangkapan sa pananahi sa kamay. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PANANAHI 2. RBEC/PELC 4.2 3. EPP IV Textman 4. Kagamitan: Mga Larawan 5. KBI- Pagkamatiyaga

PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagbabalik Aral at Pagwawasto ng takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang: Didal, Kasangkapan, Emery Bag at Pin Cussion. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kapag ba inaayos ni nanay ang inyong mga gamit at siya ay nagtatahi nakikita ninyo ba ang mga kasangkapang ginagamit niya? Alam niyo ba ang mga kasangkapang ito? 2. Paglalahad (Discussion) Mga Kagamitan sa pananahi pati ang wastong pangangalaga dito Magiging maayos at mabilis ang gawaing pananahi kung magkakaroon ng sarili at kumpletong mga gamit. Ang kahon panahian o sewing box ang lalagyan ng lahat ng mga gamit sa pananahi. Narito ang mga gamit na dapat matatagpuan dito. 1. Karayom- Munti, matulis at may butas ito sa dulo na pinag susuotan ng sinulid. Yari ito sa metal at nauuri sa: Sharp Crewel Between 2. Aspile- Parang karayom din ang aspile. May tulis ito sa isang dulo at sa kabila naman ay may ulo. Ginagamit naman ang aspile upang pagdikitin ang telang tinatahi sa halip na ihilbana. 3. Pin Cussion- Yari sa maliit na supot na tela ang tusukan ng aspile at karayom o Pin cussion. Maaring palamanan ng kusot. Pinagputol putol na buhok o bulak. Maaring

III.

V.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natatalakay ang wastong pagagamit at pangangalaga ng mga kagamitan at kasangkapan sa pananahi. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. WASTONG PAGAGAMIT AT PANGANGALAGA SA MGA KAGAMITAN SA PANANAHI 2. RBEC/PELC 4.3 3. Kagamitan: Mga Kasangkapan sa Pananahi 4. KBI- Pagkamasinop PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang medida, pin cussion, emery bag B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nakaranas na ba kayong manahi sa kamay? Ano ang iyong ginagwa? 2. Paglalahad (Discussion) Isang kwento Si Zeny ay nag sususlsi ng T-Shirt ni Arnel. Binulangan niya ang karayaom ng sinulid na isang yarda ang haba. Tuwing itinutusok niya ito ay nagbubuhol dahil sa sorang haba. Ginamit pa niya ang malaking karayom kayat napuputol ang sinulid sa pagbatak. Hindi siya gumagamit ng didal kayat laging natutusok at dumudugo ang daliri. Hinihila niya ang sinulid ng kamay kayat kulubutan ang tahi niya. 1. Pagtatalakayan

III.

Bakit nagkakabuhol buhol ang sinulid ni Zeny? Anong karayom ang ginamit niya Ano ang dapat gawin ni Zeny? Ano ang gagawin upang maiwasan ang pagkakadugo ng daliri? Papaano ang pagpuputol ng sinulid? 2. Paglalahat Kailangan ng wastong paggamit sa mga kagamitan sa panahi at ibayong pag iingat para tumagal at di kalawangin ang karayom, aspili, at gunting. Gumamit ng medida para masiguro ang sukat. C. Pangwakas na Gawain Pag dedemo ng bawat pangkat sa pag gamit ng pangangalaga ng kasangkapan sa pananahi. IV. PAGTATAYA Iskor Kard Oo Hindi 1. Katamtaman ba ang haba ng sinulid sa pagbubulang ng karayom? 2. Pinunasan ko ba ng langis ang gunting bago itabi? 3. Gumamit ba ako ng didal para hindi ako matusok ng karayom? 4. Gumamit ba ako ng aspili? 5. Sinunod ko ba ang wastong gamit at pangangalaga ng kagamitan sa pananahi. V. TAKDANG ARALIN Magdala ng ibat ibang tela

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN


panggabing okayon, maari ring gawing kortina, pantakip ng kutson ng silya at muwebles. 7. Calico- ito ay magaspang at may matingkad na kulay. Yari ito sa koton at ginagawang kamisantro. 8. Crepe- Yari sa sinulid na pinilipit kaya nangungulubot ang tekla. Karaniwang malabot at makintab. Maaring gawing bestida at blusa. 9. Muslin o katsa- Ito ay yari sa koton, ang muslin ay ginagamit na pangilalalim sa damit, punda ng unan, damit panloob, o bulsa ng pantalon. 10. Organdy- Ito ay matigas na tela ngunit pino at manipis. Yari ito sa koton at rayon o iba pang hibla na gawa ng tao. Ginagawa itong blusa, damit at pang kuwelyo. 11. Percale- Ito ay makinis at matigas na tela. Maari itong gawing punda ng unan, kurtina, o takip ng kama. 12. Satin- Ito ay makintab at makinis na tela. Karaniwang ginagamit na lining na damit, magandang pantakip sa kama o kurtina. 13. Voile- Ito ay yari sa koton, seda, o rayon. Ang telng ito ay manipis at manginangnginang. Ginagawa itong damit, blusa, kurtina o pantulog. 14. Rayon- Yario ito sa balat ng kahoy o bulak. Mainit sa katawan ngunit hindi gusutin o dumihin. Hindi rin ito madaling kumupas. 3. Pagtatalakayan Ano ang voile? organdy? Paghambingin ang dalawa. Anong tela ang karaniwang ginagamit na lampin? 4. Paglalahat Ang tela ay may ibat ibang tekstura at nakikilala ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang salat, bigat at anyo. May kanya kanya itong gamit kung ano ang tatahiin. C. Pangwakas na Gawain Kumuha ng ibat ibang retaso ng tela at idikit sa notebook. IV. PAGTATAYA Sagutan ang PAPALAWAKIN KO PA! V. TAKDANG ARALIN Gumwa ng scrapbook ng tela at isulat ang uri nito at gamit.

