Você está na página 1de 12

Lope K.

Santos
(Setyembre 25, 1879 Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.[2][3] Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.[4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Balarila ng Wikang Pambansa Banaag at Sikat, isang nobela

Lualhati Bautista
- bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards

Kalipunan ng mga maiikling katha[baguhin]


Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang: Dalawang Dekada ng Maiikling Kuwento Desaparesidos

Mga sulating pampelikula[baguhin]


Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?: The Screenplay (1998) Bulaklak sa City Jail Hari ng Tondo Dekada '70 Desaparecidos

Iigo Ed. Regalado


Ipinanganak siya noong 19 Marso 1888 sa Sampalok,Manila at anak nina Iigo Regalado y Corcueca at Saturnina Reyes. Si Iigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941. Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi lamang siya makata, isa rin siyang kwentista, nobelista at peryodista. Ang kanyang nobelang Sampaguitang Walang Bango ay nasulat sa panahong Ginto ng nobelang Tagalog. Ito'y tungkol sa isang babaing martir ngunit sa huli ay nagtaksil kaya iniwan ng asawa. Katulad siya ng sampagita na akala ng marami ay maganda, dalisay at namumukod sa kabanguhan subalit sa kabila noon ay naging taksil kaya itinuring na sampagitang walang bango. Mga Akda Koleksyon ng mga Tula Damdamin at Bulalakaw ng Paggiliw Maikling Kwento Sa Laot ng Kapalaran at Ang Dalaginding Iba pang mga gawa Isang Panyo Lamang, Mahiwagang Tao at Sa Bundok Mga Parangal 1941 Commonwealth Award for Poetry , Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1963 at Diwa ng Lahi Award, 1972

Benjamin Pascual
- ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila. Mula sa kanyang panulat ang maikling kuwentong Ang Mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog.

Proyekto sa Filipino

Ipinasa ni: LOUREA ADA E. CATBAGAN

ipinasa kay: Bb. CRISANTA AQUINO

Liwayway Arceo
Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Manila noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat. Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reian at Titser. Mayroon din siyang mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at "Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943

Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949 hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko.

Dr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Carinan

[1]

(Ika-19 ng Hunyo 1861Ika-30

ng Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2] Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg. Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tngere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note
1][3]

Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika

Antonio Mercado Abad

(natawo Mayo 10, 1894, sa Barili, Sugbo; namatay Abril 10, 1970) usa ka Sugboanong magsusulat sa pinulongang Kinatsila. Siya usa ka piksiyonista, maggugumalaysay, ug magsusulat sa iskrip sa drama sa entablado. Giila siyang batid sa kostumbrismo ug sa porma sa anekdota nga gitawag instantanea kun rafaga. Ang mga ginikanan ni Abad sila si Natalio Abad ug Agueda Mercado. Didto magdako si Abad sa iyang lungsod nga natawhan sa Barili, Sugbo ug nakahuman sa degring batsilyer gikan saUnibersidad de San Carlos (Seminario-Colegio de San Carlos niadtong panahona) pagka 1915. Ang anak niyang si Gemino usa usab ka nailhang magbabalak ug iskolar.

Ponciano B. Peralta Pineda

-isang manunulat, guro, linggwista at abogada. Itinuring si Ponciano Pineda bilang Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.[1] Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan. Ang Diksyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda. Inilathala ni Pineda

angDiksyunaryo ng Wikang Filipino, na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya.

Rogelio R. Sikat

(kilala rin bilang Rogelio Scat) (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III. Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na

isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat.

Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus

(1894-1932), may palayaw na Pepito Matimtiman, Huseng Batute, Huseng Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing, Viterbi, Paruparong Asul, at Bayaning May Sugat, ay isang mamamahayag, makata at manunulat, at tulad din ni Balagtas at Rizal ay nakapagsulat ng maraming tula. Ipinanganak siya noong 22 Nobyembre 1894 sa Sta. Cruz, Maynila at pangalawa sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan. Lumaki si de Jesus sa Santa Maria, Bulakan at nagtapos ng hayskul sa Liceo de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela de Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades, operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi ipinagpatuloy ni de Jesus ang pag-aabogasya at sa halip ay naging isang mamamahayag. Simula 1920, nagsulat siya sa mga kolum na Buhay Maynila at Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi para sa Taliba, at sa Mga Butlig ng Panahon, naman para sa Liwayway noong 1922.

Você também pode gostar