Você está na página 1de 44

A Love Ride <3

By : audreykang

Chapter 1 : An Unforgettable Ride <3


audreykang's note :
cover photo by Bulatefork ^.^
Story by audreykang
inspired by Buutttt-----oooooo ^.^

Please support this story!!
Thanks!! :))

---------------------------------------------------






Prologue:

May mga pagkakataon sa buhay natin na kung minsan.. dinadala tayo ng ating mga paa sa mga lugar
na walang katiyakan..

Akala natin....

Aksidente ang lahat...

Pero kung minsan...

Masasabi na lang natin na...

Ako ang Driver ng Tsinelas na suot ko...

Pero ang gasolinang nagpapatakbo dito.
Ay walang iba kundi si....

Tadhana.. ^.^


"Sabi nila.... may mga pagkakataon na tadhana na talaga ang kumikilos para magtagpo
kayo.....you'll never know kung kelan at kung paano...
Sa dinami-dami ng tao sa mundo... maniniwala ka bang makakarating ka sa isang lugar na
kayo lang dalawa ang tao??..weird..pero...isa lang ang masasabi ko..pag kumilos si Mr. Destiny...
Wagas talaga!!! Daig pa si Kupido!!! "

-------------- J ustine




" Sa inaraw-araw ng buhay ko.. madami na kong nakasalamuhang
tao..matanda..bata..babae..lalaki..at kung ano-ano pa..
Pero..bakit ganun?? nung makilala ko siya..hindi na siya naalis sa isipan ko....
Kinulam niya kaya ako??...hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun....
Ang araw na..nagbukas ang puso ko para papasukin siya dito......."

-------------- Tyrone

Chapter 2 : >> My Jeepney Ride <<

*KRUNG*KRUNG*TOOT*TOOT*KRANK*KRANK*POOT*POOT*BENG*BENG*
( tunog ng alarm! walang kokontra!! sapak ang kumontra!! wahahaXD)

tsk. ano ba yan!! ang ingay!!
nasan na ba yun??
kinakapa ko yung alarm..pero..di ko mahanap!
pang-asar ah!!
asan na ba kasi??? antok pa ko eh!!
tumigil na yung pagtunog ng alarm.tsk.
haay..salamat....

" Hoy!!! Gising!!!"
" mamaya na!!"
" eh anong silbi ng alarm mo??"
" basta..umalis ka na!"
" gising na sabi eh!!!"
" ayoko pa!!"
" ano ba!!!"
" ayoko nga!! wag kang magulo!! hahalikan na niya ako eh!!"
" siraulo ka talaga ate!! tumigil ka na! walang hahalik sayo na prinsipe!! gising!!!!!"

*KRUNG*KRUNG*TOOT*TOOT*KRANK*KRANK*POOT*POOT*BENG*BENG*

Waaa!!!! ano ba yan!!! tsk.istorbo! sarap itapon ng alarm clock na yun!!! parang nasapian !!!tsk.
oo na!!! babangon na!!!
hmmm... napabangon ako eh!!

" oh ikaw???? ano pang ginagawa mo dyan?? layas na!!!"
" hihi (smile)"
" pa smile smile ka pa dyan! feeling cute!! bansot!!!"
at ayun..buti naman lumayas na yung human alarm clock ko! este! yung younger brother ko pala! si Warren! araw-
araw na lang ginigising niya ako! pang-asar!!
papakilala muna pala ako.
ako nga pala si Justine.
(Justine Bieber??)
Hindi!!
(Justine Timberlake??)
of course not.
( Justine Mraz??)
tungak!! Jason yun! hindi Justine! epal pa kasi eh!!

Ang pangalan ko ay Justine Wang. 2nd year college and now transferred to Recto State University. Dati kasi, sa
Akari University ako pumapasok..pero dahil dito na kami tumira sa Manila, nagtransfer na ako sa Recto. Actually,
Promdi ako eh, Kaya lang naman kami tumira dito sa Manila is because yung parents namin ay nasa ibang
bansa.kaya yun. 2weeks na rin ako sa bago kong school. buti na lang may nameet na kong bagong mga
kaibigan.hehe..
hmm..tama na ang kwento.baka malate pa ako ih.

