Você está na página 1de 8

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOBELA

Ang Nobela Sa mga anyong patuluyang panitikan,isa na yata sa pinakamakulay,pinakamayaman,at pinakamakabuluhan ang nobela.Mangyariy para itong buhay na mga pangyayaring namamasdan sa pang araw-araw na pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa mundo,na kapag binabasa,hindi lamang itatampok na karanasan ang nasasalamin kundi ang lahat ng mga kaugnayan sa aktuwal na kapaligiran.Dito natutunghayan ang ibat ibang takbo ng buhay ng tao-kung papaano nabaliw ang isang ina dahil sa pagkawala ng dalawang anak,kung papaanokinasihang-palad ang isang magmamani na napangasawa ng isang may sinasabi sa buhay,kung papaano sinuong ng isang probinsiyano ang kalawakan ng marumingbuhay-lungsod mahanap lamang ang babaeng pinaka pag-asa niya sa buhay,kung papaano namulat ang isang asawat ina sa kahalagahan ng kanyang sarili bilang isang bab ae,at marami pang iba. Ang mga Layunin ng Nobela Kapag layunin ang binanggit,ang tinutukoy rito ay ang hangarin o naisin ng manunulat na maiparating sa mga mambabasa ang mga kadahilanan kung bakit kinatha ang isang akda.Ang layuning ito ang umaapekto sa isip at damdamin ng sinumang makatutunghay sa akda.Maari itong makapaniwala kaya nakahihikayat.Maari rin namang makaudyok kaya nakapagpapakilos. Sa panitikang Filipino,ang mga layunin ng nobela ay naayon sa bawat panahon ng akda ay isinulat.Nang ipakilala ng mga Kastila a ng nobela noong dantaong labingwalo o siglo 18,ang mga nilalaman ng nobela ay pawing maka-relihiyon.Natural,sapagkat kaakibat ng kanilang pananakop ang pagpapalaganap ng katolisismo.Layunin nilang pukawin at ikintal sa isip ng mga Pilipinpo ang mga dogmang pang Iglesia Katolika. Narito ang mga sinasabi ng isang nobelista tungkol sa mga layunin ng nobela; Ayon kay Inigo Ed Regalido,llayunin nitongmagbinhi ng mga simulain,o aral na hangad na pagbungahin ng sumulat o magdulot ng aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng magandang paglalarawan ng mga gawi at galaw sa pamumuhay o maglahad upang isang panganib o sama na makalasan sa kadakilaang asal upang maiwasan at (Regalado,1939). Nang dumating ang mga Amerikano,nakaranas na muli ng pagkabusabos ang mga Pilipino.Ang mga manunulat na ang lagging adhika ay makalaya,ay nag hahangad parin ng maglantad ng katiwalianat mamukaw ng galit para lumaban.Samantala,ang karamihan sa nakaaqmamasid na pagod na rin sa pakikibaka ang bayan,ay nagsisulat para aliwan ang tao,upang matakasan naman ang magulong sitwasyong kinaasasadlakan at kahirapan pamamagitan ng mga bagay na di-makatotohanan at malayong kahit sa pangarap ay matagpuan man lamang ang kaunting katiwasayang-loob at isip. Ang mga manunulat ay may tungkuling makaiisa sa damdamin at kaisipan ng bayan makibahagi sa mga suliranin at usapin ng lipunang kanilang kinabibilangan.Sa makatuwid para magkaroon ng kahulugan ang kanilang panulat,dapat lamang na makibagay sila sa takbo ng panahon,kaunlaran nitot kamalayan.Sa ganitong paraan lamang sila magiging makabuluhan sa kanilang mambabasa Ang Mga Panahon ng Pagkakaunlad ng Nobelang Filipino Ang Panahon ng Espaol(1565-1898) Ang nobelang Filipino,sa pag-aaral na isinagawa ng ilang mananaliksik tulad ni Soledad S. Reyes,ay mauugat sa tatlong pinagmulang tradisyon-epiko,awit at mga akdang panrelihiyon.Layunin kasi noon ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Katolisismo at pagpaapataas ng moralismo kaya itinuturing itong mga nobelang didal ibig sabihin,nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang-loob at kagandahang asal. Ang mga unang nobelang Filipino,dahil mga prayle noon ang maaalam at magsulat,pawing nasa orihinal na wikang Kastila.Una ay ang Barlaan at Josaphat isinalin na lamang ni Fray Antonio de Borja noong 1712,at tipo pa ngang moro dahil tumatalakay ito sa pagbabagong-paniniwala ni Josaphat na isang prinsipe sa ipinangangaral sa kanya ng matandaang paring si Barlaan.Karaniwan na kasi sa dulang moro-moro ang pagwawakas na lagging nagwawagi ang Kristyano sa.Sabagay,ang mga moro-moro rin ay hinango rin naman sa korido.Ito ngayon itinuturing na kauna-unahang nobelang Tagalog na nalathala,kahit salin lamang. Pumapangalawa rito ang nobela naman na isinulat ni Padre Modesto de Castro pinamagatang Urbana atb Felisaat ang Tandang Bacio Macunatni Padre Lucio y Bustamante.Magkatulad halos ang pakay ng dalawang nobelang ito at iyan pagbibigay-diin sa kaahalagahan ng edukasyon.Mababakas narin sa mga ito ang na Costumbrismo.Mangyari,sa Urbana at Felisa,ang maag kaibigang Urbana at kapwa mula sa nayon ay nagkahiwalay.Nagtungo si Urbana sa lungsod para mag-aral ng kolehiyo,samantalang si Feliza ay naiwan.Sa pamamagitaan ng

