Você está na página 1de 49

PANIMULA

Iba-iba ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa nasyonalismo. Kapag tinatanong sa mga kabataang Pilipino kung ano ang kahulugan ng Nasyonalismo, ang kadalasang sinasagot nila ay ang pagmamahal at pagiging tapat sa bayan o sa mas simpleng konteksto, ang pagiging makabayan. Makikita naman sa mga aklat na ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na nacion o ang pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan at sa salitang nasyon na ang ibig sabihin ay pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isat isa o isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Sinasabing ang nasyonalismo ay tumutukoy sa damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi lamang sa pangulo o sa ilang pinuno lamang . Higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kanilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng nasyonalismo para sa isang Pilipino? Ano ang kahalagahan ng nasyonalismo sa mamamayan ng isang bansa? At higit sa lahat, paano maipapakita ng isang mamamayan ang nasyonalismo? Sa mga susunod na pahina ay makakakuha tayo ng ideya kung ano ang sagot sa mga tanong na ito.

Kahulugan ng Nasyonalismo Ang nasyonalismo ay isang postibong pwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakakilanan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng ibang bansa. Nagiging masama ito kung gagawing batayan ng militarismo at pagsakop sa ibang bansa.Kabihasnang Daigdig. Kasaysayan at kultura. Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan. Ito ay ang pagkakatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa panlulupig ng mga banyaga. Nangangahulugan din ito ng kamalayan ng isang lahi na sila ay may iisang kasaysayan, wika, at pagpapahalaga. Ito ay nagsisilbing matibay na reaksyon laban sa

imperyalismo at kolonyalismong dumating sa ibat-ibang panig ng rehiyon nito. Kabihasnang Asyano. Kasaysayan at Kultura. Para kay Claro M. Recto, Walang masama sa pagtataguyod ng kapakanan ng sariling bansa; ang masama ay ang pakikialam sa direksyong tuutunguhin ng iba pang bansa. Ang pakikialam at panghihimasok sa ibang bansa ay imperyalismo. (Daigdig kasaysayan at kultura.) Ayon naman kay Dr. Ferdinand Dagmang, propesor ng agham panlipunan at pilosopiya, Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ung isyu ng nasyonalismo nung panahon nang tayo ay sinakop lamang. Bago tayo sinakop, wala pa tayong konsepto ng nasyonalismo dahil bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila nakaranas ng pagbabastos, pangaalipusta o pagaagaw ng mga lupain ng mga banyaga gaya ng mga dumating na Portuges, mga arabo, intsik, bago pa man dumating ang mga kastila. Pero wala pa sa panahong iyon ang isyu ng nasyonalismo. Ngunit pagdating ng mga Kastila, nakaranas tayo ng mga hindi kaayaaya gaya ng pagsisingil ng sobrang buwis, pagkontrol sa mga tirahan ng mga tao, na kailangan ay lumapit sila sa mga simbahan, at ang pagpapatupad ng mga order na ang mga lalaki ay kailangang magsilbi ng walang bayad sa mga paggawa ng mga tulay, kalsada o mga simbahan. 2

Kung ganoon, ang nasyonalismo ay isang namuong diwa at pag-uugali ng mga Pilipinong nakaranas ng pang-aapi o karahasan na ipinataw ng mga dayuhan. Ang mga sumunod na pananakop ng mga Amerikano at Hapon at Amerikano ulit ay nagpadagdag pa ng kahulugan sa nasyonalismo bilang pagtayo at pagtataguyod sa diwang maka-bayan at maka-kapwa-Pilipino; dagdag pa dito ang pagsisikap na matayo din ang pansariling kapakanan ng buong bansang Pilipinas dahil na rin sa mga bantang pananakop ng lahat ng aspeto ng ating pagiging isang bansa. Ang pag-angat ng sariling wika, sariling kaugalian, sariling kapakanan, at lahat na ng bagay na may kinalaman sa pagtatayo ng dangal ng Pilipinas ay naging tatak na ng nasyonalismo. Kaya ang mga Pilipino noon, naisip kung ano na ba ang nangyayari sa bansa natin noong panahon kung kalian pumasok ang mga dayuhan dito. Ano bang nangyayari sa atin? (Noon), simple lang ang buhay, ngayon, mahirap na, kinokontrol na tayo ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na ng pagiisip, lalong lalo na ang mga nakapag-aral sa ibang bansa, kagaya nina Jose Rizal, Del Pilar, Juan Luna, at iba pa, tungkol sa mga maaari nilang gawin upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Kahit nga si Andres Bonifacio ay nakapagbasa ng mga kwento na may kinalaman sa kalayaan o sa pagiisip na kritikal sa ibang mga bagay na hindi dapat na gawin sa tao. Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din iyan sa Europa, isang halimbawa ay ang pananakop ni Hitler. Matatawag parin iyong nasyonalismo. Pati ang pagusbong ng mga Natzi, matatawag iyong negatibong nasyonalismo o eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na ang mga taga-Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany, na lahat ng tao sa loob ng Germany ay kokontrolin nila o kaya, ang konseptong nasyonalismo nila ay ang pagpapalago sa sariling bansa, mananakop sila ng mga lupain dahil sa tingin nila ay sila ang pinakamataas sa lahat.. Ang nasyonalismo naman saatin ay ang nasyonalismo na lumalaban sa mga taong nananakop at sa ganoong paraan, nabubuo ang pagiisip na, bilang isang bansa, tayoy may sariling karapatan bilang

bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat para isulong ang karapatan na iyon para sagipin ang sarili nating pagkatao, ng mga Pilipino. Hindi lamang ito simpleng pagmamahal sa bayan. Ayon sa ilang aklat, ang nasyonalismo ay hango sa salitang Latin na natio na ang ibig sabihin ay ang pagkakabuklodbuklod ng mga tao na may iisang lahi. Mula sa salitang nasyon na isang katawagan sa pangkat ng mga tao na may iisang layunin at mithiin sa buhay at pinag-iisa ng parehong wika, relihiyon, lahi, kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan. Ito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangalagaan ito. Ang Panatang Makabayan, kung iintindihin at isasapuso ang nakasaad dito, ito ay isang panata na nagbibigay ng ideya sa nasyonalismo. Hindi ba nakasaad sa Panatang Makabayan ang mga salitang Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang,susundin ko ang tuntunin ng Paaralan. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan. At isa pa ang iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas. Tanda ng

nasyonalismo ang mga ito sapagkat mensahe nito ang pagiging tapat ng mamamayang Pilipino sa kanyang sariling bayan at ibibigay at gagawin ang lahat para dito. Ang nasyonalismo ang pagmamahal, paggalang at marami pang sangay sa bayan ngunit dataptwat hindi lang sa bayan kundi sa sariling lahi rin, nasabi nang sa lahi maisasama rin dito ang malalim na obligasyon ng isang indibidwal na maka nasyonalismo. Mahirap, yan ang kalimitang nasasabi ng mga tao sa kadahilanan na maski ang mga tao ay nalimutan na ang kahulugan ng nasyonsalismo at sa ngayon hindi na nila maipahayag kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at paggalang, ang mga nararapat na pamantayan upang masabing nagtataglay ng nasyonalismo ang isang indibidwal. -Mark Alvin BSE 2-2 (2006)

Paano maipapakita ang nasyonalismo? Sinabi nga na ang nasyonalismo ay tumutukoy rin sa pagmamahal at paggalang sa bayan. Sa modernong panahon ngayon, maipapakita mo ito sa paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagiging disiplinado at ang pagsunod sa mga batas. Ang batas na ipinapatupad ay para sa ikabubuti ng bansa, kung susundin ito, tumutulong narin ang mamamayan sa pagpapabuti sa bayan. Ang paglilingkod sa bayan ay isang paraan din upang makatulong sa pagsulong ng bansa sa kaunlaran. Sa mga susunod na pahina ay tatalakayin natin ang ibat ibang paraan na ginamit ng mga Pilipino upang maipamalas ang kanilang damdaming Nasyonalimo sa pagdaloy ng kasaysayan ng Pilipinas.

Ang Dalawang Anyo ng Nasyonalismo Maraming klase ng Nasyonalismo ang binabanggit sa mga aklat. Mayroong state-building nationalism, peripheral nationalism, irredentist nationalism, unification nationalism at marami pang iba (Hechter,2000, p.17). Ngunit ang lahat ng ito ay dalawa lamang ang kalalabasan at anyo ng pagpapakita: ang legal at tahimik na paraan na madalas ay gumagamit ng pagsusulat, at ang mapaghimagsik na paraan na gumagamit ng dahas. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay makikitang ginamit ang parehong paraan upang maipakita ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan. Ang pinakakilalang taong nagpakita ng nasyonalismo sa legal at tahimik na anyo ay si Jose Rizal. Bagamat hindi itinuring na ligal ang pamamaraan niya ng mga Kastila, ang paraan parin na ginamit niya ay walang dahas at dinaan lamang sa pagsusulat ng mga aklat upang maimulat ang kapwa niyang Pilipino sa pangaabuso ng mga mananakop. 5

Sa kabilang dako, ang KKK ay ipinakita ang kanilang nasyonalismo sa anyong mapanghimagsik. Gumamit sila ng dahas sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at ipinakitang handa silang mamatay para sa Pilipinas.

Kahalagahan ng Nasyonalismo Ang kahalagahan ng Nasyonalismo sa aking pagkatao ay may malaking dulot, dahil dito nabuksan ang aking isip sa maraming bagay na dapat gawin sa ating bansa, isa na lang halimbawa ang pagtulong sa kapwa nangangailangan. Nang naisip ko na paano makakatulong ang isang estudyante sa kanyang mga kababayan kahit na walang sapat na pinansyal? Dumating ang isang magandang pagkakataon upang akoy makatulong sa mga nangangailangan, ito ay nung akoy napabilang sa isang organisasyon sa loob ng ating unibersidad na ang kanilang pakay ay tumulong sa mga taong nangangailangan. Nang akoy nagsimulang tumulong at makipamuhay sa mga taong kapos palad, naramdaman ko na bakit mas marami ang naghihrap at nasadlak sa mga siksikang lugar, napag isip isip ko na dapat mas lalo kong bigyan ng halaga ang pakamakanasyonalismo dahil naramdaman ko na talagang kailangan ng ating mga kababayan ang pagmamahal at pangunawa upang maintindihan din nila na kahit silay hirap sa pamumuhay ay maaring gampanan na lang nila ang pagbibgay ng pagmamahal sa bayan at sa kanilang mga kababyan. -Alvin BSE 2-2 (2006) Sinasabi na ang nasyonalismo ay nanggaling sa salita na ang ibig sabihin ay isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Kung gayon, ang nasyonalismo ay makatutulong upang umunlad ang bansa. Dahil kung may iisang mithiin ang mga Pilipino, mas madami ang magtutulungan upang matupad ito at mas magiging madali itong matupad. Magkakaisa rin ang mga Pilipino dahil sa iisa nilang wika, relihiyon at mga tradisyon. Mas madali silang pagbuklodbuklorin at pagkaisahin upang matupad ang mga layunin nito. 6

Ayon nga kay Dr. Ferdinand Dagmang, Sa mga sitwasyon kung kailan tayo ay sinasakop o inaabuso, ang nasyonalismo ang naguudyok sa damdamin na nagsasabi saating tayo ay kailangan na magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon ay magiging maganda sa ating mga Pilipino. Mahalaga rin ang nasyonalismo para sa ating pride o dangal. Maipagmamalaki natin ang pagiging Pilipino kung mayroon tayong nasyonalismo. Ang diwa ng nasyonalismo ang nagbibigay sa atin ng magandang pananaw tungkol sa ating mga sarili.

