Você está na página 1de 6

Kabanata I Suliranin at sandigan nito Panimula Ang agrikultura , isang produkto na maipagmamalaki natin sa ibang bansa , pangeksport at pag

import ang ating mga produkto at palay ang/bigas pinakamahalaga sa mga ito , mabilis dapat at laging nasa oras ang dating nito sa mga pamilihan. Sa patuloy na pagtaas ng teknolohiya sa ating herasyon nagawang ng paraan ang pagkuha ng palay sa ating mga kabukiran. Kaya nalang sa isang barangay na ito ,na aking nakita kung gaano kahalaga ang pagsasaka, pag-gapas , pagtatanim at pag-aararo ng kabukiran ay tila ba isang kayaman sa kanilang pangarw-araw na buhay. Pagdating sa pagtatanim noong unang panahon sa Barangay ng Catulinan gumagamit sila ng makalumang sistema pag aararo gamit ang kalabaw , pagtatanim ng mano-mano at pag ani at pagbayo ng mga palay upang mahiwalay ang bigas sa giniikan . Isang simpleng paraan na kinakailangan ng sipag at tyaka. Ang bukid na kanilang sinasaka ay maaring naman nila o sinasaka nila kapalit ang bigas , noong mga panahon ksi na iyon (1950s) hindi pa gaanong pinapahalagahan ang pera ng mga Pilipino Ayun kay Maximo Santiago . Para sa mga walang lupang sinasaka ang paraan nila para macaroon ng pantustos sa pang araw araw ay ung magtanim sa bukid, mag araro at mag punla. Isang napakahirap na trabaho tlga ang pag sasaka , maghapong naka-yuko , maghapong bilad , hindi inda ang init ng araw para lamang makapagtanim , magkaroon ng kita at pangtustos sa pamilya . Pagdating ng anihan mano-mano nilang pinuputol ang mga palay upang mahiwalay ang butil ng palay para maging bigas kailangan uli nila itong gawin para sa kanilang pamilya dahil sa bukid noon tanging pag sasaka lamang ang knilang pangunahing pinagkukunang yaman / trabaho. Isang trabahong

nangangailangan tlaga ng matinding determinasyon na may sipag at tiyaga. Dahil sa pagpapakahirap nila sa bukid napapalitan naman ito ng kaligayahan at msayang hapag kainan sa bawat pamilyang kumakain. Nagsimula pa noong panahong ng mga kastila ang pagsasaka sa barangay Catulinan , malawak at eksperto na ang mga tao dito pagdating sa pagtatanim sa bukid at ipinagpatuloy ito hanggang sa panahon ng dumating ang mga Amerikano at Hapon sa bansa . Nanatili ang masaya kahit na mahirap na pagsasaka sa brangay na ito hanggang sa nagkaroon na nga ng pamahalaan ang Pilipinas at sa panahon ng Gobyerno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ika-16 ng disyembre taong 1960 , nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipinong magsasaka dahil sa pangako nyang reporma sa lupa at isang ang barangay Catulinan sa nakatanggap ng reporma ng lupa. Nabigyan ng lupang sakahan ang mga magsasakang napakatagal ng nagsasaka sa bukid. Nagkaroon ng pag-asa ang mga magsasaka gumanda ang sistema ng agrikultura hindi lang sa aming barangay kundi pari na rin sa buong Pilipinas. Natutong gumamit ng treser ang mga magsasaka ng Barangay Catulinan napadali, napabilis at napaganda ang knilang mga ani. At sa pa lipas pa ng panahon hindi na napigialn ang mga tao na magimbento pa ng mga bagay na makakatulong pra sa tao. Noong 2001 ayon sa dating konsehal ng aming barangay na si Willy Lapira noong natututo ang mga taga-Catulinan gumamit ng makinarya tumaas talaga ang income ng aming barangay dumating pa nga sa point na isa ang aming barangay sa mga major producer ng bigas sa ating Bayang Baliuag. At sa pag laon ng panahon natuto ang mga magsasaka sa barangay na ito na gumamit pa at gamitin ang mga makinang ito. Sa patuloy na pag-gamit ng makabagong makinarya sa Barangay na ito natutong gumamit ang mag sasaka ng Kubota sa pag aararo ng bukid , mas mabilis ito kaysa sa kalabaw at mas nabubungkal ang lupa na pagtataniman at nagpapatuloy parin ito hanggang ngayon. Tila nga sa patuloy na pag taas ng ekonomiya ng bayan ng Baliuag tumataas din ang kaisipan nila sa pag-

