Você está na página 1de 11

All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author

. A Step To Forever (C) KC Duabe All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . [Prologue] Kelan ba masasabing happy ending na ang isang storya? Kapag namatay na lahat ng kontrabida sa storya? Kapag nagpalitan na ng "i love you" yung mga bida? Kapag naresolve na ang lahat ng problema at masaya na ang lahat? O kapag ikinasal na yung mga bida? Pero... Hindi ba simula pa lang talaga yun? Simula sa mas malaking kwento na nagtatapos sa salitang forever. So kelan masasabing happy ending na ang isang storya? "kapag hawak kamay nating nalagpasan ang lahat para makamit ang salitang forever . kapag napatunayan na natin sa lahat na posible. na posible palang magkaron ng forever." Ako po si Niobe, isang dalagang ina. At ako naman si Gab Borromeo (at your service). and this is our first step to forever. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . [Chapter One] OMG. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na this is it na talaga. Hindi ako makapaniwala na matapos lahat ng mga nangyari sa buhay ko, heto na. Abot kamay ko na ang happy ending na inaasam-asam ko. Well sino rin ba ang mag-aakalang yung 17-year-old na dalagang inang akala mo e n awawala sa airport ay mapapadpad sa isang apartment na tinitirhan pala ng kapatid na lalaki ng best friend ng pinsan nito? At sino rin ba ang mag-aakala na ang lalaking yun ang aako ng responsibilidad na ma ging asawa t ama sa dalagang ina at sa anak niya? At mas lalong sinong mag-aakala na ang mismong lalaking yun ay ang parehong lala king nakatayo sa may altar ng simbahang ito, inaantay ang pagdating ko. Ngumiti siya nang makita na niya ko sa dulo ng aisle. Ngumiti din naman ako kahit hindi ko sigurado kung nakita niya dahil sa kapal ng belo na suot ko. Anak, handa ka na ba? Napatingin ako kay Daddy na nakaupo sa wheel chair sa tabi k o. May halong lungkot, saya, at pag-aalala na mababasa sa mukha niya e. Naiiyak naman tuloy ak o. Opo, Dad. Handa na po ako. Pinisil ni Dad yung kamay ko sabay senyas sa nurse niya na itulak na ang wheel chair niya nang sa gayon e makapaglakad na kami sa aisle. My dad had been in coma for a long time and it was a miracle that he managed to recover months before my wedding. Nagising siya para ihatid ako sa mapapangasawa ko. And yes, Gab and I are going to get married. Now. Dahan dahan akong naglakad sa aisle habang nakahawak kay Dad. My eyes are focuse d to only one

person. Nakafocus lang ang mga mata ko sa destinasyon ko, sa mapapangasawa ko. And my heartbeat? Halos nagwawala na ito sa pagpintig sa bawat paghakbang na gag awin ko palapit sa taong pinakamamahal ko. And then, he was standing right in front of me. Nagtinginan kami for a moment na parang kami lang ang tao sa mundo. And then Gab, anak. Ikaw na ang bahala sa princess ko a? my dad had to speak. Ibinigay niya ang kamay ko kay Gab. Ngumiti naman si Gab as he received my hand from my dad. I ll make sure to treat her as my queen, sir. Ngumiti si Dad habang tinatapik ang br aso ni Gab tapos nagshakehands sila. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . Sa akin naman napunta ang focus ni Daddy. Ngumiti din siya sakin. My emotions we re building up that I just had to hug my dad really tight. I love you, princess. I love you so much. Syet. Ang mascara ko. I love you too, Daddy. Yung feeling na bata ako ulit na naglalaro ng kasal kasalan ? Pero hindi e. Totoo na to. Nakita kong nagpunas ng luha si Daddy bago kami tumuloy ni Gab sa altar. Haaay Weakness ko talaga si Daddy e. Well, nagsimula na rin ang kasal namin ni Gab. Pero siyempre napakahabangseremon yas nun para ilagay ko pa lahat dito sa kabanatang ito. Kaya magfocus na lang tayo sa highlight ng b awat wedding ang pagsesex este honeymoon este exchange of vows pala. Hehe! I, Gabriel