Você está na página 1de 6

ANG HUKOM by Lualhati Bautista dela Cruz

Umilap ang mga mata ni Rey nang makilala niya ang tinig sa telepono. Tiniyak niya
na walang tao sa sala. Tinapunan ng tingin ang salaming pinto ng aklatan ni Hukom
Rolando Villafuerte, at tiniyak na it ay abala sa pagsasalita sa maliit na mikropono
ng kanyang dictaphone.

Habang sumasagot sa telepono, ang mga mata ay nakatuon sa hukom; baka


maisipan nitong damputin ang extension sa ibabaw ng katabing mesa. o baka siya
ay malingunan.

"tiyak ba sa kongreso bukas, Rey?"

"T-tiyak," mahina ang tugon niya, "alas-nuwebe."

"Good."

"Max," mabilis ang tawag niya, bago maibaba ng kausap sa telepono. At mahina
halos anas na idinugtong niya: "h-huwag lang sa kotse."

ang ganti ay mahinang tawa, na kasingkahulugan na rin ng pagsasabing "huwag


kang mag-alala, Rey!" Sinundan ng mahinang klik.

dahan dahan ang ginawang pagbaba ni Rey sa awditibo. Sa kabila ng salaming


pinto, ang walang kamalay-malay na hukom ay patuloy sa pagsasalita na may
kasamang kumpas. Habang ang tape ng dictaphone ay mabagal na umiinog, nilulon
ang lahat na sinasabi nito. Bukas ng umaga ay mabilis na isusulat iyon ng
stenotypist, at mamakinilyahin. Bukas ng hapon at nakatakdang sabihin iyong muli
ng hukom sa sesyong dadaluhan nito.

Ngayon ay maghahantinggabi at ang hukom at dapat nang matulog. Ngunit ang


hukom ay abala; hindi alam na ang lahat ng pag-aabalang iyon ang ay nakatakdang
mawalan ng saysay.

Hukom Rolando Villafuerte.

Bata pa siya, kuwarenta lamang, at madangang lalaki. Tanyag, isa sa iilang hukom
na matapat sa kanyang tungkulin.. Tiyak ni Rey. Sa dalawang taong ipinaging
tsuper niya ng mga Villafuerte, hindi miminsan na ito ay nilapitan ng malakas at
inalok ng deal.

"sa ibang araw, Rey. Siguro, sa ibang araw kung ang mga anak ko at wala nang
makain! lapitan nila ako atbaka sakaling sunggaban ko ang sampung libo nila!"

Ang bagsak ng pinto ng kotse, ang pamumula ng mukha ni Hukom Villafuerte, at


ang pagngangalit ng ugat sa sentido nito ay laging sapat nang larawan ng naging
pag-uusap nito at ng isang lalaking may mapitog na bulsa.
Hanggang sa maging katangi-tangi ito bilang hukom na mabilis magpasya sa mga
usaping dumarating sa kamay nito. Hanggang sa maging kapuna-puna ang
kabagsikan ng mga desisyon nito.Habambuhay na pagkabilanggo. Kamatayan sa
siylya-elektrika.

At ito ay sinimulang purihin at palakpakan ng mga komentarista. Modelo, anila.


Huwaran. Ngunit ito ay nagsimula ring tumanggap ng mga banta.

"hindi kayo natatakot, Judge?"

"Ginagawa ko lang ang tungkulin ko, Rey!"

Ngunit sa kaibuturan ng loob ni Rey ay laging naroon ang pagtutol.

"Judge, kung ang bilangguan ay reformatory institution... paano pa mare-reform ang


isang tao kung siya'y patay na?"

"may mataas na hukuman pa para magdisisyong muli sa kasong 'yon."

"at kung kumpirmahin ang hatol n'yo?"

"Hindi ko kasalanan!"

"Pero kung naging cinsiderate kayo, judge..."

"R ey, dinaramdam kong gawin ang mga bagay na kinakailangan ko gawin! hindi ko
kasalanan ang magkasala sila, at dapat silang maparusahan!"

"Kung minsan, Judge... nakakagawa ang tao ng kasalanan nang di niya sinasadya!"

"at kung minsan ay sinasadya, Rey!"

may mga paniniwalang hindi nila pinagkakaisahan. Madalas, hinihingi ng kalagayan


ni reyna na siya'y sumuko.

"ang akin ay opinyon ko lang. Wala ako sa katayuan para ang opinyon ko ay maging
mahalaga. Sana'y huwag kayong magagalit sa akin."

tatanguan siya ng hukom.

