Você está na página 1de 4

1. Segunda Katigbak Ang unang babaing naging kasintahan ni Rizal.

Isang Batangueia na taga


Lipa.
2. Miss L. Taga Calamba, tinawag niya itong simpleng dalagang L. Maganda at may kaakit-akit na
mata. Niligawan ni Rizal matapos nawala sa kanya si Segunda Katigbak.
3. L eonor Valenzuela Kilala din sa tawag na Orang. Halos kasing taas ni Rizal. Nagpapadala
dito si Rizal ng mga love notes na ginagamitan ng ibang tinta (tabulasyon ng asin at tubig).
4. Leonor Rivera Pinsan niya sa Camiling, kilalang marupok at magandang babae. Taga Camiling,
Tarlac.Maituturing na tunay na pag-ibig ni Rizal.
5. CONSUELO ORTIGA Y PEREZ Pag-ibig ni Rizal sa Madrid. Anak ng dating gobernador Sibil
ng Maynila.
6. GERTRUDE BECKETT Pagibig ni Rizal sa London na may palayaw na Gettie.
7. NELLY BOUSTED Pag-ibig ni Rizal sa Paris. Nakahikayat sa kaibigan ni Rizal na si Antonio
Luna.
8. Seiko Usui Kilala din sa tawag na O-sei-san Anak ng may-ari na pamilihan sa Yokohama,
Japan.
9. Suzanne Jacoby Dalagang taga Belgium. Taga Brussels, Belgium.
10. Pastora Necesssario Carreon Kilala din sa pangalang Torak. Nakilala ni Rizal sa Dapitan,
Mindanao nang siya ay mapiit doon ng apat na taon. Isa syang mang-hahabi.
11. Josephine Bracken Nakilala ni Rizal sa Dapitan. Huling naging pag-big ni Rizal. Anak-anakan
ni G. George Taufor. Silang dalawa lamang ang gumawa ng ritwal na pag-papakasal dahil sa tutol
ang marami sa kanilang dalawa.
1. Segunda Katigbak Ang unang babaing naging kasintahan ni Rizal. Isang Batangueia
na taga Lipa.
2. Miss L. Taga Calamba, tinawag niya itong simpleng dalagang L. Maganda at may
kaakit-akit na mata. Niligawan ni Rizal matapos nawala sa kanya si Segunda Katigbak.
3. L eonor Valenzuela Kilala din sa tawag na Orang. Halos kasing taas ni Rizal.
Nagpapadala dito si Rizal ng mga love notes na ginagamitan ng ibang tinta (tabulasyon ng
asin at tubig).
4. Leonor Rivera Pinsan niya sa Camiling, kilalang marupok at magandang babae. Taga
Camiling, Tarlac.Maituturing na tunay na pag-ibig ni Rizal.
5. CONSUELO ORTIGA Y PEREZ Pag-ibig ni Rizal sa Madrid. Anak ng dating
gobernador Sibil ng Maynila.
6. GERTRUDE BECKETT Pagibig ni Rizal sa London na may palayaw na Gettie.
7. NELLY BOUSTED Pag-ibig ni Rizal sa Paris. Nakahikayat sa kaibigan ni Rizal na si
Antonio Luna.
8. Seiko Usui Kilala din sa tawag na O-sei-san Anak ng may-ari na pamilihan sa
Yokohama, Japan.
9. Suzanne Jacoby Dalagang taga Belgium. Taga Brussels, Belgium.
10. Pastora Necesssario Carreon Kilala din sa pangalang Torak. Nakilala ni Rizal sa
Dapitan, Mindanao nang siya ay mapiit doon ng apat na taon. Isa syang mang-hahabi.
11. Josephine Bracken Nakilala ni Rizal sa Dapitan. Huling naging pag-big ni Rizal.
Anak-anakan ni G. George Taufor. Silang dalawa lamang ang gumawa ng ritwal na pag-
papakasal dahil sa tutol ang marami sa kanilang dalawa.
Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (18181897)
[9]
at ni Teodora Morales Alonzo y
Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang
"Realonda"),
[10]
na parehong masagang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa
isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang
mangkakapatid si Rizal: sina Saturina (Neneng) (18501913), Paciano(18511930), Narcisa
(Sisa) (18521939), Olympia (18551887), Lucia (18571919), Mara (Biang) (18591945),
Jos Protasio (18611896), Concepcin (Concha) (18621865), Josefa (Panggoy) (1865
1945), Trinidad (Trining) (18681951) at Soledad (Choleng) (18701929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan
ng ika-17 dantaon.
[11]
Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng
Luzon.
[12]



Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. Jos Rizal
Mayroon din lahing Kastila at Hapones si Jos Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay
kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo.
[13]
Ang
kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya
ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya
sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang
buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya
sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan
noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya
ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa
paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang
sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha angagham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha
niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos
mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa
hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa
mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad
Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina,
bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa
Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit
sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung
saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si
Rizal na nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin,
Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag
sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na
nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa
pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at
pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang
mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na
Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
Nakilala rin siya bilang Aaron Ng.
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating
kagaya ng If Dreams Must Die at The Love of Leonor Rivera ni Severino Montana.
Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong
puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang
pag-ibig ni Rizal.
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng
mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora
Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng
isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang
pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine
Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay
kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa
publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang
babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang
usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa
pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine
Bracken kina Magdalene, Mat Hari, Kitty OShea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at
mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa
pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa
pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging
matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at
Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa
pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29
Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa
pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni
Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya
sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni
Josephine sa Battles of Silang st Battle of Dasmarias noong 27 Pebrero. Makikita ang
lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan
dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa
mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang
Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa
kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob
na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi
pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang
napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.

Você também pode gostar