Marco Borromeo, take you, Niobe Sharmaine Alcaraz, to be my lawful wed ded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, i n sickness and in health, to be forever at your service, until death do us part. Napangiti naman ako sa sinabi ni Gab habang sinusuot niya sa daliri ko yung wedding ring namin. And then, it was my turn. I, Niobe Sharmaine Alcaraz, take you, Gabriel Marco Borromeo, to be my lawful wed ded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poore r, in sickness and in health, until death do us part. E wala e. Wala akong tag line di tulad ni Gab e. haha! You may kiss the bride! Sabi ni father. Kaya nagkatinginan naman kami ni Gab. Medyo natatawa pa kaming dalawa habang tin ataas niya yung belo ko. Eee medyo awkward lang magkiss sa harap ng madlang people e. Nang matanggal na niya yung belo ko, nagtitigan pa muna kami para may dramatic e ffect. Tapos hinawakan niya yung pisngi ko at ngumiti kami sa isa t isa para sa mas dramatic ef fect. At para sa ultimate dramatic effect? Unti-unting lumapit si Gab sakin hanggang sa our lips finally touched. It was the perfect kiss. The kiss that sealed our lifetime promise of love and happiness. And yes, friends. I am now officially Mrs. Niobe Borromeo. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . [Chapter Two] Ibinalik ko sa mesa ang picture frame na naglalaman ng wedding picture namin.

Ang saya saya namin ng asawa ko sa litratong yun. Kakaiba ung ningning ng mga mata namin. Punong puno ng kislap. Punong puno ng mga pangarap. Punong puno ng pagmamahal. It s been four years since that photo was taken. And since then? Things have changed. A lot has changed. "Mommy, masusundo mo po ako sa school mamaya?" Si Gabbie. She's 9 years old alre ady. Grade 3 na. "Hindi, baby e. Busy si Mommy." sabi ko tapos kinuha ko ulit ung mga papeles na inaaral ko kanina. "E si Papa?" "Maagang umalis ang Papa mo. Baka late na umuwi yun." Natahimik yung anak ko kay a napasilip ako sakaniya. Nakasimangot. Napangiti ako. Yung may halong lungkot. I remembered a few years ago... "Ayan na. Ayan na siya!" "shh! ang ingay mo naman, Gab. Baka mahuli niya tayo." sabi ko kay Gab sabay sik o sa tagiliran niya habang pinapanood namin ang 6 year old kong anak. "Hahaha! Hindi niya tayo mahanap. Iiyak na yan." sabi ni Gab habang pinipigil an g tawa. Ang cute naman kasi ng anak ko. Hinahanap kami tapos nagpipigil ng iyak kasi hindi niya kami mahanap. "Tara na. Pakita na tayo. Baka umiyak pa ung anak mo." sabi niya sakin. Bigla na man kami lumabas ni Gab sa tinataguan namin at sabay na... "SURPRISE!" biglang naglight up ung mukha ng anak ko. "Akala ko naforget niyo na ko." sabi ni Gabbie. Natawa tuloy kami ni Gab tapos b inuhat niya ung anak ko. "Pwede ba naman yun, baby? O sige, san gusto pumunta ni princess? Papasyal tayon g tatlo ni Mommy." di mapaliwanag ung tuwa sa mukha ni Gabbie. Talaga Papa?! kahit san?" tumango si Gab at nagsimula kaming maglakad papuntang k otse. "kahit sa malayong malayo?" "kahit sa malayong malayo." Nilapitan ko si Gabbie at ginulo ang buhok niya.All rights reserved 2012 | KC Dua be No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . "Wag ka na magtampo, baby. Babawi kami ni Papa sayo. Busy lang talaga kami ngayo n." iniwis lang niya ang tingin niya sakin. "Hmp. Lagi naman e." Pabulong niyang sinabi bago tumalikod sakin para kunin ang bag niya at tuluyang pumasok sa school. Napabuntonghininga na lang ako. Ginawa ko lang kung anong normally ang ginagawa ko for the whole day. Ang pumaso k sa opisina at magtrabaho. Ang makipagmeeting sa kung sinu-sinong malalaking tao. Ang pumirma n g kung anu-anong dokumento. Ang pagalitan ang kung sinu-sinong empliyadong hindi nagtatrabaho ng tama. Typical corporate work. Napatingin ako sa cellphone ko. Maraming text, puro work related. Napbuntonghininga na naman tuloy ako. BEEP!

