Você está na página 1de 4

Disyembre 2, 2013 - Lunes FILIPINO 2:30 3:10 I.

. Layunin Nauuri ang mga pangungusap ayon sa kayarian: payak, tambalan, at hugnayan

3. Suriin ang mga pangungusap sa tsart na galing sa kwento.


Pangungusap 1. Noong unang panahon may mag-asawang nakatira sa paanan ng bundok. 2. Nakaligtas ang bata subalit namatay si Rosa sa kagat ng asong ulol. 3. Wala silang anak kaya dumalangin silang bigyan sila ng anak. Uri ng Pangungusap Payak

II. Paksang Aralin Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian Sanggunian: BEC-PELC in Filipino Pagsasalita Kagamitan: larawan, tsart

Tambalan

4,

Hugnayan

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na padamdam, pasalaysay, patanong, at pautos 2. Pagganyak a. Anu-ano ang batayan mo ng pagiging mabait na bata? b. Kung may nangangailangan ng tulong, tutulungan mo ba siya bakit? B. Paglalahad 1. Basahin ang kwento Ang Alamat ng Rosas

4. Bigyang katuturan ang payak, tambalan at hugnayan C. Paglalahat Ibigay ang katuturan ng bawat kayarian ng pangungusap. D. Paglalapat Kumuha ng pangungusap mula sa kwentong binasa at uriin ito ayon sa kayarian IV. Pagtataya Isulat ang P sa patlang kung ang pangungusap ay payak, H kung Hugnayan at T kung Tambalan. _______1. Nasira ang telebisyon nila dahil sa kalikutan ni Roel. _______2. Bibili ka ng gulay o maiiwan ka dito sa bahay? _______3. Si Melba ang nangunguna sa klase. _______4. Maganda para sa akin ang bahay na yari sa bato. _______5. Aalis sana si Nini nang biglang umulan. V. Takdang Aralin Sumipi ng 5 pangungusap mula sa isang kwento at uriin ito ayon sa kayarian

Noong unang panahon, may mag-asawang nakatira sa paanan ng bundok. Wala silang anak kaya humiling sila na bigyan ng anak. Dininig ng Panginoon ang kanilang dalangin. Isang napakagandang sanggon ang isinilang ng babae at ito ay pinangalangan nilang Rosa. Si Rosa ay naging mabait at madasalin. Matulungin siya kaya nakaibi-gan niya ang lahat pati mga ibon at hayop. Minsan, namitas sa Rosa ng gulay sa kanilang bukid. Nakita niya ang isang batang hinahabol ng malaking ulol na aso. Lumapit siya upang iligtas ang bata. Siya ay sinalakay ng ulol na aso. Nakaligtas ang bata subalit namatay si Rosa dahil sa kagat ng matalim na ngipin ng asong ulol. Kinabukasan nagulat ang mga tao nang Makita ang isang halamang may bulaklak na kulay rosas at mabangung-mabango pa. Alam nila agad na si Rosa iyon.
2. Pagtalakay Talakayin ang binasang kwento

Disyembre 3, 2013 Martes FILIPINO 2:30 3:10 I. Layunin Nagagamit ang mga pangungusap ayon sa kayarian.

II. Paksang Aralin Kayarian ng Pangungusap Sanggunian: BEC-PELC Pagsasalita Kagamitan: tsart, larawan

3. Ipabasa ang mga sumusunod na pangungusap at paghambingin ang kayarian ng bawat pangungusap. Napukaw ang pansin ng magkapatid. Masayang nakikinig ng balita si Rona habang naglilinis ng sala si Rina. Umaawit lamang si Jose kung kasama niya ang kaniyang kaibigan. C. Paglalahat Anu-ano ang pagkakaiba ng bawat kayarian ng mga pangungusap? D. Paglalapat Magbigay ng mga halimbawang pangungusap sa bawat kayarian IV. Pagtataya Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay Payak, Tambalan, o Hugnayan _______1. Kami ay magbabakasyon sa Cagayan de Oro. _______2. Dadalawn naming sina Lolo at Lola. _______3. Si Ate ay mamimili ng mga pasalubong. _______4. Masaya naming binitbit an gaming ga bagahe kahit mabigat. _______5. Kami ay sumakay sa Cebu Pacific na eroplano. V. Takdang Aralin Sumulat ng 3 payak na pangungusap, 3 tambalan, at 3 hugnayan. Ilagay sa kwaderno.

