Você está na página 1de 1

Ang Alamat ng Iba

Sa pag-usbong ng lalawigan, ang mga paring Kastila ay nagkaroon ng pag-aagawan sa


pamamahala ng Playa Honda. Taong 1679 ng ibigay ang recollect sa mga Dominican ang
pangangasiwa ng Playa Honda. Ang mga paring Dominican ay pinamumunuan ni Fray Domingo
Perez, na nagpasyang lumipat mula sa Bolinao Patungong Paynauen.
inagpatuloy ng mga Paring Dominican ang pagbuo ng iba pang paroquia. Sa pagkilos
ng mga Kastila, isa sa kanila ang nagtanong kung ano ang pangalan ng kanilang lugar at dahil sa
pagkakaiba ng wika, ang katutubo na kumakain ng prutas sa iba o balimbing, ay sumagot ng
ibaibaibamula noon tinawag ng mga Kastila ang pmayanan ng IBA.
Itinalaga ng mga Paring Dominican ang Iba bilang capital ng Playa Honda kasabay ng
paglipat ng mga pamilya mula sa Bolinao. Bilang capital, ang mga pangunahing gusali ay itinayo
sa Iba tulad ng plaza, tribunal at carcel provincial.
Iniwan din ng mga Paring Dominican ang lalawigan noong 1712, pero hindi tumigil ang
mga katutubong Zambal sa pag-aklas kahit na inalok ng mga gamit pagsasaka ang mga katutubo.
At muling inilipat ang mga recollect ang pamamahala ng Iba sa mga Dominican noong 1860.
Nagbigay ng mga kaluwagan sa pamamahala ang mga Kastila sa panahon ni Gov. Gen.
Maria dela Torre at inalok na bumalik sa kapatagan ang mga tumakbo sa kabundukan. Subalit
ang pumalt na si Gov. Gen. Rafael Isquierdo ay naghigpit at pinutol ang mga kaluwagang
ipinairal.

Você também pode gostar