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Nakikilala ang ibat ibang uri ng tela. PAKSA AT KAGAMITAN 1. MGA IBAT IBANG URI NG TELA 2. RBEC/PELC 4.4 3. EPP IV Textman 4. Kagamitan: Larawan 5. KBI- Pagiging masinop III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagbabalik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang Tela, Organdy, Percale, Calico at Brocade. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Alam niyo ba na may mga ibat ibang uri ng tela? Hindi ninyo ba pansin na ibat ibang ang texture ng mga damit ninyo sa Pangitaas at Pangibaba? 2. Paglalahad (Discussion) Mga Uri ng tela Ang pangunahing materyales na kailangan sa pananahi ay ang tela. Ito ay maaring galing sa halaman, hayop, o mga bagay na gawa ng tao. may ibat ibang uri ng tela na naayon sa pangangailangan o uri ng tatahiin. Ang isang magandang telaay pino, pantay pantay, at masinsin ang pagkakahabi. Narito ang mga uri ng tela: 1. Koton- Pino at simpleng tela, masinsin ang pagkakahabi nito. Ginagawa itong panyo, punda, duster, at iba pa. 2. Seda- Madulas na tela, pino at masinsin din ang pagkakahabi. Hindi madaling malukot at hindi rin agad tumatagos sa tubig 3. Pranela- Makapal nang bahagya ngunit malambot at mabalahibo. Ito ay karaniwang ginagawang lampin, kumot, pangginaw at pantulog ng bata. 4. Batiste- Malambot, magaan, makintab at matibay. Maaring itoy yari sa koton o hiblang gawa ng tao. Ginagamit ito sa paggawa ng damit panloob, panyo, pantulog at bestida. 5. Birds Eye- Ito ay disenyong hurig diyamante at tuldok sa gitna tulad ng mata ng ibon. Ginagawa itong lampin, pamunas ng kamay, at takip ng mesa o runner. 6. Brocade- Ito ay may pagkaseda at makintab, makapal at may nakaumbok na disenyo. Ginagawa itong damit sa II.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang alang sa pagpili ng tatahing proyekto. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. PAGPILI NG PROYEKTO SA PANANAHI 2. RBEC/PELC 4.5.1 3. Kagamitan: EPP Textman 4. KBI- Maging Masinop III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang: Panahon, Kahalagahan, Tibay B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ngayon, may tatahing kagamitan ka na maari mo itong gamitin sa pananahi. Maari kang gumawa ng panyo, tuwalya, pamunas ng kamay atbp. Ano ang dapat bigyan ng pansin sa pagpili ng tatahiin / proyekto? 2. Paglalahad (Discussion) Pagpili ng proyekto sa pananahi Sa pagbabalaka ng anumang proyektong ibig gawion, dapat bigyang pansin ang sumusunod na mga salik upang maging maayos at kapakipakinabang ang proyektong ihahanda. 1. Kahalagahan ng proykto para sa paggawa. 2. Halagang magugugol sa proyektong ihahanda. 3. Mga kagamitang kakailanganin at ang kasangkapan sa paggamit ng mga ito. 4. Dali at bilis ng paghahanap sa mga materyales na gagamitin. 5. Kaangkupan ng materyales na gagamitin. 6. haba ng panahong gugugulin sa pagbuo ng proyekto, 7. Ganda at tibay ng proyektong tatahiin. 8. Mga pangunahing pamamaraan sa pananahi.