in

Filipino

4,

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay Punan ng angkop na pangatnig ang bawat bilang. a. Hindi pumasok si Gng. Cruz _____ may sakit ang kanyang anak. b. Nanonood ng programa sa telebisyon si Mark _____ gumagawa ng takdang aralin. c. Kailangan nating kumain ng mga gulay at prutas _____ maging malusog tayo. 2. Balik-aral Pabigyang katuturan ang mga kayarian ng pangungusap. B. Paglalahad 1. Pagganyak Nakapanood na ba kayo ng paligsahan sa pag-awit? 2. Ipabasa
Ang Bagong Kampeyon Araw ng Sabado, masayang nakikinig ng balita si Rina habang naglilinis ng sala si Rina. Inaabangan nila ang pagbabalita ng resulta ng PINOY CHAMPION Season 8. Isa kasi sa mga kalahok sa grand finals si Jose na kaniyang matalik na kaibigan. Mahilig sa awiting Ingles si Jose ngunit mas nais niyang umawit ng awiting Filipino. Ang awiting Ingles para sa kaniya ay mahirap maunawaan. Umaaawit lamang siya ng awiting Ingles kapag kasama ang mga kaibigan. Napukaw ang pansin ng magkapatid. Ibabalita na ang resulta ng paligsahan. Si Bernadette Sison ang magbabalita nito. Agad naupo si Rona at nanatiling nakatayo sio Rina upang makinig sa balita. Natuwa si Rona nang inanunsyo ni Bernadette Sison na si Jose B. Rosales ang nagwagi sa paligsahan at itinanghal na bagong kampeyon. Ipinaawit ni Bernadette kay Jose ang ipinanalo niyang kanta. Sa tuwa, agad na tinawagan ni Rona si Jose at pinasalamatan ni Jose ang kanyang kaibigan.

Disyembre 4, 2013 Miyerkules FILIPINO 2:30 3:10 I. Layunin Nagagamit ang mga pangungusap ayon sa kayarian Naisusulat ang mga impormasyong nakuha sa binasa o narinig na balita

4. Ibigay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita


Tandaan: 1. Ginagamit ang malalaking titik sa mahalagang salita ng pamagat at sa simulang salita ng bawat pangungusap. 2. Ginagamit ang tuldok sa katapusan ng mga pangungusap na paturol at pautos; tandang pananong sa pangungusap na pananong; at tandang pandamdam sa pangungusap na padamdam. 3. Ipinapasok ang unang pangungusao ng talata. 4. Bawat talata ay may paksang diwang inlalahad. 5. Isulat ang mga impormasyon na sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, paano at bakit.

II. Paksang Aralin Kayarian ng Pangungusap Sanggunian: BEC-PELC Pagsasalita Kagamitan: tsart, larawan

in

Filipino

4,

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Tumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng mga halimbawa ng payak, tambalan, at hugnayang pangungusap. 2. Pagganyak Ano ang inyong balitang napakinggan kahapon o kanina bago kayo pumasok sa eskwela? B. Paglalahad 1. Itanong: Ano ba ang balita? Ito ay lipon ng mga pangungusap na isang diwa o ideya at nagbibigay ng impormasyon. 2. Ipabasa ang maiklingg balita
Sinabi ng Deparment of Trade and Industry na bababa ang presyo ng pan de sal sa P1. 00 kapag inalis ng gobyerno ang taripa sa mga imported na arina. Kapag nangyari tio, makapag-iipon ang mga may-ari ng panaderya ng halos 50% ng presyo ng arina.