ANG NASYONALISMO PARA SA PILIPINO SA IBAT


IBANG YUGTO NG KASAYSAYAN (1565-1946)

Ngayon na alam na natin ang kahulugan, halaga at mga paraan kung paano maipapakita ang nasyonalismo ng mga Pilipino, matutunghayan naman natin ngayon kung sa aling mga pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa naipakita ng mga Pilipino ang kanilang damdaming Nasyonalismo (at Kontra-nasyonalismo).

KOLONISASYON NG MGA ESPANYOL (1565-1898)

Pakikipaglaban ni Raja Tupas, 1565. Ilang tropa ng mga espanyol at mahigit 500 na sundalo ang sumakop sa bansa at inatake si Tupas, ang anak ng dating raja na si Raja Humabon. Nang matalo ng mga kastila si

Raja Tupas, pinaglagda siya sa isang kasunduan na naglalahad na ang Pilipinas ay napasasailalim na sa Espanya. Hindi man nila natalo ang mga kastila, nakapagpakita parin sila ng nasyonalismo. Ipinagtanggol nila ang bansa laban sa mga dayuhan.

Labanan sa Bangkusay, 1570. Taong 1570 nang maganap ang Labanan sa Bangkusay, isang lugar sa Tondo. Libolibong mga katutubo ang lumaban sa mahigit 300 na sundalong kastila. Walang panama ang sandata ng mga katutubo sa sandata ng mga kastila kung kayat madaling natalo ang hukbo nina Sulayman, Lakandula at Matanda at sinunog ang lugar. Ang tatlong Raja ay hinuli ni Martin de Goiti. Ang mga buhay na alagad ni Sulayman kasama ang mga sundalo ni Raja Lakandula at Matanda ay bumalik sa gubat ng Maynila at nang lumaon ay nagsimula ng rebelyon. Matapos ang ilang buwang pakikipaglaban, sumuko sila nang dumating ang Heneral na si Miguel Lopez de Legazpi. Wala mang kalaban-laban ang mga Pilipino, pinilit parin nilang makuha ang iisa nilang mithiin, ang lumaya mula sa mga dayuhan na gusto silang baguhin at impluwensyahan, gaya ng ginawa ng kanilang mga ninuno. Ipinakita nilang hindi sila sangayon sa pananakop ng mga Kastila at hindi sila sumuko sa pakikipaglaban kahit na ilang beses na silang nakaranas ng pagkatalo.

Aklasan sa Pampanga, 1585. Ang aklasan naman sa Pampanga na naganap noong 1585 ay pinangunahan ng mga Kapampangan laban sa mga encomenderos dahil sa pang-aabuso nila sa mga katutubo. Ngunit hindi natuloy ang plano sapagkat isang Pilipina na may asawang sundalong Kastila ay 8

nagsumbong sa awtoridad. Marahil ay hindi malinaw sa kanya ang kahulugan ng nasyonalismo at ang layunin ng kanyang mga kalahi na makamit ang magandang resulta para sa ikabubuti ng maraming Pilipino.

Pagpapalaganap sa Relihiyong Katoliko Dinala ng Espanya sa bansa ang relihiyong katoliko. Isang prayle, si Padre Juan de Placencia ay sumulat ng isang Christian Doctrine noong 1593. Halos lahat ng isla sa Pilipinas, bukod sa Mindanao na nanatiling mga Muslim, ay napilitang maging mga Katoliko. Hindi payag ang mga Muslim sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas kung kayat nagresulta ito ng mga kaguluhan. Ipinakita rin ng mga Muslim ang pagmamahal sa bayan sapagkat lumaban sila upang hindi masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Nanatili sila sa relihiyong islam, ipinakita nila na ipinaglalaban nila ang kanilang pinaniniwalaan na sa tingin nila ay makabubuti para sa nakararaming Pilipino. Ngunit ang nasyon ay nasabi na isang pangkat ng mga tao na may iisang lahi, wika, kultura, relihiyon at iba pa. Hindi iisa ang relihiyon ng mga mamamayan ng Pilipinas dito. Hindi pa malinaw ang pagkakaisa sapagkat halos lahat ng mga Pilipino ay tinanggap na ang relihiyon ng mga dayuhan at ang Mindanao naman ay patuloy na nakipaglaban.

Aklasan sa Tributo, 1589. Ang Aklasan laban sa Tributo ay naganap sa probinsya ng Cagayan, Ilocos Norte at Ilocus Sur noong taong 1589. Ang mga katutubo, kabilang ang mga Ilocano, Ibanag at iba pa, ay nag-aklas dahil sa pangongolekta ng hindi makatarungang buwis. Si Gobernador-

Heneral Santiago de Vera ay nagpadala ng mga Kastila upang patahimikin ang mga lumalaban.

Rebelyong Dagohoy, 1744-1829. Ang rebelyong pinangunahan ni Francisco Dagohoy ay nagtagal nang 1744-1829. Natatangi ang aklasan na ito sapagkat may kaugnayan ito sa relihiyon. Matapos ang isang labanan kung saan namatay ang kapatid ni Dagohoy, hindi pumayag ang pari na bigyan ng isang burol ang kanyang kapatid sapagkat ang pakikipagduwelo ay isang kasalanan. Ang pagtanggi ng pari ang nagpamulat sa kaniya ng kawalan ng katarungan sa bansa sa kamay ng mga Kastila. Dahil sa pagnanais ni Dagohoy na mabigyan ng maayos na burol ang kanyang kapatid ay humantong ito sa pinakamahabang aklasan na naganap sa Pilipinas sa tagal na 85 taon.

Pagtatag sa La Liga Filipina, 1892. Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina pagkabalik niya sa Pilipinas noong 1892. Layunin nito na maipatupad ang reporma sa loob ng kolonya. nangangamba sa La Liga kung kayat iniutos na sirain ito. Sa pagkakatatag niya sa La Liga Filipina ay naipakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Hangad niya ang isang pagbabago tungo sa kaunlaran. Hindi lamang Ang gobyerno ay

magandang buhay para sa kanyang kapwa ang kanyang layunin kundi kaayusan at kaunlaran din para sa Inang bayan.

10

Pagtatag ng Katipunan, 1892. Ang mga miyembro ng nawasak na La Liga na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz at Deodato Arellano ay sumali kay Bonifacio sa pagtatag ng Katipunan sa isang bahay sa Calle Azcarraga noong 1892. Layunin nito na magtatag ng gobyerno na maipapalit matapos mapatalsik ang administrasyon ng mga Espanyol. Matagumpay na

nabawi ng mga Pilipino halos ang buong Pilipinas maliban lamang sa Maynila. Kahit na wasak na ang ilang mga samahan, gumawa parin ng lihim na kilusan ang mga Pilipino na may magandang layunin para sa bansa. Naging bunga ng hindi nila pagsuko ay ang pagkabawing muli ng maraming lupain mula sa mga Kastila.

Himagsikang Pilipino, 1896-1898 Ang ugat ng inilunsad na Himagsikan ay dahil sa panloob at panlabas na sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagsali ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produktong pumapasok, pumasok din ang mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan na dumaan mula sa Suez patungo sa Pilipinas. Ang panloob na sanhi ay ang hindi makatarungan na pagpatay sa tatlong paring GOMBURZA. Si Padre Pedro Pelaez, isang paring Pilipino ang namuno ng isang kilusang sekularisasyon. Layunin nito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga kastilang pari. Matapos mamatay si Padre Pedro Pelaez, itinuloy ng tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora, ang kilusan. Nagkaisa ang mga Pilipino upang umaksyon laban sa mali at di magandang pamamahala ng mga dayuhan.

11

PANGONGOLONYA NG MGA AMERIKANO (1898-1946)

Isang karikaturang pulitikal noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidos kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.

Nagsimula ang relasyon ng US at Pilipinas nang lumaban sila ng magkasama laban sa Espanya. Dahil sa magkakampi, binigyan ang mga sundalong Pilipino ng mga mahalagang impormasyon at suporta para sa militar. Ngunit hindi sumuporta ang US sa hangarin ng mga Pilipino na lumaya at hindi natuwa si Aguinaldo sa pagtutol ng mga Amerikano sa kalayaan ng Pilipinas. Nasira ang mabuting relasyon ng dalawang bansa at nang lumaon ay lumabas din ang tunay na hangarin nga mga Amerikano na manatili sa mga pulo.

Taong 1898 nang naitala na malaya na ang Pilipinas mula sa Espanya. Sa unang pagkakataon ay iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at tinugtog ang pambansang awit sa publiko. Naposisyon ang US bilang protektor ng Pilipinas. Dahil sa Kasunduan na nilagdaan ng Espanya at Amerika noong ika-10 ng Disyembre 1898 sa Paris, nabago ang landas ng kasaysayan at itinanghal ang Estados Unidos ng Amerika bilang 12

bagong superpower. Naging kolonya ng Amerika ang Cuba, Puerto Rico, Guam, mga isla ng Marianas, at ang Pilipinas.

Digmaang Pilipino-Amerikano, 1899. Nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano noong ika-4 ng Pebrero sanhi ng pagpatay ng dalawang Amerikanong sundalo sa tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Ang kakulangan ng mga sandata ang naging dahilan ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.

Pagtatag sa Partido Liberal, 1900. Itinatag ang Partido liberal na may layuning isali ang Pilipinas sa Estados Unidos.

Pagdakip kay Aguinaldo, 1901. Taong 1901, nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at ipinagutos na sumuko na ang kanyang mga kasama na naging hudyat ng pagtatapos ng digmaan. Sa taong rin iyon ay naganap ang Balangiga Massacre kung saan nilusob at nilipol ng mga Pilipino ang mga kawal Amerikano sa Balangiga. Gumanti ang mga kawal sa pamamagitan ng pagsunog sa buong bayan. 1903 nang pasimulan ni William Howard Taft ang polisiyang The Philippines for the Filipinos. Ipinapangako sa polosiyang ito na ibigay ang administrasyon ng Pilipinas sa mga Pilipino.

13

1916 naman nang lagdaan ang Jones Act. Nilalaman nito ang pormal na pangako ng Estados Unidos na kalayaan sa Pilipinas. Ngunit sinasabi dito na maibibigay lamang ang kalayaan kung makapagtatag ang bansa ng isang matatag na gobyerno. Ang sinasabi ng mga Amerikano na matatag na gobyerno ay ang gobyerno na binabalak nilang itatag sa bansa. Ang gobyernong ito ay nakabatay sa mga patakaran ng mga Amerikano at para sa mga Amerikano. Dito palang ay nakakapanghinala na ang kalayaan na inaalok ng US saatin. Taong 1934, nilagdaan naman ang Batas Tydings-Mcduffie, kilala rin bilang Batas sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ang batas na nagkakaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito mula sa Estados Unidos matapos ang sampung taon.

