Você está na página 1de 27

Maria Rosario L.

Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
LESSON 1 (handout 1)

Pagbasa sa Ibat ibang Disiplina


Proseso ng pagbasa
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita.
Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang
kinilalang Ama ng Pagbasa: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon,
at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan,
2002).
Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at
kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan,
pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng
mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming
kasanayan ang nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang
pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang
layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa,
nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating
kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Prosesong Sikolohikal
Bawat tao ay may kani-kaniyang interpretasyon sa kanilang mundong ginagalawan
at ito ay nakabatay sa sarili nilang pag-iisip at mga karanasan.
Interaktibong Proseso
Teoryang Bottom Up Teoryang Top Down
Teoryang Interaktiv
TEORYANG BOTTOM UP
Tradisyunal na pananaw sa pagbasa
Impluwensya ng teoryang behaviorist

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
TEORYANG BOTTOM UP
Komprehensyon ng Teksto Pagbasa sa Kabuuan ng Teksto Pagbasa sa mga Talata
Pagbasa sa mga Pangungusap Pagbasa sa mga Salita Pagbasa ng mga Letra
TEORYANG BOTTOM UP (nababatay sa teksto)
Ang taong sumasang-ayon sa pananaw ng bottom up ay naniniwala na ang pagbasa
ay ang pagkilala ng mga salita, ang teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa
~Badayos (1999)
TEORYANG BOTTOM UP (nababatay sa teksto)
Ang pag-unawa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga letra patungo sa pagbasa sa
mga salita, pangungusap at talata hanggang sa kabuuan ng teksto upang
magkaroon ng komprehensyon.
TEORYANG TOP DOWN
Mga Kaalaman at Karanasan
Mga Layunin sa Pagbasa
Komprehensiyon ng Teksto
TEORYANG TOP DOWN (nababatay sa mambabasa)
Ang gawaing pagbasa ay nagsisimula sa mambabasa na bumubuo ng mga
haypoteses o prediksyon hinggil sa materyal, gamit ang mga visual clues na nasa
materyal upang malaman kung ang mga ito ay kailangan
(Walberg, Hare, at Pulliam)

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
(tatlong impormasyon~Badayos 1999) Impormasyong Semantika - Ito ang
pagpapakahulugan sa mga salita at pangungusap Impormasyong Sintaktik - Ito ay
tungkol sa pagkakaayos o kayarian ng wika Impormasyong Grapho-phonic - Ito ay
tungkol sa ugnayan ng mga letra (grapheme) at mga tunog (phonemes) ng wika
kasama rito ang impormasyon tungkol sa pagbaybay na naghuhudyat ng kahulugan
TEORYANG TOP DOWN
Si Liza, BYA, maganda, may-kaya sa buhay, mabait at talaga namang kinagigiliwan sa
Pamantasan ng AUF. Samantalang si Ruperto, pangulo ng Student Council, bukod sa
BYA ay siya pang palaging nagrerepresent sa pamantasan sa ibat ibang
kompetensyong halos palagi naman niyang napagwawagian, gwapo, matangkad,
hindi lamang may-kaya kung hindi sadyang kabilang sa isa sa mga pamilyang kilala
sa Angeles, napakabuti at sadyang mapagkumbaba. Kung bakit ba naman sa dinamidami ng magkakatagpo ay para namang masyadong nagkaroon ng pagkiling ang
Amang lumikha na ang dalawang ito ay pagtagpuinnaging magkaibigan at di
naglaon ay nag-ibigan nang lubusan.
TEORYANG INTERAKTIV
Mga Kaalaman at Karanasan Mga Layunin sa Pagbasa Komprehensyon ng Teksto
Pagbasa sa Kabuuan ng Teksto
Pagbasa sa mga Talata
Pagbasa sa mga Pangungusap
Pagbasa sa mga Salita
Pagbasa ng mga Letra
TEORYANG INTERAKTIV Higit na angkop ang kumbinasyon ng BU at TD

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Ang interaksyon ay may dalawang direksyon (bi-directional)