FAST FORWARD >>>>>>>

andito na ako ngayon sa paradahan ng jeep. Oo. Nagcocommute ako pag napasok.
*TOK TOK TOK* TOK TOK TOK* CHUP CHUP*BOOG BOOG* TOOOOOOOOT* IT"S SHOWTAYMMMMM.......*
Oh! Wag magulat!!! yan ang message alert tone ng phone ko! Wag Magtaka! Idol ko si Anne Curtis sa pagchachant
eh...hihi

1 message received
From: Ery
Sistah!!!! wer r u nah?? Remembah!! Tutugtog ang LoneBlue!! Faster hah!!!
Ingatszxxx..muah..muah..tsug..tsug..broom..broom..peep..peep XD muah!!

Adik talaga toh!! Siya si Ery. Hindi yan babae..pusong babae lang..haha. At yung LoneBlue?? sabi niya...sikat na
banda daw sa school..di ko pa sila kilala eh..kya hamit na hamit tong si Ery na mapakilala sakin.tsk.
Eto! napuno na rin sa wakas tong jeep!
Antok pa rin ako hanggang ngayon.
Set-up dito sa jeep??
Syempre yung driver nasa unahan..dun sa driver's seat..ako naman..andito sa gitna..sa kaliwa ko..isang bata..tapos
sa kanan..lalaki....but I think kasing age ko siya..

Haay.nakakantok..
....
....
....
....
....
....
....
.....




Chapter 3 : >> In A Far-Away Land <<


Tyrone's POV

Sino ba tong babaeng to?? Lakas ng loob dumantay sa balikat ko!
Pilit ko siyang ginagalaw pero parang nakainom ng isang boteng sleeping pills sa sobrang himbing ng tulog! mukha
ba kong unan????

After a few hours........


Hayan! malapit na kong bumaba!
Leche!! akala pa naman ng mga kasakay namin girlfriend ko tong babaeng to! Hanggang ngayon nakadantay pa rin
sakin!

tsk.

"Para Po Manong!!!"


Justine's POV

Whoa!! Anong nangyari??
Teka, ang sama ng tingin sakin nung lalaking bumaba ah!
Anong problema nun?? weird...
wait!! Asan na ba ako?? Parang nakatulog ako eh!!
pagsilip ko sa bintana....

O______O - itsura ko

Oh my God!!!
Oh Venus Earth Mars Jupiter Saturn!! oh huwag ka nang makisali Uranus!
Oh my Sailor Moon!! anong lugar toh??? lampas na ko!!!!!!!!
Patay kang bata ka!!!!!
BOOM!!!!!

"Manong driver!!! Para po!!!!!!!!!!! PAAAAAAAAAA-------RAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!"

OOPs! Napalakas naman!!
Biglang lumuwag yung jeep ah!
kanina lang ang sikip! haha
"Ate..wag mu na kalungin yang bata..luwag na...hihihih" sabi ko dun sa aleng kalong yung anak niya

at sa wakas! nakababa ako ng ligtas! lampas nga lang! tsk.

Shocks!!! asan ako??? naku naman...naligaw na ako!!!
nyay!!! bakit walang tao dito?? Wala akong mapagtanungan!!!

" HelLOOOOOO????? Anybody HERE?????? HeLLOOOOOOOOOOO!!!!!!!"

Eeeeee!!!!! nage-echo ang boses ko!!
Asan ba ako?? Hindi naman to kweba para mag-echo ang boses ko ah!! May paniki ba namang lumipad!!!
Nasa planeta ba ako ng mangkukulam?? o planeta ng mga aswang?????
Mojacko!!! help me!! Nasang planeta ba ako??? tsk.....
Favorite ko nga pala si mojacko nung bata pa ko! ang cute ih..XD
Ehem! back to the problem.

Teka! ayun!!
Siya yun! siya yung lalaking masama ang tingin sakin kanina!

Habol Justine!!

