Sa panimula palamang ng likha ni Gng. Fernando N. Zialcita ay marami nang mga
argumento at tanong na ibinigay na ukol sa mga bagay upang mabigyang linaw ang mga usapin tungkol sa pagiging Asyano, hindi lamang ng bansang Pilipinas kung di ay kasama narin ang iba pang bansa na bahagi ng kontinenteng Asya .
Isa sa mga batayan na ginamit niya sa diskusyong ito at para na rin maipagkumpara ang mga usapin sa pagkakaiba-iba, pati na rin ang pagkakapareparehas ng bawat bansa ay ang mga orihinal na sangkap at lutuin na karaniwang ginagamit sa bawat bansa. Nabanggit nya rin na may mga nagsasabing maraming kaiba sa kapwa Asyanong bansa tulad ng kasuotan, musika, arkitektura, literatura, sangkap at lutin sa Pilipinas dahil sa impluwensya na dinala ng mga Espaol sa panahon ng kanilang pananakop. Dagdag pa rito na hindi raw matatawag na tunay na Asyano ang bansang Pilipinas. Ngunit ito ay sinalungatan ni Zialcita, sinabi nyang hindi dapat ikahiya ng Pilipino kung hindi sila tinatawag na tunay na Asyano at kung tawagin man tayong mga taga-kanluran. Sapagkat doon naman ay nagkakaroon ng bahagya o dahandahang pagkakasundo ng kultura kahit paano at dahil rin mayaman ang kulturang Pilipino na dapat ipagmalaki. Kasama sa mga usaping tinalakay ni Zialcita ay ang ang sinabi ni Edward Said na Orientalism; ang ibig sabihin ay ang mga katangian at ugali na nagbubuklod sa mga Asyano. Ngunit para kay Zialcita ay masmaayong gamitin ang terminong Continentalism na pumapatungkol sa mga napagkasunduan na pumapabor sa mga bansa na bahagi ng iisang kontinente.
Tinalakay din ni Zialcita ang tungkol sa pagkakaiba ng Asya at Kanluran. Nagkaroon siya ng pagkukumpara sa dalawa, halimbawa nalang ay ang ibat-ibang paniniwala tulad ng Buddhism, Christianity, Hinduism, Confucianism, Brahmanism at Islam. Sa usaping pagkain naman ay maaring ang mga Brahmans at Buddhist ay hindi kumakain ng anu mang galing sa mga hayop (karne, gatas, atbp.) samantalang sa mga Muslim naman ay karne ng baboy ang ipinagbabawal na salungat sa mga Kristyano na walang pagkaing ipinagbabawal.
Gamit ang ilan sa mga akda ng iba pang mga historyador at anthropologist ipinaliwanag ng mabuti ni Zialcita na kung ang pagbabatayan ay ang mga usapin sa heograpiya, lahi, lengwahe o wika at kultura, ay walang maituturing na Asya. Ito ay sapagkat sadyang magkakaiba ang mga likas na katangian at paniniwala ng bawat bansa sa kontinenteng Asya. Ngunit para sa akin may isang bagay akong naalala, napansin ko na ang mga Asyano ay kumakain ng kanin. Ang kanin ay isa sa mga pangunahing kinakain ng halos lahat ng mga tao sa isang bansang bahagi ng Asya.