Você está na página 1de 4

PANAHON NG LUMANG BATO

Sa panahong ito ay natuklasan ng mga antropologo na ang ating mga ninuno ay gumagamit ng mga matitigas at madaling hubuging mga bato bilang mga kasangkapan. Mayroon din namang natagpuang malalaking bato na ang mga tagilirang bahagi ay maingat na kininis.Hindi pa sila(taong tabon) marunong magluto ng kanilang pag-kain, dahil hindi pa nila natutuklasan ang apoy. Ang taliptip na bato ay kasangkapan na ginamit ng sinaunang Pilipino ng Kapanahunang Bato hanggang sa Unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Ang taliptip at kobol ang mga kaunaunahang kasangkapang ginawa noong Kapanahunang Paleolithic o Panahon ng Lumang Bato.

Ang kasangkapang ito ay nililuk sa pamamagitan ng pagpukpok sa gitna ng bato ng martilyong bato o sa pagpukpok na may buto o tabla sa pagitan ng martilyong bato at ng batong gagawing kasangkapan. Nilikha ng sinaunang tao ang mga kagamitan mula sa bato na nagtapuan sa tabing ilog. Ito ay ginamit na kutsilyo at pangkayod. Bago pa man natuklasan ang mga labi ng kauna-unahang tao sa Pilipinas, ang katunayan ng kanyang pagdating ay natagpuan sa isang rantso sa Cagayan-dalawang kasangkapang taliptip sa yari sa bato ang kaunaunahang kagamitan na ginawa ng tao na tinatayang 9 milyung taon na. Ang mga ito ay iniugnay sa labi ng elephas, isang sinaunang elepante. Ang taliptip ay maari ring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng lakas o diin. Tinatapyas ng manggagawa ang maliliit na taliptip sa kasangkapang bato sa pamamagitan ng buto o kahoy. Sa pamamaraang ito matatantya ang hugis at sukat ng bawat piraso. Ang mga kasangkapang taliptip ay ginagamit na kutsilyo, pangkayud at iba pang kagamitan. Karamihan ng mga kasangkapang taliptip na nakuha sa kuweba sa Tabon, Palawan ay yari sa tsert, isang matigas na bato na kadalasan ay matatagpuan sa kalapit na ilog sa Quezon, Palawan. Ang mga kagamitang taliptip na ginamit noong Panahong Paleolithic na tinatayang 16,000 8,000 bago pinanganak si kristo ay natagpuan sa kweba sa Laurente, Penablanca, Cagayan; kweba ng Bolobok sa Sanga-Sanga, Tawi-Tawi (timog na bahagi ng Pilipinas). Ito ay natagpuan din sa ibat-ibang pook sa Cagayan (hilagang bahagi ng Pilipinas) tulad ng mga kweba sa Musang, Callao, at Rabel. Hanggang sa unang bahagi ng Kapanahunang Metal, ang mga kagamitang taliptip ay ginagamit pa rin. Ito ay napatunayan nang matagpuan sa kweba ng Pintu, Isabela ang mga kasangkapang ito.

PANAHON NG BAGO NG BAGONG BATO


Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic oNew Stone Age). Ito ay hango sa mga salitang Greek na neos o bago at lithos o bato. Katangian ng panahong ito ang paggamit ng ibat ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino, pananatili ng tao sa mga pamayanan, domestikasyon ng mga pananim at hayop, at pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa ng palayok at paghahabi.

Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000 B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang mga pananim na trigo at barley. Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000 B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang mga pananim na trigo at barley. Sa pamamagitan ng mga isinagawang pagsusuri sa mga naiwang buto, ang isang karaniwang tao sa Catal Huyuk ay tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos 30 taon. Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan. Ang mga tao rito ay nagtatanim ng trigo at barley at nag- aalaga ng mga tupa at baka. Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya, particular sa lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay yumabong sa pagiging isang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E. Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang Neolitiko ay kumalat sa Europa, at sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China. Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.

PANAHON NG METAL
Ang unang natutuhang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay ang tanso o copper. Pinapainitan nila ang copper ore ng uling upang maging metal na tanso. Madalas nilang gawin itong alahas at kagamitang pandigma. Natutuhan nila ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang Asya. Pinaghalo rin nila ang metal na tanso at metal na tin at ang nabuong metal ay tinawag na bronze. Ito ay mas matibay pa sa tanso. Sa Panahon ng Bronse(5,000-1,200 B.C.E.), nakalikha sila ng mga kagamitang pansaka at mga kagamitang pandigma na may matatalim na bahagi. Sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos mula sa bronse, gayundin ng mga bariles na gawa rin dito. Ang iron o bakal ay higit na matibay kesa bronse at tanso. Nadiskubre ng mga Hittite sa Kanlurang Asya ang paggawa nito noong 1000 B.C.E.. Dahil dito, nakagawa sila ng mas matitibay na kagamitang pansaka at panlaban sa mababangis na hayop

Copper

Tin

Bronze Age Weapons

Você também pode gostar