Isang pagbibigay-diin sa pagunawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang
produkto
Elemento ng metakognitib na Pagbasa
Bago Magbasa
Habang Nagbabasa
Pagkatapos Magbasa
Ano ang ibig Anotasyon sabihin ng Pagsasalunggu pamagat? Pagtatanon Pagbabalangkgas
Buod, evalwasyon , muling pagbuo
Bawat Teksto ay may natatanging katangian na maaaring natutulad o naiiiba sa ibang
teksto.
BAKIT ?
Sangay ng siyensyang tumalatakay sa mga paksang may kaugnayan sa mga institusyon,
gawain ng lipunan at may ugnayang personal ng bawat nilalang bilang bahagi ng
komunidad. Saklaw din ang relasyon o kaugnayan ng ibat ibang grupong etniko, buhay
pampamilya, kahirapan, sulitanin sa populasyon at paggawa, reporma sa lupa
Ekonomiks
Pulitika
Sikolohiya
Sosyolohiya Sibilisasyon Antropolohiya Kasaysayan

Pagbasa sa tekstong Akademik at Propesyonal

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Itoy nangangailangan ng masusuing pag-aaral sapagkat may ginagamit na


natatanging wika sa ibat ibang disiplina .

Itoy may sariling rejister ng wika


Mga pinagkuhanang Reference:
http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-ang-

proseso-mga-teorya-at.html
http://www.answers.com/Q/Prosesong_sikolohikal_ng_pagbasa
https://www.scribd.com/archive/plans

Lesson 2 (HANDOUT 2)

Katangian ng Teksto at Register ng Ilang


Disiplina
1. Mga Tekstong Pang-Akademik at Propesyonal

Tekstong Akademiko
Ang tekstong akademiko ang tawag sa mga tekstong ginagamit sa pag-aaral ng
humanidades, agham panlipunan at agham pisikal. Taglay nito ang mga
terminolohiya, uri ng diskurso o pahayag, nilalaman ng teksto at ang mga
konseptong inilalahad. Ang tekstong akademiko ay may katangiang hindi tiyak
sapagkat nakabatay ito sa katanggapan ng mga kasapi ng lipunang akademiko.
Tekstong Propesyunal o Pandalubhasaan

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
Ang tekstong propesyonal o pandalubhasaan ay nagsasaad ng talakay ukol sa
natatanging paksa at may kaugnayan sa propesyon ng manunulat. Naglalaman ito
ng batayang teorya at mga datos bilang ebidensya ng talakay, maging ang mga
bagong tuklas na datos na may kinalaman sa gawain ng manunulat. Masusing
pananaliksik at mahusay na pagpili ng salitang gagamitin ang kailangan dito. Ang
tekstong propesyonal ay yaong mga teksto na nagdaan sa mabalasik na
pareresirts at ito ay para sa mga taong ang gustong pag aralan ay yaong mga
bagay na makakatulong upang maging malawak ang kanilang kaalaman gaya ng
mga abogasya at medisina dahil ito ay nakakatulong upang kanilang malaman
ang mga bagay na mga patunay o pinatutunayan ng mga akda. Halimbawa, ang
isang tao ay nakapagtapos ng Ph.D. at gumawa ng isang tesis batay kanyang
riserts tungkol sa makabagong pamamaraan ng pag-oopera ng pasyente.

2. Mga Tekstong Ekspositori


Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng
mga kaalaman hinggil sa anumang paksang pasaklaw ng kaalaman ng tao. Ito rin ay
nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng
mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.
Katangian ng isang Manunulat ng Tekstong Ekspositori
1. Obhetibong pagtatalakay sa paksa
2. Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto.
3. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya.
4. Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
Mga Hulwaran ng Tekstong Ekspositori
a. Depinisyon- pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang di-pamilyar na termino o
mga salitang bago sa pandinig.
b. Pag-iisa-isa o Enumerasyon- ito ay nauuri sa dalawa: simple at komplikadong
pag-iisa-isa na kung saan ay tinatalakay ang pangunahing paksa at pagtatalakay o
parang patalata.
c. Pagsusunod-sunod o Order- isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong
ekpositori. Ang paraang ito ay pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
paksa upang higit na maunawaan ng mga mambabasa.
d. Paghahambing o Pagkontrast- ito ay isang teksti na nagbibigay diin sa
pagkakatulad ar pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan, o ideya ng
isang pangyayari.
e. Problema o Solusyon- pagtalakay naman ito sa isa o ilang suliranin at paglalapat
ng kalutasan ang pukos ng hulwarang ito.
f. Sanhi at Bunga- ito ay tumatalakay sa mga kadahilanan ng isang bagay o
pangyayari at ang mga epekto.