Agad agad kong kinuha yung phone kong katutunog lang. May message. Galing sa asawa kong pogi. From: My other half Message: Hon, kumain ka na? Gusto mo itakas kita sa office mo? Mag-aala ninja mo ves ako. ^_^ I love youuuuuuu! <3 Napangiti naman ako. Kung minsan ang korny nitong asawa ko. May tuktok pa sa utak. Pero infairness kinilig ako. To: My other half Message: Sige nga. Pag hindi mo ko naitakas dito gamit ang ninja moves mo, wala kang kiss. =p I love you too! :* And now? Kahit man lang isang text na hello lang ang laman e wala. The day passed by like what normally happens. Disoras na ng gabi and I m still awa ke budgeting money for all the bills that we have pay. Biglang pumasok si Gab sa kwarto namin. Hind i ako umimik. Hindi rin siya umimik. Nagsimula lang siyang magtanggal ng polo niya para magbihis. Normal scene na rin to. Kadalasan sa ganitong oras ng gabi na lang kami nagkikita ni Gab. Or kung minsan hindi na kami nagkikita at all. Either masyado nang late ang uwi niya, or ako naman yung umuuwi na tulog na siya. Do you want me to get you some coffee? Tanong ko sakaniya paghiga niya sa tabi ko. Hindi na. Matutulog na lang ako. Matulog ka na din. Pumikit na siya at bumalik na ko sa ginagawa ko. At hindi ko napansin na napatulala na pala ako. Bigla ko kasing naalala na Hindi kami ganito noon. HONEEEEEEEEY! Biglang talon niya sa kama sabay akap sakin. Muntik pa kami mapahiga . Nakaupo na kasi ako talaga. Hon. Wag kang magulo. May ginagawa ako. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakaakap sakin habang patuloy ako sa paperworks na ginagawa ko. Sinilip niya yung documents na inaanal yze ko. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . Yuck! Hanggang dito ba naman trabaho? Tama na yan. Iba na lang trabahuin natin. Sa bay tingin niya sakin ng nakakaloko. Natawa naman tuloy ako. Ang pilyo mo, Gab Borromeo. Hinampas ko pa siya ng pabiro habang umiiling iling at nagpapatuloy pa rin sa work ko. Kinuha naman bigla ni Gab yung documents at inilagay sa bedside table na nasa si de niya. Niobe, hindi na daw makakapaghintay si Gab junior. Natawa naman ako. Ang kulit ng asawa ko. Tinignan niya ko nun ng nakakaloko. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa but he kissed me anyway. And I think you all know what happened next. I can t help but ask myself. What happened to us? All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . [Chapter Three] Kelan masasabing tama na? Kelan masasabing dapat sumuko na?