gamit ng makinarya. Sa paglipas ng panahon mula noong 2001 nauuso ngayon ang isang makinarya na kaya ng gawin ang mga responsibilidad ng magsasaka tulad ng pagtatanim, pag aani at pagbubungkal ng lupa , ito ay ang Harvester mas kilala sa tawag na halimaw ang isang makinarya na kayang magbago sistema ng pagsasaka dito sa kanilang barangay at sa buong Pilipinas. Maraming napahanga sa trucktora na ito na kayang gampanan ang ang gawain ng mga magsasaka, una itong ginamit sa bansang Virigia noong 1834 ( kasalukuyan tayong nasa gobyerno ng kastila) hanggang sa pag laon at pag taas ng aspeto ng teknolohiya sa bansa mas napaganda at isinaayos ang truktora na ito. Balik tayo sa Barangay Catulinan , sa kasalukuyan mabilis , maayos at mas nakakatipid ang pag gamit nito lalo na sa pagtag-anihan. Ngunit hindi lahat ng nagmamay-ari ng lupa ay kayang bumili ng ganito , may pagkamahal kasi ang presyo ng combine harvester(Yan ang tawag sa Pilipinas sa harvester) umaabot ito sa $999-$13200 sa Pilipinas hindi bababa sa 100,000 pesos ang halaga nito ayon sa Department of Agriculture. May pagkamahal ang truktora na ito ngunit mas mabilis at mas matipid ang pag gamit nito. Kaya naisip na umarkila na lang sa mga kompanyang nagpapa-arkila nito o mga kaibigan na merong combine harvester. Ngayon sa ating panahon patuloy na tumataas an gang pag gamit ng halimaw combine harvester at sa paglipas ng panahon mula ngayon maaring mas tangkilikin na ito sa Brgy. Catulinan at isa mga karatig barangay. Sa pag laon ng panahon, sa paunti- unting pagbabago nito papunta sa modernong panahon , nauuso ang pag gamit ng makinarya sa pagpapabilis ng mga gawaing bukid kagaya ng pag-aararo , pag tatanim at pag ani nito, napapaganda ang mga inaani ng mga nagmamayari ng bukid at dahil ito sa tyaga ng mga magsasaka. Sa pag laon uli ng panahon hindi nauubusan ng makabagong ideya at mga bagong inbensyon na syang makakatulong sa ating mga magsasaka . Ayon nga sa PTFCC mahigit 20 bagyo ang siyang dumadaan sa ating bansa kada taon at

matinding dagok ito sa ating mga magsasaka lalo sa mga nagmamay-ari ng malalaking lupain kung saan nagtataniman ng gulay prutas at ng palay. Kaya hindi nauubusan ang mga eksperto ng mga makabagong inbensyon na syang makakatulong sa mga magsasaka. Isa ang pagsasaka sa pangunahing hanapbuhay ng magsasaka ng Catulinan , ito ang bumubuhay sa kanilang pamilya. At maaring ito ang kanilang natatanging yaman , natatanging yaman na maari ng maagaw sa kanila at mapalitan ng isang modernong paraan. Kung dati natutunan n gating mga magsasaka kung paano gamitin ang treser , motor ng tubig at Kubota sa kanilang pagsasaka , ngayon aalamin natin kung anu ang epekto ng pag gamit ng combine harvester sa mga magsasaka. Ang pag gamit ng Kubota at treser ang ilan sa mga nakasanayang makinarya na syang ginagamit ng ating magsasaka sa bukid . Ngunit ang pag ani ng mga palay sa bukid ng mabilisan ang syang gusto ng ng nagmamay-ari ng lupa ngunit msakit iyun para sa ating mga magsasaka. Kaya sa huli malalaman natin ang epekto nito sa mga magsasaka ng Barangay Catulinan , Baliuag , Bulacan. Malalaman din natin kung gaano kahalaga ang pagsasaka , ang palay at ang bukid sa buhay ng mga magsasaka ng barangay na ito.

Paglalahad ng suliranin Ang epekto ng pag-gamit ng makabagong makinarya combine harvester ngayon sa Barangay ng Catulinan , sasagutin ng pananaliksik na ito: 1. Kung sakasakaling eto na mausong gamitin sa susunod na mga taon , anu ang tulong nito sa mga nagmamay-ari ng lupa? 2. Anu nman ang magiging epekto nito sa magsasaka ng barangay Catulinan? 3. Paano na ang mga magsasaka sa tuwing combine harvester na ang gamitin? 4. Pabor kya sila sa pag-gamit nito? 5. Anu ang magiging epekto nito sa buhay ng mga magsasaka?

Layunin Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipakita ang epekto ng halimaw combine harvester sa mga magsasakang nagging tapat sa pagsasaka sa bukid. Isa rin sa mga layunin nito ay maipakita ang kung gaano na nga ba nagagamit ang halimaw combine harvester sa barangay na ito, ang mailarawan ang magiging buhay ng mga magsasaka sa panahon na ito na malapit na ang anihan. At layunin din nito na masagot ang katanungan na nahanda na ba ang barangay na ito sa pag usbong ng isang makinaryang babago sa sistema ng pag-gapas sa kabukiran.

Saklaw at limitasyon Ang mga nasasakop na tao sa aking pananaliksik ay ang mga magsasaka sa Barangay Catulinan ,Baliuag, Bulacan na sinagot ang aking mga katanungan o surbey noong ika-25 ng Pebrero taong 2014. Ang aking mga katanungan ay naglalaman ng pag pabor, pag sang-ayon at pagtangi sa mga nasasaad na katanungan patungkol sa pag gamit ng halimaw combine harvester.

Definisyon Combine Harvester Halimaw ang katawagan nito sa Barangay ng Catulinan. PTFCC - Presidential Task Force on Climate Change

Você também pode gostar