Mga hulwaran ng Oraganisasyong Teksto


-ito ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil
sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao.
May sapat na kasanayan sa pagsusuri ng kapaligirang ginagalawan. Kailangan
marunong magsuri o mag-analis. Kailangan niyang maging kritikal sa kanyang
lipunan. Katangian ng isang manunulat ng tekstong ekspositori:
Ang mga hulwaran at organisasyon ng tekstong ekspositori:
1. Depinisyon

Maria Rosario L. Hilario


BSRT-1
2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon
3. Pagsusunod-sunod
4. Paghahambing at Pagkokontrast
5. Problema at Solusyon
6. Sanhi at Bunga
a. Obhetibong
pagtalakay sa paksa
b. Sapat na mga kaalamang
inilalahad sa teksto,
c. Malinaw na pagkakahanay
ng mga kaisipan o ideya, at
d. Analitik na pagsusuri
ng mga kaisipan.
Pag-iisa-isa o Enumerasyon
enumerasyon o
pag-iisa-isa

2 URI NG ENUMERASYON:
SIMPLEpagtalakay sa pangunahing paksa
KOMPLIKADOpagtatalakay sa pamaraang patalata

Pagsusunod-sunod o Order

(Unang Markahan/Pre Lim.)

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
2 URI:
1. Sikwensyal-Kronolohikal
a. Sikwensyal
- kinapapalooban ng serye
b. Kronolohikalang paksa nito ay mga tao o ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan
batay sa isang tiyak na baryabol
2. Prosidyuralito ay tungkol sa isang serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta
Paghahambing at Pagkokontrast
-ay isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit
pang tao, bagay kaisipan o ideya at maging ng pangyayari.
2 HULWARAN
:
1. Halinhinan (alternating)
- pagtalakay sa katangian
2. Isahan (block)
- magkasunod nag pagtataya sa katangian ng dalawang paksang pinaghahambing
at kinokontrast
Problema at Solusyon
Sanhi at Bunga
Sa hulawarang ito, tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at
ang mga epekto nito.
HALIMBAWA:
A. simpleng pag-iisa-isa
Ang apat na makrong kassanayan:
-Pakikinig

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
-Pagsasalita
-Pagbasa
-Pagsulat
B. Komplikadong Pag-iisa-isa
Mga pinagkuhanang Reference:
http://www.slideshare.net/IssaGo/pagbasa-35032918
https://prezi.com/e1k5u9blojup/pagbasa-at-pagsulat-sa-ibat-ibang-disiplina/
http://jaysonbsed1bfilipino.blogspot.com/2012/03/tekstong-ekspositori.html

Lesson 3 (handout 3)

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa


Pagtukoy sa Pangunahing Paksa
Pagtukoy sa Paksa (tungkol saan)
Mag-usisa habang nagbabasa
Detalye- ibig pahayag
Talata- naglalahad ng pangunahing ideya Pasaklaw na Talata
Paksang Pangungusap

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
Sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya -ito ang batayan ng
mga detalyeng inilalahad sa isang teksto -kadalasay makikita sa unang talata
(implayd) at huling talata (konklusyon) ng tekstongekspositori
Suportang Ideya -mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may
kaugnayan sa paksangpangungusap -tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw
sa paksang pangungusap -ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung
ano ang layunin ng teksto,

PANGUNAHING IDEYA PABUOD NA TALATA


Pangunahing Ideya Pagtukoy sa Mahahalagang Detalye
-mahalagang matukoy ang mga detalyeng sumusuporta sa puntong nais ipahayag
ng awtor Istratehiyang magagamit upang matukoy ang mga mahahalagang detalye
na sumusuporta sa punto ng awtor Tukuyin kung paano nagkaka-ugnay ang mga
detalyeng ito sa pangunahing ideya
Tukuyin kung ito ba ay sumusuporta sa pangunahing ideya o ito ay isang palamuti
lamang Aproksimasyon ng mga Detalyeng may kaugnayan sa Bilang - may ilang
talata na nilalahukan ng mga detalyeng may kaugnayan sa bilang- inilalahad ito
upang suportahan ang pangunahing ideya
-ang pagtatantiya o aproksimasyon ng mga detalye ay isang istratehiyang ginagamit
dito Mga Dapat Gawin sa Malalimang Pag-unawa - Higitan ang inilalahad na teksto
- Suriin ang pagkakaugnayan
- Makabuo ng sariling pagkukuro Paghahambing Pagkukumpara sa mga aytem
Pag-alam sa pagkakatulad at pagkakaiba Mga Istratehiya - Pagtukoy sa mahalagang
katangian

