Você está na página 1de 2

ANO ANG ALAMAT?

Ang alamat o legend o folklore sa wikang Ingles ay isang kuwentong maaaring kathang-isip
lamang o may bahid ng katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar,
pangyayari o katawagan. Karaniwan nang nakapaloob sa isang alamat ang kagitingan o
kabayanihan ng ating mga ninuno.

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin
sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito.
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura
ng bayang pinagmulan nito.
3 BAHAGI NG ALAMAT
PANIMULA- Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng
mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng
suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
KATAWAN- Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit
na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring
makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

KONKLUSYON-Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento.
Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa
kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.

ALAMAT NG SAMPAGITA

Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng masarap ng bunga o bulaklak
na marikit, mabango at may kakaibang ganda. Maliban sa isa.

Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati siyang inaapi ng mga
kasamang halaman.

Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na sa ganda, wala pang
bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y
nakakawili."

Kutya naman ng Milegwas, "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong kahali-halina. Amuyin mo ko,
ang sarap ng samyo, ang tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating
inaalay sa kanilang mga Santo."

"Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang mga bulaklak ko, pula, puti
man o dilaw, sikat na panregalo sa mga dalaga. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin
sumasama."
Tawanan ang mga magagandang halaman. Araw-araw, ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi
na makapagtimpi ang kawawang Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala.
"Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang halaman lamang."

Narinig ng Bathala ang tangis ng naaping Sampagita. Awang-awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa
pag-iyak, bibiyayaan kita ng bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka
ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago isinaboy sa humihikbing Sampagita.

Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang
mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa
mga Santa.

Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nangungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal na pambansang
bulaklak ng bayang sinisinta.

Você também pode gostar