Kelan dapat magpasiyang palayain na siya? So kamusta naman kayo ni Gab? Tanong ng napakabruha kong best friend na si Ally ma tapos magsip sa juice na iniinom. Nagkibit-balikat lang naman ako sabay ngiti. Anong ewan mo? Apat na taon na kayong mag-asawa tapos ewan mo? Naglakad ako mula k itchen papuntang sala. Sumunod naman siya at dun na kami nagkwentuhan. Pati ba t ganun? 4 years na kayo, ayaw niyo pang mag-anak. Stable naman kayo. E kam i nga ni Kiel, 2 years palang pero dalawa na ang anak. Oo, mula nang ikasal yang bruhang yan, taon taon nanganganak. And yes, dalawa na nga ang anak nila. Dalawang lalaki. Sina Kalel Kier at Clark Kien. Yep. Hango sa mga pangalan ni Superman sa TV Show na Smallville. E sa adik yung mag-asawa dun e. N aawa nga ako sa mga bata. Malamang lamang pag naging babae susunod nilang anak, either Lois, Lana, o r Chloe ang ipapangalan nila. Or worse, baka pagsama-samahin pa. So anyway, back to the story E paanong may mabubuo e wala namang ginagawa. Sabi ko lang sakaniya sabay smirk. N anlaki naman yung mga mata niya. YOU MEAN hindi kayo nagchuchuchu ni Gab?! Pasigaw niyang sinabi pero hininaan dun sa latter part. HAHA bruha talaga tong babaeng to. Tinanguan ko lang siya. WEH?! E bakit? Nakaya mong walang chuchu chuchu? Wow a. Amazed na amazed naman ang itsura ng bruha. Tinaasan ko nga ng kilay. Ano namang akala mo sakin? Hayok na hayok sa ganun? Aba t nginisian ako ng bruha kon g bespren. Haha! Pambihira. Pati parehas kaming busy. Pagdating ng gabi, gusto na lang namin parehas magpahin ga at matulog. Mahinahong explain ko naman sakaniya pero napailing lang si Ally. Alam mo bespren, may problema ang relationship ninyo ni Gab. Kulang kayo sa roman ce. Seryosong sabi niya sakin. Kilay ko naman yung napataas this time. Sa bawat relasyon, importanteng may romansa. Hindi naman porket romansa, dapat se x na agad. Ibig kong sabihin dapat may intimacy pa rin kayo kahit mag-asawa na kayo. May kilig v ibes pa rin. E sa pagkakakwento mo, parang bed mates na lang kayo ni Fafa Gab e. Napabuntonghininga na lang ako. Hindi ko kasi maikailang tama si Ally sa lahat ng sinabi niya. May malaking problema nga sa relasyon namin ni Gab. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . Ilang araw ko ding dinala yung mabigat na pakiramdam na dala nung realization sa pag-uusap namin ni Ally. Matagal ko naman nang alam na may problema talaga sa relationship namin ni Gab pero ayoko lang din aminin sa sarili ko. Ok naman kasi kami. Hindi naman kasi kami nag-aaway. Yun nga lang, hindi rin kam i naglalambingan. So Hindi rin talaga ok. Haha! Ang labo noh? Paano bang ginagawa sa mga sitwasyong ganito? Yung sitwasyong nanlalamig na kayo sa isa t isa. Yung parang sa papel na lang kayo mag-asawa. Yung tipong kinukwestiyon mo na kung nagmamahalan pa ba kayong dalawa.

Haaay Akala ko happy ending na, mukhang hindi pa pala. That night, inantay kong umuwi si Gab. Inilaan ko yung buong gabi para maghandan g kausapin si Gab. Hindi na ko nag-uwi ng trabaho. Importanteng mapag-usapan namin to ni Gab. O? Gising ka pa? Bungad niya pagpasok ng kwarto namin. Ginawa naman niya yung norm al na ginagawa niya tuwing umuuwi siya. Ang maghubad para magbihis. Inantay talaga kita. Sabi ko. Palakad lakad naman siya sa kwarto namin dahil nagbi bihis nga. Bakit? Dapat di mo na ko inantay. Mukhang pagod ka na e. Pagod na rin naman ako. N aririnig kong sabi niya mula sa walk-in closet namin. Kailangan nating mag-usap, Gab. Seryosong sabi ko. Hindi siya sumagot. Pero seryos o na ang mukha niya paglabas niya ng walk-in closet namin. Bakit? Anong kailangan nating pag-usapan, hon? Umupo siya sa tabi ko. May problema tayo, Gab. Our marriage is falling apart. Diretsong sabi ko. Tinitigan niya ko for ilang seconds tapos ngumiti siya. Ano bang sinasabi mo, hon? Wala naman tayong problema e. Naku. Pagod lang yan. lik a na. Tulog na tayo. Tapos hinawakan niya yung braso ko na parang hinihila ako pahiga ng kama. I shoved it off. No, Gab. Can t you see? We re falling apart! We don t act like husband and wife anymore ! When was the last time