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
- Alamin ang pagkakatulad
- Alamin ang pagkakaiba Mga Istratehiya - Anong iminumungkahi ng
awtor?
- Anong nabasa mo?
- Anong nais ipahayag? Paggawa ng Konklusyon paglinang ng konklusyon sa binasa
batay sa mga hinuha at paghahambing
pagkuha sa pagkakahulugan ng mga bagay Istratehiya - Anong pangkalahatang
ideya ang mabubuo ko? Mga istratehiya - sang-ayon ba ako o hindi? Bakit?
- Totoo, mabuti o makatarungan ba ang inilarawang kilos?
- Wasto ba ang impormasyong inilahad?
-Maayos ba at organisado ang mga talata? Writer's Guide and Index to English 1.
Depelopment ng mga ideya
2. Kalidad ng Tunog
3. Elementong Biswal
4. Mga Pangungusap
5. Mga Salita
6. Imahen
7. Tayutay
8. Alusyong Literari E. Tono at Mood Ang tono ay ang paraan ng manunulat upang
iparamdam ang kanyang nadarama samantalang ang mood ay ang damdaming
ipinadarama.

Pagtukoy sa Layunin ng Teksto


Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa
kanyang mambabasa.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
Makikita ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa
nito.Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto
Damdamin ng Teksto tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng
mambabasa sa binasang teksto, maaaring saya/tuwa, lungkot, takot, galit,
pagkabahala at iba pa
Tono ng Teksto tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang
tinatalakay, maaaring masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa
Pananaw ng Teksto tumutukoy sa punto de bistang ginamit ng awtor sa teksto,
1. unang panauhan ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin
2. ikalawang panauhan ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo
3. ikatlong panauhan siya, niya, kanya, sila, nila at kanila

Pagkilala sa Mahalaga at Di-Mahalagang Impornasyon


Sa mga itinakdang gawaing pagbabasa, pinipili ninyo agad ang ideyang may
kaugnay lamang sa itinakdang paksa. Nanguguhulugan ito na marunong kayong
magtukoy at maghiwalay sa mga mahalagang detalye sa di, mahalaga, kaya hindi na
ninyo isinasama pa sa talata ang mga hindi mahalaga. Halimbawa: a. Ang lahat na
barangay na sakop ng Lambunao, Iloilo ay bibigyanng botika sa barangay. Ang
Gines ay isang
barangay sa Lambunao, Iloilo. Sumakatuwid, ang Gines ay bibigyan ng botika sa
barangay.
b. Ang lahay ay kasapi ng samahan ng Filipino Medyor. Si
Carlo ay hindi kasapi ng samahan. Sumakatuwid, si Carlo
ay hindi Filipino Medyor. Balido ba? - Negatibo ang premis
ng silohismo, kaya dapat negatibo rin ang kongklusyon.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Paghihinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari


Paghihinuha at paghuhula
- prediksyon sa mangyayari gamit ang mga impormasyon at mga pangyayari
- mga clues (himaton) o tanda,bakas,palatandaan.
- madalas ginagamit ito sa kwento at nobela. Paghihinuha at paghula sa kalalabasan
ng pangyayari Ang paghihinuha (inferring) ay magagawa lamang ng mambabasa
kung tunay na nauunawaan niya ang kanyang binabasang artikulo o seleksyon.
Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na hindi tuwirang
sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon.
Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti, at buhat
dito ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging
pag-unawa nya sa nabasa. Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula.
Kadalasan, nagaganap ang paghuhula kung ang naging wakas ng akdang binabasa
ay nakabitin.
Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang mangyayari o posibleng nangyari sa akda
sa pamamagitan ng mga pahiwatig at implikasyong ginamit sa paghihinuha
Hindi makagagawa ng paghihinuha at paghuhula ang mambabasa kung hindi ganap
ang naging pag-unawa niya sa binasang akda.
Sa makatuwid tatak ng pagkaunawa sa bumabasa ang kakayahang gumawa ng
paghihinuha (inferring) at paghuhula (predicting) sa hinihingi ng binabasang akda.
Nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat sa teksto. Ito ay di niya direktang