9. Mga kaugaliang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapayt sundin habang gumagawa. 10. Kasiyang matatamo sa pangyari ng proyekto. 3. Pagtatalakayan Mahalaga ba ang proyektong gagawin mo? Paano mo isasaalang alang ang halaga, oras o panahon, kaangkupan ng materyles, ganda at tibay nito? May alam ka ba sa pangunahing pamamaraan sa pananahi? 4. Paglalahat Sa pagbabalak o pagpili ng tatahiin o proyekto dapat bigyan ng pansin o talakayin ang mga mahalagang salik upang maging maayos at kapakipakinabangh ang proyekto o tatahiin. C. Pangwakas na Gawain Sagutan ang puwang ng wastong sagot 1. Sa paggawa ng proyektong tatahiin kinakailangan ang materyales ay may ____. 2. Sa pagpili ng proyekto sa pananahi ay nababatay sa ___. 3. Kinikilalang ___ ng proyekto sa paggawa. 4. ___ gugulin sa proyekto 5. ___ matatamo sa pagyari ng proyekto. IV. PAGTATAYA Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng (/) ang mga salik na dapat isaalang alang sa pagpili ng tatahiin. ___ Halagang magugugol sa proyekto ihahanda. ___ Imported na materyales ang dapat gamitin ___ Kahalagahan ng proyekto para sa gagawa. ___ Mahal ang halaga ng materyales. ___ Kaligayahang matatamo sa pagyayari ng proyekto. V. TAKDANG ARALIN Magtala ng mga salik na dapat isaalang alang sa pagpili ng tatahiin / proyekto.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN Paano mapipili ang pinakaangkop na uri ng telang gagamitin. Para sa inyo ang ang uri ng tela ang maari ninyong gamitin sa paggawa ng pamunas ng kamay? 4. Paglalahat Ang isang mahusay na uri ng tela na maaring gamitin sa pananahi ay pinong hipo at kayarian sapagklat pantay pantay at masinsin ang pagkakahabi. Ito ay makinis, malambot ngunit matibay. C. Pangwakas na Gawain Identification ___1. Madulas na tela, pino at masinsin din ang pagkakahabi. Hindi madaling malukot at hindi rin agad tumatagos sa tubig ___2. Makapal nang bahagya ngunit malambot at mabalahibo. Ito ay karaniwang ginagawang lampin, kumot, pangginaw at pantulog ng bata. ___3. Malambot, magaan, makintab at matibay. Maaring itoy yari sa koton o hiblang gawa ng tao. Ginagamit ito sa paggawa ng damit panloob, panyo, pantulog at bestida. ___4. Ito ay disenyong hurig diyamante at tuldok sa gitna tulad ng mata ng ibon. Ginagawa itong lampin, pamunas ng kamay, at takip ng mesa o runner. ___5. Ito ay may pagkaseda at makintab, makapal at may nakaumbok na disenyo. Ginagawa itong damit sa panggabing okayon, maari ring gawing kortina, pantakip ng kutson ng silya at muwebles. IV. PAGTATAYA Analysis 1. Ang batiste ay maaring gawing ___. 2. Gagawa ka ng lampin bilang proyekto, anong tela ang gagamitin mo? 3. Ito ay makintab, makinis at yari sa koton na ginagamit na lining ng damit 4. Maari itong gawing bestida dahil ito ay malambot na pinilipit kayat nangungulubot ang tela. V. TAKDANG ARALIN

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Napipili at nakapagbabalak ng pansariling kagamitan na tatahiin sa kamay. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. TELANG GAGAMITIN SA PANANAHI 2. RBEC/PELC 4.5.2 3. EPP Textman 4. Kagamitan: Textman, Visuals 5. KBI Pagkamaingat III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin. 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang naylon at lana B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng mga proyekto o bagay na yari sa tela. Alin sa mga proyektong nasa harapan ang nais ninyong bagay na makamit? Alam ba ninyo kung anong uri ng tela ang Ginamit sa proyektong nabanggit. 2. Paglalahad Brainstroming Pangkatin sa apat ang klase, bigyan ng isang gagawaing proyekto at piliin ang uri ng tela na gagamitin Panyo Kurtina Lampin Epron Pamunas ng Kamay Punda PANGKAT 1 Pamunas ng Kamay PANGKAT 2 Epron PANGKAT 3 Damit Pantulog PANGKAT 4 Kurtina Magtala ng uri ng tela na maaring gamitin sa mga proyektong napili ng grupo at pagusapan nila ito. Maguulat ang liderng napagusapan sa bawat grupo. 3. Pagtatalakayan Ano ano ang mga pangunahing tela na kailangan sa pananahi ng mga kagamitang pansarili at pantahanan? Ano ang katangian ng mahusay na uri ng tela?

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang mga estudyante ay inaasahang: Napipili ang pansariling kagamitan na tatahiin ng kamay. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. PAGPILI NG KAGAMITAN NA TATAHIIN NG KAMAY 2. RBEC/PELC 4.5.3 3. Kagamitan: Visual Aids 4. KBI- Pagiging masinop sa mga kagamitan PAMAMARAAN

anong kagamitan at telang pipiliin mo? Bakit? 4. Paglalahat Sa pananahi, ng pansariling kagamitan at pagpili ng wastong tela sa tatahiing kamay tulad ng panyo, bandana o tuwalyang ay dapat isaalang alang ang wastong paggamit ng kagamitan at angkop na telang gagamitin.

