Você está na página 1de 8

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Banghay tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.

Paningin
pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

Paksang-diwa o tema

tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.

Himig

itoy tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring


mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin. Salitaan ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural

at hindi artipisyal angdayalogo.

Suliranin mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita

kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa


suliraning kinakaharap.

Tunggalian

ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging


kawili-wili at kapana-panabik ang mga panggyayari. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o

anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na


nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli. Mga uri ng Tunggalian: a.tao laban sa tao b. tao laban sa sarili c. tao laban sa kalikasan

Kasukdulan dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangan maguyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang

lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik


sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

Kapananabikan

nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa


mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

Kakalasan

ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

Você também pode gostar