na sabay tayong nagdinner? Okaya lunch or breakfast man lang? Kelan yu ng huling beses na lumabas tayo bilang isang pamilya? E nagtatampo na nga si Gabbie dahil lagi tayo ng walang time para sakaniya e. Ni hindi na nga tayo nagsesex e. O kahit man lang kiss or hug o kahi t man lang holding hands! Hindi ko na napansin na nakatayo na pala ako at Hindi ko na nga matandaan yung huling beses na sinabihan mo kong mahal mo ko e. um iiyak. Tumayo rin si Gab at lumapit sakin. Hinawakan niya ko na parang aakmang yayakap pero pinigilan ko siya. Baby, I I shook my head and cut off what he was about to say. Gab, hindi na ko sigurado kung mahal pa kita. Hindi siya sumagot. We just stood th ere in silence. Ilang minute din kaming ganun hanggang nahanap ko yung boses ko para makapagsali ta. S-siguro Mas makakabuti kung maghiwalay na lang tayo. There. I said it. Pero kahit a ko mismo nagulat sa lumabas sa bibig ko. Is this really the end of the forever we have sworn together? Isang buwan. Biglang nagsalita si Gab. Napatingin ako sakaniya. All rights reserve d 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . Bigyan mo ko ng isang buwan for me to change your mind. If after that, you re still asking for this, then I ll give you your freedom. [Chapter Four] Kinabukasan, wala na si Gab sa tabi ko nang magising ako. Haaay Normal scenario naman na na hindi kami nagkikita sa umaga. Sa gabi naman, n agpapang-abot nga kami kaso either parehong busy sa mga take home work or pareho nang pagod pa ra magcatch up pa sa isa t isa. Umupo ako sa gilid ng bed namin para magmuni-muni ng onti. Actually, tinatamad pa lang kasi akong bumangon but because I have work, kailang

an kong imotivate ang sarili ko na bumangon. Haha! But that s when I saw something on top of our bedside table. Isang red rose. Kinuha ko naman ito at nakita ang ilang piraso ng papel sa ilalim ng bulaklak. Siyempre, kinuha ko din yung mga papel at binasa yung nakasulat dun. Diabetic ka ba? Napakunot ang noo ko dun sa nakasulat na pinaka-unang paper. Alam naman ni Gab n a hindi ako diabetic, ba t pa niya tinatanong? Pati di ko gets kung ba t niya tinatanong. So anyway, tinign an ko yung nakasulat sa kasunod na papel. Ah Hindi. At sa sumunod na papel. Haaaay. Buti naman. At sa sumunod ulit na papel. Kasi I m planning to be the sweetest for you e. : > HAHAHAHA! Ok. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari kagabi but I can t help but smile. Mga kalokohan ni Gab e. But still it doesn t change anything. I m still unsure about our relationship. Ginawa ko lang yung usual na ginagawa ko for this day. Which, in plain language, I did work, work, work, and nothing but work. That is until lunch time. Saglit kong inalis yung mga mata ko sa harap ng laptop ko para silipin yung phon e ko. May nagtext kasi. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . 1 New Message My Other Half Mga one second lang yun at binalik ko din agad yung mata ko sa screen ng laptop ko. Teka Tama ba yung nabasa ko? Nagtext si Gab? Kinuha ko yung phone ko at tinignan ulit kung sino nagtext. Aba. Si Gab nga. Edi inopen ko naman yung message para mabasa. From: My Other Half Message: Open the door to your office. Napakunot ang noo ko. Tss. Minsan na nga lang magtext, weird pa yung sinasabi sa text message. Tch. Mukhang wala pa ring pinagbago. Pero sabagay, first day palang naman sa 1 month na palugid niya e. Then, I stood up and found my way to the door. Yep. Sinunod ko ang sinabi ni Gab sa text. And when I opened the door 1 lunch meal combo for Mrs. Borromeo. Napataas ang kilay ko. Ngiting ngiti naman s iya. Yes, I found Gab standing outside my office. At talagang nakapang delivery boy costume pa siya. Anong kalokohan to Mr. Gab Borromeo? Natatawa kong tanong sakaniya. Ampoging delive ry boy naman nito. =) Tapos ngumiti siya at unti-unting inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa half an inch na lang ang distance ng mga mukha namin. I told you. I was planning to be the sweetest for you. Tapos lumayo siya sakin, ku mindat at nagtuloy-tuloy sa loob ng office ko.