C. Pangwakas na Gawain Magbigay ng 4 na uri ng pansariling kagamitan na gagamitin sa pagtatahi ng panyo at 1 uri ng telang angkop sa panyo. IV. PAGTATAYA Magbigay ng 4 na uri ng pansariling kagamitan na gagamitin sa pagtatahi ng panyo at 1 uri ng telang gagamitin dito. V. TAKDANG ARALIN Magdala ng tastas na laylayan ng palda at pumili ng pansariling kagamitang gagamitin sa pagtatahi nito.

III.

A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang salitang sewing box B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nais mo bang gumawa ng mga proyektong tatahiin ng kamay? Paano ka makakabuo nitio? Anong kagamitan ang iyong kakailanganin? 2. Paglalahad Pagpapakita ng mga Pansariling kagamitan sa pananahi. Tignan ang larawan. Kaalinsabay ang pagpapaliwanag tungkol dito. 3. Pagtatalakayan Ano ang kasangkapan o kagamitan sa pananahi? Ano ano ang mga materyales na nasa larawan? Pumil;i ng kagamitan at tela na magagamit. Kung mananahi o bubuo ng tatahiing kamay tulad ng panyao,

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN tahi upang magmukha itong putol putol na linya. 2. Back stitch- Kayulad ito ng tahi sa makina. Maaring pino o magaspang ang tahing pabalik. Ginagamit ito sa natastas na damit o sa pagdurugtong ng dalawang tela. Ito ay pinakamatibay na tahing kamay. 3. Hemming Stitch- Ginagamit ang tahing lilip sa laylayan ng damit, sa mababang bahagi ng manggas, palda, bestida at pantalon. May dalawang uri nito ang Pahilis at Patayo. 4. Basting Stitch- maaring regular o di regular ang paghihilbana dahil itoy tahing pansamantala. Higit na malalaki naman ito kaysa sa Running Stitch. May dalawang uri din ito ang Regular at Irregular 5. Blanket Stitch- Ito ay ginagamit na pang dekorasyon sa gilid ng laylayan ng damit. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsasalitsalit ng mahahaba at maiiksing tahi. 6. Overcasting Stitch- pantay pantay ang tahing ito. Magkakapareho din ang ayos ng mga tahi mula sa ilalim ng hugpungan o seam patungo sa ibabaw. Karaniwang ginagamit ito sa ilalim ng kilikili at kwelyo ng damit. 3. Pagtatalakayan Paano ka makakagawa ng lalong kasiyasiyang pananahi sa kamay? Aling hakbang sa pananahi sa kamay ang madali sa inyo o angkop sa tatahiin mo? 4. Paglalahat Ang mga pangunahing hakbang sa pananahi ay kakailanganin sa mga tahiing kamay ay ang karayom; paggamit ng didal; paggawa ng panukat sa tupi; paghihilbana; pagtututos; paglililip; patahing pabalik; blanket stitch; atbp. C. Pangwaks na Gawain Sagutan ang SUSUBUKAN KO ULIT (A) IV. PAGTATAYA Sagutan ang SUSUBUKAN KO ULIT (B) V. TAKDANG ARALIN Magdala ng damit na tastas ang laylayan at gawin ang wastong paraan ng paghihilbana at paglililip nito.

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natutukoy ang mga panimulang hakbang sa paggawa ng napiling kagamitan na tatahiin. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. PANIMULANG HAKBANG SA PANANAHI 2. RBEC/PELC 4.5.4 3. EPP TEXTMAN 4. Kagamitan: Textman, Visuals 5. KBI- Kasipagan III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin. 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang mga salitang Blanket stitch at overcasting stitch. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Paano mo makakamtan ang maganda at maayos na proyekto? Ano ang dapat mo munang matutuhan? 2. Paglalahd (Discussion) Pangunahing Hakbang sa pananahi 1. Ihanda ang sewing box. Dapat kumpleto ang mga kagamitan dito. Tiyaking malinis ang kamayb bago manahi. 2. Ilagay ang sinulid na nagkop ng butas ng karayom at sa tatahiin. Kailangang wastong haba lamang ang sinulid na may sukat na 45 sentimetro kapag nadoble. Huwag babasain ng laway ang dulo ng sinulid kapag isinusulot sa karayom. Gumamit ng thereader kung kailangan. 3. Ibuhol ang dulo ng sinulid sa pamamagitan ng daliri, 4. Gumamikt ng didal 5. Hawakan ng kanang kamay ang karayom ; kaliwang kamay kung kaliwete. 6. Laging itusok sa Pin cussion ang karayom kapag di ginagamit. 7. Pumili ng lugar na may sapat na liwanag bago manahi. 8. Itago ng maayos ang mga kagamitan. 9. Tiyaking maayo at malinis ang lugar na pagtatrabahuhan. Pangunahing Tahi sa kamay 1. Running Stitch- Ginagamit ito sa pagsusulsi, pagtatagpi, paggawa ng shirring at pagtatahi ng maliit na hilbana. Tiyaking pantay pantay ang puwang ng