pagsusulatan,ang natutuhan ni Urbana sa sibilisasyon ay ipinababatid naman niya kay Feliza.Ang nobela ay itinuturing ding epistolaryo. Gayundin sa Tandang Bacio Macunat,ang dalawang tauhang sina Proper at Bacio kabilaang panig.Kay Proper,ang pag-aaral sa lungsod ay pagpapaunlad ng tungo sa magandang kinabukasan,samaantaalang kay Bacio,ito ay walang maidudulot kabutihan kaya mambubukid siyang tumanda. Ang Florante at Laura naman ni Francisco Balagtas Baltazar bagamat itinuring nobelang hindi parin maituturing na lubos bilang kauna-unahang nobelang Tagalog dahil patuluyang nasusulat kundi patula sapagkat itoy isang awit.Sa pagkakataong itoy o ryentasyon ay nabago.Hindi na ito didaktiko kundi romantiko.Huwag sanang ipagkakamaling romanti ko rito ay kinalaman sa pagniniig.Itoy buhat sa panaligang romantisismo na ang mga katangiang ay nakasalig sa sumusunod: a)ang mga tauhan ay kagila-gilalas,na kahit naisanlibong kaaway ay nagagapi; b)ang mga tagpuan ay nasaa malalayong pook tulad sa Florante at Laura na sa halip nasa Pilipinas ay sa Albanya pa,bilang pagkukubli ng hindi mapaghinalaan si Balagtas ng mga may kapangyarihan ng naglaalantad siyaa ng may katiwalian sa sistema ng pamahalaang Kastila; c)ang mga pangyayari sa nobelang romantiko ay bihirang maganap; d)mas pinapaburan ditto ang emosyon kaysa katuwiran;at e)ito ay lagging nagwawakas nang masaya. Isa ring halimbawa pa ng romantikong nobela ay ang Ninay ni Pedro Paterno.Nasusulat din ang orihinal naa teksto nito sa wikang Kastila.Pangkaugalian o pangkaasalan ang nais nitong pairaling layunin.Dito,ganap ang pagkatalakaay sa Custombrismo,lamang idinagdag ang aspektong pagtatatsulok sa pag-ibig,tulad sa Florante aat Laura.Ang pag-aagawan ninja Florante at Adolfo sa pag-ibig ni Laura,at ng Sultan at ni Aladin sa pag-ibig ni Flerida,at ang pagtatatsulok sa pag-ibig nina Carlos,Federico,Pilar ar Ninay.Batid kasi ng mga manunulat nito na ang Pilipino ay mawilihin sa ganitong mga tema kaya naakit na basahin ang nobela.Itoy isang anyo ngf pagtakas na eprkto ng mga babasahing romantiko. Nang magsimula ang propaganda,isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at ang El Filibosterismo.Makatotohanan na ang na ang mga inilahad na pangyayaring rito,batay na nasa tunay naa naganap noon sa lipunang Pilipino sa ilalim ng pamamahalang Espaol.Pakay kasi ritong ipamukiha sa mga Espaol ang kanilang karahasan at ipamulat sa mga Pilipino ang kanilang kaapihan ng sagayun ay mag-alab sila at ipaglabaan ang sariling karapatan.Napagtagumpayan din naman ni Rizal ang gayun layunin ng itoy bigyang kabuluhan ni Andres Bonifacio.Nahikayat si Bonifacio at tuloy naitulak ng Noli Me Tangere na mag tatag ang Katipunan at maghimagsik laban sa sistemang Kastila.Sa puntong ito,pumailalim na sa realistikong pampanitikang pananalig ang mga nobelang ito. Ang kalagayan ng nobelang Filipino noong panahon ng mga Espaol ay hindi nakaalwan dahi bukod sa iilan lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral at may-kayang magsulat at makapagpalimbag ng kanilang akda,ang pamunuan ay labis sa kahigpitan,isang sensurang naglilimuta sa karapatang pagpapahayag.(Arogante:1989)

