Você está na página 1de 2

TEORYA UKOL SA PINAGMULAN NG PILIPINAS

1. Paniniwalang Ispiritwal o Biblikal - Nakasaad sa unang


aklat ng Genesis sa Lumang Tipan ang paraan ng
pagkalikha ng daigdig, kasama na ang Pilipinas.

2. Teorya ng Tulay na Lupa Paniniwala na ang Pilipinas
noong unang panahon ay bahagi ng kalakhang Asya sa
pamamagitan ng tulay na lupa. Sinasabi noong unang
Panahon ng Yelo o Plesitocene, ang tubig na nakapalibot sa
ating bansa ay bumaba ng 156 na talampakan sanhi ng
pagbaba ng kapatagan ng dagat. Bunga nito, lumitaw ang
mga bahaging lupa o tulay na lupa sa pagitan ng Taiwan at
Hilagang Luzon,: Palawan, Mindoro at Borneo; ang
Mindanao, Java, Sumatra at Indonesia.

3. Teoryang Bulkanismo Paniniwala na ang Pilipinas ay
nabuo dahil sa pagsabog ng mga bulkan. Sinasabing ang
Karagatang Pasipiko ay binubuo ng mga hanay ng mga
aktibong bulkan na nakapaikot dito o tinatawag na Pacific
Ring of Fire. Ang pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng
dagat noong sinaunang panahon ay nagbunga ng paglitaw
ng mga pulo sa ibabaw ng dagat.

KATANGIANG PISIKAL NG PILIPINAS
Lokasyon
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hilagang hating
globo, sa pagitan ng ekuwador at Tropiko ng
Cancer.
(Tiyak na Lokasyon) Ito ay nasa 423 at 21 25
hilagang latitud at 116 at 127 silangang
longhitud.
(Relatibong Lokasyon) Ang Pilipinas ay
matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ang
kapuluan ay napalilibutan ng Bashi Channel sa
hilaga; Dagat ng Pilipinas at Karagatan ng Pasipiko
sa Silangan; Dagat Celebes sa timog; at Dagat
Kanluran Pilipinas (West Philippine Sea) sa
kanluran. Ang pinakahilagang pulo ay Yami sa
lalawigan ng Batanes at Saluag naman sa timog sa
lalawigan ng Tawi-Tawi.

Hugis at Anyo
Ibat ibang hugis at hiwa-hiwalay ang mga pulo ng
Pilipinas.
Ito ay binubuo ng humigit kumulang 7,107 na
pulo.

Sukat, Laki at Lawak
Ang kabuuang sukat ng Pilipinas ay 300,000 sq.
km.
May 1,851 km ang haba nito mula hilaga
hanggang timog at umaabot naman sa 1,107 km.
Ang lawak mula sa kanluran pasilangan.
Sampung malalaking pulo: Luzon, Mindanao,
Samar, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Leyte,
Cebu at Bohol.
Hangganan at Teritoryo
Doktrinang Pangkapuluan ang pag-aaring karagatan ng
bansa ay ang napapaloob sa mga batayang guhit na
nagdurugtong sa mga lungos sa pinakalabas na bahagi ng
mga pulo at batuhan ng kapuluan. Lahat ng bahaging tubig
sa loob ng mga batayang guhit, gaano man ang lalim o layo
mula sa baybayin, ang kailaliman ng dagat at lupa,
gayundin ang kalawakan sa itaas at ang pinagkukunang-
yaman ng mga ito ay nasasakupan at nasa kapangyarihan
ng pamahalaan.

Pambansang Teritoryo
Seksyon 1. Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng
kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng pulo at karagatan
na nakapaloob doon, at lahat ng iba pang teritoryo na nasa
ganap na kapangyarihan o saklaw ng Pilipinas, kasama ang
dagat teritoryal, ang kalawakang itaas, ang kailaliman ng
lupa, ang ilalaim ng dagat, ang mga kalapagang insular at
ang iba pang lugar submarina. Ang karagatang nakapaligid
, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan,
maging ano man ang lawak at sukat ay bumubuo ng
panloob na karagatan ng Pilipinas.