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN


C. Desinyo (Drawing)

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Nakapagpaplano ng tatahiing kagamiktan ayon sa kagustuhan, pangangailangan, budget ng materyales at kakayahan sa pananahi. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. PROJECT PLANNING AT PAGPAPLANO NG TAHIING KAGAMITAN 2. RBEC/PELC 4.5 3. EPP TEXTMAN 4. Textman, Visual Aids 5. KBI- Kasipagan III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang salitang: plano ng proyekto B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang marunong manahi o magkumpuni ng damit? Nais ba ninyong gumawa ng proyekto sa pananahi? Ano ang dapat planuhin bago manahi? 2. Paglalahad (Buzz Session) Pagpaplano ng Proyektong Tatahiin 1. Alamin ang kahalagahan ng proyekto sa iyo. 2. Alamain ang halagang kakailanganin sa panggawa ng proyekto. 3. Tiyaking nakahanda ang mgha kagamitan at kasangkapang kakailanganin. 4. Tiyaking taglay ang kasanayan sa paggamit ng mgha kagamiyan. 5. Alamin ang pagmumulan at kaangkupan ng materyales na gagamitin. 6. Alamin ang tagal ng panahong gugugulin sa paggawa ng proyekto. 7. Siguraduhing maganda at matibay ang proyektong gagawin. 8. Bigyang pansin ang kasiyang matatamo sa paggawa ng proyekto. Layunin: A. General Makagawa ng maayos na Panda B. Specific Nalalaman ang mga dapat at di dapat sa paggawa Makatatapos sa tamang oras Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng Punda Mga Materyales A. Mga Gastos Blg. Aytem 2pc. Sinulid 1pck. Karayom 1yrd. Tela

Paraan ng Paggawa A. Preconstruction Process Ihanda ang mga Matryales Hugasan ang Kamay B. Construction Tahiin

Evaluation Criteria Perfect Score 1. Nagawa ng 30 husay 2. Tahimik Habang 20 Gumagawa 3. Maayos 4. Malinis 15 15 5. Kaakit akit at mahusay 20 TOTAL 100

Teacher Score 22 15 10 15 17 79

Student Score 20 27 12 13 15 87

Total 20 27

12 13 15

83

3. Pagtatalakayan Ano ang kahalagahan ng proyekto para sa gagawa Magkano ang halagang magugugol sa proyekto? Ano ano ang mga kagamitan ang kasangkapang gagamitin? 4. Paglalahat Ang pagplaplanong tahiing kagamitan ay napakahalaga dahil makatitipid sa oras, pera, at lakas sa pagbuo ng proyekto. C. Pangwaksa na Gawain Gumawa ng isang Project Plan IV. PAGTATAYA Lagyan ng ( / ) kung ang kaisipan na may kaugnayan sa pagpaplano ng tahiing kagamitang pot holder. ___1. Pumili ng materyeles na nakukuha sa pamayanan ___2. Gumawa ng proyektong sinabi ng kaklase kahit hindi ito kailangan. ___3. Isaalang alang ang kasiyahang matatamo sa pagyari ng proyekto ___4. Magtahi ng walang kasanayan. V. TAKDANG ARALIN

Presyo 5.00 5.00 25.00

Total 10.00 5.00 25.00

B. Mga Kailangang Materyales Tela Sewing Box

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN liwanag ay dapat nanggagaling sa kaliwang balikat kung mananahi. Iwasang kagatin o basain ng laway ang dulo ng sinulid kapag isusuot ang karayom. Isuksok ang aspili at karayom sa pin cussion kapag hindi ginagamit. Huwag ilagay sa bibig ang aspili o karayom. Pagsasatao ng bawat pangkat. 3. Pagtatalakayan Bakit kailangang maghugas ng kamay bago manahi? Ano ang ayos ng upo kapag nananahi? Bakit kailangang gumait ng didal? Saan dapat manggaling ang liwanag kung mananahi? 4. Paglalahat Dapat sundin ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan habang nananahi upang maiwasan ang sakuna o sakit. C. Pangwakas na Gawain Tumawag ng ilang bata na magpapakita ng panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi upang maiwasan ang sakuna. PAGTATAYA Ipapakita ng bawat grupo ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi. Bumuo ng maikling dula dulaan ang bawat grupo. Makakatanggap ng 90% ang grupong magpapakita nito ng maayos. TAKDANG ARALIN Mag research pa tungkol sa mga panuntunan.

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Naipapakita ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN SA PANANAHI 2. RBEC/PELC 4.7 3. EPP TEXTBOOK 4. Kagamitan: Visual Aids 5. KBI- Pagiingat sa kalusugan III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang salitang: Plano ng proyekto B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mag aaktong nasaktan ang guro sa pananahi. Ano ang mga nangyari saakin? Bakit ako natusok ng karayom? Ano ba ang dapat nating gawin habang nananahi upang maiwasang masaktan? 2. Paglalahad Maglalahad ng maikling sitwasyon ang guro tungkol sa paksa. Ipapangkat ng guro ang mga bata sa apat. Magbibigay ang guro ng teksto tungkol sa wastong kaugalian sa pananahi at isasatao ng bawat pangkat upang maipakita ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi. Maghugas ng kamay bago manahi. Ayusin ang buhok upang hindi tumabing sa tinatahi. umupo ng nakalapat ang paa sa sahig at nakalapat ang likod sa sandalan ng silya. Maiiwasan ang madling pagkapagod kung maayos ang pagkakaupo. Isuot ang didal kapag nananahi. Iwasang manahi sa lugar na walang sapat na liwanag. Ang

IV.

