Você está na página 1de 2

Banghay Aralin sa EPP 4 Setyembre 30, 2013 I.

Mga Layunin Natatamo ang mga kaalaman/kasanayan at astong saloobin sa pagpaparami ng halamang ornamental Nasasabi ang kahalagahan ng gawaing pagnanarseri Nasasabi ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar para sa isang narseri

II. Paksang Aralin Pagnanarseri Sanggunian: BEC-PELC sa EPP 4, Umunlad sa Paggawa 4 Kagamitan: Mga larawan ng narseri III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Itanong: Ano ang pumapasok sa isip ninyo kapag narinig ang salitang narseri? 2. Mayroon ba kayo nito sa bahay? 3. Anu-ano ang mga nakatanim ditto? B. Panlinang na Gawain 1. Magpakita ng mga larawan ng isang narseri. Tanungin ang mga bata kung nakakita na sila ng mga ito. 2. Talakayin ang mga sumusunod: * kahulugan at kahalagahan ng pagnanarseri *pagpili ng lugar para sa isang narseri 3. Tanungin ang opinyon ng mga bata hinggil sa pagpili ng lugar para sa isang narseri C. Paglalapat Magtanong kung paano pararamihin ang halamag ugat na ginagawang tulay tulad ng gabi, ubi, kamote, o patatas. IV. Pagtataya Tukuyin kung tama o mali 1. Ang pagnanarseri ay makatutulong upang mapataas ang uri ng halaman. 2. Kinakailangang nasisikatan ng araw ang mga halaman. 3. Kailangan ng malakas na hangin ang isang narseri. 4. Dapat ay nasisikatan ng araw ang narseri lalo na sa umaga. 5. Pinong buhangin ang lupang kailangan ng narseri. V. Takdang Aralin Maghanda ng halamang itatanim para sa narseri

Banghay Aralin sa EPP 4 Oktubre 1, 2013 I. Mga Layunin Naiisa-isa ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagnanarseri Natutukoy ang ibat ibang gawain sa pagnanarseri

II. Paksang Aralin Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pagnanarseri Sanggunian: BEC-PELC sa EPP 4, Umunlad sa Paggawa 4 Kagamitan: Larawan ng kagamitan sa pagnanarseri, larawan ng ng isang nagnanarseri III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aralan ang khulugan at kahalagahan ng narseri 2. Tanungin ang klase kung anu-ano muli ang mga kagamitan sa paghahalaman 3. Tanungin muli ang mga gamit nito B. Panlinang na Gawain 1. Magpakita pa ng ilang kagamitan na ginagamit sa pagnanarseri. 2. Talakayin ang gamit ng bawat isa at ang kahalagahan nito. 3. Talakayin ang mga gawain sa pagnanarseri * paghahanap ng itatanim * paghahanda ng punlaan * paghahanda ng lupa para sa punlaan * paghahanda ng itatanim 3. Magkwento tungkol sa isang matagumpay na pagnanarseri 4. Tangungin ang mga bata kung kaya rin ba nilang maging magaling na maghahalaman C. Paglalapat Magpanood ng isang video ng nagnanarseri. Ipasulat sa mga bata kung anu-ano ang mga napansin nila sa video IV. Pagtataya 1. Pag-usapan ang mga komento ng mga bata hinggil sa pinanood na video V. Takdang Aralin Magdala ng tatlong uri ng halaman, punlaan, at kagamitan sa pagpupunla

Você também pode gostar