PANANAKOP NG MGA HAPONES (1942-1944)


Taong 1941 nang naglunsad ng isang biglaang pag-atake ang mga hapones sa Clark Air Base sa Pampanga. Matapos ang mga pagbobomba, dumating na ang mga sundalong Hapones sa Luzon. Sinakop nila ang Pilipinas (na noon ay kinokontrol ng US) noong panahon ng World War II.

Pagkakatatag sa HukBaLaHap, 1942. Ang dating president na si Manuel Quezon at ang gabinete ay umalis patungo sa Estados Unidos. Sa taon ring ito naitatag ang Hukabalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon). Kasapi dito ang mga magsasaka at mga manggagawa na nagmula sa mga probinsya sa Gitnang Luzon. Isa itong kilusan na ang layunin ay ang makamit ang kalayaan at ang natatanging gerilya na hindi tumanggap ng mga utos mula kay MacArthur.

14

Naganap din ang tinaguriang Bataan Death March kung saan ipinamartsa ang mga bihag na Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac.

Pagtatag sa samahang Makapili, 1944. Itinatag ang samahang kampi sa mga Hapones na tinawag na Makapili.

Treaty of Manila, 1946. Nakamit na ang kalayaan ng Pilipinas sa paglagda sa Treaty of Manila sa pagitan ng gobyerno ng Estados Unidos at Pilipinas.

PAGSULONG SA MGA KILUSANG MAKABAYAN

Sa dami ng mga kaganapan, hindi basta tumunganga ang mga nasakdal. Ang mga Pilipino ay gumawa ng ibat ibang aksyon. Tulad nga ng mga nabanggit, sila ay naghimagsik, nagtatag ng mga kilusan at organisasyon at iba pang paraan upang lumaban. Ilan sa mga organisasyon na itinatag nila ay ang La Liga Filipina, KKK, Hukbalahap at marami pang iba. Ilang naman sa mga naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino ay ang pagkamatay ng tatlong paring martir, sekularisasyon, pag-usbong ng mga ilustrado, at frailocracy. Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal na binubuo ng mga kasapi na nagnanais putulin ang pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino. Layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila sa mapayapang paraan. sa pagsasabi na mapalaya ang Pilipinas sa mapayapang paraan, naipakita dito ang isang anyo ng nasyonalismo, ang diplomatiko at banayad. 15

Ang KKK o Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay isang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio matapos mawasak ang La Liga Filipina at iba pang organisasyon. mananakop na Espanyol. Nang dahil sa pagpatay sa GOMBURZA, nagalit ang maraming Pilipino sa hindi makatarungang pagpatay sa kanila. Ang mga prayleng mapang-abuso ay nabigyan ng posisyon at kapangyarihan sa gobyerno. Umusbong ang nasyonalismo dahil sa galit ng mga Pilipino sa mga prayle (na kastila) at sa Espanya at sa sa pagnanais na paalisin ang mga prayleng ito. Ang sekularisasyon ay isang kilusan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ng mga paring Pilipino na naglalayong mabigyan ng sari-sariling parokya ang mga ito. Ang mga Pilipinong pari ang namuno sa mga simbahan sa Pilipinas, at dahil dito, nalaman ng mga Pilipino na kaya nilang magsarili at magpatakbo ng sariling simbahan. Ang pagusbong ng mga Ilustrado ay malaki rin ang naitulong sa pagsulong ng mga kilusang makabayan sa bansa. Halimbawa ng mga Ilustrado ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo del Pilar at iba pa. Sila ang mga Pilipino na nabigyan ng pagkakataon na mag-aral sa ibang bansa. Natutunan nila ang konsepto ng liberalismo at dahil dito ay tinawag sila na mga Ilustrado o mga naliwanagan. Sa liberalismo ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-ambag sa lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito. Dahil sa kaisipang ito ay nagkaroon sila ng tiwala sa kanilang mga sarili at napangahas na kalabanin ang mga Kastila. Ang kaisipang liberalismo ay hindi lamang nila pinag-aralan sa kanilang mga sarili. Ipinamahagi rin nila ito sa mga Pilipinong hindi nakapag-aral sa ibang bansa. Sila ang 16 Layunin nito na palayain ang bansa mula sa mga

nagsilbing tagapagmulat sa mga Pilipinong mahihirap sa mga paghihirap na dinaranas ng bansa sa kamay ng mga Kastila at sa kung paano nila ito mawawakasan. Ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon o kilala rin sa katawagang Hukbalahap ay isang grupo ng mga Pilipinong kumakalaban sa mga hapon noong sakop pa ng mga Hapones ang Pilipinas. Nais ng kilusan na ito na makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pagmamalupit ng mga Hapones.

Isa lamang ang pangyayari na nakatulong sa pagsulong ng mga kilusang makabayan at ito ay ang pananakop ng mga dayuhan. Naging dahilan ang galit at lungkot upang magkaisa ang lahat at gumawa ng aksyon. Iisa lamang ang naging layunin ng mga ito, ang gawing mabuti ang kalagayan ng ating bansa at ng mga taong nakatira dito.

17

ANG NASYONALISMO SA KONTEMPORARYONG PILIPINAS (1946 HANGGANG KASALUKUYAN)

Hulyo 4, 1946 nang idineklara ng Amerika ang kalayaan ng bansang Pilipinas. Mahalaga ang kalayaan sa pagunlad n gating nasyonalismo. Kasabay ng kalayaang pulitikal ay ang kalayaan ng mga mamamayan na pagtuunan ng pansin ang sariling kapakanan ng bansa at mapaunlad ito. Ngunit marami parin ang naghihinala kung tunay nga bang nakamit na natin ang kalayaan sa pagdating ng petsang ito. Dahil ito sa sunod-sunod na mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas na nagbigay sa United States ng karapatan sa ekonomiya at base military sa bansa. Kahit na natapos na ang digmaan at lantarang pananakop ng mga Amerikano, gumamit naman sila ng makabagong paraan ng pananakop: ang neokolonyalismo. Ayon kay Renato Constantino, isang makabayang historyador, Ang mga naging pundasyon ng istrukturang neokolonyal ng bansa ay ang Bell Trade Act, Tydings Rehabilitation Act, Military Bases Agreement at ang Military Assistance Act. Nagkaroon din ng mga Amerikanong taga-payo ang sandatahang lakas ng PIlipinas sa pamamagitan ng Joint US Military Advisory Group (JUSMAG). Dito ay naranasan (at patuloy na nararanasan ngayon) ng Pilipinas ang pagkatali ng ekonomiya, kultura at mga desisyon nito sa bansang Amerika. Ang neokolonyalismo ay pumasok sa relasyon ng Pilipinas at United Stated dahil sa dalawang pangyayari: Una, ang matinding pagkawasak ng bansa bunga ng digmaan. Mahigit isang milyong Pilipino ang namatay, malaking halaga ng mga ari-arian ang nawasak at marami ang naghirap. Dahil dito ay nangailangan ng pondo ang Pilipinas upang makapagsagawa ng restorasyon sa ekonomiya, mga imprestraktura at pulitika. Kinailangan nila ang tulong ng United States upang tuluyang makabangon 18

mula sa mga digmaang pinagdaanan nito. Ipinasa sa Kongreso ng US ang Tydings Rehabilitation Act kung saan binigyan ng US ng pondo ang Pilipinas bilang bayad-pinsala. Iniwan din ng US ang lahat ng mga kagamitang pandigma nila sa bansa. Pangalawa, ang pagtatanaw ng utang na loob ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Bilang pasasalamat sa pagtulong ng mga Amerikano upang makalaya ang bansa mula sa kamay ng mga Hapones, ang mga pinuno ay naging tapat sakanila at iniisip palagi ang kanilang kapakanan. Layunin ng Amerika na palawakin at dagdagan pa ang kapangyarihan nito. Mahihinuha mula sa mga patakarang ipinapatupad ng mga Amerikano na balak nilang gawin ang Pilipinas na kuhanan nila ng likas na yaman at tambakan ng mga produktong Amerikano. Makikita ito sa ipinatupad na Bell Trade Act kung saan inilulunsad ang malayang kalakalan sa pagitan ng US at Pilipinas ngunit nagbibigay ng mga limitasyon sa Pilipinas sa pagpapasok ng produkto nila sa US. Ang US ang lubos na nakinabang sa panukalang ito at hindi naging makatarungan sa panig ng mga Pilipino. Bilang pasasalamat sa pagbibigay ng Amerika ng pondong panggastos para sa restorasyon, ginawa ang pag-aamyenda ng Konstitusyon ng Pilipinas upang mas maging malaya ang US sa paggamit ng likas-yaman ng bansa. Dahil dito ay natamasa ng mga Amerikano ang parity rights o ang pantay na karapatan ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa paglinang ng likas-yaman ng bansa. Napapayag ang mga Pilipino sa pagbibigay ng parity rights dahil sa inaasahan nilang dadagsa ang mga mamumuhunang Amerikano sa bansa at dadami ang trabaho para sa lahat. Bunga nito ay nakapasok sa bansa ang mga mapangabusong mga Amerikano at natabunan ng mga korporasyong Amerikano ang sa mga Pilipino. Dalawa pa sa mga panukala na ipinatupad nila ay ang Military Bases Agreement (ika-14 ng Marso, 1947) at Mutual Defense Treaty ( ika-30 ng Agusto, 1951). Pinahayag ni Manuel Roxas, ang unang presidente pagkalaya ng Pilipinas, noong 1946 ang kanyang paniniwala na ang seguridad at kaligtasan ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagtatayo ng mga 19

base-militar ng mga Amerikano sa bansa. Ngunit makikita sa Military Bases Agreement na ang mga Amerikano ang higit na nakakikinabang nito. Ang mga base sa Pilipinas ay gagamitin ng mga Amerikano upang nadepensahan at maisulong ang interes nila sa bahagi ng Asya at mapigilan ang komunismo sa rehiyon. Ngunit sa katunayan, ayon sa ilang historyador, wala pa talagang naguumpisang paglaganap ng komunismo noon. Sinasabing ginagamit lamang ito bilang panakip sa layunin ng U.S. na panatilihin ang relasyong kolonyal nito sa Pilipinas.