V.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN


pong mababa ang maibibigay kong marka. wika ni Josie. 3. Pagtatalakayan Ano ang pamantayan sa pagbuo ng proyekto? Paano napapahalagahan ang proyektong natapos. Bakit dapat ang pagbibigay ng halaga sa natapos na proyekto ayon sa pamantayan? 4. Paglalahat Kinakailangan na bigyang pagpapahalaga ang mga natapos na proyektoayon sa pamantayan upang mapahalagahan ang uri ng pagkakagawa C. Pangwakas na Gawain Pumili ng natapos na proyekto. Isa sa bawat grupo Ibigay ang pagpapahalaga ayon sa pamantayan. PAMANTAYAN Perfect Bata Guro 1. Kawastuan 25 2. Bilis ng pagkayari 25 3. Disenyo 4. Kahalagahan o 15 gamit ng proyekto 25 TOTAL IV. 90 PAGTATAYA Panuto: Lagyan ng ( / ) ang angkop na hanay na tumutugon sa bawat pamantayan Bahagya

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang magaaral ay inaasahang: Napahahalagahan ang natapos na proyekto ayon sa pamantayan o rubrics II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. PAGPAPAHALAGA NG NATAPOS NA PROYEKTO AYON SA PAMANTAYAN 2. RBEC/PELC 4.8 3. Halimbawa ng natapos na proyekto. Visuals 4. KBI- Pagpapahalaga ng proyektong natapos. III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagsasagot ng Formative Evaluation sa Textman 2. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang salitang: pamantayan B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Magpapakita ng mga aktwal na nabuong proyekto. Ano ang mga masasabi ninyo sa mga nabuong proyekto? Wasto ba ang pagkakagawa nito? 2. Paglalahad Kwento Sa silid aralan ng Sining Pantahanan isang hapon ay nagpapakita ng natapos niyang proyekto si Josie. Hindi nagustuhan ng guro dahil hindi ito nakasunod sa pamantayan. Nagtanong si Josie sa guro, Ano po ba dapat ang aking gawin upang makabuo ako ng maganda at kaakit akit na proyekto? Madali lamang Josie ang sagot ng guro. Dapat lamang sundin ang pamantayan sa paggawa nito. Pamantayan Perfect Grade Self Grade Kawastuan 30% Bilis ng pagkakayari 25% Disenyo 25% Kahalagahan o gamit ng 20% proyekto. Total 100% Ito ang dapat maging batayan sa pagbuo ng proyekto, payo ng guro. Kung ikaw ang magbibigay ng marka sa sarili mo ano ang ibibigay mo? Tanong ni Bb. Cruz. Sigurado

PAMANTAYAN Oo Hindi 1. Ang tastas, haba at lapad ng proyekto ay ang kop sa isat isa? 2. Naisasagawa ba sa takdang panahon ang nabuong proyekto? 3. Nakasusunod ba ang tamang sukat ayon sa krokis? 4. Nakasunod ba sa hakbang? 5. May pakinabang? V. TAKDANG ARALIN

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Makabuo ng isang Kagamitang tahi sa kamay. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. MGA MUNGKAHING GAWAIN SA GAWAING PANTAHANAN 2. MUNGKAHING GAWAIN 2 3. Tela; Gamit sa panahi 4. KBI- Kasipagan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral 2. Talasalitaan Mga Burda B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nasuri mo na ba ang kakayahan mo sa pananahi? 2. Paglalahad Gagawa ng ibat ibang activities (Ibat ibang uri ng mga burda) 3. Pagtatalakayan Bakit kailangang gawin ito? Ano ang kabutihang dulot nito? 4. Paglalahat Gamit ang pagsasanay na ito natutukoy mo kung hanggang saan ang alam mo sa pananahi. C. Pangwakas na Gawain Gagawin ang Activity IV. PAGTATAYA Sagutan ang Evaluation Tool Mamamahagi ang guro ng Evaluation tool. TAKDANG ARALIN

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Makabuo ng isang Kagamitang tahi sa kamay. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. MGA MUNGKAHING GAWAIN SA GAWAING PANTAHANAN 2. MUNGKAHING GAWAIN 1 3. Tela; Gamit sa panahi 4. KBI- Kasipagan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral 2. Talasalitaan Running at Basting Stitch B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nasuri mo na ba ang kakayahan mo sa pananahi? 2. Paglalahad Gagawa ng ibat ibang activities (Ibat ibang uri ng tahi. 3. Pagtatalakayan Bakit kailangang gawin ito? Ano ang kabutihang dulot nito? 4. Paglalahat Gamit ang pagsasanay na ito natutukoy mo kung hanggang saan ang alam mo sa pananahi. C. Pangwakas na Gawain Gagawin ang Activity IV. PAGTATAYA Sagutan ang Evaluation Tool Mamamahagi ang guro ng Evaluation tool. TAKDANG ARALIN Magdala ng telang 20x20 bukas.

