Você está na página 1de 12

Republic of the Philippines

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY


College of Fishery
Kalamansig Campus
Kalamansig, Sultan Kudarat


PAPEL NA PANANALIKSIK


SANHI AT EPEKTO NG PAMBUBULAS O BULLYING
SA PISIKAL, MENTAL AT BEHAVOIRAL NA
KALAGAYAN NG MGA MAG-AARAL NA
NAKARARANAS SA UNANG TAON NG EAMNHS




Petsa:

Setyembre 09, 2014





Ipinasa ni:



RAYAN L. CASTRO BSED IV-Fil
Mananaliksik




Ipinasa kay:



PROF. YOLANDA C. DAPITAN
Tagapayo

Kabanata I

INTRODUKSIYON

Suliranin at kaligiran

Sa buhay natin ngayon, maraming mga bagay ang hindi natin matukoy o maipaliwanag
kung bakit natin ito ginawa.
Tulad sa mga ito ang mga kaugalian nating hindi natin alam malaman kung saaan ito
nanggaling. Sadyang may mga ugaling masama at mapanakit sa kapwa natin lalo na sa
paaralan na kung saan itoy kadalasang ginagawa ng mga estudyanteng mapang-asar, mapang-
api, siga o may kapangyarihan sa loob ng klase, mapanloko at nambubully.
Bullying is defined as a repeated aggressive behavior, either physical or psychological,
that intentionally cause hurt to the recipient by an individual or a group that is unprovoked by the
victim (Woodhead, Faulkner, & Littleton, 1999).
Ang bullying ay isang uri ng pang-aapi na ang hangarin nito ay sadyang saktan o
manakit sa kapwa tao. Itoy hindi katanggap-tanggap na ugali o asal ng tao sa lipunan.
Nangyayari ito kapag sinubukan ng isang tao o grupo na saktan o kontrolin ang ibang tao sa
isang mapanganib na paraan. Kaya kahit na sino ay pwedeng gumawa o maging biktima nito.
Maging bata man o matanda, amhirap man mayaman.
May ibat ibang uri ng pambubulas at lahat ng ito ay mapanakit. Maaari itong maging
pisikal, berbal, sosyal, extortion, o sa internet na pang-aapi na nakakaapekto sa emosyonal,
mental, at behavioral ng isang indibidwal na biktima nito. Katulad sa mga ito ay ang
pambubugbog o panununtok, pang-aaway o panlalait, pang-aasar, panbabastos, paninirang
puri, pang-uutos, pagpapahiya at panloloko. Minsan ay sa paraan ng pagsabi ng mga
masasakit na salita at pagbabanta.
Kunga kayat napag-isipan ang pag-aaral na ito upang alamin ang bilang o kadahilanan
kung bakit ba ang mmga estudyante sa EAMNHS ay nambubulas at kung ano ba ang nagging
epekto nito sa mga estudyanteng binibiktima nila maging sa pisikal, mental o behavioral man na
epekto.

Pagalalahad ng Suliranin

Layunin ngpananaliksik na ito na makamit ang mga suliraning dapat makamit o
mahanapan ng solusyon o kasagutan. Sa pag-aaral na ito, kinakailangang malaman kung ano
ang sanhi at epekto ng pambubulas sa isang estudyante lalo na sa kanyang pisikal, mental, at
behavioral na kalagayan.