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
ipinahahayag bagama't may mga implayd na kahulugan sa pagitan ng mga salita,
pangungusap at talataan. Hindi ito dinidisklos ng manunulat at hinahayaang ang
mambabasa ang kusang makadiskubre hanggang sa tuluyang makapaghinuha o
makapanghula sa kalalabasan ng pangyayari.
May mga artikulo, salaysay, mensahe, kwetnro at iba pang kaugnay na uri na bitin at
sa palagay ng mambabasa ay hindi "buo" o "ganap" ang pagkakasulat, kaya
hinuhulaan ang maaaring kalabasan. Sa ganitong paraan ay nakapagpapalawak,
nakapag-iisip ang mambabasa at nakapagsasanay sa pagbibigay ng kongklusyon sa
pangyayari. HALIMBAWA NG PAGHIHINUHA AY:
- Baka
- Tila
- Wari
- Marahil
- Siguro
Halimbawa sa Pangungusap:
- Marahil totoo ang kanyang sinasabi.
- Si Maria ay tila maglalaba mamaya.
- Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Mga pinagkuhanang Reference:


https://prezi.com/h5spcbfbguvs/kasanayan-sa-pagbasa-at-pagsulat/
http://www.slideshare.net/ex_lanz/mga-kasanayan-sa-akademikong-pagbasa
https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ngpangyayari/

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Lesson 4 (Handout4)

Mga Kasanayan sa Akademikong


Pagbasa
Pagbibigay Konklusyon
Ang PAGLALAGOM (Synthesizing) o pagsasama-sama ay nag pagbubuod ng akda
pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng
akda.ang pagkuha ng magkakatulad na ideya hango sa ibat ibang sanggunian at
pagsasama-sama ng mga ideyang ito nang may kaisahan at kaayusan sa anyong pasalita o
pasulat. Ito ay nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng anumang uri ng sulatin sa
pinakapayak na pananalita. Hindi lamang ito pinaigsing pahayag ng isang mahabang
salaysay kundi isang maikling kabuuan na masasabing isa ng sulatin. Ito rin ay ag
pagsasama sama ng impormasyon o mga ideyang nanggaling sa iba't ibang pananaliksik.
Ang KONKLUSYON ay ang posibleng kahantungan o implikasyon ng isang pangyayari
sangkot ang pagkilatis at maingat na pagsusuri sa mga element o mga gawaing kaugnay ng
pangyayari. Ito rin ay ang paggawa ng lohikal o makatuwirang pahayag mula sa
impormasyong nakuha sa akda. Ito ay maaring:
direkta o di-direktang ipinahahayag ng awtor o
direktang nabuo sa akda.
SAMAKATUWID Ang LAGOM ay ang pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso batay
sa binasang teksto taglay ang pinakadiwa ng binasa samantala ang KONKLUSYON ay
tumutukoy sa mga implikasyong hinango sa binasa o kaya ang mga bagay na napatunayan.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
Kahalagahan ng pagbuo ng Lagom at Konklusyon Ang lagom ay kailangan sa isang
pananaliksik o pag aaral upang mapagsama-sama ang mga nakalap na impormasyon mula
sa mga tao batay sa isang serbey o mula sa iba't ibang sanggunian. ito ay mahalaga at
hindi maaaring ihiwalay sa pag aaral sapagkat kung wala ito, hindi mapag iisa ang mga
paksa na magdudulot ng kalituhan para sa mga mambabasa. Higit na mauunawaan ng
mambabasa ang kabuuan ng paksa at magagamit rin ito ng iba pang mananaliksik na may
katulad na paksa.
Ang LAGOM ay kailangan sa isang pananaliksik o pag aaral upang mapagsama-sama ang
mga nakalap na impormasyon mula sa mga tao batay sa isang serbey o mula sa iba't ibang
sanggunian. ito ay mahalaga at hindi maaaring ihiwalay sa pag aaral sapagkat kung wala ito,
hindi mapag iisa ang mga paksa na magdudulot ng kalituhan para sa mga mambabasa.
Higit na mauunawaan ng mambabasa ang kabuuan ng paksa at magagamit rin ito ng iba
pang mananaliksik na may katulad na paksa.