III.

III.

V.

V.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN kapaligiran ay nakatutulong sa pagbibigay lilim lalo na kung panahon ng tag init. Nakatutulong din ang mga puno sa paghigop ng hanging may amoy gayundin ang ingay na maaring magmula sa alagang hayop. 5. Iakma ang laki ng kulungan sa bilang ng hayop. Ang pagsisiksikan o kakulangan ng bentilasyon ay maaring maging dahilan ng kanilang pagkakasakit. iyaking nasisikatan ng araw ang kulungan ng manok, baboy at iba pang hayop upang mamatay ang mikrobyong sanhi ng sakit. 3. Pagtatalakayan Ano ano ang mga kahalagahan ng pagaalaga ng hayop? Bakit kailangang mapanatiling malinis ang kanilang bahay? Bakit kailangang ihiwalay ang hayop na may sakit sa ibang hayop na walang sakit? Bakit kailangang tama at malinis ang mga pagkain ng hayop? 4. Paglalahat Ang mga hayop ang isa sa mga bumubuhay sa atin sa araw araw. Sila ay nagsisilbing bantay, katulong, alalay at pagkain natin. Dahil tayo ay minamahal at pinapahalagahan nila dapat na suklian natin ito . C. Pangwakas na Gawain Itala sa notebook ang mga Kahalagahan ng Pagaalaga ng Hayop mas mainam kung maghahanap sa ibang aklat o sa internet. IV. V. PAGTATAYA Sagutan sa Textman ang ISAPUSO. TAKDANG ARALIN Magtala ng lista sa notebook ng mga hayop na maaring alagaan.

PART B GAWAING PANG AGRIKULTURA Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Nasasabi ang kahalagahan ng pagaalaga ng hayopn sa tahanan II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. KAHALAGAHAN NG PAGAALAGA NG HAYOP 2. RBEC/PELC 3.1 3. Textman sa EPP IV 4. Kagamitan: Visula Aids 5. KBI- Kabutihang Loob PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagsasagot ng Individula Work Activities 2. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang salitang: Pagaalaga B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Maalam ka ba mag alaga ng hayop? Alam mo ba ang mga kahalagahan nito? 2. Paglalahad (Discussion) Isang negosyo ang pag aalaga ng hayop. Kailangan sa isang negosyo o nagbubukas na negosyo ay naghahangad na kumita. Paano mapaparami ang alagang hayop para kumita? 1. Panatilihing malinis ang kanilang bahay o kulungan. Itapon sa wastong paraan at pook ang kanilang dumi. maari maging sanhi ito ng sakit o pagkakaroon ng mga peste o insekto. 2. Kung may hayop na may sakit, ihiwalay ito agad nang hindi makahawa. Kung madaling makahawa ang sakit at mahirap itong gamutin, dalhin sa beterinaryo. 3. Tiyaking tama at malinis ang pagkain at inumin ng alagang hayop Hugasang mabuti ang kagamitan sa pagkain. 4. Panatilihin ang tamang temperatura sa kulungan. Ang pagtatanim ng puno sa

III.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN talampakan. Sa loob ng kulungan naroon din ang sementadong labangan o lagayan ng pagkain. Kung ang baboy namang aalagaan ay iisa maari itonmg itali na lamang. Aso- Ito ay itinuturing na matalik na kaibigan ng tao. Ito ay masipag na bantay ng bahay na proteksyon sa mga mag nanakaw. maari rin silang turuang umalalay sa mga bulat at matatanda. Ang higit n mahusay na lahi ng aso ay katulong din ng mga awtoridad sa pagsugpo ng ilang klase ng krimen. Kalapati- Ang pagaalaga ng kalapati ay nakakalibang. Madali rin itong pagkakitaan sapagkat madaling dumami. Ang isang inahin ay nangingitlog na sa gulang na 3 buwan. (MAS DETALYADO SA TEXTMAN) 3. Pagtatalakayan Ano ano ang mga hayop na maaring pagkakitaan? Ano ang mga gagawin dito kapag may sakit? Ano ang mga pwedeng ipakain dito? Sa anong uri maaring ibenta at pagkakitaan ang mga ito? 4. Paglalahat Ang pagaalaga ng hayop ay isang magandang asal dahil dito natutulungan natin ang mga hayop, napapakain, naalagaan at minamahal. Bilang kapalit ng pagmamahal natin minsan namamatay sila bilang pagkain para saatin o kaya dekorasyon sa tahanan. C. Pangwakas na Gawain Buko sa mga hayop na nakalista sa itaas magtala pa sa notebook ng mga hayop na maaring alagaan, pagkakitaan, at kabutihang dulot nila. IV. PAGTATAYA Sagutan sa textman ang MAY NAINTINDIHAN BA AKO? TAKDANG ARALIN Sagutan ang ISAPUSO