Ang suliranin

Sa pag-aaral na ito masasagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano aba ang motibo at bakit nambubulas ang mga estudyante sa mga kapwa estudyante?
2. sino ang nabiktima o palaging binibiktima ng pambubulas? a. edad b. kasarian c. tribo d.
pisikal na anyo
3. bakit ba binubulas ang mga estudyanteng nabibiktima nito?
4. Ano ang nangyayari sa isang estudyanteng binubully?
5. Saang lugar o pook nangyayari ang pambubully?
6. Sino ang nambubulas o nambubully?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasang-ayon sa maraming kadahilanan at kahalagahan na
nakapaloob sa pag-aaral na ito.
Sa mga mag-aaral na siyang biktima ng pambubully ay maaring magsilbing batayan
upang harapin at magkaroon ng tiwala sa sarili. Itoy magsisilbing gabay nila para maiwasa ang
pagkasira ng kanilang kinabukasan.
Sa mga magulang na ang tanging hangarin ay mapabuti ang kalagayan ng anak sa
paaralan ay maging basihan rin ito upang malaman natin na isa pala sa kamag-anak natin ang
nasasangkot ditto.
Sa mga tagapamahala ng paaralan na syiang tagapagtaguyod para sa kinabukasan ng
mga mag-aarala ay malaking tulong rin ito para sugpuin o bigyan ng solusyon ang ganitong
pangyayari sa loob ng kampus.
Mahalaga rin ito sa mga mag-aaral ng EAMNHS upang malaman nila kung ano ang
magiging bunga nito sa biktima at mapatatak sa isipan ninuman na wlaang magandang
maidudulot nito kundi ang paglihis n gating magandang kinabuksan. Napakahalaga din nito lalo
na sa mga bata o taong nambubully upang malaman nila ang mga dapat gawin. Para
matugunan din ang mga kaya-ayang Gawain para mapa-unlad ang kaaalaman at mapalago rin
an gating paaralan. Ang matiwasay at magandang pakikisama ay isa sa mga kadahilanan ng
pag-unlad.
Sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito ay maaring magsilbing gabay o kaalaman
tungo sa hinharap na pananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa apatnapu (44) na mga mag-aaral ng EAMNHS
na siyang nakararanas ng pambubully sa taong panuruan 2014-2015. Ang pag-aaral na ito ay
tumatalakay sa Sanhi at Epekto ng Pambubulas o bullying sa pisikal, mental at behavioral na
kalagayan ng mga mag-aaral na nasa Unang Taon ng EAMNHS.


Depinisyon ng mga Salita

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga termino o salita para lubos na
maunawaan ang ibig ipahiwatig nito. Kung kayat ang gimit na mga salita o termino ay bibigyan
ng kahulugan.
EAMNHS
-ang paaralang E. Arcao Memorial National High School ang paaralang gagawan ng
pagsusurbey. Ditto nag-aaral ang mga mag-aarala na respondent upang sasagot sa mga
katanungan. Ioty matatagpuan sa Basak, Lebak, Sultan Kudarat
Pambubulas o Bullying
-itoy hindi katanggap-tanggap na ugali o asal ng isang tao sa lipunan.
Pisikal
-isang aspeto ng isang bagay na nararanasan sa paggamit ng isai sa limang pandama
ng tao nang hindi binabago ang kanyang komposisyon kimikal. Ang mga sumusunod ang mga
halimabawa ng pandama ng tao: hipo, lasa, amoy, tingin, o tunog.
Mental
-ito ay tungkol sa kaisipan ng isang tao kung paano siya mag-desisyon o umaksyon na
nakakaayon sa kanyang isip.
Behavioral
-tumutukoy ito sa kaasalan, katangian o karakter ng isang tao sa kanyang kapawa na
magiging sanhi at batayan ng mga kaugalian, mga gawi, wani o kinagawian at kilos na
nagbubunga sa mga paniniwala at pananaw.