Napailing na lang ako. But I have to admit, kinilig ako. =) This went on for days and, eventually, for weeks. Araw-araw, iba-ibang pakulo. L inggo-linggo, iba-ibang themes ng pakulo. First week, pinuno ako ng bulaklak ni Gab. Second week, puro n aman balloons. Third week, lollipops na nakapormang bouquet of roses. Iba-iba rin ang focus niya sa bawat weeks. Nung first week, nakafocus siya sakin . Sa needs and wants ko. Inalagaan niya ko. He spoiled me. Pagpasok ng second week, it was about us. Hmm P aanong about us? Well, let s say he once kidnapped me para makapagdate kami. =) On the third week, it was about our family. Sinusundo niya si Gabbie sa school tapos ako naman sa office tapos kung san san niya kami pinapasyal. Naggrocery kami as a family, nagshopping, nagbonding. And yes, it was just like before. Malapit na ngang magbago isip ko e. Parang nagkaron lang ako bigla ng pag-asa na pwede pang maisalba yung relationship naming naghihingalo na. But then, on the fourth week Bigla na lang hindi nagparamdam si Gab. Bigla na lang siyang huminto sa mga paku lo niya. Biglang hindi na naman siya sweet. Biglang hindi na naman kami nagpapang-abot sa umaga pati na rin sa gabi. Hindi ko nga alam kung umuuwi pa yun samin e. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . And then, on the day bago matapos yung 1 month na palugid ko sakaniya, nakarecei ve ako ng text mula sa secretary niya. From: Lilian Message: Ma am, nawawala po si Sir Gab. Ilang araw na po siyang hindi pumapasok. H indi rin siya sumasagot sa mga text at tawag namin. Namomroblema napo dito sa office. Ala m niyo po ba kung asan siya? What? Nawawala si Gab? [Chapter Five] Halos baliw baliw na ko sa kaiisip kung san ko hahanapin si Gab. Grabe. Anong klaseng asawa ako? Ilang araw na palang nawawala ang asawa ko, hind i ko pa alam. Nakakainis ako. =( Mukhang masyado akong nagfocus sa sarili kong emotions na pur o mali ni Gab sa relationship namin ang nakita ko. Samantalang yung sarili kong mali sa relations hip namin, hindi ko napansin. Hindi lang si Gab ang nagkulang, ako din. At nalimutan kong it takes two people and love to build a strong relationship. Umalis agad ako ng office nang malaman ko sa secretary ni Gab na nawawala siya. Umuwi ako sa bahay to find clues sa maaaring kinaroroonan ni Gab. Para pag punta ko sa mga police, kah it pano may lead na kong masasabi. I searched through his things. Sa closet, sa mga bag niya pero sa office niya sa bahay namin ko natagpuan ang isang note. Isang importanteng note. Niobe, I m not lost. I just want you to find me. =) Ansabe?! Makikipaglaro lang ng taguan kailangan pang manakot.

