Você está na página 1de 7

Title

Peter and the Wolf

Author
Sergei Prokofeiv

Summary
Peter, a young pioneer, lives at his grandfather's home in a forest clearing. One day, Peter goes out into the clearing, leaving the garden gate open, and the duck that lives in the yard takes the opportunity to go swimming in a pond nearby. The duck starts arguing with a little bird. "What kind of bird are you if you can't fly?" said the duck. "What kind of bird are you if you can't swim?" said the bird. Peter's pet cat stalks them quietly, and the birdwarned by Peterflies to safety in a tall tree while the duck swims to safety in the middle of the pond. Peter's grandfather scolds Peter for being outside in the meadow alone. He said, "Suppose a wolf came out of the forest?, and, when Peter de fies him, saying that "Boys like me are not afraid of wolves", his grandfather takes him back into the house and locks the gate. Soon afterwards "a big, grey wolf" does indeed come out of the forest. The cat quickly climbs into a tree, but the duck, which has excitedly jumped out of the pond, is chased, overtaken and swallowed by the wolf. Peter fetches a rope and climbs over the garden wall into the tree. He asks the bird to fly around the wolf's head to distract it, while he lowers a noose and catches the wolf by its tail. The wolf struggles to get free, but Peter ties the rope to the tree and the noose only gets tighter. Some hunters, who have been tracking the wolf, come out of the forest ready to shoot, but Peter gets them to help him take the wolf to a zoo in a victory that includes himself, the bird, the hunters leading the wolf, the cat and grumpy grumbling Grandfather saying, "What if Peter hadn't caught the wolf? What then?" During the celebration, if you listen very carefully, you'd hear the duck quacking inside the wolf's belly, because the wolf in his hurry had swallowed her alive.

Main Topic
The story is about a young man named Peter who showed braveness and cleverness in the time of crisis in spite of his young age.

Main Characters
1. 2. 3. 4. Peter a brave and clever child living in his Grandfathers house Bird little bird that helped Peter by distracting the wolf Duck pet owned by the Grandfather and was eaten by the wolf Wolf the big grey animal that is being hunted

Secondary Characters
1. Pet Cat 2. Grandfather

Setting
The story was set on a fine day at the Grandfathers home near a forest clearing.

Climax
It was the time when Peter tries to catch the wolf climbing in a wall into a tree with a rope in his hand. He then asks the bird to distract the wolf so he can catch it by its tail. Knowing how strong and scary a wolf is, Peter didnt show any kind of fear and successfully catch the wolf despite of it trying to break free. He then tied the rope in a tree and as the wolf struggled, the rope only gets tighter.

Ending
A group of hunters came out of the forest ready to shoot the wolf as soon as seeing it tied in a tree but Peter stopped them and suggested to bring the wolf in a zoo. Everyone was so happy, except Peters grandfather who was so angry and worried what if Peter didnt triumphantly catches the wolf. Also, it is said that the duck was believed to be still alive inside the wolfs belly.

Moral Lesson
A true hero is one who is willing to take risks.