Pagkamulat ng mga Pilipino, 1950s. Pinuna ni Claro M. Recto ang isyu sa mga patakarang ipinapatupad ng Amerika sa Pilipinas sa kanyang pahayag noong 1949: (Isinalin mula sa ingles) Isinakripisyo namin ang aming soberanya sa pagpapahintulot sa mga Amerikano upang magtayo ng mga base sa aming bansa. Bumili kami ng mga armas sa bansang Amerika lamang Pinuna nya rin dito ang hindi pagbanggit sa kung kaninong bandila ang iwawagayway sa mga base. Binanggit niya na sa mga base ng Amerika sa Pilipinas ay watawat ng Amerika ang namamayagpag. Sa kabuuan, sinasabi sa Artikulo XII na ang parusa sa lahat ng krimen at pagatake sa loob ng mga base ay isasagawa sa ilalim ng Estados Unidos maliban na lamang kung ang suspek at biktima ay parehong mga Pilipino na kapwa hindi kabilang sa Armed Forces of the United States. Ngunit ano naman ang gagawin ng mga Pilipino na hindi kabilang sa pwersa ng E.U. o nagtatrabaho para dito sa loob ng mga base? Sinasaad rin sa Artikulo XIII na sa panahon ng digmaan, ang anumang krimen na gawin ng mga miyembro ng Armed Forces of the United States sa loob ng Pilipinas ay paparusahan sa ilalim ng pamahalaan ng Estados Unidos. Kung ganoon, sa panahon ng 20

digmaan, tayo ay mapapasailalim na ng Estados Unidos at ang bansa ay mapapangibabawan at kokontrolin na ng mga kaaway na Amerikano. Mga 1950s nang simulang magkalumot ang relasyon ng Amerika at Pilipinas dahil sa mga kasulatan na ito. Pinalala pa ito nang sinubukang ipagtanggol ng mga Amerikano ang mga kriminal na miyembro ng pwersa nila na ginawa ang mga krimen sa labas ng base at sa oras ng kanilang duty. At ang may pinakalaking epekto ay ang pagpapadala ng mga kriminal sa sarili nilang bansa at pagsasawalang bahala ng Amerika sa hatol ng korte ng Pilipinas. Dinagdagan pa ito ng prostitusyon na naipalaganap ng mga sundalong Amerikano sa mga base nito. Nagkaroon ng ilang mga protesta at mga Pilipinong nais na palabasin ang mga Amerikano sa bansa. Dito nagumpisang umusbong muli ang nasyonalismo sa mga Pilipino. Naging malinaw sakanila na balak muling sakupin ng Amerika ang Pilipinas at sa pagkakataong ito ay lumaban na sila bago pa man maging huli ang lahat. Sinubukang angkinin ng Amerika ang mahigit 199,580 ektarya na lupain na ginamit para sa mga base nito sa bansa. Nang malaman ito ng sambayanang Pilipino ay agad itong tinugunan ng mga nasyonalistang Pilipino at naging nalaman nila na hindi totoo ang kalayaan na sinasabing ibinigay na sa bansa. Ang imahe ng Amerika ay nadumihan. Sila ay tinawag na mga oportunista at mapagsamantala. Humina ang mga kritisismo at akusasyon sa Amerika nang ibinigay nito ang soberanya ng gobyerno ng Pilipinas sa mga base.

21

Anti-Americanism, 1960s Ngunit noong 1960s, naging maingay muli ang Anti-Americanism (ang terminong ginagamit ng mga Amerikano sa mga Pilipinong tumutuligsa sakanila) bunga ng dalawang insidente: ang isang Pilipino na pinatay ng isang sundalong Amerikano noong 1964 at ang pagpatay naman sa isang Pilipinong mangingisda sa loob ng Olongapo Naval Base sa taong ring iyon. Pinagtanggol ng Amerika ang unang pagpatay. Sinabing depensa lamang ito sa diumanong plano ng Pilipino na pagpapasabog sa ilang mga estudyanteng Amerikano. Ngunit hindi naniwala ang mga nasyonalistang Pilipino at sinabing ginagamit lamang ito upang masira ang reputasyon ng Pilipinas at maipakita sa mga Amerikano na ang mga Pilipino ay likas na mga mamamatay-tao. Napatunayan naman na ang bombang ipinakita ng mga Amerikano ay mula pa noong World War II at imposibleng sumabog. Dahil rito ay naging target ng mga kritisismo ang American Ambassador. Ang mga Amerikanong estudyante naman, sa tuwing nakikita ng mga Pilipino, ay binabato ng mga insulto. Hindi lamang mga Amerikano ang inaakusahan ng mga nasyonalistang Pilipino kundi pati na rin ang mga Pilipinong sumasali sa kanilang panig ng Amerika. Maging ang Presidente noon na si Diosdado Macapagal ay tinanong ng mga ito kung aling panig siya kakampi. (Agoncillo, 1975, p. 292) Noong ika-25 ng Enero, 1965, ilang mga estudyante at manggagawa, sa pamumuno ng nasyonalistang grupo na Kabataang Makabayan, ang nagprotesta sa harapan ng American Embassy. Bagamat tahimik, maayos at walang dahas, karamihan parin sa mga Amerikano ay napuno ng takot at nakitang mapanganib ang mga nasyonalistang Pilipino at dapat nilang tugunan ang mga daing nito. Nakita ng maraming Pilipino ang hangarin ng Amerika na sakupin ang bansa natin.

22

Ayon sa mga Amerikano, ang ginagawa nilang ito ay upang matulungan lamang ang mga Pilipino na umahon mula sa mga digmaang nagdaan sakanila, lalo na at hindi pa sila marunong kung paano pamahalaan ang sariling bansa (tinatawag nilang benevolent assimilation). Kaya naman pinapakialamanan ng US ang mga desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas at si Roxas naman ay nagiging parang isang papet lamang nila. Ngunit para sa iba, nagiging praktikal lamang siya dahil sa kagustuhang maging matagumpay ang restorasyon ng bansa. Dahil dito ay nagmumukhang bumababa na ang katayuang moral at pulitikal ng bansa. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.320) Si Roxas ay hindi naging isang magandang ehemplo para sa mga Pilipino. Hindi siya nagpakita ng damdaming nasyonalismo at inuna ang pangangailangan (at mga pansariling interes) ng dayuhan. Ang pagsasang-ayon ni Roxas sa panlalait ng mga Amerikano sa Pilipinas ay naging dahilan lamang upang bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa sariling bayan. Pinaparating ng mga Amerika at ni Roxas na hindi pa marunong ang mga Pilipino na tumayo sa sarili nitong mga paa at masyado pang mahina upang makaahon mula sa digmaan nang magisa. Ang mga panlalait na ito ay malaki ang naging epekto sa kanilang pride bilang mga Pilipino at sa pagdebelop ng kanilang damdaming nasyonalismo. Sa pamamahala ni Roxas ay muling umusbong ang armadong kilusan ng mga magbubukid na Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon (HUKBALAHAP). Naging isa na itong samahang radikal na pinamumunuan ni Luis Taruc laban sa pamahalaan. Tinugunan nila ang lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap, konsentrasyon ng lupang sakahan at ang katiwalian sa pamahalaan. Inakusahan ni Roxas ang mga rebelde gaya ng mga Huks at Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid ng pagpapabagsak sa pamahalaan at sa bansa. Ngunit kung susuriing mabuti ay hindi naman ang pagbagsak ng pamahalaan ang layunin ng mga rebelde. Ang 23

hinihingi lamang nila ay reporma sa lupa at pigilan ang katiwalian sa pamahalaan para sa ikabubuti nito. Makatarungan ang kanilang mga hinihingi, ngunit hindi makatarungan ang naging tugon ni Roxas dito. Tinawag na isang krimen ang pagsali sa mga kilusang ito at nagsagawa ng malawakang pagaresto sa mga kasapi. Dahil dito ay lalong sumiklab ang rebelyong Huk sa sumunod na administrasyon. Ngunit si Elpidio Quirino, ang pumalit sa puwesto ni Roxas, ay naniniwala rin na walang halaga ang kalayaang pampulitikal na ibinigay sakanila kung wala namang katatagang pangekonomiya. Pinagpatuloy rin niya ang paghingi ng tulong mula sa US para sa rehabilitasyon ng bansa. Ang problema sa mga rebelyon ay lalo lamang lumala. At dahil sa marami sa mga kasapi ng kilusan ay magsasaka, lalong humina ang agrikultura at ekonomiya ng Pilipinas. Bago pa man ang digmaan, nagbalak na ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon na labanan ang mga may-ari ng lupa upang makuha ang kanilang mga karapatan. Ngunit sa pagdating ng mga Hapones ay pagsamantalang itong tumigil, binuo ang HUKBALAHAP at hinarap naman ang mga bagong mananakop. Ngunit nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan, muling lumaban ang mga magsasaka sa mga mapagsamantalang may-ari ng lupa. Lalo pa silang nagalit nang siningil sila ng back rent, o ang bayad sa renta nila sa lupa sa mahigit tatlong taon na pamamalagi ng mga Hapones sa bansa. Dahil sa paglaban ng HUKBALAHAP at paninira sakanila ng mga may-ari ng lupa, hindi kinilala ng pamahalaan ang kanilang kabayanihan noong panahon ng pananakop ng mga Hapones. Pinapakita lamang nito na walang utang na loob ang pamahalaan sa mga kabayanihan ng HUKBALAHAP gayong malaki ang nagawa nila upang maipagtanggol ang kapwa nila Pilipino pero malaki ang kanilang utang na loob sa mga dayuhan na wala sakanilang ginawa 24

kundi ang paniwalain ang mga Pilipino na tunay nang lumaya ang ating bansa sa tulong ng mga Amerikano at kontrolin tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa restorasyon. Sa naganap na halalan para sa lehislatura noong 1945, nanalo ang ilang miyembro ng Democratic Alliance, isang samahan ng mga magbubukid at mangggagawa tulad ni Luis Taruc. Ngunit hindi sila pinayagang umupo sa puwesto ng pamahalaan dahil sa pagaakusa sakanila ng pandaraya bagamat wala namang ebidensya na nagpatunay nito. Lalong nagalit ang mga magsasaka dahil sa nawalan sila ng kinatawan sa Kongreso. Ang mga hinaing nila ay hindi na pinakinkiggan. Dahil sa kawalan ng katarungan sa panig ng mga Huks, sila ay nagalsa at binuo ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Pinangakuan sila ng administrasyong Quirino ng reporma sa lupa, demokrasya at lehitimong karapatan ng mga mamamayan, pagresolba sa katiwalian ng pamahalaan, pagbasura ng Bell Trade Act at Military Bases Agreement at pagtutol sa mga patakaran ng Imperyalistang bansa. Ngunit kung titingnan ay mahirap na matupad ang mga ito sapagkat karamihan ng mga nasa posisyon ay mga may-ari ng lupa, nakadepende sa mga Amerikano at may mga pansariling interes. Ang layunin lamang nila sa kanilang pagupo sa mga pwesto sa pamahalaan ay ang maprotektahan ang kanilang mga yaman, ari-arian at kapangyarihan. Tulad ng inaasahan, hindi natupad ang mga ipinangako. May mga kasapi parin ng Huks ang nakakulong, wala paring reporma sa lupa, at ang pamahalaan ay nanatiling sunodsunuran sa US.

