Você está na página 1de 3

Banghay Aralin sa Agham Panlipunan III I.

_______ Date

Layunin 1. Nasusuri ang mga elemento ng kabihasnang Minoan at Mycenean; 2. Naaghahambing ang mga kabihasnang Minoan at Mycenean sa pamamagitan ng Venn diagram; 3. Naipapaliwanag kung paano nagwakas ang paghahari ng kabihasnang Minoan; 4. Napapakita ang isang mayamang kabihasnan sa pamamagitan ng film viewing Helen of Troy; 5. Napahahalagahan ang mga ambag ng mga kabihasnang Minoan at Mycenean. Nilalaman Paksa: Kabihasnang Minoan at Mycenean Mga Konsepto: kabihasnan, fresco, palapag, peninsula, mandaragat Kagamitan: Mapa ng Daigdig, Aklat, Powerpoint presentation (visual aids), manila paper, marker pen Sanggunian: Batayang Aklat at iba pang aklat pangkasaysayan Learning Competencies: 2. 1. Nasusuri ang mga elemento ng Kabihasnang Minoan at Mycenean.

II.

III. Pamamaraan A. Activity/ Gawain 1. Panimula a. Daily Routine (pagbati, dasal, attendance) b. Balik-Aral Paano pinaunlad ng kabihasnan sa MesoAmerica at South America ang kultura ng daigdig? Tukuyin kung saan nanggaling o kaninong pamana ang mga sumusunod: 1. Code of Hammurabi 6. Sewerage system (Babylonia) (India) 2. Coinage (Lydian) 7. Great Wall (China) 3. Satrapy (Persian) 8. Cuneiform 4. Hieroglyphics (Sumerian) (Egyptian) 9. Halach uinic 5. Bakal (Hittite) (Maya) 10. Aqueduct (Aztec) Ano ang ilang halimbawa ng mga naitatag na sibilisasyon sa kasaysayan? Iugnay ang tinalakay sa kasalukuyang paksa sa pamamagitan ng paghahanap sa mapa ng Aegean Sea sa Silangang Mediterranean. Hahanapin din ang isla ng Crete at Greek Peninsula. c. Pagganyak Sasabihin ang mga lugar na nabanggit ay itinuturing na lunduyan ng kabihasnang Kanluranin. Babasahin ang ilang pahina ng mga epikong iliad at Odyssey particular sa bahaging inilalarawan ni Homer ang Knossos. Paano inilarawan ang lugar na ito sa Crete? Batay sa paglalarawan ni Homer, anong anyo ang nabuo sa kanilang kaisipan. d. Pagpapahalaga 1. Nagagamit pa ba ang mga naturang ambag sa kasalukuyang panahon?

2. Paano pinahahalagahan ng sangkatauhan ang mga pamana ng Minoan at Mycenean? B. Analysis/ Pagsusuri 1. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit. Ibigaya ng sariling pakahulugan ayon sa kabuuan ng nilalaman: a. Maraming pamana ang kabihasnang Minoan sa sangkatauhan. b. Ang mga mandaragat ay bihasang manlalakbay sa karagatan. c. Ang Greek Peninsula ay nagging sentro ng kabihasnang Kanluranin. Ippaliwanag ang bawat pakahulugang ibinigay ng bawat mag-aaral. 2. Hatiin ang klase sa dalawang malaking pangkat. Gamitin ang learning organizer (manila paper at marker) gawin ang mga sumusunod: a. Pangkat A. Kabihasnang Minoan 1. Ano ang kabihasnag=ng nabuo sa Crete? 2. Paano namuhay ang mga ninuno ng mga taga-Crete? 3. Ano ang mga palatandaan ng mataas na uri ng pamumuhay ng Knossos? 4. Anong mga bayan ang nakipagkalakan sa Crete? 5. Bakit yumaman ang Crete sa larangan ng kalakalan? 6. Ano ang disenyong karanieang ipinipinta ng mga Minoan sa kanilang palayok? Bakit? 7. Paano nagwakas ang paghahari ng kabihasnang Minoan? b. Pangkat B. Kabihasnang Mycenean 1. Saan nanggaling ang mga Mycenean? 2. Bakit yumaman at nagging makapangyarihan ang mga Mycenean? 3. Paano nagging makapangyarihan ang lungsod ng Troy? 4. Paano nasakop ng mga Mycenean ang lungsod ng Troy? 5. Sino ang pinaniniwalaang diyos ng mga Mycenean? 6. Ano ang gma patunay na may mataas na uri ng kultura ang Mycenean? 3. Bahagi ng pagsusuri ng bawat pangkat ang concept map na gagawin sa maikling paguulat na isasagawa. Ilalahad ito sa klase matapos gawin.
Sinanunang Greece Minoan Mycenean

Knossos

Linear A

Fresco

Achean

Troy

Linear B

4. Gamitin ang yellow paper at marker pen, gumawa ng isang representasyon ng mga rutang maaring tinahak ng mga Greek upang marating ang Troy at Knossos mula sa Mycenae. Gamitin ang mapa ng Europe. 5. Magkakaroon ng paglalahad sa klase tungkol sa nagging pangkatang gawain, magkakaroon din ng mga tanong, puna o reaksyon sa mga inulat ng mga pangkat. 6. Magbigay ng maikling pagbubuod ukol sa mga gawain ng nakaraang dalawang araw. Anong mahahalagang kaisioan ukol sa kabihasnang Minoan at Mycenaean ang natutuhan mula sa mga inulat. 7. Pag-ugnayin ang mga nakaraang talakayan sa pamamgitan ng pagbibigay ng karagdagan pang impormasyon ukol sa mga paksang inulat. 8. Magkakaroon ng film viewing tungkol sa Helen of Troy.

C. Abstraction/ Paglalahat Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga paglalahat tulad ng sumusunod: a. Ang kabihasnang Minoan ay sumibol sa pulo ng Crete sa Aegean Sea. b. Ang mga Minoan ay may sariling sistema ng pagsulat na tinawag na LinearA. Hindi na nababasa at naiintindihan ito hanggang ngayon. c. Yumaman ang Crete dahil sa pakikipagkalakalan nito sa mga pulo ng Aegean Sea. D. Application/ Paglalapat Sa mga kontribusyon ng mga Minoan at Mycenean, alin ang may malaking ambag sa kasalukuyan? Bakit? E. Pagtataya Paghambingin sa pamamagitan ng Venn Diagram ang kabihasnang Minoan at Mycenean. 1. Katangian ng mga Minoan 2. Katangian ng mga Mycenean 3. Pagkakatulad ng mga kabihasnang Minoan at Mycenean

IV.

Takdang Aralin Maghanda sa pagsusulit. Basahin at aralin ang Kabihasnang Greek sa Batayang Aklat. pp. 114- 125. Ano ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili? Saan nakasentro ang kabihasnang Greek?

Você também pode gostar