KLIMA at PANAHON NG PILIPINAS
Klima ang kabuuang kalagayan ng panahon. Ito ang
paglalagom ng araw-araw na kondisyon ng panahong
nakukuha sa loob ng mahabang panahon.
Binubuo ng 5 elemento: temperature, humidity,
precipitation, pressure at hangin.
Humid tropical dahil sa lokasyon nito sa mundo at
pagiging insular at maritime nito.
Panahon ang kondisyon ng atmospera sa isang lugar at
panahon.
Nauuri sa tatlong panahon:
1. Tuyo at mainit na panahon (hot dry
season) mula Marso hanggang Mayo;
2. Tag-ulan (rainy season) mula Hunyo
hanngang Nobyembre; at
3. Malamig na tuyong panahon (cool dry
season) mula Disyembre hanggang
Pebrero.
Kasama ang bansang Pilipinas sa mga bansang
Pasipiko na dinaraanan ng taun-taon ng monsoon
winds: trade winds, hanging habagat (southwest
monsoon) at hanging amihan (northeast
monsoon).
Matatagpuan ang Pilipinas sa rehiyong
ekwatoryal.
Sa rehiyong ito, nangyayari ang pagtatagpo ng
hangin sa ibabaw ng mundo kayat tinatawag din
itong intertropical convergence zone.
Dito rin nagtatagpo sa rehiyon ang hanging
habagat at hanging amihan depende sa panahon
sa isang taon.
Sa pagbagtas ng intertropical convergence zone sa
Pasipiko ang bansa, nagdudulot ito ng pagkabuo
ng mga bagyo (typhoon track) na nagmumula sa
rehiyon ng Marianas at Caroline Islands sa
karagatang Pasipiko ang bansa.
Karaniwang umaabot sa 19 bagyo taun-taon ang
nakapasok sa bansa na ang kadalasang
tinatamaan ay ang mga rehiyon sa Visayas at sa
Luzon.

Paggalaw ng Hangin
Trade winds dumarating sa direksyong hilagang
silangan o silangan dulot ng mataas na pressure
ng Karagatang Pasipiko sa tuwing tag-init sa bansa
mula Pebrero hanggang Mayo.
Mula Mayo hanggang Oktubre sa tuwing taglamig
sa Timog Hemisphere, dumarating sa direksyong
timog-kanluran ang hanging Habagat. Dala ng
habagat ang malalakas na pag-uulan at hangin.
Mula Nobyembre hanggang Pebrero dumarating
ang hanging Amihan sa bansa. Dulot ang hangin
na mataas na pressure sa Siberia at sa Manchuria
kayat malamig na temperatura ang
pangkalahatang epekto nito subalit nagdadala rin
ito ng malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi
ng bansa.

Uri ng Klima Ayon sa Distribusyon ng Buhos ng Ulan

URI KATANGIAN SAKOP NA BAHAGI NG
BANSA
1
Dalawang tiyak na
panahon, basa at
tuyo; basa sa buwan
ng Hunyo hanggang
Nobyembre at tuyo
sa buwan ng
Disyembre hanggang
Mayo.
Kanlurang bahagi ng Luzon,
Mindoro, Palawan, Panay at
Negros.
2
Walang panahong
tuyo na may tiyak na
malalakas na ulan sa
mga buwan ng
Disyembre, Enero, at
Pebrero.
Silangang baybayin ng
bansa kasama ang
Catanduanes, Sorsogon,
silangang bahagi ng Albay,
Camarines Norte,
Camarines Sur, silangang
Quezon, Samar, Leyte at
Silangang Mindanao.
3
Walang tiyak na
panahon ng pag-ulan
at may maikling
panahon ng tagtuyo
na nagtatagal mula
isa hanggang tatlong
buwan.
Kanlurang bahagi ng
Lambak ng Cagayan,
silangang bahagi ng
Mountain Province,
katimugang Quezon,
Masbate, Romblon
hilagang-silangang Panay,
silangang Negros, gitna at
timog Cebu, silangang
Palawan at Hilagang
Mindanao.
4
Magkakatulad na
distribusyon ng
buhos ng ulan
Batanes, hilagang-silangang
Luzon, timog-kanlurang
bahagi ng Camarines Norte,
kanlurang bahagi ng
Camarines Sur at Albay,
silangang Mindoro,
Marinduque, kanlurang
Leyte, hilagang Cebu, Bohol,
at kalakhan ng gitna,
silangan, at timog
Mindanao.

