Você está na página 1de 9

Ano ang alamat? Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

Ang Alamat ng mga taga Baguio: Ang alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba't ibang anito. Kung nagdaraos sila ng caao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang

landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya'y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya'y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, " Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caao." Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao," ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila'y natakot. Maya-maya'y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: "Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo'y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. "Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito."

Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito'y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang mamamayan, "kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin." Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. " Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo'y higit na magibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwituwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan." At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Alamat ng mga taga Bisaya Ang alamat ng bundok Kanlaon

ANG MGA TAGA-NEGROS SA BISAYA NOONG ARAW AY NAMU-MUHAY NG TIWASAY AT


MARIWASA.

ANG PANGALAN NG KANILANG HARI AY LAON, ISANG TAONG MAY ANG MGA TAO ROON AY NAGSISIGAWA SA KANYANG MGA

MAGANDANG KALOOBAN.

BUKID AT SILA'Y KAHATI SA ANI.

ISANG ARAW AY UMULAN AT ANG ULAN AY LUMAKAS NANG LUMAKAS HANGGANG SA


BUMAHA SA MGA BUKID; ANUPA'T ANG TUBIG AY UMAPAW NANG HANGGANG TUHOD, SAKA TUMAAS NANG HANGGANG BAYWANG, AT NAGPATULOY NG PAGLAKI NANG HANGGANG LIIG.

ANG MGA TAO AY NATIGATIG AT IPINALAGAY NILANG MASISIRA ANG MGA PANANIM. PALIBHASA'Y MAHAL SA HARI ANG MGA TAO AY INISIP NIYON NA "MAWALA NA ANG
ANIHIN, HUWAG LAMANG MAWALA ANG MGA TAO." KAMPON NIYA, AT SINABI NIYA SA KANILA: LUPA." KASANGKAPAN."

TINIPON NGA NG HARI ANG LAHAT NG

"GUMAWA KAYO NG MATAAS NA BUNTON NG

NGUNI'T ANG SAGOT NG MGA KAMPON AY "KAMI PO AY WALANG MGA IWINAGAYWAY NG HARI ANG KANYANG BIRANG AT PAGDAKA'Y SINABI PA NG MGA KAMPON ANG "WALA PO ANG BUNTON PO NG LUPA AY DAPAT MALIGID NG MGA BATO."

NAGKAROON NG MGA PIKO AT PALA. KAMING MGA BATO.

SA ISANG ULING WAGAYWAY NG BIRANG NIYA AY NAGKAROON NG LAHAT NG KAILANGAN. SA SIKAP AT TIYAGA NG MGA KAMPON AY KAGAWA NG ISANG BUNDOK. ANG NAGING
TAAS NG TALUKTOK NG BUDOK NA YAON AY HANGGANG SA HUMUPA ANG TUBIG.

6,000 TALAMPAKAN. DON SILA NANAHAN

NAGSIPAGPATULOY PA RIN SILA NG PAGGAWA,

NAGSIHUKAY SILA NG BAMBANG NA TUNGO SA DAGAT UPANG SIYANG HUGUSAN NG TUBIG AT SA GAYON AY HUMUPA ANG TUBIG.

MAY ISANG MALAKING AHAS NAMAN NA NANANAHAN SA BUNDOK NA YAON. ANG AHAS
AY MAY PITONG ULO KAKILA-KILABOT.

ANG KULAY NG MGA MATA AY LUNTIAN AT ANG

INIHIHINGA AY KAKATWA, NA KUNG ARAW AY USOK AT KUNG GABI AY APOY.

ISANG ARAW AY MAY DUMATING NA ISANG BINATA NA ANG PANGALAN AY KAN. SIYA'Y
MAKISIG AT MAHIWAGA.

NALALAMAN NIYA ANG LIGALIG SA BAYAN AT SINABI NIYANG.

"PAPATAYIN KO ANG AHAS; HINDI AKO NATATAKO." AT SINABI NG HARI: "PATAYIN MO ANG AHAS AT PAGKAKALOOBAN KITA NG MGA GABOK
NA GINTO AT SAKA ANG AKING ANAK AY IPAGKAKALOOB KO RIN SA IYO UPANG MAGING ASAWA MO.

SA GAYON AY PINATAY NG BINATA ANG AHAS, DAHIL SA MAY KAPANGYARIHAN SIYA SA


MGA HAYOP, AT SIYA'Y MARUNONG NG WIKA NG MGA HAYOP. LANGGAM AT INIUTOS NIYA ANG KANILANG: NIYA AT INYONG KAGATIN." KANILANG.

TINAWAG NIYA ANG MGA

" MAGSIGAPANG KAYO SA BUONG KATAWAN

TINAWAG NIYA ANG MGA PUTAKTI AT INIUTOS NIYA SA "INYONG KALMUTIN AT

"PUPUGIN NINYO ANG KANYANG MGA MATA HANGGANG SA MABULAG." AT

TINAWAG NIYA ANG MGA UWAK AT INIUTOS NAMAN NIYANG,

TUKAIN ANG KANYANG NGA ULO AT KATAWAN HANGGANG MAMATAY."

AT SILA'Y SUMUNOD, AT NANGYARI YAON. AT ANG AHAS AY KANILANG NAPATAY. NANG MAGKAYO'Y PINUGOT NI KAN ANG PITONG ULO NG AHAS. ANG MGA ULONG YAON
AY INIALAY SA HARING TAGA ANAK NG HARI.

LAON, AT MULA NOON AY TIWASAY NA ULING NAMUHAY ANG MGA

NEGROS. ANG BINATANG SI KAN AY NAGKAMIT NG YAMAN AT NAGING ASAWA NG

ANG BINATA NAMAN AT GAYON DIN ANG HARI AY INALAALA NG MGA TAGAROON,
KAYA'T ANG BUNDOK NA YAO'Y PANANGANLAN NILANG PARANGAL KAY

KAN-LAON O KANLAON, BILANG

KAN AT SA HARING LAON.

AT SIYA'Y NAGING DAHILAN KUNG KAYA ANG BUNDOK NA NASABI AY KILALA NGAYON SA
PANGALANG

BUNDOK KANLAON.

Alamat ng mga taga Zamboanga City Ang alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak. Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak. Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kayat nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin. Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala

si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang. Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

ANG ALAMAT NG SAGING Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran. Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga

itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran. Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging."Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Ang alamat ng bigas


Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungangkahoy sa parang. Maligaya na sila roon. Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Nalungkot ang mga tao. Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Silay pagod na pagod at gutom na gutom. Silay nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang. Ang mga mangangaso ay kinumbida ng mga engkantada at silay nagpunta sa yungib. Napakarami pala ang engkantada rito at may reyna sila. Nagsaya sila noon, nag-awitan, at nagsayaw. Nagkaroon din ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ito ay punong-puno ng mga pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng puting pagkain. Matapos ang kainan, ang mga lalaki ay naging bata. Pinainom sila ng puting alak at silay at nagging matalino. Gusto ng umuwi ng mga mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayoy bibigyan ko ng butil. Itanim ninyo ito sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga." "Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butil ay magiging bigas. Lutuin ninyo ito at iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo." Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Você também pode gostar