Kabanata II
MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pang-aapi ay isang gawa ng paulit-ulit na agresibo sa pag-uugali upang sadyang
saktan ang ibang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay ginagawa upang makakuha ng isang indibidwal
ng kapangyarihan na makakahigit sa iba (Simmons, 2003).
Ayon sa isang Norwegian na mananaliksik na si Dan Olweus, kapag ang isang tao ay
nagmulang mang-aapi, hindi na niya ito pigilan. Gagawin at gagawin parin niya ito kahit anong
pilit mong pigil sa kanya. Magiging parte na ito ng kanyang mga kagawian.
Maaaring maganap ang pambubulas sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay
nakikipag-ugnayan o nakikipagkapwa sa bawat isa. Kabilang ditto ang paaralan, simbahan,
mag-anak, trabaho, tahanan, at pamayanan. Ito ay isang uring pangkaraniwang dahilan ng
pagtulak na nag-uudyok ng migrasyon o kawalan ng tiwala sa sarili.
Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang-aapi ay isang uri ng pang-
aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase: emosyonal, makadiwa o berbal at pisikal. Ang
pang-aapi ay maaaring umiirala sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng mga bansa.
Halimbawa na lamang ditto ang pananakop ng mga dayuhang Kastila sa ating bansa. Sinakop
nila ang Pilipinas sa loob ng 333 daang taon kung kaya sinulat ni Dr. Jose P. Rizal,
pambansang bayani, ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahilan sa mga pang-
aapi at sakit sa lipunan ng mga mamamayang Pilipino sa mga dayuhan. Ang tingin nila sa
Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging alila nila.
May ibat ibang uri ng pambubully at lahat ng ito ay nakakasakit maaari itong sa paraan
ng pagsuntok, pagsipa, at pang-uutos. Minsan ay sa paraan ng pagsasabi ng masasakit na
salita at pagbabanta.
Kapag hindi napigilan at nagpatuloy ang pambubulas, maaaring magkaroon ng hindi
magandang pangyayari tulad ng karahasan. At ang pinakamasamang mangyari ay makapatay
ang biktima tulad ng nangyari sa 13 gulang na bata sa Quezon City na nakapatay sa
nagbubulas sa kanya. Isa pang maaaring epekto nito ay ang pagsira ng ulo at pagpapakamatay
ng biktima dakhil sa sobrang takot o depresyon na nagyayari madalas sa bansang Amerika at
Japan.
Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa paksang ito at isa na rito ay sina (Crick &
Grotpeter, 1995; Espelage & Swearer, 2003; Olwues, 1993). Ayon sa kanila maraming
nananakit o nang-aapi na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito bay nakbubuti o hindi; ang
pang-aapi ay nagiging daan upang umabot sap unto na magpapakamatay ang taong inaapi; at
mas maraming lalaki kaysa babae ang nadidisgrasya o nauuuwi sa pisikal na sitwasyon.
Ang epekto ng bullying sa biktima ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal
at mental o emosyonal ng tao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na nakakaapekto
sa pag-aaral nito (Bond at al., 2008; Espelage & Swearer, 2003; Olweus, 1993; Stockdale et al.,
2002).
Ayon sa artikulong ginagawa nina Susan P. Limber at Maury M, Nation, may mga
nagdaang pananaliksik na naisasagawa sa United States at pati narin sa ibang bansa na
nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaring porma ng karahasan para sa
mga kabataan. Hindi lamang ang mga naaapi ang naaapektuhan ng pang-aapi kundi patinarin
ang klima sa loob ng paaaralan at hindi man direkta ngunti maaaring maaapektuhan ang
abilidad ng isang estudyante na matutuo hanggang sa kanilang pinakamahusay na abilidad.
Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at Sweden, kasama ang iba pang
mananakilsik sa Australia, Canada, England, Ireland at Us ay nagsimulang galugurin ang likas
na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi sa mga paaralan ng kabataan. Sabi nila, ang
kaso ng pang-aapi ay dapat bigyan ng kaukulang atensyon mula sa mga guro, magulang at
mga kabataan para maiwasan ang ganitong karahasan sa dalawang dahilan. Una, ang
paglaganap ng kaso ng pang-aapi at ang pinsala na naidulot nito ay lubhang isinasawalang
bahala ng mga kabataan at ng mga matatanda. Pangalawa, ang pang-aapi ay hindi lang
humahantong sa parehong pangyayari gaya ng away, at gulo, pwede rin itong humantong sa
pagkagulo sa kaisipan ng tao.
Kung kaya itoy hindi dapat ituring na bahagi lamang ng paglaki o away-bata dahil ito
ang magigingn ugat ng di pagkakaunawaan ng mga kbataan o magulang. Dapat itong bigyang
atensyon ninuman upang hindi mapamarisan at maiwasang makagawa ng mga bagay na
maging dahilan ng karahasan.


Balangkas na Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng Malaya at Di-malayang Baryabol na kung saan ang
malayang baryabol ay tumutukoy sa Sanhi at Epekto ng Pambubulas o Bullying. Samantala
ang Di-malayang Baryabol naman ay tumutukoy sa Pisikal, Mental at Behavioral na Kalagayan.

Layunin nito na maipakita ang Sanhi at Epekto ng Pambubulas o Bullying sa Pisikal,
Mental at Behavioral na kalagayan ng mga mag-aaral ng Unang Taon ng EAMNHS.

Konseptwal na Paradaym




Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol









Fg. 1 isinasad sa Iskematic diagram na ito na ang mga nakapaloob sa Malaya at di-malayang
baryabol.



Sanhi at Epekto ng Pambubulas o
Bullying


Pisikal, Mental at Behavioral
Kabanata III
METODOLOHIYA

Você também pode gostar