25

Pamumuno ni Ramon Magsaysay Sa pamumuno ni Magsaysay bilang pangulo ay naging pangunahin layunin niya ang pagsugpo sa rebelyon. Naging tanyag siya dahil sa kanyang pakikisalamuha sa masa. Ayon kay Magsaysay, Yaong mas mahirap sa buhay ay dapat may higit na pakinabang sa batas (Those who have less in life should have more in law)( Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.325) Ipinakita niya ang kanyang damdaming nasyonalismo sakanyang paghahangad na makatulong sa nakararaming Pilipino. Nagpatupad siya ng reporma sa lupa, mga patubig at mga programang pangkabuhayan kung kayat minahal siya ng masa. Ang mga talumpati niya ay nasa wikang Tagalog upang makarating ang kanyang mensahe sa nakararami. Binigyangpansin rin niya ang kulturang Pilipino. Sa mga espesyal na okasyon sa Malakanyang ay pinalaganap niya ang paginom ng basi, ang katutubong inumin mula Ilocos, at ang pagsuot ng Barong Tagalog. Nagluksa ang sambayanang Pilipino sa kanyang pagkamatay dahil sa maganda niyang relasyon sa masa at matapat niyang panunungkulan bilang presidente na naging solusyon sa suliranin sa rehabilitasyon at rebelyong Huk. Nagsilbi siyang isang magandang ehemplo ng nasyonalismo sa mga Pilipino. Nais niyang makiisa ang masa sa kanyang mga hangarin para sa bansa kung kayat nakikisalamuha siya sa mga ito.

Filipino First Policy Sa pagupo sa puwesto ni Carlos P. Garcia ay ipinatupad niya ang Pilipino Muna o ang Filipino First Policy. Layunin nitong paigtingin ang nasyonalismo sa mga Pilipino. Mas binigyan ng oportunidad ang mga negosyanteng Pilipino kaysa sa mga dayuhang namumuhunan. Sinuportahan niya ang lokal na industriya at tinangkilik ang mga produktong 26

Pilipino. Pinatupad rin ang pagtitipid sa pagangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa. Layunin nito na palakasin ang industriyang Pilipino upang makapagipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang pambansang industriyalisasyon. Pinukaw rin nito ang pagkamabayan ng mga Pilipino. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 331) Marami sa mga Pilipino ang natuwa sa polisiyang ito bagamat binatikos ito ng mga Amerikano at Tsino dahil ito ay naging isang balakid sa kanilang mga pansariling interes.

Paglaban sa katiwalian at pagpapalit ng petsa ng Araw ng Kalayaan Sa pamumuno naman ni Diosdado Macapagal ay pinagtuunan niya ng pansin ang katiwalian sa pamahalaan. Nangampanya siya upang magbayad ng tamang buwis ang mga mamamayan at malabanan ang nepotismo (pagtatalaga ng kamag-anak sa anumang posisyon sa pamahalaan). Bumaba ang pandaraya at pagsasamantala ng mga pulitiko. Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Isang mahalagang salik sa nasyonalismo ang tiwala ng mga mamamayan sa mga namumuno rito. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon na sila ng tiwala sa kakayahan ng bansa na umunlad nang walang tulong mula sa mga dayuhan. Ito rin ay nakakatulong upang tumaas ang pagtingin ng mga Pilipino sa sarili. Sa kanya ring panunungkulan ay pinalitan niya ang petsa ng Araw ng Kalayaan upang maging inspirasyon sa kabatan ang kabayanihan ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng pananakop ng Espanya. Mula Hulyo 4 ay naging Hunyo 12 na ito. Ang pagpapalit ng rin petsa ng Araw ng Kalayaan ay maaaring makatulong upang mahubog ang nasyonalismo ng bansa. Dahil noong Hulyo 4, huwad na kalayaan lamang ang ating natanggap at patuloy parin tayong kinokontrol ng mga Amerikano pagkatapos ng petsang ito. Samantala noong Hunyo 27

12 naman ay nakatanggap tayo ng kalayaan nang walang tulong ng sinuman bagamat agad na pumasok ang mga bagong mananakop. Isa pa, ang pagtatakda ng Araw ng Kalayaan sa Hulyo 4 ay mas nagpapakita lamang ng pagkakatali natin sa Amerika. Ipinapahayag lamang nito na tayo ay dapat na magbayad ng utang na loob para sa pagpapalaya nila satin. Sa panunungkulan rin ni Macapagal ay makikita natin ang mga pulitikong balimbing na palipat-lipat ng partido upang mapaboran ng namamahala. Ang mga pulitikong noon ay nasa kalabang partido ni Macapagal ay lumipat na sa kanyang partido. Makikitang walang damdaming nasyonalismo ang mga balimbing na pulitikong ito sapagkat ang mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Wala silang pakialam kung ang panig na sinasamahan nila ay may magagandang layunin para sa bansa. Ang mahalaga lamang sakanila ay ang masama sa mas makapangyarihang partido.

Rehimeng Marcos Sa rehimen naman ni Ferdinand E. Marcos ay sinimulan niya ang rehiyonalisasyon ng bansa. Hinati niya ang bansa sa 12 rehiyon batay sa mga pagkakaiba nito upang mas madaling matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Marahil ay isa rin ito sa mga nakaapekto ng nasyonalismo ng bansa. Sa pamamagitan ng rehiyonalisasyon, nabibigyang-diin ang pagkakaiba ng mga rehiyon sa isat isa. Ang kahulugan ng nasyon ay isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Ngunit papaano natin maisasadiwa ang kahulugan ng nasyon kung ipinapalaganap natin ang ideya ng pagkakaiba-iba ng mga Pilipino sa isat isa? Hindi naman masamang isagawa ang rehiyonalisasyon sapagkat nakatutulong rin ito upang mas mas madaling masolusyonan ang mga problema ng bawat rehiyon. Ngunit hindi dapat mapasok sa isipan nating mga Pilipino 28

na magkakaiba ang bawat rehiyon kung kayat hindi na kailangan pang magsama-sama ang mga ito dahil sa magkakaiba naman ang kanilang mga layunin. Sa kanyang pagkakahalal ay ipinangako rin niyang walang tropang Pilipino ang ipapadala niya bilang tulong sa hukbo ng US sa digmaan sa Vietnam. Ngunit kalaunan ay binawi rin niya ito. Makikita dito na patuloy paring kinokontrol ng US ang Pilipinas sa kabila ng pagbabasura ng ilan sa mga patakarang ipinatupad nila at pagpapatupad ni Carlos Garcia ng Filipino First Policy. Pinilit lamang ng Amerika si Ferdinand Marcos na kumampi sa kanilang panig sa isasagawang digmaan laban sa Vietnam upang ipamukha itong isang demokratikong digmaan kung saan kasama nila ang ilang Asyanong bansa. (Agoncillo, 1975, p. 293)

Martial Law Sa pagdeklara ng Presidential Decree 1081 noong Setyembre 21, 1972 (na nilagdaan noon pang Setyembre 17 at inanunsyo sa publiko noong Setyembre 23 pa), bumulusok ang popularidad ni Marcos. Umani siya ng mga papuri dahil sa pansamantalang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Ngunit sa karamihan, ito ay nagdulot ng takot at pangamba. Isinisi ni Marcos ang pagdedeklara niya ng Batas Militar sa lumalalang problema sa rebelyon, pagbaba ng produksyon, pagkaparalisa sa mga operasyon ng pamahalaan at ang tumataas na bilang ng mga krimen (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, 338). Inakusahan ang mga rebeldeng grupo (Communist Party of the Philippines at New Peoples Army) ng pagpapasabog sa mga lungsod (urban terrorism). Isinisi rin niya ang kaguluhan sa bansa sa radikalismo ng mga estudyante at manggagawa. Maging ang pagpapasabog sa Plaza Miranda, na pinaniniwalaang pinlano ni Marcos upang mapatay ang mga katunggali niya sa kabilang partido, upang maipakita ang karahasan ng mga Pilipino at mabigyan ng katwiran 29

ang pagpapatupad niya ng Batas Militar. Sa katunayan ay nagsagawa rin si Marcos ng huwad na assassination kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng tanggulang pambansa. Kasabay ng pagdeklara ng Batas Militar ay ipinatupad rin ni Marcos ang kampanyang Bagong Lipunan. Narito ang mga hakbang na isasakatuparan: 1. abuso; 2. 3. 4. Pagpaparusa sa mga nagtutulak sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot; Pagtatakda ng curfew upang masolusyonan ang lumalalang krimen; Pagpapalaganap ng pilosopiyang Isang Bansa, Isang Diwa upang pukawin ang Ang pagpapaalis ng mga opisyal sa pamahalaan na napatunayang tiwali at mapang-

pagkamakabayan ng mga Pilipino; at 5. Pagsasanay sa mga mamamayan na maging disiplinado at masunurin. (Mateo,

Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.340) Malinaw na naisakatuparan ang lahat ng mga hakbang, maliban ang pang-apat. Ang paninisi niya sa mga Pilipino ay nakasisira lamang sa kanilang puri. Makikitang hindi lamang ang mga dayuhan ang nagmamaliit saatin, kundi pati na rin ang kapwa Pilipino. Maaaring nakasisira ito sa tiwala ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili at bayan. Ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang mga Pilipino na mangahas na lumaban sa gobyerno. Sa kabila ng pagaaliw ng pamahalaan sakanila sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastraktura at panunuhol sa mga komentarista upang purihin ang mga aksyon ng kanyang administrasyon, kaliwat kanan parin ang nagsusulputan na mga rebelyon tulad ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New Peoples Army (NPA). Bunga ito ng laganap na paglabag sa mga karapatang pantao. Lalo na ang sa mga kalaban ng gobyerno tulad ng mga aktibista at mga manunulat na bumabatikos sa pamamahala ni Marcos. Nawalan na ng kalayaan sa pagsusulat at isinuspinde ang writ of 30

habeas corpus na nagbigay ng kalayaan kay Marcos na basta-basta na lamang ipakulong ang mga kalaban nito. Dahil rin dito ay napadali ang pagpapalit ng Konstitusyon ng 1973 na isinagawa upang maging ligal ang mga binabalak ni Marcos. Tinatayang 22,287 na sibilyan ang ikinulong at 2,491 naman ang naging biktima ng salvaging o ang pagpatay na hindi dumaraan sa proseso ng batas. Ayon sa Amnesty International, umabot ng 759 ang bilang ng mga desaparecidos o ang mga idinampot na kaaway ng gobyeroat hindi na natagpuan pa. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay pinaslang na at itinago ang mga bangkay.( Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 342) Sa panahong ito, ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ay maituturing na mapanganib. Ngunit pinatunayan ng mga Pilipino na handa silang mamatay para sa ikabubuti ng nakararaming Pilipino. Sa katunayan ay dumami pa ang bilang ng mga kasapi ng NPA nang pagdeklara ng Batas Militar. Mula 1,000 ay naging 30,000 ito. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345) Noong 1970s naman ay nagkaroon ng rebelyon ang Moro National Liberation Front (MNLF) dahil sa hindi pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan. Hangad nilang ihiwalay ang rehiyon ng Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Noong 1975, tinatayang 30,000 tropa ang pinamunuan ni Nur Misuari, isang Muslim na dating nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas. Libo libo ang napaslang sa rebelyong ito kung kayat nilagdaan ang Tripoli Agreement noong 1976 kung saan pinagkalooban sila ng kalayaang pamahalaan ang sarili. Ngunit di nagtagal ay sumiklab muli ang pagrerebelde ng grupo. Nahati rin ang MNLF at nabuo ang Moro Islamic Liberation Front o MILF. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345) 31