"Wait!! Kuya! Kuya wait!!" -ako
" Bakit ba??" -lumingon siya at ang sama ng tingin
" Ah..eh..pwede ba magtanong??" -ako
" nakapagtanong ka na!" - sinungitan ako
" Hah? hindi pa yun!...kasi ano...ano bang lugar to hah?? kasi nakalampas ako eh! Sa Recto State ang punta
ko..kaso nakatu - " -ako
" Nakatulog ka?? tsk. "
" ah! teka! pano mo nalaman?? di pa naman ako nagti-tweet ah!" -ako
" Ano ba talagang kailangan mo hah?"
" ah kasi..alam mo ba kung san pwede sumakay pabalik ng Recto State???" -ako
" Bihira lang ang sasakyang dumadaan dito!"
" what??? pano yan???" -ako
" ........................................"
" ah....teka..san ka sasakay??" -ako
" may motor ako!'
" san ba punta mo hah? baka pwede makisabay??? please...hihi" -ako
" ayoko!"

lagot!!!
ang sungit naman ng isang to!!! sayang! ang gwapo pa naman.che!!
Pano yan???
di na ako makakaalis pa dito!!!

wait!!!paalis na ata siya! kailangan kong makasabay sa kanya!!!

i nEed a strategy!!!


( PROCESSING................................................tooot!!!)

eto! nakaisip na ko! sana umubra!!

Tula toh hah!! hihi XD

Ehem! Ehem!


Oh!!! Hindeee!!
Pano ako makakaalis dito???
Oh!! Aso!!
Papaliguan kita parati!!
please lang!
Pasakayin mo ako papuntang school!!

Oh!!! Langgam!!
Papaliguan kita ng asukal!!!
please lang!!
Ituro mo sakin ang daan!!
Susundan kita kahit maduling pa ako sa pagtitig sayo!!

Oh!!! Ibon!!!
Isakay mo ako sa maganda mong pakpak!
Pangako! Bibigyan kita ng maraming uod!!

Oh!! Manok!!
Uod din ba ang gusto mo?? o mas gusto mo ang bulate??
Bibigyan kita!! Please lang!
Itigil mo na yang pagtuka mo at dalhin mo na ako sa Recto State!!!!

Now Na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

eeeeee,.....sana umepek toh!!


Tyrone's POV

may sayad ba tong babaeng toh??
tsk.siraulo!!
dapat yata sa mental na dalhin tong babaeng to!!


" Hoy! sa Recto State ka ba pumapasok hah??" -ako
" Ah oo! transferee ako eh!"

transferee? kaya naman pala hindi niya ako kilala!

'"Sakay!!!" -ako
" hah? ako? pinasasakay mo ko???"
" ayaw mo??" -ako
" ayy!! hinde! sasakay na ko! kaw naman di ka mabiro!! hihi"
" Kumapit ka!" -ako
" nakakapit na ko!"
" sakin ka kumapit!" -ako
" At bakit naman sayo pa ko kakapit??"
" ano ba?? dito ka ba sasakay o mas gusto mong dun sumakay sa langgam???" -ako
"ayy syempre hindi!! kakapit na po bossing!!!"


Justine's POV

Nyayyy!!!!! Ibang klase magpatakbo tong taong to!!
Sayo ba ang daan hah??
halos mapawi na tong mukha ko sa sobrang bilis ng hangin!! at dahil dito!!
ayan!! todo yapos na ko sa taong to!!!!
ano pang magagawa ko?? kesa naman tumalyang ako dito noh!!
pambihirang tao to! buti na lang may helmet ako!!!

Alright!! we're here na! ang bilis noh????
di naman nakakapagtaka yun sa bilis niya magpatakbo!!
oh teka!! bakit biglang naglaho yun? san naman nagpunta yun!
naglaho????
halah!! baka multo yun!!!
Casper?? kamag-anak mo ba yun hah??

haay! makapunta na nga sa gym.panigurado hinihintay na ko dun ni Ery. puti na ang mata nun kahihintay!!

aba teka....

Wait lang hah?? ano bang meron??
bakit parang nakatingin ang mga tao saken??
kelan pa ko naging artista?? eeeeehh!! flatterred ako!!wahaha! XD
( sira!!!! ang sama nga ng tingin sayo eh!!!)
Ngekk!!! nasan na ba yung si Ery!!!

nagtatakbo na ko papuntang gym. Baka pagkaguluhan pa nila ako dun eh. tsk. Di pa naman ako sanay pumirma ng
autograph. hehe assuming lang XD

andito na ko sa gym! kaso bakit di ko pa rin makita si Ery...
tsk...

