Você está na página 1de 3

MABUHAY KA, ANAK KO Noon ay panahon ng digmaan sa bansang Cambodia, partikular na sa kapital nito, ang Phnom Penh.

Ang nobela ay umiikot sa karanasan ni Pin Yathay noong digmaan gayundin ng kanyang pamilya, mga kamag-anak at lalot higit ang tungkulin ng gobyerno noong panahong iyon. Si Pin Yathay ay nagmula sa Oudong, isang lugar sa Cambodia na may layong dalamwput limang milya sa hilaga ng Phnom Penh. Siya ay anak ni Chhor (isang negosyante) at ni Loan. Payak lamang ang kanilang pamumuhay, at kung iuuri sila sa antas ng mga mamamayan ay nabibilang sila sa pangkat ng mga maykaya, hindi mayaman at hindi rin mahirap, katamtaman lamang ang katayuan sa buhay. Siya rin ang panganay sa limang magkakapatid, kaya naman hindi nakapagatatakang naging masipag at matalino si Thay. Magaling siyang estudyante, siya rin ang naging pinakamahusay pagdating sa matematika sa kanilang klase. Dahil dito, naging iskolar siya ng gobyerno at ipinadala sa Montreal upang doon mag-aral ng inhenyeriya, pero dapat ay sa France ngunit nagkaroon ng alitan ang pinuno ng Cambodia at France kaya ganoon na lamang ang nangyari. Makalipas ang ilang taon, 1965, bumalik na sa Cambodia si Thay at nagtrabaho sa Ministry of Public Works. Nasundan pa ito ng pagpapakasal niya sa una niyang asawa na si Thary at nanirahan sa bahay ng mga magulang ng maybahay. Mayaman sila Thary, ang kaniyang ama ay si Mr. Khem, isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance. Noong 1967, ipinanganak ang kauna-unahan nilang anak ni Thary, si Sudath. Taong 1969 naman ng may isang malaking dagok sa buhay ni Thay ang dumating. Dapat sanay isisilang na ni Thary ang kanilang pangalawang anak, ngunit nagkasakit ito ng Hepatitis , na naging dahilan ng pagkamatay ni Thary gayundin ng kanilang anak. Isang taon na nagluksa si Thay mula sa malagim na pangyayaring ito. Di naglaon, umibig siya kay Any, ang bunsong kapatid ni Thary, dahil na rin sa kabaitang ipinapakita nito kasama ng kanyang kapatid na si Anyung sa pag-aalaga kay Sudath. Naging malapit ang loob ni Sudath kay Any. Dahil mahal na nila ang isat isa ay nagpasya silang magpakasal. Noong 1971, ipinanganak ang una nilang anak si Nawath, nasundan naman ni Staud, ang bunso, noong 1973. Naging direktor ng Department of New Works and Equipment sa ministry si Thay noong unang taon ng dekada sitenta. Si Prinsipe Sihanouk ang pinuno ng Cambodia na pinabagsak ni Lon Nol noong 1970 bilang punong Ministro at pinuno ng armi. Tumakas si Sihanouk papunta sa Peking (Beijing, China) at nagpahayag ng suporta sa dating mga kalaban na Khmer Rouge. Noong unay malaki ang tiwala ng taumbayan lalo ni Thay sa bagong pamamalakad ni Lon Nol sa Cambodia. Ngunit, di kalaunan ay hindi niya nagampanan ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng bayan. Naging paralisado ang kalahating katawan ni Lon Nol at dahil ditoy nagkagulo na ang lahat maging ang administrasyon ay umalingasaw sa kabulukan. Hindi natalo ang pwersa ng North Vietnamese at ng mga Khmer Rogue, kaya nagresulta pa ito sa inflation. Dahil hindi naging maayos ang pamumuno ni Lon Nol, maraming tao kabilang na si Thay ang sumapi sa oposisyon kay Nol. Naitatag ang Bees Club, isang organisasyon ng mga oposisyonistang pulitiko na nilalayon na magkaroon ng kaayusan at pagkakaisa ang bansa. Di naglaon, napalitan si Lon Nol ni Long Boret, at siya nang namuno sa gobyerno ng Cambodia. Nagpasyang pumunta sina Thay sa bahay ni Oan na pinsan niya. Ngunit, sa di inaahasang pagkakataon ay naabutan niya doon ang iba pa nilang mga kamag-anak na aabot sa tatlumpu. Naroon si Vouch(isang babaeng inhinyera), Keng(nakatatandang kapatid ni Vouch), Theng(kapatid na lalaki ni Thay na isang titser sa primary), Sarun(asawa ni Keng), Srey Rath(limang-taong anak na babae nila Keng at Sarun), Sim(pinsan nila Thay, disiotso, hindi matalino), Thoreon(isa pang kapatid ni Thay, malayo ang loob sa kanila) at iba pa. Nagkaroon ang pamilya nila Thay ng palitan ng mga pananaw hinggil sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Cambodia at ng mga kalaban nitong pwersa. Dito umusbong ang usapan ukol sa mga Khmer Rogue, kung saan nagkaroon ng kakaunting mainit na palitan ng mga salita si Thay at ang kaniyang ama dahil nga sa pagkakaiba ng pananaw. Sa gitna ng pag-uusap ay natigil ang lahat sa tugtog-militar sa radyo. Narinig sa radio ang boses ni Huot Tat, isang Patriarkong Budhista na kamag-anak nina Thay. Aniya, Huwag kayong mag-alala at itigil na ang labanan. Darating na ang kapayaan. Nasundan pa ito ng boses ni Heneral Mey Sichan, pinuno ng sandatahang lakas ng Republikano. Pagkaraay isa pang boses ang sumingit, na sinabi na Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon. Sumuko na ang mga puwersa ng gobyerno! Tapos na ang digamaan!