Lumawak naman ang mga kilos-protesta ng mga mamamayan. Tinugunan ito ng pamahalaan sa marahas na paraan. Sinuhulan nila ang ilang Pilipino upang sumali sa mga rally at magdulot ng gulo upang mabigyang-katwiran ang paggamit ng dahas ng mga pulis at militar. Lumabas rin ang ilang mga akda na may temang pulitikal gaya ng Dekada 70 ni Lualhati Bautista, Sebyo ni Carlos Humberto at Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Ang tulang Prometheus Unbound naman na isinulat ni Jose Lacaba na may alyas na Ruben Cuevas ay tumuligsa rin kay Marcos. Ngunit malaya itong naipalathala dahil sa mapalinlang nitong pagkakasulat.
Promentheus Unbound Ni Ruben Cuevas I shall never exchange my fetters for slavish servility. Tis better to be chained to the rock than be bound to the service of Zeus.AESCHYLOUS, Promentheus Unbound Mars shall grow tonight, Artemis is out of sight, Rust in the twilight sky Colors a bloodshot eye, Or shall I say that dust Sunders the sleep of just? Hold fast to the gift of fire! I am rage! I am wrath! I am ire! The vulture sits on my rock, Licks at the chains of that mock Emancipations breath, Reeks of death, death, death. Death shall not unclench me. I am earth, wind and sea! Kisses bestow on the brave That defy the damp of the grave And strike the chill hand of Death with flaming sword of love. Orion stirs. The vulture Retreats from the hard, pure Thrust of the spark that burns, Unbounds, departs, returns To pluck out of deaths fist A god who dares to resist.

32

Mapapansin na sa mga unang letra sa bawat linya ay mababasa ang MARCOS HITLER DIKTADOR TUTA, ang mga katagang madalas na isinisigaw ng mga nagpoprotesta. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358) May mga pahayagan rin na laban kay Marcos na lumabas gaya ng We Forum ni Jose Burgos, Mr. & Ms. Ni Eugenia Apostol at Malaya, ang pahayagang tinatawag ni Marcos na mosquito press. Nagkaroon din ng mga impersonator ng mga pulitiko at mga dulang may temang pulitikal. Marahil ay nakatulong rin upang magising sa pangaabuso ng pamahalaan sa mga Pilipino ang mga kanta ni Bob Marley na may karaniwang tema na tungkol sa pangaalipin, diskriminasyon, etnisidad at rebolusyon. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358)

People Power Si Benigno Aquino, Jr. ay isa sa mga pinakamahihigpit na kalaban ni Marcos. Inakusahan siya ng subersyon o paglaban sa estado at ipinakulong. Pagkabalik ni Ninoy Aquino sa bansa mula U.S. noong Agosto 21, 1983, ay pinaslang siya sa Manila International Airport. Pinalabas ni Marcos na ang pagpapaslang ay utos lamang kay Rolando Galman ng CPP-NPA. Ngunit batay sa imbestigasyon ng Agrava Commision, ang tunay na nasa likod ng pagpatay ay sina Imelda Marcos at Fabian Ver. Sa pagkamatay ni Aquino ay umigting pa lalo ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Mahigit isang milyong Pilipino ang nagsama-sama sa paghahatid kay Ninoy Aquino sa kanyang huling hantungan. Dito ay ipinakita nila ang kanilang pagdadalamhati sa pagkamatay ng bayani at ang kanilang galit sa mapangabusong pamamahala ni Marcos. Si Aquino ay naging simbolo ng nasyonalismo noong panahon ng Batas Militar.

33

Upang ipakita na may suporta parin siya ng mga Pilipino ay nagsagawa si Marcos ng isang Snap Election noong 1986. Sa kabila ng kanyang pandaraya, nanalo ang kanyang kalaban na si Corazon Aquino sa pagkapangulo batay sa National Movement for Free Elections (NAMFREL). Nanalo man siya sa minanipulang resulta ng Commision on Elections (COMELEC), si Cory Aquino parin ang tinanggap na pangulo ng mga Pilipino. Nagkaroon ng malawakang kilos-protesta hindi lamang sa Kamaynilaan kundi pati na rin sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. Nanguna sa kilos-protesta ang civil society kung saan ang mga kasapi ay mula sa ibat ibang sektor ng lipunan. Dalawa sa mga popular na samahang nagsasagawa ng mga rally ay ang Justice for Aquino, Justice for All (JAJA) at August TwentyOne Movement (ATOM). Si Cory Aquino ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng nasyonalismo sa mga panahong iyon. Naging simbolo siya ng pakikipaglaban kay Marcos, ng mapayapa at relihiyosong pakikibaka. Ikinampanya rin niya ang pagboboykot sa mga bangko at mga produkto ng mga crony ni Marcos. Maging ang kompanya ng kanyang pinsan na San Miguel Beer at Coca-Cola ay kinampanya niyang boykotin dahil sa isa ito sa mga crony ni Marcos. Naging isa siyang magandang imahe ng nasyonalismo. Maging ang mga kamag-anak niya ay nakaya niyang kalabanin dahil sa mga pagkakampi nito sa taong dahilan ng kaguluhan sa bansa. Wala siyang pinapanigan. Ang iniisip lamang niya ay ang kapakanan ng Pilipinas. Pebrero 22, 1986 nang kumalas sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile mula sa pamahalaan ni Marcos. Dumagsa ang maraming mamamayan sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) bilang tugon sa paghingi ng tulong ng dalawa at ni Jaime Cardinal Sin upang bigyan sila ng proteksyon mula sa pag-atake ni Marcos. Ibat ibang uri ng mamamayan ang dumagsa sa EDSA. Mayroong mga madre, estudyante, manunulat, propesyunal, manggagawa at iba pa.

34

Hindi lamang mahihirap ang sumama kundi pati na rin ang mga nasa gitnang uri at mga mayayaman. Nagkaisa ang lahat sa pagpapabagsak kay Marcos sa mapayapang paraan. Sa People Power ay naipamalas ng mga mamamayan ang kakayahan nila bilang mga Pilipino, na kaya nilang magkaisa upang makamit nila ang iisa nilang mithiin. Sa pangyayaring ito isinabuhay ng mga Pilipino ang diwa ng nasyonalismo. Dahil dito ay hinangaan ng buong daigdig ang bansang Pilipinas. Pebrero 25, 1986 nang nagtagumpay ang mga Pilipino na patalsikin si Marcos sa kanyang puwesto.

PAGKATAPOS NG PEOPLE POWER

Pagbabalik sa Demokrasya Sa administrasyong Aquino ay pinalitan ang nagtalaga ng mga magiging kasapi ng Constitutional Commision ang president mula sa ibat ibang sektor ng lipunan upang palitan ang Konstitusyon ni Marcos. Binigyan rin niya ng kalayaan ang ibat ibang rehiyon sa Pilipinas na magkaroon ng lokal na pamahalaan. Sa pamamahala ni Aquino ay nanumbalik ang demokrasya. Marahil ay ito na ang pinakamalaking kontribusyon ng administrasyong Aquino sa pagpapaigting ng nasyonalismo sa mga Pilipino. Ang demokrasya ay isang napakahalagang salik ng nasyonalismo dahil sa pinapahalagahan nito ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagtatalaga ng mga mamumuno sakanila. Dito mahihinuha kung ano ang kagustuhan ng nakararaming Pilipino at nang sa gayon ay magtulungan ang lahat para matupad ito.

35

Ngunit hindi nagtagal at bumalik muli ang kawalan ng katatagang pulitikal ng bansa. Ang mga mamamayan ay nagkakahati rin sa kanilang paniniwalang pampulitika. Unti-unti nang humihina ang nasyonalismo sa mga Pilipino. Hindi parin nawala ang mga rebelyon. May nagaganap parin na labanan sa pagitan ng mga komunista at mga may-ari ng lupa. Mayroon ding mga rebeldeng nagtangkang patalsikin sa puwesto si Cory Aquino.

Pagpapaunlad sa Ekonomiya ng Bansa Sa pamamahala ni Fidel Ramos ay nagtangka siyang solusyonan ang problema sa rebelyong Muslim at komunista at itinatag ang Southern Philippine Council for Peace and Development. Naging matagumpay naman ang kanyang pakikipagusap sa MNLF. Subalit kahit na nasolusyonan na ni Ramos ang problema sa rebelyon na nakatulong upang mapagkaisa ang Pilipinas, ang pagpapaunlad naman niya ng ekonomiya ay hindi naging maganda ang epekto sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sumunod siya sa patakarang liberalisasyon at naging aktibo sa ibat ibang organisasyon gaya ng Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN), ASEAN Free Trade Area (AFTA), Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at World Trade Organization (WTO). Pinagtuunan rin niya ng pansin ang relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Sa pagsunod niya sa patakarang liberalisasyon, sumusuporta siya sa neoliberal na kaisipan ng mga Kanluraning Bansa at ipinapasok ang mga ito sa bansa. Naipalaganap nito ang kolonyalismo sa bansa.

People Power II

36

Sa pamamahala naman ni Joseph Estrada ay nilagdaan ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung saan pinahintulutan ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas upang magsanay ng military exercises kasama ng mga sundalong Pilipino. Marami ang pumuna sa kasunduang ito at sinabing wala itong pagkakaiba sa pagkakaroon ng mga base ng Amerikano sa bansa. Nagpatuloy parin ang rebelyon ng MILF at Abu Sayyaf Group (ASG) sa rehimen ni Estrada. Ngunit sa pagkakataong ito, naglunsad na ang pamahalaan ng all-out war laban sa dalawang grupo na ito. Sa pakikipaglaban ng pamahalaan sa mga rebelde ay nawawala lamang ang kapayapaan sa bansa at naging mas watak-watak ang mga Pilipino. Napatunayang nagnakaw si Estrada at napatalsik sa pamamagitan ng People Power II noong Enero 11, 2001. Dito ay natunghayan nating muli ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Ang People Power ay naging tanyag sa buong daigdig. Sa katunayan ay isinagawa rin ito ng mga bansang Poland, Czechoslovakia, Germany, Germany, U.S.S.R. at South Korea. Ang People Power ay isa sa mga bagay na maipagmamalaki natin tungkol sa ating bansa.

Pamahalaang Arroyo Sa panahon ng rehimen ni Gloria Arroyo, nagkaroon ng banta ng terorismo. Bilang tulong ay nagpadala ang Pilipinas ng mga sundalong Pilipino sa mga kritikal na bansa gaya ng Iraq. Ngunit mayroong mga Overseas Filipino Workers ang nabihag ng mga terorista at hininging kapalit ang pagpapabalik ng mga sundalong Pilipino sa sarili nitong bansa. Nahirapang magdesisyon si Arroyo dahil sa isinasaalang-alang parin niya ang pananagutan nito sa U.S. at ang magiging imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Nang lumaon ay

37

napagdesisyunan ni Arroyo na pangalagaan ang kaligtasan ng mga Pilipinong nabihag at ipabalik sa bansa ang mga sundalong Pilipino.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin nawawala ang problema sa mga rebeldeng komunista at Muslim at ang mga tumutuligsa sa pamahalaan. Dahil rito ay hindi parin tiyak kung mayroon pa nga bang nasyonalismo ang mga Pilipino o tuluyan na ba itong nawala sa damdamin ng mga mamamayan.