*SI BILLY VHONG BILLY VHONG BILLY VHONG* SI BILLY AT SI VHONG* SINE MO TO NGAYON* LIGHTS
CAMERA AKSYON* BILLY VHONG BILLY VHONG......*
( ringing tone ko yan!! hihi..adik talaga sa showtaym? hihi)

"hello??"
"hoy girl!! asan ka!! nagkaugat na ko kaiintay sayo dito sa gym!!"
" asan ka ba hah? andito na kaya ako! di kita makita!"
"sa ganda kong to di mo ko makita???"
"sa bandang kanan! dito sa unahan."
"geh punta na ko.bye."
"bye."

ayun! nakita ko na siya sa wakas!!

" Justine!! Girl!! san ka ba nagsuot hah? malapit na magstart ang program! excited na ko makita si Papa
Tyrone!!!!"
" Tyrone?? sino naman yun??"
"yung vocalist at leader ng LoneBlue! anu ka ba naman??!!"

ah!okay. tsk. kung alam lang niya ang adventure na pinagdaanan ko kanina! sus! daig pa ang adventures of
cinderella!!! hmp!

ayan start na ang program!!

" and now.......give it up for ...... the LoneBlue!!!!" sabi nung Emcee
(clap*clap*clap*)

"Wooooh!!!!"
" Hooooohhh"
" Tyronnnneeeee!!!!"
" Iloveyou!!!!!!!"
"Whoooo!!!"
Sus! kung makasigaw tong mga to! kala mo nakarating na sa tuktok ng Mt. Everest!!
karinde!!!! nagwawala na mga tutuli ko dito!!! isa pa tong si Ery!! todo irit !!
" Ayan na sila !!!"

wait a minute!!!
yun ay si.......

Waaah!!!! Siya yung lalaking mayabang na hari ng kalsada!!!!

Shet!!!! Coincidence ba yun???
Siya yung sinasabi ni Ery na leader ng LoneBlue?????
Nyayy!!! Sana di na magtagpo ang landas naming dalawa!!!

--------------after a few hours-------------------
Pagkatapos ng program.. naisipan naming kumain ni Ery.Andito ako sa labas ngayon tapos si Ery naman may binibili
pa.
may lumapit saking dalawang babae.

" hey girl!!" - palaka 1
" what do you think you're doing hah??"- palaka 2

hihi..palaka talaga ang tawag ko sa mga epal na babae! whaha! wag magtaka! hehe...kaya yung author jan..ingat
ka..wag eepal!! bwahaha!!

" hah? anong ginagawa ko? nakatayo dito! kayo anong ginagawa nyo? sino sino katext nyo??" -ako
AYY! baliw!! napasobra ka Justine!

" hoy! hindi kami nakikipaglokohan sayo! nakita ka naming sakay sa motor ni Tyrone kanina!!"- palaka 1
" syempre sa motor!! alangan namang sa kanya ako sumakay!!! iba na yun hah!!" -ako

pambihira!! inaaway ba nila ako dahil dun??

" stop !!" - palaka 2
" Look and listen?? may riles ba dito??" -ako
" I said shut up!!"- palaka 2
"who are you ba hah? who are you para lapitan si Tyrone??" - palaka 1

Lagot!!! away na to!!
Justine vs. dalawang palaka??
lagot!!!
Kasalanan mo tong Tyrone ka!!!! bwiset!!!







Chapter 4 : >> The Deal <<


Tyrone's POV

" Maya..bakit ba kanina ka pa sunod nang sunod hah?" - ako
Ang pamilya ni Maya ay malapit sa pamilya ko..kaya lakas ng loob niyang lumapit sakin eh!

"Haaayyy... Tyrone!! Mahal nga kita! gagawin ko lahat para sayo!!!"- maya
mas bata pa ako ng 3years sa kanya! Highschool pa nga lang eh!

" maya!! how many times do I have to tell you that we're just friends!!!???"- ako
" Hindi!!! hangga't wala ka pang girlfriend ..I'll stay behind your back! susundan kita hanggang sa dulo ng
walang hanggan!!!" - maya
"haay!!! pambihira!!!! bahala ka!!! tsk." - ako

* BOOG*

sino yun?
yung baliw na babaeng may sayad!
Tinulak siya nung dalawang babae at napaupo sa lupa!
Lumapit ako.
hindi ko alam pero dinala na lang ako ng sapatos ko papunta sa kanya!