Ang Panahon ng Amerikano (1900-1941)

Sa simula ng pananakop ng mga Amerikano na binungaran ng paghihimagsik ng mga Pilipino, hindi nagkapuwang ang pagsusulat ng nobela. Sa halip, mga sanaysay at talumpati ang naging behikulo ng pamamahayag para magsilbing propagandang pampaalab sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayang Pilipino upang magkaroon ng kaisahan sa pagtuligsasa mga di kanais-nais na pamamalakad ng mga bagong panginoong Amerikano. Nabuhay ang pamahayagan sa taong 1900. Dito nagsimulang lumawak ang larangan ng nobela. Ang kauna-unahang nobelang Tagalog sa taong ito ay ang Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos. Ito ang itinuturing na kauna-unahang nobelang Tagalog sapagkat nasusulat ito sa orihinal na wikang Tagalog. Bagaman, itoy hindi nalathalang isang buong aklat. Sa pamamagitan ng diariong Ang Kailwanagan, de serye o kaba-kabanata o dugtungan itong natunghayan at nabasa ng bayan. Sa panahong ito , bukod sa pagkatha ng orihinal na akda,ang mga manunulat ay nagsikhay magsaling-wika ng mga nobelang banyaga.Isa sa mga masisipag magsagawa ng pagsasalin ay si Valeriano Hernandez Pena , ang tinaguriang Ama ng Nobelang Tagalog. Mangyari, pinaka-pili niya ang mga akdang sadyang magagaling para maisalin. Karamihan ay mga akdang klasiko nina Shakespeare, Dante, Tolstoy,Milton atbp. Gayundin naman sa kanyang orihinal na akda. Mmasining na ang kanilang paglalahad. Ang kanyang Nene at Neneng na nalimbag noong 1905, sa listahan ng 24 na nobela naisulat mula 1900 hangang sa kasalukuyan ni Solidad S. Reyes, ay itinuturing at unang-una sa pinakamagaling. Bukod sa mgaa pahayagan, ang paglaganap ng nobela ay utang din sa mga bagong itinatag na palimbagan na pag-aari ng ibang Pilipino. Ang paggmit ng wikang Tagalog nakapagbigay-lakas-loob dinupang itoy tangkilikinng masa dahil higit na nauunawa nila. Anupat ang mga itinampok na kasaysayan ay sadyang malapit sa kanilang puso itoy mga karanasang hango sa mga pang -araw-araw na sitwasyon

ng buhay-pilipino kasabay nito, nakatulong nang malaki ang pagbubukas ng mga pampublikong paaaral sa bansa na naging daan para matutong magbasa ng panitikan ang mga mag-aaral .

