Você está na página 1de 8

Ang ingay ng paligid ang siyang gumising sa natutulog na si Thay.

Noong araw na iyon napagpasiyahan nila na lumikas sa kanilang tahanan kasama ang buo niyang pamilya upang makaiwas sa nagbabantang panganib sa kanila na dulot ng Digmaan sa pagitan ng Khmer Rouge at Republikanong marshal ni Lon Nol.

Manunuluyan muna sila sa bahay ng pinsan nitong si Oan. Habang papunta sila sa bahay ni Oan, bumalik ang mga alaala niya tungkol sa labanan. Nag-umpisa ito sa pakikipagkasundo ni sihanouk sa North Vietnamese na maaari nilang magamit ang pinakamalayong lugar sa silangan ng Cambodia para sa paghatid sa Estados Unidos.

Sinuportahan ng mga di sumangayon na Cambodian ang grupong Khmer Rouge dahil sa pangyayaring ito. Pinabagsak ni Lon Nol si Sihanouk. Nangako siya na lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanouk patungong Peking, at nakakapagtaka, nagpahayag siya ng suporta sa Khmer Rouge.

Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Republikanong Marshall ni Lon Nol at ng Khmer Rouge. Gusto kasing pilitin ng Khmer Rouge na umalis sa pwesto si Lon Nol. At sa wakas nagawa din nila ang matagal na nilang minimithi. Natapos na din ang Digmaan. Sa kabila ng kasiyahan ng mga mamamayan biglang dumating ang isang balita.

Pinapaalis umano ng Khmer rouge ang mga mamamayan sa kanilang tirahan. Naging dahilan ito para kumuha ng impormasyon sina Thay sa mismong Patriarkang si Huot Tat. Nakakuha sila ng magandang sagot.

Hindi daw iyon gagawin ng Khmer Rouge ngunit ng pagsapit ng dilim habang nagpapahinga ang lahat biglang dumating ang isang sundalo na may dalang baril at nagtatanong kung kaninong motorsiklo ang nakaparada sa labas. Walang anumang sagot ang narinig. Binaril niya ang kadena na nakatali sa motorsiklo at sinabing kailangan daw ito ng organisasyong Angkar.

Dumating pa ang dalawang sundalo na parang wala man lang paggalang sa Patriarka at kinuha ang dalawa pang motorsiklo. Alam nilang lahat na hindi iyon pagnanakaw lamang. Tuluyan na nga atang mawawasak ang mabubuting kaugaliang taglay ng mga tao doon.

Ilang sandali pa ngay nagtanong bigla nag anak ni thay sa kanya. Kailan tayo uuwi? pinilit namang patulugin ito ni Any. Alam nilang dalawa na malabo na iyong mangyari

Você também pode gostar