Pamagat
Bagong Kaibigan ni Mika

May-Akda
Linda Reyes

Buod
Sa isang bayan sa malayong-malayong lugar, may nakatira na isang babae na nagngangalang Mika. Napakayaman ng kanyang pamilya. Si Mika ay mayroong mga mahal na damit at bagong laruan. Lagi siyang nagyayabang tungkol sa kanyang mga gamit sa ibang mga bata. Lagi siyang humihingi sa kanyang mga magulang ng mas maraming mga bagay. Sa eskuwela, nakikipaglaro lamang siya sa mga batang mayayaman din. Matapobre sina Mika sa mga mahihirap na bata sa eskuwela, lalo na kay Anawin. Si Anawin ay mula sa isang mahirap na pamilya. Luma ang mga damit ng kanyang kapatid na babae at naglalaro lamang sila ng mga sirang mga laruan. Kahit na wala siyang bagong gamit, at mga mamahaling bagay, siya ay nagpapasalamat para sa nakayanang ibigay ng kanyang pamilya sa kanya. Isang araw, ang tatay ni Mika ay natanggal sa kanyang trabaho kung kaya ipinagbenta niya ang bahay at lahat ng mga mamahaling damit at mga laruan ni Mika. Sa eskuwela, sinubukan ni Mika na makipag-usap sa kanyang dating mga kaibigan, pero iba na ang kanilang pakikitungo sa kanya ngayon dahil mahirap na siya. Hindi nila nais makipaglaro sa isang mahirap na bata. Si Mika ay malungkot at mag-isang kumain ng tanghalian. Umupo si Anawin sa tabi ni Mika at nagtanong siya kung okey ito. Bakit ka malungkot? tanong ni Anawin. Dati, ako ang pinakahanep na babae sa eskuwela. Ngayon ni isa walang nang gusting maging aking kaibigan. Saad ni Mika. Sinong nagsabi na hindi ka hanep? Gusto kong maging kaibigan mo! Heto, may ilan akong sanwits. alok ni Anawin.

Maraming salamat! Bakit mabait ka sa akin? tanong ni Mika. Dahil gusto kong nakikipagkaibigan! wika ni Anawin. Waw na waw. Ikinalulungkot ko na suplada ako sa iyo noong nakaraan. Napakabuti mo. Sabi ni Mika. Walang anuman. Maglaro tayo!

Paksa ng Kwento
Ang kwento ay patungkol sa batang nagngangalang Mika na matapobre dahil silay mayaman at pinipili lamang ang kaniyang mga kaibigan.

Pangunahing Tauhan
1. Mika isang batang mayaman at nakukuha lahat ng kaniyang gusto ngunit matapobre. 2. Anawin isang batang nagmula sa mahirap na pamilya at nilalayuan dahil sa kaniyang estado sa buhay.

Pinangyarihan ng Kwento
Sa isang eskwelahan sa isang bayan sa malayung-malayong lugar.

Kasukdulan
Naghirap ang pamilya nila Mika at siyayy nilayuan ng kaniyang mga kaibigan. Naging malungkot si Mika dahil wala nag gusting makipagkaibigan sa kanya.

Katapusan
Naging mabuting magkaibigan sina Mika at Anawin dahil na rin sa pakikipagusap ni Anawin kay Mika. Kahit na hindi naging maganda ang pakikitungo ni Mika kay Anawin noon, ay kinaibigan pa rin siya ni Anawin.

Aral ng Kwento
Ang tunay na kaibigan ay makikilala mo lamang sa panahon ng pangangailangan.

Pamagat
Bakit ka Lumilipad, Gora Saranggola?

May-Akda
Lipadlaya

Buod
Sa himpapawid ng Baryo Maulap, madalas nagkakasayahan ang lahat ng saranggola sa nayon. Pero ang kasiyahan ay napapalitan ng gulo kapag dumarating ang mayabang na si Gora Saranggola. Magsitabi kayo, ako ang hari dito sa kalawakan, ang sigaw ni Gora sabay ang pagsugod sa mga maliliit at mahihinang saranggola. Tinatawanan pa niya ang mga batang saranggola na hindi pa mataas lumipad. Pero nagsawa si Gora sa pang-aaway niya sa mga kapwa saranggola. Isang araw, pinilit niyang sumabay sa malakas na hangin para makawala at maputol ang kanyang pisi. Tuwang tuwa si Gora na lumipad sa Kanluran kung saan nakita niya doon si Agila. Hoy, panget. Saranggola ka ba? pagsusungit agad ni Gora. Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang ibon. Lumilipad ako upang maghanap ng pagkain para sa aking mga inakay. Mahal ko sila. E ikaw, bakit ka lumilipad? sagot ni Agila. Walang maisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Silangan. Doon niya nakita si Eroplano. Hoy, panget. Saranggola ka ba? pagsusungit agad ni Gora. Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang eroplano. Lumilipad ako para maghatid ng mga pasahero. Mahal ko sila. E, ikaw, bakit ka lumilipad? sagot ni Eroplano. Wala na naman naisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Hilaga. Doon ginaganap ang makulay na Kite Festival. Mga kapwa makikisig na saranggola, pwede ba akong sumali sa inyong paglalaro? bungad ni Gora. Ha? Saranggola ka nga pero hindi ka karapat-dapat, di hamak na mas malaki at mas maganda kami sa iyo, sagot ng hugis-spaceship na saranggola.