"nasisiyaha akong marinig ang mga opinyon mo, Rey. Iginagalang ko iyon. pero
gutso kong maintindihan mo na sa loob ng isang pagdinig sa usapin ay hindi rin ang
opinyon ko ang makapangyayari... kundi ang batas!|

ang naganap ang pangyayarin iyon.


isang kaibigan ni Rey, matalik na kaibigan na bata ng isang pulitiko, ang nasangkot
sa isang usapin.Sinadyang pagpatay. At parang sinadya ang pagkakataon na
mapalagay iyon sa sala ni Hukom Villafuerte.

Gabi,nakita ni Hukom Villafuerte na tatayu-tayo siya sa kabila ng salamaing pinto


ng aklatan nito, at siya'y inanyayahang tumuloy.

"May kailangan ka, Rey?"

Tumango siya, at huminga nang malalim.

"Judge," tila nahihinirang sabi niya. "Si Melvin Jones ay... k-kaibigan ko!"

Nag-iba ang mukha ni hukom Villafuerte. Parang nagulat. Maya-maya ay dahan-


dahang ibinaba ang tingin sa mga papeles na pinag-aaralan nito.

"k-kaibigan kong matalik, Judge. No'ng kaisjul ay magkaklase kami. m-


magkakopyahan kami sa test, Jedge. Magkasama kami sa team ng basketbol. at
kung ituring ako ng mga magulang niya ay parang anak na rin nila!"

"r-rey..."

"Alam kong mabigat ang kaso niya, Judge. Pero naniniwala ako na 'yon ay hindi sa
kagustuhan ni Melvin! Alamn kong may mga tao sa likuran niya... at hindi siya ang
nag-iisang dapat managot!"

"Si Melvin ay ayaw magsalita, Rey. Dinaramdam ko na ang pasiya ko ay maging


batay lamang sa ebedensiyang hawak ko... at ang lahat ng ebidensyang hawak ko
ay sa kanya lang laban!"

"pero hindi nangangahulugan iyon na iisa siya, Judge!"

"Wala tayong katibayan, Rey!"

"Sapat na 'yon... sa batas. Rey!"

Maigting na ang tinig ng hukom at napatungo siya bigla. Ang katahimikan ay


makapal sa likod ng ugtong ng air-conditioning. Alam niya, wala siyang karapatan;
ngunit kailangan niyang isugal ang huling baraha niya.

"k-kaibigan ko siya, Judge!"

Tumangu-tango sa hukom Villafuerte. Pagkuwa'y naramdaman niyang nasa balikat


niya ang isang kamay nito, at nakita niya iyong nakatayo sa kanyang harapan.

"naiintindihan ko ang damdamin mo, Rey. Pero sa sala ng isang hukom, ang
kanyang pagiging hukom ay dapat na magibabaw sa kanyang damdamin. Intindihin
mo rin ako, Rey!"
Si melvin ay hinatulan ni Hukom Villafuerte ng bitay.

"ka-kailangan kong... m-maunawaan mo ako, Rey!"

Nasa hindi niya pagtuon ang sakit na nadarama niya.

"Malupit kayo, Judge. Kasi'y hindi n'yonaiintindihan kung ano ang maging kaibigan!"

Sa katiyakan na hindi si melvin lamang ang dapata maparusahan, siya'y nagtanim


ng lihim na galit kay hukom Villefuerte.

Sakan naman, sa isang pagdalaw niy kay Melvin ay nilapitan siya ng ilang bataan
ng pulitikong may hawak dito.

"Kaibigan mo si Melvin, di ba, Rey?"

Tumango siya. "Dinaramdam ko. Wala akong naitulong!"

"Oo. Wala ring naitulong ang ginawa naming paglapit. Matigas ang ulo ng amo mo,
Rey!"

"p-palagay ko nga."

"pero may maitutulong sa sa'ming iba. pwede mong ituro, halimbawa, kung saan
kayo nagdaraan."

Ang sarili ay pinily niyang libangin sa kabatiran ng hait hindi sa pamamagitan ng


tulong niya, ang plano ay maisasagawa rin. at maganda ang pangakong limang
libung pisong pabuya na tatanggapin niya.

Marahang huminto ang kotse sa tapat ng Kongreso. Bago tuluiyang nanaog, ang di
nila pagkikibuan ay binasag ng hukom.

"Masama ang loob mo sa 'kin, Rey?"

Matigas ang kanyang tugon. May pagkutya. "hindi n'yo kailangan ulitin, Judge, na
ginawa n'yo lamang ang tungkulin niyo!"

"oo." iyon ang mahina. "at nahihirapan din ako, Rey!"

Tiim ang bagang na naghihintay si Rey. Kinakabahan. Pigil ang hininga halos.
Pagkuwan ay sumabig ang putok at siya'y napapikit nang mariin. Ngunit mabilis din
na idinilay niya ang mga mata. At kitang-kita niya ang umigtad na katawan ng
hukom ay dahan-dahang bumagsak, at gumulong sa hagdan ng kongreso.

Naghari ang tilian at pulasa sa paligin.