Ang Mga Panahon ng Pagkakaunlad ng Nobelang Filipino

Ang Panahon ng Kastila/Espanol (1565-1898) Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Soledad S. Reyes, ang nobelang Filipino ay nag-uugat sa tatlong pinagmulang tradisyonepiko, awit at korido, pawang mga akdang panrelihiyon. Layunin kasi noon ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Katolisismo at pagpapataas ng moralismo kaya itinuturing itong mga nobelang didaktiko na ibig sabihin, nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang-loob at kagandahang asal. Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang anumang paglaban sa pamahalaang Kastila. Mga uri ng nobela sa panahon ng Kastila: 1. Nobelang Pangrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-aral 2. Nobelang Mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago,at diwang nasyonalismo Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila: 1. Barlaan at Josaphat (1712) isinalin lamang ni Padre(Fray) Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon - itinuturing na kauna-unahang nobelang Tagalog na nalathala, kahit salin lamang 2. Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro (tubong Binan, Laguna) na tungkol sa kagandahang-asal ng magkaibigang nagkahiwalay na sina Urbana at Feliza, kahalagahan din ng edukasyon kagaya ng Tandang Bacio Macunat 3. Tandang Bacio Macunat ni Padre Lucio Miguel y Bustamante na tungkol sa dalawang tauhang sina Proper at Bacio na may magkaibang pananaw sa kaalaman o edukasyon. 4. N i n a y ni Pedro Paterno tungkol sa pag-iibigan nina Carlos, Federico, Pilar at Ninay 5. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr.Jose Rizal na tungkol sa paghihimagsik Dalawang Unang Aklat Doctrina Cristiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon - kaunana-unahang aklat na may kinalaman sa ating kapuluan, aklat na nasusulat sa Kastila at Tagalog - sinasabing tatatlo sipi na lamang ang natitira; isang nasa Batikano, isa sa Museo ng Madrid at isa sa aklatan ng Konggreso ng Estados Unidos. Ang huli ay binili raw sa halagang $5,000.00. Nuestra Senora del Rosario (1602) ni Padre Blancas de San Jose Ang Panahon ng Amerikano (1900-1941) Nabuhay sa mga pahayagan sa taong 1900. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala. Sinasabi ring sa panahong ito sumigla ang nobela. Makukulay ang naging paksa at karamihan ay tungkol sa maromansang pag-ibig, kabuluhang panlipunan, may paghihimagsik sa kinamulatang kalakaran, pagpapahalaga sa buhaypamilya at pangkasaysayan. Halimbawa ng mga pahayagan: 1. Ang Kapatid ng Bayan 2.Muling Pagsilang 3. Ang Kaliwanagan 4.Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan: *Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos - kauna-unahang nobelang tagalong sa taong ito at itinuturing na kauna-unahang nobelang tagalong sapagkat nasususlat ito sa orihinal na wikang tagalaog. Nalathala ito sa pahayagang Ang Kaliwanagan *Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Pea * Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pea- obra maestra niya *Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Pea na nilathala sa Muling Pagsilang * Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado Ang Panahon ng Hapon (1942-1945) Hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway). Nawalan ng kinang ang dating buhay na buhay na nobela dulot ito ng digmaang pandaigdig. 4.1Halimbawa ng nobela sa panahong ito: 1. Luha at Luwalhati ni Antonio Sempio (1942)

2. Igorota sa Baguio ni Fausto Galauran (1945) 3. Sa Lundo ng Pangarap- Gervacio Santiago Ang Panahon ng Republika (1946-1950): Muling sumigla ang mga manunulat sa panahong ito. Maraming naisulat sa iklawang hati ng dekada 40. Ang karamihan sa mga ito ay nalathala sa magasing Aliwan. Walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa. 1. 2. 3. 4. Sa Kuko ng Kasalanan Cirio G. Almario Hanggang Pier Mateo Cruz Cornelio Sugat ng Alaala Lazaro Francisco Ang Makiring Maynila Teofilo Sauco

Dekada 50 Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksyon kung kaya lumitaw ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang larawan ng buhay sa mga nobela. Ang ilan sa mga nobela ay ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. Maganda Pa ang Daigdig Lazaro Francisco Pagkamulat ni Magdalena Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong Ang Tondo Man ay Langit Din Andres Cristobal Cruz Mga Ibong MAndaragit Amado V. Hernandez

Dekada 60 Tinatayang sa panahong ito nagsimula na ang kabi-kabilang protesta laban sa bulok na sistema ng pamahalaan. Sa unang tatlong taon ng dekada 60 ay nanatili ang mga nobelang maromansa, samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan. Ang mga nobelang nalathala sa panahon ito ay ang sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Daluyong Lazaro Francisco Luha ng Buwaya Amado V. Hernandez Apoy sa Madaling Araw nina Dominador Mirasol at Rogelio Ordonez Dugo sa Kayumangging Lupa - Efren R. Abueg Sa Kagubatan ng Lungsod at Sa Mga Kuko ng Liwanag Edgardo M. Reyes Ipakipaglaban Mo Ako at Nagbabagang Paraiso Liwayway Arceo