" Hey!"- ako
" Oh my! Si Tyrone! sibat girls!!!!!"

bilis tumakbo nung dalawa ah!
I offered my hand to her.

" Wait ako na ang tutulong sa kanya Tyrone! " - maya

si Maya! tsk. Parang bodyguard ko na talaga toh! tsk. kelan ba ako tatantanan nito??

("hangga't wala ka pang girlfriend ..I'll stay behind your back! susundan kita hanggang sa dulo ng walang
haggan!!!")- naalala ko ang sinabi ni maya kanina

oo nga pala! may naisip na kong paraan!

I hugged her!
Yung babaeng may sayad.

" babe! ano bang ginawa nila sayo hah? okay ka lang ba?"- ako
" What?? Tyrone?? bakit mo siya tinawag na Babe???"- maya
" It's because she's my girlfriend!"- ako



Justine's POV


girlfriend??? baliw ba siya??? ni hindi nga kami magkakilala!!!! Siraulo to ah!!!
hindi naman ako makapalag! ang higpit ng hawak sa kamay ko eh!!

" why anong nangyari???? kelan pa?? di ko to maintindihan??!!!!" sabi nung highschool girl na kasama niya
" 5 months. 5months na kami."- ako

ano daw??? 5 months?? ni wala pa ngang ilang oras kaming nagkasama!

" No!!! this isn't real!!! No!!!!!"- ayun! nagtatakbo yung bata.tsk.kawawa naman.nagpa-uto kasi sa mokong na to.
Now it's my time para magsalita. Binitiwan niya na din ako.

" Putek!!! oy magaling na lalaki!!! anung pinagsasasa - " tinakpan niya ang bibig ko!
" may utang na loob ka sakin kanina! this is one way para masuklian mo yun! magpanggap kang girlfriend ko
para tigilan na ako ni Maya at ng ibang girls!! Just 3 days!!" -tyrone
tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko.
" 3days?? no!! kahit 1 minute pa ayoko!!! nek-nek mo!! In your dreams!!! che!" -ako
" tumahimik ka nga! pumayag ka na lang kasi !!'-tyrone
" ano namang mapapala ko kung pumayag ako, aber???"- ako
" Sige! anong gusto mo?? "-tyrone

teka! wait!.kailangan ko tong pag-isipan.
pera??
No! marami na ko nun.hihi.yabang.

alahas??
para isangla? sus! no need!

perfume??
aisos!! mas mabango pa ko sa bulaklak noh!!

suklay? pulbo? lipstick? eyeliner?
tsk. aanhin ko yan???

sabon??shampoo?? conditioner?? batong panghilod??
ngek!!! nakaligo na ko! di ko na kailangan yan!

(eh ano?)

" alam ko na! bigyan mo ako ng beach hat, libro ni bob ong at isang blue rose!"- ako

Nyayy!! ano bang mga sinabi ko???!!!
Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga ewang bagay na yun..tsk.

" okay.pero saka na lang yun!! Deal??"-tyrone
" Deal!! (shake hands)"- ako

naku po naman! ang bilis ko pumayag! hahaXD

" oo nga pala..ano bang pangalan mo?"-tyrone
" akala ko ba 5 months na tayo? bakit di mo alam?"- ako
" (killer eyes)"-tyrone
ngek! ginawa na naman niya ang signature titig nakakamatay na yun! oh my!! natrap na ata ako!

naku poh! lalong sumama ang tingin!

"ahehe...binibiro ka lang eh! Justine Wang! nice to meet you..hihihi" -ako

haicks. napilitan >.<











Chapter 5 : >> Status: In a Relationship <<


At yun na nga!! kumalat na sa buong university. Tulad ng inaasahan. Nagulat silang lahat! Imagine..2 weeks pa lang
ako sa Recto State tapos..5 months na kami agad??tsk. Si Ery naman na super crush tong si Tyrone.Ayun.Buti ayos
lang sa kanya. Kung alam niya lang.hihi. at si Maya?? Ayun.Hindi na nga bumuntot kay Tyrone.
haay buhay!! 3 weeks na ang nakakalipas.
oo! 3 weeks na kami!
Putek! sabi niya 3 days lang!!! Langhiyang yun! pero ayos lang! pabor din naman sakin eh! sikat ako sa school
ngayon!! ahahaXD
Anong nangyari sa 3 weeks na yun??
Eto..ikukuwento sa inyo ng time capsule ko! enjoy!!! ayieeehXD