Gayon kadaling naisagawa ang krimen, at gayon din kadali na iyong ay lumaganap
nang tila apoy. Ngunithindi gayon kadali na iyon ay nalutas.

Hanggang sa araw ng libing, ang bumaril sa hukom ay hindi natatagpuan. Wala isa
man sa mga nakasaksi ang nakakuha sa numero ng kotseng ginamit. May
nakapagsabi na iyon ay kulay pula, ngunit ni ang tatak o modelo at hindi naturol.

Hindi iisa o dalawang pagbabanta ang tinanggap ng hukom sa buong panahon ng


kanyang panunungkulan. ang mga dinampot at inimbistigahan ay pinawala din
nang hindi makunan ng ebidensya.

Si rey ay ligtas sa hinala. Na naipagtapat niya sa hukom na kaibigan niya si Melvin


na isang gabi ay pinasok niya ito sa aklatan at hiningan ng awa, ay ni hindi
nabanggit ng hukom kaninuman, maging kay Gng. Villafuerte.

Sa harap ng mga nag liliwanagang ilaw na nakatunghay sa kabaong ni Hukom


Villafuerte ay idinaos ang huling parangal. nasa telebisyon at kaipala ay pinanonood
ng libu-libong tao. bawat magsalita at tumatalakay sa mga kabutihan ng hukom, at
bawat katagang iyon ng papuri ay tila hagupit sa kalooban ni Rey. Hindi niya
maiwasan.

Huling nagsalita ang Pangulo. Pagkaraan ay ipinarinig sa lahat ang talumpati ng


hukom mula sa dictaphone na hindi na nito nagawang bigakasin sa sesyong dapat
ay dinaluhan nito.

Sinasabing isa ako sa pinakamalupit na hukom...

Kabilang si Rey sa mga taimtim na nakikinig.

Palagay n'yo kaya ay nasisiyahan ako na ako ay pinupuri, hinahangaan, sa paraan


ko ng pagbaka sa kriminalidad? palagay n;yo kaya ay ikinarangal ko na
napakaraming tao na ang hinatulan ko ng bitay?

Tulad ng lahat, si Rey ay walang kakilus-kilos sa pagkakaupo.

Ang tagal nang iniisip-isip ko, na minsan ay narinig ko sa isang kaibigan... na ang
bitay ay hindi kalitasan... dahil ang isang patay ay hindi marereporma... at hindi na
mabibigyang ng ikalawang pagkakataon.

Napaangat ang mukha ni Rey. Napabuka ang bibig niya. Kaibigan? Ang mga
pangungusap na iyon ay sa kanya narinig ng hukom!

Kasama akong Nagsusog na alisin ang silya-elektrika!

Si Rey ay napatindig. sa paligid ay nabuhay ang anasan.

Ang kriminalidad ay laganap, sa kabila ng katotohanang mayroon tayong silya-


elektrika. Hindi ang silya-elektrik ang kalutasan. Kung bagamt marami na ang
hinahatulan ko, at nakatakda pang hatulan ng silya-eletktrika. Isinusumpa ko na
ang lahat ng ginagawa ko nang laban sa aking sarili.

Natanga nang matagal ni Rey. Namuo ang huling pangungusap sa utak niya, at ang
sumunod ay halos hindi na niya nabigyan ng pansin.

Mababawasan ang kriminalidad sa pamamagitan nang mabilis na pagkilos ng mga


kinaukulan... sa mabilis na pagpapasiya sa mga usapin... hindi sa pamamagitan
ng---

biglang tumindig si Rey at mabilis na umalis sa kalipunang iyon. hindi niya pinansin
ang nag-uusisang mga tingin na sumunod sa kanya. Patakbo halos na nagtuloy sa
sariling silid. Ikinandado ang pinto, at humihingal, punagpapawisan na doon ay
sumandal.

Ang lahat ay isinusumpa kong ginawa ko nang laban sa aking sarili... kasama akong
nagsusuog na alisin...

Matindi ang alingawngaw ng tinig ng hukom. a, matindi ang gunita ng lahat ng


pagsisikap nitong maunawaan niya!

"Rey, dinaramdam kong gawin ang mga bagay na kinakailangan kong gawain...
ngunit sa sala ng isang hukom, ang kanyang pagiging hukom ay dapat na
mangibabaw... Nahihirapan din ako, Rey!"

Nasumpungan ni Rey ang sariling umiyyak. mariing nakasubsob ang mukha niya sa
mga palad, at ang mga baliat na niya ay yumayanig. Ngunit pagkuwan ay pinayapa
niya ang sarili, tinipon ang lahat ng lakas ng loob, at binuksan na muli ang pinto.
mapulang mapula ang mga mata niyang naghahanap ng kinauupuan ng Pangulo.
May ipagtatapat siya.

Você também pode gostar