Você está na página 1de 2

Acute

Gastroenteritis


Anu nga ba ang Acute
Gastroenteritis?

Ito ay pamamaga ng tiyan at ang small
intestine, at ito ang nagdudulot kung bakit
nagkakaroon ng pag dumi. Ang pamamaga ay
sanhi ng impeksyon mula sa bacteria,
parasites,at mga toxins. Ito ay kalimitang
sakit ng mga bata dahil sa mga nakakain nila
at mahina paang risistensya at sikmura kaya
sila ay madalas kapitan ng impeksyon. Ito ay
nakakamatay na sakit kapag ito ay hindi agad
nalapatan ng lunas. Ayon sa statistics, ito ang
panglima (5) na sakit na kinakamatay ng mga
bata.Ang bacteria na AGE as naninirahan sa
luob ng tiyan at small intestine at doon sila
nagpaparami ng kanilang kakampi hanggang
ito ay dumami at nagdudulot ng sakit.
Sintomas







Pagtatae
Sakit ng tiyan
Pamamaga
Pagkahilo na maaring mayroon o
walang kasamang pagsusuka
Lagnat
Kailangang magpunta agad sa ospital kapag
ang mga sumusunod ay nararanasan:
Dugo sa suka o dumi
Pagsusuka ng higit pa sa 48 oras
Mataas na lagnat
Dehydration
Sanhi
o Kontaminadong pagkain at inumin.
o Paghawak sa mga bagay na
kontaminado at pagkatapos ay ang
paglalagay ng mga kamay o daliri sa
bibig.
o Pagkain ng hilaw o di-lutong karne ng
manok at cross-contamination ng iba
pang mga pagkain.
o Kaugnay sa unpasteurized na gatas o
kontaminadong tubig.
o Maaaring makuha sa ospital.
o Food allergy
Komplikasyon
Dehydration
Kamatayan lalo na para sa mga sanggol
at bata
Lunas
Maghydrate ang
katawan.-ang
pagpapalit ng
likidong nawala
dahil sa
pagsusuka at
pagtatae ay
nagpapahintulot
sa katawan na
mabawi at
malabanan ang impeksiyon.

Oral rehydration therapy gamit ang
balanseng electrolyte solution
Hindi nirirekomenda ang tubig lamang
dahil ito ay maaaring magpalabnaw ng
electrolytes sa katawan at maging sanhi ng
komplikasyon tulad ng seizures dahil sa
mababang sodium content.
Kailangan ang madalas na paunti-unting
pagpapakain o pagpapainom.
Para sa mga sanggol at mga bata,
maaaring bantayan ang fluid sa katawan
sa pamamagitan ng pagbabantay sa dami
ng ihi, laway sa bibig, luha, at pawis sa
kili-kili o singit.
Kung alam ang timbang ng bata, ang
dehydration ay maaaring masukat sa
paghahambing ng timbang.
BRAT diet (banana,
rice, apple, at toast)
Intravenous feeding'
para sa mabilis na
rehydration
Zinc supplement
Probiotics
Antibiotics para sa
impeksyong dulot
ng bacteria at mga
parasitiko
Mahalaga ang
pagpapakunsulta
sa doktor upang
malaman muna
ang sanhi ng
pagtatae.
Pag-iwas
Ang pag-iwas sa gastroenteritis ay
nakasalalay sa pagpigil ng pagkalat ng mga
organismong nakakaimpeksyon.
Kalinisan
Pag-iwas sa direktang kontak sa mga
nahawaan hangga't maaari.
Maingat na maghugas nganumang
kasangkapan bago gamitin sa pagkain o
paghahanda ng pagkain.
Palagian paghugas ng kamay lalo na
bago kumain at pagkatapos ng
anumang ugnayan sa isang nahawaang
tao o mga bagay (damit, kumot, o
laruan) na ginamit ng may-sakit.
Paglalaba at pag-bleach ang mga damit
na sinuot ng nahawaang tao o iyong
nadumihan ng tae.
Tamang pagkain, inumin at preparasyon
Paninigurong malinis at maayos na
inihanda ang nilutong pagkain.
Hindi pagkain ng mga pagkaing hilaw o
kulang sa luto, lalo na kung ito ay
karne.
Hindi pag-inom ng anumang untreated
o unpasteurized fluids lalo na kung ito
ay gatas.
Paninigurong malinis ang iniinom na
tubig

Sa paglalakbay
Pag-iwas sa
lahat ng
hilaw na
pagkain.
Pag-inom
lamang
mula sa
selyadong
nakabote at
gumamit ng
nakaboteng
tubig para
sa
pagsisipilyo at pagmumumog.
Sa panahon ng mga baha at tag-ulan,
mahalagang iwasang dumaan sa baha
nang walang proteksyon sa katawan.
Paghuhugas ng mabuti pagkatapos
dumaan sa lugar na madumi o masukal
na lugar.
Paligo at pagpalit agad ng damit
pagkatapos maglakbay at bago kumain.
Pagpapabakuna lalo na para sa Vibrio
cholerae bago pa maglakbay sa mga
lugar na may panganib ng impeksyon.
Sa mga bata at sanggol
Paglangoy sa malinis na paliguan
lamang.
Pag-iwas sa paglalaro sa tubig-ulan,
tubig-kanal, o baha.
Palagiang pagsusuot ng sapatos o
tsinelas.
Pagpapabakuna ng mga sanggol laban
sa rotavirus.

Você também pode gostar