Você está na página 1de 1

Ano ang instrumentong ginagamit sa rondalya? 1. Gitara - ay isang instrumentong pang-musika na may mga kuwerdas.

Tinutugtog ito sa pamamagitan ng mga daliri o kung minsan ay may gamit na pick. Ang tunog ay nanggagaling sa paggalaw ng mga kwerdas. 2. bandurya - ay isang uri ng maliit na gitara. Tinatawag na bandurista ang tumutugtog na bandurya o ng anumang maliit na gitara. 3. Octavina - ay kahugis ng gitara na may tuning katulad ng laud. 4. laud - ay isang Espanyol na salita para sa lute. Ito ay pinaka-karaniwang ginagamit upang sumangguni sa isang puwa-plucked chordophone mula sa Espanya. Ito ay may six doubled courses, katulad sa bandurria, ngunit ang leeg nito ay mahaba. Ito ay ginagamit kasama ang gitara at ang bandurria. 5. BAHO DE ARKO pinakamalaking instrument ng rondalya, kasintaas ito ng tao kayat ang tumutugtog ay nakatayo. Apat lamang ang kwerdas nito. Ano ang rondalya? 1. ang rondalya (rhythm) ay ang pagpapangkat ng mga tunog batay sa diin (accent) at tagal (duration) maaaring regular o di-regular ang ritmo ng isang awit o tugtugin Ang tipikal na Filipinong rondalla ay binubuo ng mga sumusunod: hugis peras na piccolo bandurria, bandurria, laud, hugis gitarang octavina at mandola, guitarra, at bajo de unas. Gawa ang mga instrumentong ito sa karaniwang kahoy ng Pilipinas tulad ng: langka, pine, molave, cypress, narra, kamagong, mahogany, ballatinao, tanguile, yakal at acacia. Ang puwa ng gitara ay gawa sa talukab ng pagong. Ang labing-apat na instrumentong de-kwerdas ng rondalla maliban sa guitarra ay bumubuo ng anim na bahaging nagbibigay tono - viz., F#, B, E, A, D, G. Ang pagkakadoble o pagkakatriple ng kwerdas ay lumilikha ng mas magandang tunog at lakas ng musika. Sa walong miyembrong rondalla, mairerekomenda na magkaroon ng apat na bandurrias, isang laud, isang octavina, isang guitara, at isang double bass. Ang 30-miyembrong rondalla naman ay may 16 na bandurria, 3 piccolo, 3 lauds, 3 octavinas, 3 guitara at 2 bass. Ang dami ng paggamit ng instrumentong percussion sa maliit man o sa malaking grupo ay opsyonal. Ang rondallang Filipino ay may malawak na pondo ng mga awit mula sa musikang panlipi hanggang sa makabagong tono, mula sa lokal hanggang sa banyagang klasikong musika. Malimit na tumutugtog ang rondalla sa tono ng balitaw, kundiman, balse, danza, martsa at oyayi. Ang makabagong rondalla naman ay tumutugtog sa saliw ng ragtime (isang estilo ng jazz), awit ng pag-ibig at Broadway music. Ang klasikong rondalla naman ay may komposisyon nila Bach, Beethoven at Brahms. Tumutugtog din ang rondalla ng mambo, cha-cha, rock-n-roll, calypso at jerk.

Você também pode gostar