Pambihira talaga tong si Gab o. E ano pa nga bang magagawa ko Kundi ang hanapin ang other half ko? Manong, alis po tayo. Sabi ko sa driver ko pagkapasok ko sa loob ng car. San po tayo, Ma am? tanong naman niya na nakatingin sa rear-view mirror. Kahit san. Basta paandarin mo lang yung kotse. Labo ko noh? E hindi ko naman talag a alam kung san hahanapin si Gab. Basta. Malay ko, bigla akong magka-idea habang naglalakbay kam i. Or malay natin, destiny na mismo magdala sakin kung asan ang other half ko. =) Ngumiti lang si Manong tapos pinaandar na niya ang kotse and my mind started to wander. Naisip ko lang kasi, pano kung totoong nawala si Gab. San ko siya hahanapin? Paano ko siya haha napin? Baka mabaliw ako. Parang Parang hindi ko kayang wala si Gab sa buhay ko. Siguro nga, marami kaming pagkukulang ni Gab sa isa t isa. Pero masyado akong nagp adala sa emotions ko. Muntik ko nang wakasan ang isang bagay na hindi pa naman talaga naghihingalo at pwedeng pwede pang ayusin. Muntik-muntikan na kong sumuko without even trying. All rights rese rved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . Nagulat ako nang biglang huminto ang kotse. Bakit po, Manong? Anong problema? Nakakunot noo kong tanong. Ah, Ma am, nasiraan po tayo. Kalmadong sabi ni Manong. Kung gusto niyo ho, Ma am, sakay na lang kayo ng taxi. Kailangan ko pa pong dalhin t o sa talyer e. Dugtong ni Manong. Umiling naman ako. Di ho. Sige lang. Sasama ako sa talyer. Nakangiti kong sabi kay Manong. At nabwisit lamang ako. -__Ang tagal kasing dumating nung magtotow nung sasakyan ko. E gusto ko na kayang h anapin si Gab sa lalong madaling panahon. Ang hirap naman kaya maghanap kung nakataxi. Biruin niy o, 30 minutes kaming nag-antay ni Manong bago dumating yung maghihila ng sasakyan ko. Nabwisit tuloy ako. Tapos eto pa malala, pagdating namin sa talyer, aba t hindi kami pinapansin. Grabe lang a. Malapit lapit na talaga kong sumabog dito. Ayaw ko pa naman yung mga ganito. Yung hindi naaasikas o agad. Manong, talaga po bang matagal ang service dito? Tanong ko kay Manong na medyo mal akas yung boses. Eee. Tinutubuan na ko ng sungay sa kakaantay. Ganito po talaga dito Ma am. First come first served basis e. Kahit ba first come fi rst served basis e aba! Ang kukupad nilang kumilos noh?! ANO BA YAN?! ANONG KLASENG TALYER TO?! Ayan. Lumabas na po ang aking sungay. May problema po ba tayo dito, Miss? Narinig kong sabi ng isang boses galing sa lik od ko. Agad-agad ko naman siyang sinagot kahit nakatalikod pa ko habang unti-unting humaharap sakani ya. Oo. Meron. Tawagin ninyo yung manager dito. Gusto kong magrekla Natigilan ako nang makita ko ang mukha ng nagsalita. Ngumiti naman siya. Ako ang manager ng talyer na to. At mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya. Gab Borromeo, at your service. Inabot pa niya yung kamay niya sakin. Tinaasan ko n aman siya ng kilay. Anong kalokohan to, ha, Gab? Tae. Napatingin agad ako sa pangalan ng talyer at nun ko lang narealize na ito pala yung same talyer kung saan kami unang nagkita ni Gab. Yung talyer na

pagmamay-ari ng family ni Gab. Hindi ko napansin kasi nabubwisit ako kanina. Haha! Pambihira. Binawi ni Gab yung kamay niya at mas lumapit sakin. Ano po bang reklamo niyo sa talyer ko, miss? Nakangiti pa rin siya nang tanungin n iya yan. So now I get it. Gusto mo ng role play a? Edi fine, sasakyan kita. =) Well, you heard my complaint, Mr. Manager. Ang kupad ng service niyo dito. At mas lumapit pa siya sakin. At ngumiti. At bakit parang naiinlove ako ulit sa mukha ng asawa ko? Huminga siya ng malalim. First and foremost, ma am. Hawak ko po ang iba t ibang kumpanya na pinamana sakin ng tatay ko. Sa sobrang busy ko dun, nalimutan kong padre de pamilya na nga rin pala ako. Sorry at napabayaan ko kayo. Sincere niyang sabi sakin. Hindi ako umimik. I m sorry that I forgot to fulfil my vow to forever be at your service.. Malungkot n a sabi niya pero nakangiti pa rin. Malungkot nga