Você está na página 1de 2

SUMMARY OF EL FILIBUSTERISMO On a trip from Manila to Laguna via the steamer named Tabo, Crisostomo Ibarra, Isagani and

Basilio were among the passengers. Ibarra disguised himself as Simoun, a wealthy jeweler. At that time, it has already been thirteen years since Elias and Sisa died. Basilio visited the tomb of his mother in San Diego where he coincidentally saw Simoun who was digging up his buried treasures. He discovered that Simoun was the same Ibarra who helped him a few years ago. Simoun wanted to keep his identity a secret and tried to kill Basilio but ended up encouraging him to join his revenge against the Spanish government. However, Basilio did not agree to join Simoun as he wanted to finish his studies and believes that there is still hope for his country. With the request from the Filipino students, a Spanish Language Academy was established but their desire to manage the school was not permitted as the Spanish friars were the ones who were given the authority to manage it. Meanwhile, Simoun convinced Basilio, for the second time, to join them in the revolution and in his plan to save Maria Clara but it was too late since Maria Clara already died. At the school, the students feel dejected. They held a feast in Panciteria Macanista de Buen Gusto were they mocked the friars but unfortunately, a spy for the friars witnessed it all. A few days later, the students were arrested for disturbing the peace of the city as they were accused of displaying posters which stirred up the people. Even if Basilio was not present during the celebration, he was still arrested. Most of these students had relatives who helped them clear out their names and get out of prison but Basilio had no one to help him. Juli tried to ask Father Camorra to help Basilio which caused her death as she jumped over the balcony as Father Camorra tried to rape her. For Simoun to effectively carry out his plans, he made himself a business partner of Don Timoteo Pelaez. In that way, he managed to arrange the wedding of Juanito Pelaez and Paulita Gomez. After a few months, Basilio was released from prison with the help of Simoun. Learning about Julis death, he immediately told Simoun that he wants to join the revolution. Simoun then told Basilio about his plan to carry out the revolution during the reception of the wedding of Juanito and Paulita in Captain Tiagos house. A lamp which contains an explosive would be Simouns gift to the newlyweds. The lamp will flicker after twenty minutes and if someone tries to fix the wick, it will explode and kill the guests of the wedding inside the house. On the other hand, the explosion would serve as a signal for the start of revolution to be lead by Simoun. During the night of the wedding, Simoun immediately left after handing over the lamp. Meanwhile, Basilio tries to leave but he saw Isagani and tells him not to enter the house as there will be an explosion in a few minutes. However, he was not able to stop Isagani, who was thingking about Paulitas safety, from entering the house. A note was found saying Mane Thecel Pares Juan Crisostomo Ibarra. Father Irene confirmed that the note was from Ibarra. The guests inside the house start to panic and the lamp starts to flicker. As Father Irene was about to turn the wick up, Isagani rushes into the house and throws the lamp into the river. Isagani, later on, regrets as he learned that his impulsive act broke Simouns plan for revolution that could have helped his nation. Simoun escaped to Father Florentinos house along the Pacific Ocean as he is now known as the perpetrator of the attempted arson. When he was nearly found by the Guardia Civil, he drank a poison so as not to be caught alive. He revealed his true identity to Father Florentino and relayed his sad experiences. After his confession, Simoun died. Father Florentino then took Simouns riches and threw it into the ocean so that it would not be used for any greedy act and for it to be found when the time for its use for the greater good arises.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral. Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya. Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon. Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan. Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Dikawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito. "Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Você também pode gostar