Ang pagbibigay ng KONKLUSYON ay nakabatay sa lagom na nabuo. mula sa lagom, ang


mananaliksik ay magbibigay ng pahayag o kanyang ideya sa mga nakalap na datos o
nabasang akda, upang magkaroon ng dyeneralisasyon. Maaari ring magbigay ng saloobin
na magiging solusyon sa problema sa paksa. Ang mga kasanayang ito ay nagsisiwalat ng
punong ideya ng binasa, ito ang isa sa mga kasanayan sa akademikong pagbasa na
makakatulong sa pagaaral at pagiintindi ng mga leksyon o basahin. Nakakatulong ito upang
maalala ang mga importanteng impormasyon.
Mga halimbawa ng Lagom at Konklusyon " Isang halimbawa ay ang storya ng "The
Tempest" ni Shakespeare, ito ay isang magandang storya tungkol sa magamang Prospero at
Miranda.
LAGOM :
Isang malakas sa salamangkero si Prospero , nakatira siya sa isang malayong isla kasama
ang kanyang anak na si Miranda. Isang gabi may barkong lumubog malapit sa kanilang isla ,

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
at napunta ang mga pasahero nito sa kanilang isla, Isang prinsepe kasama ang kanyang
mga katulong , napaibig ang prinsepe sa anak ni Prospero. Isang halimaw ang naging alipin
ni Prospero at nilinlang ang mga katulong sa balak na makaganti sa kanyang
amo.Napagalaman ni Prospero na kaaway pala niya ang ama ng prinsepe , sa huli di
nagwagi ang halimaw at pumayag ang salamangkero sa pagibig ng dalawa.
KONKLUSYON:
Matutong magpatawad sa mga taong nagkasala sa iyo
Masama ang maghiganti dahil wala itong nabubungang maganda
Matutong magparaya upang mapanatili ang kapayapaan
Kung mababasa ng mas masinsinan ang kwento marami pang konklusyon ang makikita.
Maganda ang kwento at pwedeng pagpulutan ng aral :) " & Ang pagbuo ng lagom at
konklusyon ay ginagamit din sa pananaliksik. Ang sumusunod ay mga nabuong lagom at
konklusyon sa pananaliksik papel ni Gng. Zendel M. Taruc na pinamagatang "IBAT IBANG
PAMAMARAAN NG PAGKONTROL NG PAGKAHAPO NG MGA MAG-AARAL SA UNANG
TAON NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS SA KOLEHIYO NG NARSING" Lagom: Sa mga
respondente, marami ang nagsasabing epektibo ang kanilang mga gawain sa pagbawas na
kanilang hapo (82%) habang ang iba naman ay nagsasabing hindi (15%). Kaunti lamang ang
nagsabing medyo epektibo lamang ang kanilang napiling gawain (3%).
Konklusyon: Mula sa pag-aaral, mapapansin na lahat ng mga mag-aaral ay nakakadama ng
pagkahapo. Ang mga estudyante ay nakakaranas ng problema lalung-lalo na sa aspeto ng
akademiks. Dahilan dito ang sabay-sabay na pangangailangan ng bawat sabjek at ang
kinakatakutan na cut-off. Mangilan-ilan lamang ang nakararanas ng pagkahapo sa
extracurricular activities.

Upang maibsan ang nararamdaman na pagkahapo, dapat ay maghanap ng makabuluhang


pampalipas oras. Maaring gumaan ang pakiramdam ng taong hapo at bumalik ito sa dating
sigla. Maiaalis din sa isipan ang mga problema.

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

Lahat ng tao ay makararanas ng pagkahapo. Maaring ibat iba ang sanhi nito. Ngunit dapat
tayong matuto kung ano ang mga bagay na dapat bigyang pansin at magkaron ng
mabisang pamamahala ng oras. Huwag natin hayaan na tayo ay laging nakakaranas ng
pagkahapo sapagkat kapag ito ay lumala maaring maapektuhan ang ating kalusugan.