lang din. Nagkulang ako. Inaamin ko. And I m sorry for causing you trouble. I m sorry for causi ng pain in your heart. Syet lang. parang naiiyak ako. Haha! All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . So how bout this? Since I ve already caused you trouble, why not let me fix it for y ou? Why not let me fix whatever it is that s broken in our relationship. And because I m the one who caused it, I ll charge you free. At talagang kumindat pa siya sa huli. Natawa tuloy ako. Pero agad ko naman siyang tinaasan ng kilay. Ayoko. Anong akala mo sakin? Walang pambayad? Kahit magkano pa yan, babayaran ko yan. Babayaran ko ng pagmamahal. =) Natawa naman si Gab sakin. Hindi naman po sa ganun. But if that s really what you want, then, how about a 50% o ff? 50% galing sayo, 50% galing sakin. Let s both reach out until we reach a hundred percent beca use that s really how it s suppose to be. Tama. Dapat pareho kaming magreach out sa isa t isa so that we ll m eet halfway. Ngumiti ako. Deal. [Epilogue] There are no perfect relationships. Hindi porket humarap na sa dambana at nagpalitan na ng salitang "I do" e happy e nding na. Its not even an ending but rather a beginning to an even more challenging love story. Its a b eginning to a story na hindi lang puro love ang topic kundi pati na rin ang responsibility, career, and family. at kung minsan, sa sobrang sabog ng mga topic sa kwentong ito, dumarating sa poi nt na nagkakasawaan, napapagod, nanlalamig at nawawalan ng spark. Kahit mukhang almost perfect na ang love story namin ni Gab, dumating din kami s a point na yun. Sa point na unti unting nawala ung spark na minsan nagliyab sa pagitan naming dalaw a. Dumating sa point that we almost ended and failed to grasp our forever. Pero sa kabila ng lahat, we managed to overcome the challenge and started a new fire. Dahil sa panahong mawala na pala ang spark, there's one thing that can save any relationship: love

. Dahil ang spark nauupos, nawawala, kumukupas. Pero ang pag-ibig, pag totoo, hind i nauupos, nawawala, o kumukupas. Kelan ba masasabing happy ending na ang isang storya? Kapag namatay na lahat ng kontrabida sa storya? Kapag nagpalitan na ng "i love y ou" yung mga bida? Kapag naresolve na ang lahat ng problema at masaya na ang lahat? O kapag ikinasa l na yung mga bida? Hindi ko masasabing dito na nagtatapos ang aming storya. Hindi ko masasabing hap py ending na talaga. Maaaring bukas may bago na namang pagaawayan, may bagong dahilan para maghiwalay . Hindi naman kasi fairytale ang storyang to kundi totoong buhay. Gayunpaman, isang bagay ang nasisiguro ko. Hinding hindi ko isusuko ang pagmamah alan namin ni Gab para sa isang spark na lumilipas. This may not be the ending but Gab and I are going to get that forever. One step at a time. Hon! Gabbie! Halina kayo dito. Tapos na yung niluto ko. Sigaw ni Gab mula sa kitch en. Agad namang tumakbo papuntang kitchen yung anak ko. All rights reserved 2012 | KC Duabe No part of this material shall be duplicated without prior consent of the author . Sumunod naman ako pero habang papalapit ako ng papalapit sa kitchen, may naaamoy akong mabahong amoy. Parang panis na di mo maintindihan. Nakakasuka. Hon, ano ba yang niluto mo? Ba t ganyan yung amoy? Nakakasuka! Kumunot yung noo pare has ni Gab at Gabbie. Hindi naman mabaho yung amoy a, Mommy? Nagtatakang sabi ng anak ko. Tinakpan ko na man yung ilong ko kasi nakakasuka talaga yung amoy. Oo nga naman, hon. Fried Chicken lang kaya to. Sabi naman ni Gab. Pero walangjo, tin apat pa sa ilong ko yung platong naglalaman nung niluto daw niya. Hindi ko na tuloy napigilan at na gtatatakbo na ko sa CR para sumuka. Sinundan naman ako nung mag-ama ko. Hinimas pa ni Gab yung likod ko. At nang matapos Grabe parang lumabas yung kaluluwa ko. Napansin kong nakatitig sakin si Gab at mal apad ang ngiti niya. O? Ba t ganyan ka makatingin? Lalo pang lumapad yung ngiti niya. Niobe, buntis ka ba?

Você também pode gostar