Você está na página 1de 2

ALIM

(Epiko ng Ipugaw) Batay sa pagsasaliksik ni Dr. Jose Villa Panganiban

Noong unang panahon, ang buong mundo ay panay lupa na patag na


patag. Maliban lamang sa dalawang bundok na Amuyaw at Kalawitan sa pagitan nito ay may naninirahang mga tao sa ilog at kagubatan. ang pangkabuhayan ng mga mamamayan ay napakadali, kung ikaw ay nagugutom ay kumuha ka lamang ng isang saganang tangkay ng kawayan at ito ay biyakin mo at may bigas ka nang makakain. Maaari mo na rin itong isaing sa loob ng kawayan. Kung nais mo namang uminom ay kumuha ka lamang sa tubo ng katas nito ay may maiinom ka na. sa ilog ay napakaraming isda kang mahuhuli at sa mga kagubatan ay madali kang makahuli ng mga usa at baboy ramo. Ang bigas naman ay saganang-sagana. Kumuha ka lamang ng isang dakot ay kakasya na sa isang mag-anak. Ganyan ang pamumuhay noon.

Noon,

Subalit dumating sa kanila ang panahon ng tagtuyot. Hindi pumatak ang


ulan. Namatay ang lahat ng mga halaman at mga hayop. Nangamatay ang mga tao sa uhaw at gutom. Naisip ng mga taong hukayin ang ilog. Inabot ng tatlong araw ang paghuhukay bago bumalong ang tubig. Dahil sa lakas ng pagbalong ng tubig ay may namatay. Patuloy ang pagbalong ng tubig hanggang sa mangalunod ang lahat ng tao maliban sa magkapatid na Wigan at Bugan. Ang lalaki, si Wigan ay napadpad ng baha sa bundok ng Kalawitan.

Sa wakas ay humupa rin ang baha. Si Bugan ay napagpaningas ng apoy


at itoy nakita ni Wigan. Umakyat si Wigan sa Bundok Kalawitan at nagkita silang magkapatid. Naglakbay sila sa ibat ibang pook upang maghanap ng mga tao subalit wala silang natagpuang isa man. Nagtayo si Wigan ng isang kubo at dito niya iniwan si Bugan. Siyay nagpatuloy sa paghahanap ng tao. Subalit tulad ng una, ni isang tao ay wala siyang makita. Sa wakas ay napagtanto niyang sila lamang magkapatid ang natira sa daigdig. Lumipas ang panahon at naramdaman ni Bugan na siyay nagdadalang tao. Dala ng kahihiyan sa sarili ay naisip niyang magpakatiwakal subalit hinadlangan siya ng kanilang Bathala, si Makanungan.

Ikinasal silang magkapatid at sinabing itoy hindi kasalanan. Nagkaanak sila ng siyam apat na babae at limang lalaki. Ikinasal ang
apat na babae sa unang apat na lalaki kayat ang huling lalaki o bunso ay walang naging asawa. Ang ngalan ng bunsong ito ay Igon.

Sumapit ang panahong nagkaroon ng tagtuyot. Wala silang makain. Naisip


nilang dumulog kay Makanungan. Bilang handog sa Bathala ay napahuli si Wigan ng isang daga. Nang hindi sila kaawaan ng Bathala ay iginapos si Igon at pinatay upang siyang ihandog sa Bathala. Si Makanungan ay dumalo sa kanilang handaan subalit laban sa kanyang kalooban ang ginawa nila kay Igon. Dahil daw sa kanyang kalooban ang ginawa nila kay Igon. Dahil daw sa ginawa nilang iyon kay Igon ay parurusahan sila. Ang angkan nila ay magkakahiwa-hiwalay. Ang magkakapatid na mag-aasawa ay magtutungo sa silangan, sa timog, sa kanluran

at hilaga. At sa pagkakataong silay magkatapu-tagpo ay mag-aaway at magpapatayan sila. Ito raw ang sumpa ni Makanungan.

Você também pode gostar