Você está na página 1de 2

ANAK NG BAGONG BAYANI

(isang monologo)

-ni Joel Costa Malabanan

Magandang araw po sa inyo, tuloy po kayo,
opo, tuloy po kayo dito nga po ako nakatirasa
bagong bahay na ito. Ipinagawa po ito ni
daddy
mula sa perang ipinadala ni
mommy
.Siyanga po pala, ang
mommy
ko ay bagong bayani, yun po ang sabi sa TV at
turosa
school
ni
Miss Rizza
. Bagong bayani daw po ang tawag sa mga
nagtatarabaho saibang bansa tulad ni
mommy
. Si mommy po ay nasa Taiwan, dalawang taon
na siyangnagtatrabaho. Sandali lang po, ayan
na si
daddy
, baka po magalit na naman, saglit
lang po!Sino na naman ang kausap mo?Wala
po, umalis na poSinabi ko na sa iyo na huwag
kang makikipag-usap sa iba pag wala ako!Di
ka marunong sumunod, Um!
Daddy
, wag po, aray ko po, huwag po,
Daddy
, tama na po!!!Alam ninyo, laging ganyan si
daddy
, mula nang umalis si
mommy
ay naging masungit naat sinasaktan ako.
Binabatukan niya ako lalo pag lasing siya. Saka
bakit ganun? Laginiyang isinasama dito yung
babae na Anna ang pangalan, sabi niya ay
yun daw ang bago kong
mommy
, pero may
mommy
naman ako na nasa Taiwan. Kung alamlang
sana ni
mommy
ang ginagawa ni
daddy
. Naku, saglit lang, dumating na namansi
daddy
, kasama yung babaeng Anna ang
pangalan!Ano naman ang ginagawa mo
diyan? Di ba sabi ko sa iyo na pag dumating

kami ng tita Anna mo ay doon ka lang sa
kwarto mo? Um!
Daddy
, tama na po!
Honey
, bakit ba hindi mo pa iwan sa lola niya
ang batang iyan? Ayaw ko nang makitayan
dito!Hayaan mo at sa isang Linggo ay iuuwi ko
na iyan sa Laguna
Daddy
, huwag po ninyo akong iuwi sa Laguna, paano
po ang pag-aaral ko sa SaintVincent?Titigil ka
na sa pag-aaral, hindi na kita kayang pag-
aralin! Madami kang gastos, mahalang
matrikula, sobra na. Natututo ka pang
mangatwiran sa akin?Iyan ba ang natututunan
mo sa
school?
Saka abala ka lang sa akin!Pero nagpapadala
naman ng pera palagi si
mommy
!Sumasagot ka na sa akin ha, um! Um!Aray ko
po,
daddy,
huwag po huwag po!Alam ninyo, lagi niya
akong sinasaktan. Bakit kaya hindi ako mahal
ni
Daddy
? Totookaya yung sabi niya na hindi niya ako
tunay na anak? Na buntis na si
mommy
nang pakasalan niya? Pinikot lang daw
siya. Kung alam lang sana ni
mommy
ang ginagawani
daddy
. Inuubos niya ang perang pinaghirapan ni
mommy sa Taiwan. Sana umuwi nasi
mommy
. Sana bumalik na siya.

Você também pode gostar