38

NASYONALISMO SA KASALUKUYAN

ANG PAGDAMI NG MGA OFW


Maraming mga dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers o OFW. Una, dahil sa pagnanais na umahon mula sa kahirapan. Dahil sa mababa ang sweldo sa Pilipinas, napipilitan ang mga Pilipinong manggagawa na mangibangbansa at doon kumuha ng trabaho kung saan makakukuha sila ng higit na mataas na sweldo. Pangalawa, ang pagnanais nila na tumakas mula sa mga problemang bumabalot sa sarili nating bansa. Dahil sa mga kaguluhang nagaganap sa Pilipinas ay mas nanaisin pa ng mga Pilipino na lumuwas ng bansa (madalas ay kasama ang buo nitong pamilya) kaysa ang tiisin ang kahirapan sa sarili nilang bansa. Mayroon pa ngang mga doctor na nagaral pa ng nursing para lamang mapadali ang pagkuha ng trabaho sa ibang bansa. Ang mga OFW ay itinuturing na mga bagong bayani. Ngunit paano sila magiging mga Bagong bayani kung hindi nila ipinapakita ang pinakamahalagang katangian ng isang totoong bayani, ang nasyonalismo? Unang una, hindi ang kapakanan ng bansa ang kanilang iniisip nang napagpasyahan nilang magtrabaho sa ibang bansa kundi ang kapakanan lamang ng sarili nilang pamilya. Pangalawa, hindi nila naipapakita ang pagiging makabayan, pagmamahal at pagiging tapat sa bayan sa pamamagitan ng pagalis nila sa bansa. Nasilaw sila sa malaking sweldo na makukuha nila sa ibang bansa at iniwanan ang kanilang tungkulin sa sarili nilang bayan. Hindi na nila inisip ang mga naiwan nilang responsibilidad na dapat sana ay pambayad sa utang na loob nila sa Pilipinas.

39

MGA REBELYON

MGA ISYUNG KINAKAHARAP NG PAMAHALAAN AT MGA PULITIKO (ELECTION2010)

MGA SALIK AT HAMON SA PAGBUO NG MATATAG NA NASYON


Sa ating kasaysayan ay natunghayan natin ang ibat ibang paraan ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at ang mga pangyayaring nagudyok ng mga ito. Maoobserbahan natin dito ang mga salik sa pagpapaigting ng damdaming nasyonalismo sa Pilipinas. Una, ang konsepto ng nasyon, kung saan nakapaloob ang nasyonalismo, na binibigyang pansin ng mga mamamayan. Ang nasyon na itinatag ng mga nasyonalistang Pilipino noong pananakop ng mga Kastila ay umiikot sa orihinal na kulturang Pilipino. Ang gusto nilang itatag ay isang bansa kung saan walang nanghihimasok na dayuhan at ang mga layunin ay para lamang sa mga mamamayan nito. Ngunit sa pakikipagtulungan ng mga Amerikano sa mga Pilipino upang makamit nito ang kalayaan, unti-unting nawala ang orihinal na konsepto ng nasyon. Ang layunin nilang makamit ang kalayaan ay inakala nilang maisasakatuparan gamit ang wikang Ingles (bilang media sa komunikasyon nila sa mga Amerikano), edukasyon, relihiyon, tradisyon at sistemang pang pulitika na itinuro ng mga Amerikano saatin upang maging sibilisado tayo. Ang konsepto ng nasyon (o ang sarili nilang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon) ng mga elite na Pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga dayuhan. Ang wika, relihiyon, kaugalian, tradisyon at maging ang kanilang lahi ay halos kapareho na ng mga mga mananakop, lalo na ng mga Amerikano. Ang itinatag nilang edukasyon ay batay sa wikang Ingles, sa pagtuturo ng simbahang Katoliko, at sa 40

mga tradisyon ng mga Amerikano gaya ng Mothers day at Halloween at sa pamamagitan ng edukasyon na ito ay naipapalaganap ang mga kaisipang kolonyal sa mga Pilipino. Maaaring napuna na ito ng ilang mga nasyonalistang Pilipino ngunit mahirap nang baguhin pa ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa ito na ang ating nakasanayan at malaki na ang nabago nito sa ating kultura. Makikita naman na ang masang Pilipino ngayon ay malaki ang paghanga sa mga elite at mga banyaga. Para sakanila ay sosyal, mas disente, mas umaangat sa buhay at mas mataas kaysa sakanila ang mga ito. Masasabi lamang ng mga magulang na matalino ang kanilang anak kung marunong itong magingles. Karamihan rin ng mga Pilipino ay nagpapaputi, nagpapakulay ng buhok at gumagamit ng contact lens upang mabago ang kulay ng kanilang mga mata dahil sa gusto nilang maging katulad ng mga dayuhan na modelo ng mga umaasensong elite. Pangarap naman ng maraming Pilipino ang makapunta sa ibang bansa upang doon ay matutunan nila ang kultura ng mga hinahangaan nilang dayuhan at maging isa sa mga Pilipinong elite. Kung ito ang iiral na konsepto ng nasyon sa Pilipinas, ang nasyonalismo na madedebelop natin ay nakapaikot sa mga kaisipang kolonyal at hindi sa orihinal na kulturang Pilipino na sariling atin. May tendensiyang ang mga Amerikano ang makikinabang sa mga kalalabasan ng nasyonalismo na ito. Ang iisipin ng mga Pilipino sa kanilang mga layunin ay ang kapakanan ng mga Amerikano at ang mga Pilipinong nakadepende sakanila. Ang kapakanan ng nakararaming Piliipino (mga masa at mga Pilipinong tumangging tanggapin ang mga impluwensyang dayuhan gaya ng mga etnolinggwistikong grupo) ay naisasantabi na dahil sa ang mga elite naman ang siyang naghahari sa bansa at ang kumokontrol sa pulitika, ekonomiya, edukasyon at maging sa relihiyon nito (makikita sa diskriminasyon na nararanasan ng mga Muslim mula sa mga Kristiyano).

41

Ang lumalaganap na konsepto ng nasyon na itinatag ng mga elite ay isang epekto ng neokolonyalismo. At sa paglaganap ng konseptong ito ay mas mapapadali ang pagkontrol at pananakop nila saatin. Hindi lamang impluwensyang Amerikano ang nakaapekto sa konsepto ng nasyon nating mga Pilipino. Sa globalisasyon (ang proseso ng pag-igting ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa sa daigdig [depenisyon mula sa WikiAnswers]), naging malapit ang bansa sa mga banyaga. Hindi lamang teknolohiya at tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang naidala ng prosesong ito sa ating bansa. Kasabay ng mga produktong banyaga ay ang mga kaisipan, wika at pati ang kultura nila. Napasok sa mga isipan ng mga Pilipino na ang imported na mga produkto ay mas mataas ang kalidad at may epektong nakaaangat sa posisyon nila sa lipunan. Ang mga produktong sariling atin ay minamaliit na ng mga Pilipino at sa halip na ipagbili ang mga ito sa Pilipinas ay inaangkat na lamang ng mga dayuhan. (Makikita na ang direksyon ng kulturang Pilipino ay papunta sa labas. Hindi ito umiikot sa loob ng bansa.) Isa pang salik ay ang tugon ng mga Pilipino sa mga aksyon ng kapwa nila Pilipino, lalo na ng pamahalaan at mga nakaaangat sa lipunan. Maraming mga tunggalian sa pagitan ng mga Pilipino ang makikita natin sa kasalukuyang panahon. Una, ang tunggaliang Muslim at Kristiyano. Ang mga Muslim ay nagrereklamo sa nararanasan nilang diskriminasyon at pangaapi. Para sakanila ay naisasantabi na ang kanilang kapakanan at ang laging inuuna ay ang mga Kristiyano lamang. Para naman sa mga Kristiyano, sila ang nagdudulot ng gulo sa bansa. Pangalawa, ang labanan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa. Hanggang ngayon ay isyu parin ang Land Reform at ang mga magsasaka ay unti-unting nawawalan ng lupang sasakahan. Ang pangyayari sa Hacienda Luisita ay isa sa mga magpapatunay rito. Ang mga magsasaka ay lumusob sa Hacienda upang ipaglaban ang lupaing dapat ay sakanila habang ang mga namumuno naman sa 42

Hacienda ay gumamit ng dahas upang pigilan ang mga nagpoprotesta. Ang pamilyang may-ari ng Hacienda Luisita ay mayroong mataas na posisyon sa pulitika kung kayat matagumpay nilang naprotektahan ang kanilang Hacienda. Makikita rin sa pangayayaring ito ang isa pang tunggalian na nagaganap sa ating bansa, ang tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman at pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang karaniwang nakakakuha ng posisyon sa pulitika ay ang mga mayayaman at ang mga may-ari ng lupa at mga korporasyon. Gaya ng mga Muslim, ang tingin ng mga mahihirap ay hindi sila naaasikaso ng pamahalaan at ang mga mayayaman lamang ang napagtutuunan ng pansin. Para sakanila ay ang mga mayayaman at pamahalaan ang may kasalanan sa kanilang kahirapan. Makikita rin ang tunggaliang mahihirap-pamahalaan sa dalawang nagdaan na People Power at mga kudeta.

Ang mga tunggaliang ito ay nakasisira sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay nagkakawatak-watak at tumatangging makiisa sa mga tinuturing nilang kalaban. Ang mga Muslim ay gustong humiwalay sa mga Katolikong umaabuso sakanila, ang mga magsasaka ay nakikipaglaban sa mga may-ari ng lupa at ang mga mahihirap ay galit sa mga mayayaman at isinisisi sa pamahalaan ang kalagayan nila sa buhay.

Mahalaga rin na magkaroon ng pride o magandang tingin sa sarili ang mga Pilipino para mapaigting ang kanilang damdaming nasyonalismo. Kung hindi nila kayang maipagmalaki ang sarili nilang bansa, mahirap na magkaroon sila ng pagmamahal dito.

Ang mga ideolohiyang nakapasok sa Pilipinas ay malaki rin ang naging epekto sa nasyonalismo nating mga Pilipino.

43

Sa konserbatismo, pinahahalagahan ang pagpapanatili ng status quo at ang mga tradisyon ng mga nakaraang henerasyon (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 321). Tumatanggi sila sa mga makabagong paraan na hindi pa malinaw ang magiging resulta at ipinipilit na panatilihin ang mga kaugaliang subok na. Kung ito ang iiral sa ating mga Pilipino, tatanggihan natin ang anumang pagbabago na gustong gawin saatin ng mga dayuhan. Sa liberalismo naman ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-ambag sa lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito. Makabubuti ito sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino dahil sa makatutulong ito upang magkaroon ng tiwala ang bawat Pilipino sa kanyang sarili at magamit ang mga kakayahan nito upang makatulong sa bayan.