C. Paglalahat Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita? D. Paglalapat Isulat ang balita ayon sa iyong pang-unawa
Patuloy ang ginagawang pagtugis sa grupo ng mga bandidong kumidnap sa ICRC volunteer na si Eugenio Vagni. Matatandaang kinidnap ang mga ICRC volunteers may higit kumulang dalawang buwan. Binihag sila ng mga Abu Sayaf. Kamakailanay matatandaang pinalaya ang dalawa sa mga bihag na sina Mary Jane Lacaba at Andreas Snotter. Pinaniniwalaang malapit ng makuha ng mga sundalo ang natitirang bihag.

IV. Pagtataya Pagsusuri sa kawastuhan ng pagkasulat ng balita. V. Takdang Aralin Isulat ang balita ng patalata
Ano: Nakakalat na molasses Saan: Roxas Boulevard, Pasay City Kailan: Abril 24, 2009 Anong Nangyari: 10-wheeler trak tumaob, naging dahilan ng trapiko

3. Itanong a. Paano ang pagsulat ng balita? b. Anu-ano ang impormasyong inyong nakuha mula sa balita. c. Anu-anong kayarian ng pangungusap ang inyong nakita.

Disyembre 5, 2013 Huwebes FILIPINO 2:30 3:10 I. Layunin Nakapagbibigay ng buod o lagom Nakasusulat ng isang lagom sa impormasyong nakuha mula sa binasa.

5. Magpabasa pa ng ibang talata at ibigay ang lagom nito. 6. Ibigay ang mga gabay at pamantayan sa paglalagom ng binasang talata/maikling kwento C. Paglalahat Ano ang lagom ng isang seleksiyon? Paano ito ginagawa? D. Paglalapat Basahin at bigyan ng lagom ang talata a. Mga magulang ang unang guro ng mga bata. Ang ama ang nagtuturo sa anak na lalaki ng paghahanapbuhay. Ang ina naman ang nagtuturo sa anak na babae ng mga gawain sa tahanan. Magandang halimbawang itinuturo ng magulang sa anak ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda at pagsamba sa Diyos. IV. Pagtataya Ipabuod ang alinman sa mga sumusunod na kwento: a. Si Pagong at si Matsing b. Ang Tipaklong at ang Langgam V. Takdang Aralin Manood ng isang pelikula sa telebisyon. Ibuod ito at lagyan ng pamagat. Disyembre 6, 2013 Biyernes FILIPINO 2:30 3:10 I. Layunin Natataya ang mga kaalaman at saloobin sa mga araling natapos sa pamamagitan ng isang pagsusulit

II. Paksang Aralin Pagbuo ng Lagom sa pasaklaw at Pabuod na Kaayusan Sanggunian: BEC-PELC in Filipino 4, Pagbabasa, Pagsusulat III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagtalakay sa takdang aralin 2. Balik-aral Kayarin ng pangungusap B. Paglalahad 1. Pagganyak a. Ano ang relihiyon mo? b. Alam mo ba kung bakit may mga relihiyon tayo? c. Saan ang mga ito nagmula? 2. Ipabasa ang mga talata. a. Naniniwala ang mga Pilipino sa Dakilang Lumikha. Sinasamba nilat at tinatawag ito sa ibat ibang pangalan tulad ng Bathala sa mga Tagalog, Lumawig sa mga Igorot, at Kabunian sa mga Ilokano. Bukod dito, sumasampalataya sila sa mabababang diyos ng mga karagatan, ng pag-ibig, at apoy, gayundin sa mga anito at espiritu. Iginagalang din nila ang araw, buwan, hangin at uwak at ang mga punong balite at bangar. 3. Pagtalakay a. Ano ang tawag ng mga Igorot sa kanilang Diyos? b. Anu-ano pa ang sinasamba ng mga unang Pilipino? c. Anu-ano ang kanilang paniniwala? 4. Pag-aralan ang lagom ng binasang talata. Ang paraan ng pagsamba ng mga unang Filipino ay hindi pa sibilisado, kung kaya kalikasan ang kanilang diyus-diyosan.

II. Paksang Aralin Summative Test sa Filipino Kagamitan: Kopya ng pagsusulit III. Pamamaraan a. Balik-aral b. Paghahanda c. Pagbibigay ng mga pamantayan sa pagkuha ng pagsusulit d. Pagsagot e. Pagtaya

Você também pode gostar