Time Capsule 1:
Break time....
Nasa canteen kami at naisipan kong bumili ng kwek kwek. Syempre magsyota kami ngayon kaya lahat ng bihin ko
treat niya.wahaha. sabi sa inyo eh..pabor sakin..XD
" Yuck! ano ba yan hah?? kadiri !!!"- Tyrone
Ang arte talaga niya! Pilit niyang nilalayo ang kwek kwek na sinusubo ko. Pasalamat nga siya naisipan ko siyang
subuan eh.
" Kaartehan mo! Kainin mo yan!!!" - ako
"san ba yan galing hah???" - Tyrone
"sa baul ng lola ko!! bwahaha!"- ako
" tsk.ayoko!!" - Tyrone
" ano ka ba!! kwek kwek lang yan oh!!! takot sa itlog?????" - ako

*BAAAMM*

Ayun! isinamual ko sa kanya!! wahaha! arte!!! XD





Time Capsule 2:
Library Time....
Malapit na ang finals exam tapos tong kolokoy na to..nagyayaya pa ng date!! tinatamad lang mag-aral! Dalhin ko nga
sa library! BwahahaXD

" Oh! basahin mo! kailangan nagdedate din tayo sa library! at para makapag aral din ako! istorbo ka eh!!" -
ako
" haching! ano ba yan! ang alikabok!! san mo ba nakuha yan hah??"- Tyrone
as usual! para siyang babaeng nag-iinarte!!
" hinukay ko sa puntod ni Rizal! may angal?? basahin mo na yan!!!"- ako
" haaay..anu bang klaseng girlfriend ka hah....tsk." - Tyrone
Sus! wala namang nagawa sakin!! haha




Time Capsule 3 :
Almusal Time...
At dahil 7am ang klase ko every MWF, ayun sa school na kami nag-aalmusal! Syempre kasama ko siya! subukan
nyang umangal! mawawalan siya ng pekeng girlfriend! wahaha! lagot siya kay Maya!

" Oh kape!!" - ako
" ouch!! anu ba yan ang init!!!!!!" - Tyrone
" bakit?? may malamig bang kape??" - ako
" eh iba tong kapeng binigay mo eh!!! nakakalusaw ng dila!! kumukulo pa toh oh!! san ba to galing?? tsk." -
Tyrone
" sa tuktok ng Mayon Volcano! bwahaha"- ako
" (killer eyes)" - Tyrone
Signature titig na naman ng taong toh!! dukitin ko yang mata mo eh! haha



wahaha!!! yan ang summary ng pagpapahirap ko kay Tyrone! este! pagdedate pala namin.hihi Pero ang totoo...sa
tuwing kasama ko ang mokong na yun..ewan ko..pero nakakalimutan ko ang mga problema ko...hmmm

oo nga pala.pinapupunta ako nun sa band room.makapunta na nga! tsk

FASTFORWARD>>>>>>>>>


" Mylene, anung ginagawa mo dito??" - Tyrone

mukhang may kausap siya. Andito na nga pala ako sa band room.Nagtatago.Mala ninja turtle lang.hihi. Tsismosa
effect! boom!

" i'm visiting you..hindi ba pwede?"
" that's not what I mean..kaso lang..." - Tyrone
" totoo ba??"
" totoo ang alin??" - Tyrone
" totoo bang may girlfriend ka na daw?"
" ah..kasi...ano...wala!! wala akong girlfriend!" - Tyrone


shocks!! anu yun?? bakit sinabi niyang wala?? eh sino pala ako sa buhay niya?? Alam ko deal lang yun pero.........

umalis na lang ako pagkarinig ko nun.

parang kinakagat ng mga reynang langgam ang puso ko >.<




Tyrone's POV

" ah..kasi...ano...wala!! wala akong girlfriend!"- ako
" tama ako..alam kong ako lang ang nandyan sa puso mo..." - Mylene
" no. you're wrong Mylene. Ang totoo nyan. yes .I have a girlfriend. A fake girlfriend. Actually, pinapupunta ko
siya ngayon dito to tell her na...I really have feelings for her." - ako
" hindi! di yan totoo. no it shouldn't be!!!!" Mylene
" I'm sorry Mylene." - ako
*WALKOUT*



Hoo! nakahinga ako ng maluwag. buti na lang hindi siya inabutan ni Justine dito.
nasan na nga pala yun??