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan at mapagkakitaan. II. PAKSA AT KAGAMITAN 1. MGA HAYOP NA MAARING PAGKAKITAAN AT ALAGAAN. 2. RBEC/PELC 3.2 3. TEXTMAN sa EPP 4. Mga Larawan at Visual Aids 5. KBI- Pagpapahalaga sa Hayop PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang sumusunod na salita: Bibe, Gansa, Kalapati B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Alam ninyo ba ang mga hayop na maaring pagkakitaan? Alam ninyo ba kung paano makakaiwas sa kanilang mga sakit? Nagaalaga ba kayo sa bahay ninyo ng hayop? 2. Paglalahad Manok- Ang pagmamanukan ay isang papular na gawain dito sa Pilipinas. Sa pagmamanukan, isa sa pangunahing pangangailangan ay ang kulungan. Ito ay dapat na maluwag at mahangin. Ang paglalagay nito sa lugar na malilim ay makatutulong upang magkaroon ng malamig na simoy ng hangin. Karaniwang yari sa pawid at kawayan ang kahulugan ng manok at may chicken wire sa kabuuan. Ang kulungan ay dapat na may painuman at lalagyan ng patuka. Pato, Bibe, Gansa- Ang pangunahing kailangan sa pagaalaga ng bibe, pato, at gansa ay malawak na bakuran na may bahaging katubigan. Mahilig silang mag lakad at lumangoy sa tubig kung kaya ang paglalagay ng probisyon sa bahaging may tubig ay napakahalaga. Katulad ng manok, ang pato at bibe ay nangangailangan din ng mga patukang butil, giniling na mais at patukang gulay. Baboy- Ang baboy na inaalagaan ay dapat may sariling kulungan. Ito ay karaniwang yari sa konkretong pader na hindi bababa sa tatalong

III.

V.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN ang pagsangguni sa beterinaryo upang malaman ang tamang bitaminang ibibigay sa mga alagang hayop at mga bakuang kailangan nila. 3. Pagtatalakayan Maari bang ipaliwang ng bawat isa ang mga panuntunang ito? Ipaliwanag nga ang #4. Bakit kailangan malinis? Bakit kailangan may pagkain? 4. Paglalahat Service- Serbisyo itong salitang ito ang magpapatibay ng samahan ng mga hayop at tao. Dahil sa Serbisyo ng tao sa hayop at Serbisyo ng hayop sa tao nagiging mas produktibo ang bawat isa. C. Pangwakas na Gawain Sagutan ang SUSUBUKAN KO ULIT! sa Textman IV. PAGTATAYA Pumunta sa SLRC o kaya sa Computer Room at I research ang activiity na nasa PAPALAWAKIN KO PA! MUNGKAHING GAWAIN Sagutan ang PORMATIBONG PAGSUBOK sa Textman TAKDANG ARALIN Ipakita na nakasususnod sa mga panuntunan.

Petsa: _______________________ I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahang: Natatalakay ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag aalaga ng hayop. PAKSA AT KAGAMITAN 1. MGA PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN SA PAGAALAGA NG HAYOP 2. RBEC/PELC 3.3 3. TEXTMAN SA EPP 4. Visual Aids 5. KBI- Service III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang panuntunan, pangkalusugan B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Hindi mo ba alam na may panuntunang pangkalusugan at pangjaligtasan sa pagaalaga ng hayop? Alam mo ba ang mga ito? 2. Paglalahad (Discussion) Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pagaalag ng hayop 1. Ang isa sa pangunahing susi sa isang maunlad na paghahayupan ay ang kalinisan. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran ay nakatutulong upang lumaking malulusog ang alagang hayop. Maiiwasan din ang pagkakalat ng sakit at peste. 2. Ang pagbibigay ng sapat na pagkain ay isa pang dapat pagtuunan ng pansin. Hindi kailangan ng mahal na pagkain, ang mahalaga ay naayon ito sa kanilang pangangailangan. Maaring mangulekta ng mga tirang pagkain sa kapitbahay o kaya naman ay mga lantang gulay o prutas sa palengke. 3. Ang mga hayop upang manatiling malusog, masigla at ligtas, ay nangangailangan ng sariling tirahan. Kailangan nila ng sapat na proteksyon sa init at lamig ng panahon. 4. Ang bitamina at mineral ay mahalaga rin sa mga hayop. Tumutulong ito sa mabilis at maayos nilang paglaki. Kasabay nito II.

V.

VI.

Laila Q. Rubio

RD

E.P.P IV QUARTER DETAILED LESSON PLAN

PART C SINING PANG INDUSTRIYA Petsa: _____________________

Laila Q. Rubio

Você também pode gostar