Matapos ang digmaan ay kung anu-anong mga isyu ang kumalat tungkol sa Khmer Rogue. Kesyo masama sila, sila ang may pakana ng nangyayaring ebakwasyon sa ilang tahanan. Ngunit, ang lahat ng itoy walang katotohanan matapos mapatunayan mismo ni Thay mula sa kanyang pagpunta sa bahay ni Huot Tat. Sa huliy hindi nabali ang paninindigan at paniniwala ni Thay sa sarili at sa mga Khmer Rogue. Bagamat naliligiran siya ng mga taong hindi naniniwala sa kabayanihan ng mga Khmer Rogue, lalong-lalo na ng kanyang ama ay hindi pa rin ito nakaapekto sa kanyang mga desisyon. Hindi siya nagpadalos-dalos at nagpaapekto sa mga usap-usapan tungkol sa ebakwasyon, sa mga paninira sa Khmer Rogue, bagkus ay nanatili itong matatag at nanindigan sa kanyang pananaw. Sa kabuuan, kung susuriin, tunay ngang maituturing na nabibilang sa Teoryang Eksistensiyalismo ang akda na ito. Una sa lahat ay naging responsible ang bawat tauhan sa kanilang mga desisyon, lalong-lalo na si Thay, anuman ang maging resulta nito. Ikalawa, masasalamin dito ang pagka-indibidwal ng bawat isa at walang makapagsasabi kung alin ang tama o mali. Halimbawa na lamang nito ang pananaw ng mga tauhan sa gerilya ng Khmer Rogue, ang ilay naniniwala na mga bayani sila at hindi sila kalaban, ang iba namay hindi, gayundin kung sino ang nararapat na mamuno sa Cambodia, kung sino ang makapagdadala ng tunay na pagbabago. Noong unay inakala ng marami na walang silbi si Sihanouk, ngunit mas malala pa pala ang mga pumalit dito. Ikatlo, nasusuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi, paninindigan at ang akda batay sa istilong ginamit ng manunulat. Sa mga kalagayan pa lamang ng mga tauhan, kung paano sila kumilos magbigay ng pahayag ay masasalamin mo na agad kung anong uri ng tao sila. Higit sa lahat ay ang nobela/akda ay nakatuon sa buhay ng manunulat. Simulat sapul pa lamang ay umikot na ang nobela sa buhay ni Pin Yathay, na may palayaw na Thay sa nobela. Kung papaano niya hinarap ang mga pagsubok, ang kaniyang buhay may-asawa, kalagayan sa lipunan, katayuan bilang isang anak, kapatid, pinsan at bilang isang ordinaryong mamamayan.

Você também pode gostar