Rehiyonalisasyon ng Bansa
Bilang isang kapuluan mayroong magkakahiwalay na mga
pulo at mabundok na topograpiya, napakalaking hamon
ang pagbubuo ng kaisahan ng bansa. Magkakaiba ang
katangiang heograpikal at kultural ng maraming mga lugar
sa bansa. Iba-iba rin ang antas ng pag-unlad bunga ng
magkakaibang pamumuhay at likas na yamang
matatagpuan sa bawat lugar. Bunga nito, napahahirap
makabuo ng isang pambansang plano ng pag-unlad
gayundin ang pamamahala ng bansa.

Batayan sa pagbubuo ng Rehiyon:
1. Ang kondisyong heograpikal
2. Katangiang mapangasiwaan
3. Kaunlarang panlipunan
4. Paraan ng transportasyon
Mula sa 13 rehiyon, binubuo ang bansa sa
kasalukuyan ng 17 rehiyon.
Rehiyon Kabisera
Mga Sakop na
Probinsya
I - Rehiyong Ilocos San Fernando
City, La Union
Pangasinan, Ilocos
Norte, Ilocos Sur, La
Union
II - Lambak ng
Cagayan
Tuguegarao
City, Cagayan
Batanes, Cagayan,
Isabela, Nueva Vizcaya,
Quirino
III - Gitnang Luzon San Fernando
City,
Pampanga
Aurora, Bataan, Bulacan,
Nueva Ecija, Pampanga,
Tarlac, Zambales
IV-A-
CALABARZON
Calamba,
Laguna
Cavite, Laguna.
Batangas, Rizal, Quezon
IV-B -MIMAROPA Calapan City,
Oriental
Mindoro
Marinduque, Occidental
Mindor, Oriental
Mindoro, Romblon,
Palawan
V Rehiyong
Bicol
Legazpi City,
Albay
Albay, Camarines Sur,
Camarines Norte,
Catanduanes, Masbate,
Sorsogon
VI Kanlurang
Visayas
Iloilo City, Iloilo Aklan, Antique, Capiz,
Guimaras, Iloilo, Negros
Occ.
VII Gitnang
Visayas
Cebu City,
Cebu
Bohol, Cebu, Negros
Oriental, Siquijor
VIII Silangang
Visayas
Tacloban City,
Leyte
Biliran, Eastern Samar,
Leyte, Northern Samar,
Western Samar
IX Zamboanga
Peninsula
Pagadian,
Zamboanga
del Norte
Zamboanga del Norter,
Zamboanga del Sur,
Zamboanga Sibugay
X Hilagang
Mindanao
Cagayan de
Oro City,
Misamis
Oriental
Bukidnon, Camiguin,
Lanao del Norte,
Misamis Occidental
XI Rehiyong
Davao
Davao City,
Davao del Sur
Davao del Norte, Davao
del Sur, Davao Oriental,
Compostela Valley
XII
SOCCSKSARGEN
Koronadal
City, South
Cotabato
North Cotabato,
Cotabato, Sarangani,
Sultan Kudarat
XIII Caraga Butuan City,
Agusan del
Norte
Agusan del Norte,
Agusan del Sur, Surigao
del Norte, Isla ng
Dinagat
CAR Cordillera
Administrative
Region
Baguio City,
Benguet
Abra, Apayao, Benguet,
Ifugao, Kalinga,
Mountain Province
ARMM-
Autonomous
Region in Muslim
Mindanao
Cotabato City,
Maguindanao
Basilan, Lanao del Sur,
Maguindanao, Sulu,
Tawi-Tawi
NCR- National
Capital Region
Quezon City 16 Lungsod: Manila,
Quezon, Caloocan,
Pasay, Paraaque,
Muntinlupa, Taguig,
Pasig, Marikina,
Mandaluyong, Makati,
Las Pias, Valenzuela,
Navotas, Malabon, San
Juan

Você também pode gostar