Mga Hakbang sa Pagpapalakas ng Nasyonalismo Upang mapalakas ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino, mahalaga na malagpasan muna natin ang mga hamon na tinalakay. Una, dapat na matuto tayong tanggapin ang ating nasyonalidad. Tingnan ang mga naging tagumpay at magagandang nagawa ng mga ninuno natin sa kasaysayan. Hindi dapat maging layunin natin ang maging presentable sa mga dayuhan at umayon sa kanilang mga batayan (kung ano ang tingin nila na maganda at katanggap-tanggap). Hindi dapat natin palaging ikinukumpara ang sariling bansa sa mga dayuhan. Dapat ay pumili tayo ng isang nararapat na lider na magiging isang magandang imahe saatin at hindi iniisip ang imahe nito at ng Pilipinas sa paningin ng mga dayuhan. Hindi isang lider na sunud-sunuran lamang sa mga banyaga at ang isinusulong lamang ay ang sarili nitong interes at ng mga taong pinapakinabangan nito.

44

Makatutulong rin na basahin lamang ang kasaysayan na gumagamit ng pantayong pananaw at hindi ang gumagamit pangkaming pananaw (kung saan ang laging bida ay ang mga dayuhan). Kung papansinin lamang natin ang mga nagging tagumpay ng mga ninuno natin ay mas magiging madali na mapamahal tayo sa ating bansa. Ang mga taong nagpapakita naman ng dammdaming kontra nasyonalismo ay dapat na magsilbing isang imahe na hindi dapat gayahin ng mga Pilipino. Pangalawa, dapat tayong matutong tumanggi sa impluwensiya mula sa mga dayuhan. Mahalagang ipalaganap ang paggamit ng wikang Tagalog lalo na sa edukasyon. Dapat na gawing pangunahing wika sa pagtuturo ang Tagalog upang maipasok sa isipan ng mga estudyante na dapat gamitin ito sa pangaraw-araw. Hanggang ngayon ay sinusunod parin natin ang sistema ng edukasyon na itinatag ng mga Amerikano kung saan isa sa pinakamahahalagang sabjek ay ang pagaaral ng wikang Ingles. Mas makatutulong kung mas malaki ang matatanggap na insentib. Dapat ay maging prayoridad rin ang negosyo ng mga Pilipino. Kung lalago ang mga negosyong ito ay hindi na natin kakailanganin pang magangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa at mapipigilan ang mga dumadating na impluwensya sa bansa na kasabay ng mga produktong dinadala ng mga dayuhan.

45

APENDIKS
Panayam kay Dr. Ferdinand Dagmang: Para saiyo, ano ang kahulugan ng nasyonalismo? Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ang isyu ng nasyonalismo noong panahon nang tayo ay sinakop lang. Bago tayo sinakop, wala pa yang konsepto ng nasyonalismo kasi ang mga tao noon, bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila ung binabalasubas, binabastos o inaagawan ng mga lupain o kaya inaalipusta ng mga tao mula sa ibang bansa gaya ng mga nakasulat sa kasaysayan na may mga Portuguese na dumating, o mga arabo, intsik. Pero wala pa ung isyu ng nasyonalismo. Ngayon, pagdating ng mga kastila, nakaranas tayo ng mga hindi kaayaaya gaya ng pagpapatupad ng pagsisingil ng buwis, o kaya pagpapatupad sa pagkontrol sa mga tirahan ng mga tao, na kailangan ay lumapit sila sa simbahan, o kaya pagpapatupad ng mga order na ang mga lalaki ay kailangang magsilbi sa mga pagawaan ng tulay o kaya daanan o mga simbahan. So ung mga Pilipino noon, naisip na ano ba ang nangyayari dito sa bansa natin. Ano bang nangyayari sa ating sitwasyon sa buhay dahil (noon), simple lang ang buhay, ngayon, hirap na, o kaya ay kinokontrol na ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na ng pagiisip, lalong lalo na ang mga kabataan na nagaral sa ibang bansa. Kahit nga si Andres Bonifacio na nakapagbasa ng mga kwento namay kinalaman sa kalayaan o sa pagiisip na medyo kritikal sa ibang mga bagay na hindi karapatdapat na gawin sa tao. So may mga Pilipinong nasasaktan, an gating pride bilang mga Pilipino, nang ang bansa natin ay nasakop, naisip nila na, ano nang nangyayari sa bansa natin? So ngayon, umusbong doon sa sitwasyon na tayo ay nasakop. Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din yan sa Europa, kagaya, halimbawa nung panahon ni Hitler, nasyonalismo rin un, e. (Pati) ung pagusbong ng mga Natzi, pero 46

negatibong nasyonalismo, parang eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na ang mga tagaGermany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany,na lahat ng tao sa loob ng Germany ay sasakupin nila o kaya, ang konseptong nasyonalismo nila ay ang pagpapalago sa sariling bansa at magiging parang sila ang mananakop ng sariling bayan dahil sa tingin nila ay sila ang pinakamataas sa lahat. Ibang klase ng nasyonalismo un, nasyonalismo na nananakop. Ung nasyonalismo naman satin, nasyonalismo na lumalaban sa mga taong nananakop at sa ganoong paraan, nabubuo ang pagiisip na , bilang isang bansa, tayoy may sariling karapatan bilang bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat para isulong ang karapatan na iyon para sagipin ang sarili nating pagkatao, ng mga Pilipino. Kahit na nananakop ka, nasyonalismo parin ang ipinapakita mo? Ang nasyonalismo sa Europa, ung mga Natzi, nationalism rin un,e. Kaya pag sinabing nasyonalismo sa Europa, hindi maganda ang tingin nila doon kasi lagi nilang naaalala ung pananakop ni Hitler, ung pananakop ni <?> sa Italykasi magkasama sila,e. O kaya ung nasyonalismo ng mga hapon, dominante sila at gustong manakop ng bansa. Samantala ang nasyonalismo sa mga Pilipino, depensa sa ating pagkatao iyon, bilang mga Pilipino sa bansang Pilipinas. Paano ung mga rebelde, kahit na nananakit sila ng kapwa Pilipino, nasyonalismo parin ba ung tawag doon? Halimbawa, ung mga muslim? Kailangan ay tingnan mo ang kasaysayan ng mga Muslim. Kung titingnan mo, hindi naman nila ginagamit ung katagang nasyonalismo, e. Ang sinasabi nila, kailangan nila magkaroon ng sariling bayan, na independent, na hiwalay sa Pilipinas. So kung titingnan ay wala silang konsepto ng nasyonalismo bilang mga pilipino. Kundi ang konsepto ng pagiging isang grupo ng mga tao na gustong humiwalay sa Pilipinas at gustong bumuo ng sariling estado. So kung sasabihin natin na 47

magtatayo sila ng sarili nilang estado, ang pagiging Muslim nila, ay magbubunsod rin iyan ng pagiisip sa sarili nilang bayan. At later on, magkakaroon rin sila ng konsepto ng nasyonalismo na nagugat sa pagmamahal nila sa sarili nilang pamayanang muslim. Ang pananaw kasi na iyon (nasyonalismo) ay nakaugat sa pananaw mo sa iyong bayan, na sa tingin mo ay iyon ang kailangan mong depensahan, kailangan mong panagutan, na kung meron mang halimbawa manakit sa iyo, bilang isang Pilipino, may manakit saiyo bilang isang Muslim, may karapatan kang lumaban at depensahan ang sarili mong bayan. Iyon ang isang konsepto ng nasyonalismo na ang pinagugatan ay ung mga negatibong experience. Bakit mahalaga ang nasyonalismo? Ano ang magagawa nito para saatin? Pag may mga sitwasyon, halimbawa na negatibo gaya ng pananakop, ung nasyonalismo kasi ay isang pakiramdam na tayo ay kailangan na magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon, siyempre, ay magiging maganda iyon sa ating mga Pilipino. Maganda rin ang nasyonalismo para saating pride. Tayo ay magiging proud maging Pilipino kung mayroon tayong nasyonalismo. Hindi lamang dahil tayo ay sinakop kundi dahil rin tayo ay mayroong tinatawag na identity. Mahalgang mahalaga kasi ang identit y, eh. So un, ang diwa ng nasyonalismo ang nagbibigay satin ng magandang pagiisip tungkol sa ating pagkatao. Ang iniisip kasi ng iba, ano pa ang kahalagahan ng nasyonalismo kung ang bansa naman natin ay minamata ng ibang tao? Pero kung tayo ay magkaisa, mababago natin ang sitwasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng diwa ng nasyonalismo. Sa ngayon, meron parin bang nasyonalismo, dahil sabi nyo, ang nasyonalismo ay lumalabas lamang tuwing may nagtatangkang manakop satin?

48

Mahirap nga na asahan na ang mga Pilipino ay magkaroon ng ganoong pananaw. Kasi, ang mga Pilipino, hindi nila nararamdaman masya do ung dating nadama ng mga taong lumaban sa mga mananakop. At mahirap na maalala iyon (araw ng kalayaan) dahil hindi lubos na naaalala ng mga tao ang pangyayari na iyon dahil nang lumaya tayo mula sa mga Kastila, pumasok naman ang mga Hapon, mga Amerikano at hindi natin nakita ang pagusbong ng bayang Pilipino dahil sa pagdating ng mga bagong mananakop. At hanggang ngayon ay hawak parin ang ating kultura. Sa TV, sa pananamit, nagiingles ang mga guro, mga aklat, mga gamit, mga kinakain, mga dollar, anime Nawawala na ang pagiging makabayan. Ang mga Pilipino ngayon ay hindi na nakaugat sa mga karanasan ng mga Pilipino noon na sana dapat ay makaimpluwensya sakanila. E ang tanong nga ay paano ka magiging makabayan kung ang bansa mo ay naiimpluwensiyahan na ng mga dayuhan? At ang kultura natin ngayon ay state-side na ang pinanggalingan.

May paraan ba para mapalakas uli ang nasyonalismo natin? Kailangan ban a may sumakop muli satin?

Hindi naman kailangang may sumakop. Kailangan lang, maging aware tayo na ang kultura na ating sinusunod, ay parang pananakop na rin. Bagong pananakop iyan na hindi mo nakikita. Walang sandata pero ang kultura nila, pumasok sa atin. Kaya ang hirap maging makabayan. Ang mga magulang, tinuturuan ang mga anak nila magingles at ng mga kaugalian Amerikano, at sa paglaki nila, litonglito sila kung ano ba talaga ang mahalaga para sakanila. Kasi ang mahalaga nalang ay ang paghahanap ng trabaho, hanapbuhay, Makita ang sariling distinction in the futuremaging matagumpay, not necessarily as a Filipino, but as a doctor, hindi makabayang doctor, as an engineer, pero di makabayang engineer,. So nasaan ang value ng pagiging makabayan? Wala na.

49

Você também pode gostar