--------------------------after a few hours-----------------------------


pinuntahan ko na siya dito sa room nila.and I found her.

" Justine! ano ka ba? ang tagal kitang hinintay sa band room!! I have something to tell you." - ako
"...................." - Justine
" hoy!! ano ba!!!" - ako

hinawakan ko siya sa kamay..pero....

" Let go of me!!" - Justine
" Pero bakit???" - ako
" Let's end this." - Justine
" end what?? I don't get it." - ako
" Itigil na natin ang pagpapanggap na to!!!" - Justine
" Yah! actually, yan din ang gusto kong sabihin...co'z I want you to know that....." - ako
" No! ayoko marinig ang sasabihin mo! Break na tayo! tapos na ang deal natin! ayoko nang makita ka pa ulit.
Goodbye." - Justine

Hindi na ko nakaibo pa sa kinatatayuan ko.
Umalis na siya.
Umalis siya ng ganun ganun na lang...
Umalis siya nang di ko nasasabing sobrang saya ko tuwing kasama ko siya..
Umalis siya nang di ko nasasabing kaya tumagal ng 3 weeks ang deal namin dahil sa kagustuhan kong makasama
pa siya ng matagal.....

Bakit? Anung ginawa ko?
bakit siya nagalit sakin?

Umalis siya nang hindi ko man lang nasasabi sa kanya na......


na...


Mahal Ko Siya!






After that incident...
di na kami nagkausap o nagkasama ulit..
I don't know pero parang biglang natorpe ako at nahiyang lumapit sa kanya...



Is this really the end for us???


Chapter 6: >> Time Passed >>


--------------------------Time Passed --------------------------------

Graduation ball namin ngayon.Tama. 2 years had passed. 2 years kong kinimkim sa puso ko ang lahat ng
nararamdaman ko. Buti na lang buhay pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi pa to sumasabog. Pero bago toh
sumabog..sisiguraduhin ko munang masasabi ko ang lahat ng to kay Justine! Bago pa ako sumabog at lumikha ng
isang napakagandang fireworks display. i really have to voice it out ngayon. Ngayon na ang tamang panahon. At
dahil tutugtog ang banda ko mamaya...gagamitin ko ang pagkakataong yun. It's my turn now.
Andito ako ngayon sa backstage. Waiting for our turn para tumugtog. i'm a little bit nervous. Sana madali ko siyang
makita mamaya.

" Now, Let's welcome the LoneBlue!!!"
(clapping of hands)

Shet!! kami na!! kinakabahan ako...tumingin ako sa mga kabanda ko..and kita ko sa mga mata nila that they are
saying na lakasan ko ang loob ko. Actually, kasabwat ko sila sa plano kong to.

" Tol, nakita na namin siya! nasa unahan sa medyo right side! Goodluck Tol! kaya mo yan!" - sabi nung
kabanda ko
" Hooo!!! ( buntung hininga) tara na!" - ako

nagsisigawan ang mga tao..as usual..pero eto ako..hinahanap siya..di ko pa rin siya makita sa kakapalan ng
tao..pero ayos lang..makikita ko rin siya mamaya...sa lakas ng tibok ng puso ko..halos hindi ko marinig ang
sigawan.hoo! napahawak tuloy ako sa puso ko! makapagstart na nga. kakaNtahin ko ngayon ang " Isang Sulyap Mo"
syempre..para sa kanya toh!

Now Singing...

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo


Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko


Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako


Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla


Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya


Sa isang sulyap mo, ayos na ako
sa isang sulyap mo, napa-ibig ako..



*flashback habang kumakanta*

Before the Graduation Ceremony...
Sa Puntod ng Mama ni Tyrone....