Dekada 70 Nagpatuloy sa dekadang ito ang paglalathala ng mga nobela. Isa sa mga namayagpag na magasin ay ang Liwayway. Sa magasing ito, nalathala ang karamihan sa mga nobelang nabanggit sa itaas. Ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula ay lumaganap sa panahong ito. Kabi-kabila ang mga rali at protesta g mga estudyante, manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa ipatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas-Militar. Natahimik ang mga lansangan. Nabusalan ang bibig ng mga mamamayan at halos mapuno ang kulungan sa mga bilanggong pulitikal. Naging maigting ang pamumuna ng mga nobelista sa lipunan. Ang ilan sa mga nobelang naisulat ay ang mga sumusunod: 1. Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa Celso Al Carunungan 2. Madilim ang Langit sa Bayan Ko Jose Mercedes 3. Nangluhod sa Katihan Fausto Galauran at Gervasio Santiago 4. Canal de la Reina Liwayway Arceo 5. Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariote - nina Clodualdo del Mundo at Gervasio Santiago 6. Ginto ang Kayumangging Lupa Dominador Mirasol Dekada 80

Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersyal , lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula. Muling nagbalik ang romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga manunulat na may layunin ay nawala. (Gonzales:1982) 1. 2. 3. 4. 5. Gapo - Lualhati Bautista Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig Reynaldo a. Duque Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe Jun Cruz Reyes Kulang ng Isa sa Sandusena Bat Di Pa Magkasya sa Labing-isa na Lang Victor Francisco Bata, Isinaksak Isinilid sa Baul Tony Perez

Dekada 90 Author: Santiago, Lilia Q. Title: Ang Kaulayaw ng Agila Year: 1999 Category: Nobela Award: Grand Prize Author: Coronel, Edmund Title: Malaybay Year: 1996 Category: Nobela Award: Grand Prize Author: Medina, Buenaventura Jr. S. Title: Moog Year: 1993 Category: Nobela Award: Grand Prize (CO) Winner Kasalukuyang Panahon Author: Wilwayco, Norman Title: Kung Paano Ko Inayos Ang Buhok Matapos Ang Mahaba-haba Ring Paglalakbay Year: 2002 Category: Nobela Award: Grand Prize Author: Sicat, Ellen Title: Unang Ulan ng Mayo Year: 2005 Category: Nobela Award: Grand Prize Author: Wilwayco, Norman Title: Gerilya Year: 2008 Category: Nobela Award: Grand Prize Author: Allan Alberto N. Derain Title: Ang Banal na Aklat ng mga Kumag Year: 2011 Category: Nobela Award: Grand Prize Kopya sa Filipino III Bb. Aizah Maeh Torralba Author: Landicho, Domingo G. Title: Bulaklak ng Maynila Year: 1993 Category: Nobela Award: Grand Prize (CO) Winner

ANG NOBELA
8. Kahulugan 8.1 Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyonna binubuo ngiba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 3001,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maramingtiyak na istilo8.2 Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi saisang mahusay napagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ngbayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila8.3 isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod atmagkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuodng nobela8.4 binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan 9. Layunin : 9.1 Gumising sa diwa at damdamin9.2Nananawagan sa talino at guni-guni9.3Mapukaw ang damdamin ng mambabasa9.4Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan9.5Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan 10. Katangian 10.1 Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan10.2Pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay10.3Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad10.4Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili10.5 Binubuo ng 20, 000 - 40 ,000 na salita10.6Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan / pag-uugali10.7 Maraming ligaw na tagpo at kaganapan10.8Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari 11. Elemento

11.1 Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan11.2Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela11.3Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela11.4Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda11.4.1 una - kapag kasali ang may-akda sa kwento11.4.2pangalawa - ang mayakda ay nakikipag-usap 11.4.3 pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda11.5 Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela11.6 Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari11.7 Pamamaraan - istilo ng manunulat11.8 Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela11.9 Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari12.Uri:12.1 Nobelang Romansa - ukol sa pagiibigan12.2 Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na12.3 Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari angikawiwili ng mga mambabasa12.4 Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayariang ikinawiwili ng mga mambabasa12.5 Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao12. 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahingtauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan

Você também pode gostar