Oo nga, isa pa, Lumilipad kami para magbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan naming bata. E, ikaw, may kaibigan ka bang bata? wika naman ng hugis-paruparong saranggola. Natahimik si Gora. Naalala niya ang batang si Pepito. Si Pepito ang laging nag-aalaga sa kanya pero hindi niya naisip na malulungkot ito sa kanyang pagkawala. Hinahanap kaya siya nito? Nasa ganun siyang pag-iisip ng lamunin siya ng buhawi ng Timog. Hindi siya makatakas sa paikot-ikot na hangin ng buhawi. Nabali ang kanyang buto at napunit ang kanyang balat. Noon niya lang naisip na pagsisihan ang kanyang kayabangan. Mamang Buhawi, nakikiusap po ako sa inyo. Basura na lang po ako ngayon pero nais ko pong bumalik sa Baryo Maulap. sigaw ni Gora. Narinig naman siya ni Buhawi. Humahanga ako sa iyong pagsisisi. Ngunit huli na ang lahat. Hindi ako makakadaan sa iyong tahanan. Dito na lang kita iiwan. At iniluwa ni Buhawi si Gora sa isang puno. Agad na gumawa ng paraan si Gora. Nakipagkaibigan at inilipad siya ng hangin ng Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran hanggang sa makarating siya sa isang sampayan. Inay, Itay, tingnan ninyo, Bumalik ang aking kaibigan, tuwang tuwang kinuha ni Pepito si Gora sa sampayan. At sa tulong ng kanyang ama, muli nilang inayos ang hitsura ni Gora Saranggola. Muling nakalipad si Gora sa himpapawid ng Baryo Maulap. Ngunit ngayon, isa na siyang mabait na saranggola. Alam na niya ang dahilan ng kanyang paglipad. Iyon ay bigyan ng kasiyahan ang kaibigang si Pepito.

Paksa ng Kwento
Tinatalakay ng kwento ang isang saranggola na nahanap ang kaniyang layon sa buhay matapos ang isang masamang pangyayari.

Pangunahing Tauhan
1. Gora Saranggola ang mayabang na saranggola na walang ibang ginawa kundi magmalaki sa mga kapwa niya saranggola. 2. Pepito batang nagmamay-ari kay Gora.

Pangalawang Tauhan
1. Agila ang ibon na nakilala ni Gora sa Kanluran. 2. Eroplano nakilala ni Gora sa Silangan. 3. Mga kapwa makikisig na saranggola nakilala ni Gora sa isang Kite Festival sa Hilaga. 4. Mamang Buhawi ang buhawing lumamon kay Gora sa Timog.

Pinangyarihan ng Kwento
Sa isang bayan na tinatawag na Baryo Maulap.

Kasukdulan
Nang si Gora ay nasa gawing Timog na, siyay nilamon ng isang buhawi kung saan nabali ang kaniyang buto at napunit ang kaniyang balat. Sa kagustuhan niyang makabalik sa kaniyang tahanan ay nakipagkaibigan siya sa hanging Kanluran, Silangan at Hilaga hanggang siyay mapadpad sa sampayan ng amo niyang si Pepito.

Katapusan
Natagpuan ni Pepito ang nasirang saranggola na si Gora at sa tulong ng kaniyang ama ay kanila itong inayos at matagumpay na napalipad ulit. Naging mabait na saranggola si Gora at napagpasyahan na ang kaniyang layon sa buhay ay ang pasiyahin ang kaibigang si Pepito.

Aral ng Kwento
Ang taong walang layunin sa buhay ay hindi magiging maligaya kailanman.

Você também pode gostar