" Ma, kumusta na kayo? gagradute na ako ngayon. Sayang dahil di niyo ako naihatid at hindi niyo ako
nakitang makuha ang Diploma ko. By the way ma, did you remember 2 years ago nung nagpunta ako dito?
That was the time when I first met her. Yung babaeng palagi kong kinukwento sayo. The only girl that turned
my world upside down.haaay... ang laki talaga ng sayad ng babaeng yun grabe!! And since that day...hindi na
siya nawala sa isip ko. At yung deal na ginawa namin ang pinakamagandang deal na nagawa ko sa buong
buhay ko. And mamaya sa Grad ball namin.. sasabihin ko ang lahat ng tinatago ko dito sa puso ko. I'll tell her
how much I Love her. Ma, bigyan niyo sana ako ng lakas ng loob....."

*end of flashback*


Sa isang sulyap mo, ayos na ako
sa isang sulyap mo, napa-ibig ako..

Tapos na kong kumanta..
Voice it out Tyrone!

*sa Microphone*

"Justine! That song is for you!" - ako
sa wakas! nakita ko na siya! bumaba ako ng stage at nilapitan siya. I looked at her eyes..
" Justine..now is the time...Will you be mine? for real??"- ako
" at anuh bang sinasabi mo jan hah?..nakakahiya..."
" kelan ka ba nahiya hah?"- ako
" tsk.tumahimik ka nga jan!" nagbablush siya! hehe.ang cute niya talaga!
" oh! eto ang beach hat!" sa tulong ng assistant ko, inabot niya sakin yung mga bagay na dala ko kanina..yung mga
bagay na sinabi niya sakin before, kapalit ng pagpayag niya sa deal namin..at ayun,,sinuot ko sa ulo niya ang beach
hat.
" te..teka...ano to? san mo to kinuha??" takang taka niyang sinabi
nagsmile ako tapos.." sa baul ng lola ko!"
" oh! eto yung pangalawa..libro ni bob ong!"- ako
" hah? eh..san naman to galing?" kita ko sa mukha niya ang pagtataka..
" hinukay ko sa puntod ni Rizal!"- ako
inabot ko sa kanya ang third item
" At eto naman ang Blue Rose!'- ako
" ngek!! eh nilubog mo lang to sa blue dye eh!!" nagsmile siya dahil dun..ang ganda niya talaga.. " Hindi ah!
pinitas ko yan!"- ako
" Sus! wag mo ko biruin! blue rose doesn't exist!"- ako
" And as long as YOU exist...i'll do everything for you..Pinitas ko talaga yan! Sa tuktok na Mayon Volcano!"-
ako
*POKE*
" Aray! Ba't mo ko binatukan??" sakit nun
" yang mga lines mo kasi!! Sakin lahat galing yan eh!! "
" Tama ka!! mga engot mong lines nung nagdedate tayo! kala mo ba nakalimutan ko na?? nagkakamali
ka..dahil lahat..nakatatak dito!" tinuro ko ang heart ko
" Sira!!!"
" one more thing. Wear this." sinuot ko sa kanya ang isang necklace .
" Ki-kwintas?? pangalan ko ang pendant?? san mo to kinuha??"
" yan lang naman ang pangalang matagal nang nakaukit sa puso ko!"- ako
" Corny mo!! sapakin kita dyan eh!!"
" so ano na??"- ako
" hah??"
" Will you be mine? for real??"
" ah eh...."

*DUG..DUG...DUG ..*

kinakabahan ako sa sasabihin niya..
please say yes Justine......





" ahm..Pwede bang itanung ko muna kay Simsimi?? :) "


" Wag na!!! Baliw!!!"


Hinila ko sya at niyakap ko.

sobrang saya ko...

umaapaw....

di ko maipaliwanag...

then I whispered to her ear...



" I LOVE YOU "



_____________________________________________________________________________

May mga bagay sa buhay natin na di mo talaga mapaliwanag..
bigla na lang nararamdaman..
hindi mo alam kung kelan nagsimula..
at kung paano..

lumipas man ang panahon....

hinding hindi ko makakalimutan ang byaheng yun...

ang byaheng nagparamdam sakin nang tinatawag nilang.....


PAG-IBIG ^.^


------------- Tyrone






_______END_________
nagustuhan niyo poh?
Comments and suggestions please.....
If you want me to continue this story poh...
Just say it and votes poh!
thanks!!!! :))

Você também pode gostar