Pagtukoy sa Layunin ng Teksto


Katulad ng pagkilatis sa katotohanan, valid lamang ang pahayag kung ito ay kumuha ng
iyong pag-sang-ayon dahil ito ay resulta ng mga pananaliksik, mga nakatala sa dokumento,
mula sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa at mga mananaliksik. Ang skil o kasanayan sa
pagsusuri o pagtataya kung valid o hindi ang mga ideya at pananaw sa akda ay mahalaga
sa pag-unawa. Mahalagang maunawaan ang mga ebidensyang inilahad dahil ang mga ito
ang magiging batayan ng mambabasa kung nakumbinsi ang mga itong basahin at
paniwalaan ang mga pahayag sa nasabing teksto. Kailangang isabjek sa isang
eksaminisasyonng kritikal na pagtasa para mapatunayan (test at istatistikal tritment) upang
lumitaw ang validad. Kung pananaw ng awtor., sarili lang niya ito at at malayo sa pagiging
objektiv. Sabjektiv ba? Personal na pagtingin ban a maestablis ang kakayahang magsuri?
Anong ginamit na tool o instrumento upang masabing valid o hindi? Dumaan ba sa test?
Sayantipiko ba ang naging proseso upang masabing valid at tinanggapo itoy nireject. Ang
mga pananaw ay kinikilala ring persepsyon. Kung paano tinitingnan ng tao ang kanyang
kapwa-tao, ang isang bagay o pangyayari ay kanilang pananaw, maaringito ay valid o hindi
depende sa natuklasan ng tumingin at sa paraang ginamit para i-test ang validiti nito.
PAGSUSURI KUNG VALID O HINDI ANG IDEYA O PANANAW Valid ba ang mga pahayag,
ang mga ideya, ang mga pananaw ng awtor? Valid lamang ito kung may mapanghawakang
katunayan ng pagiging valid nito na iyong paniniwalaan.

Paglutas ng Suliranin

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
Pagkatapos bumasa nakakaimpluwensya sa saloobin at palagay hinggil sa mga bagaybagay.
Nakakatulong sa paglutas ng mga suliranin at pagtaas ng kalidad ng sangkatauhan.
Nakakaimpluwensya sa saloobin at palagay hinggil sa mga bagay-bagay.
Nakakatulong sa paglutas ng mga suliranin at pagtaas ng kalidad ng sangkatauhan. Ang
pagbasa ay isang sikolohikal o extension ng ating utak kinapapalooban ito ng 3 salik:
Pamilyar sa materyal na binabasa
Antas ng kahirapan ng binabasa
Layunin sa pagbasa Paghihinuha Pagkuha ng tyak na detalye Pagkuha ng kaisipan Pagtukoy
sa layunin ng akda Pagbubuod o lagom Pagtukoy sa katotohanan at opinyon Pagtukoy sa
istilo ng may-akda

Pagbasa ng Mapa, Tsart, at Grap


Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang madaling maunawaan
at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto. Kapaki-pakinabang ang mga
ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang
paksa.
Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon
-

Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang matukoy ang layunin nito.

Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.

Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa paligid, itaas o ibabang bahagi.
Tuklasin ang mga kahulugan nito batay sa legend.

Suriing mabuti ang bawat bahagi.

1.

Mapa

ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa mga
palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.

(Unang Markahan/Pre Lim.)

Maria Rosario L. Hilario


BSRT-1
-

Ang pagbibigay ng direksyon ay isang uri ng pagpapaliwanag. Tulad ng pagpapaliwanag ng


paggawa ng isang bagay, nangangailangan ito ng katiyakan, kapayakan at kaliwanagan.
Kailangan din ang maliwanag na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na kailangang sundin.

2.

Tsart

Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay


batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

a. Tsart ng Organisasyon

b. Flow Tsart

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

3.

Grap

Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c) bar grap, at (d)
bilog na grap.

Mga Uri ng Grap


a.

Larawang grap (Pictograph)

Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o produkto.


Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating larawan,
kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay pinakakahulugang buong
larawan.
Halimbawa:

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1
b.

Linyang grap (Line Graph)

Binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad.


Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok
tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa bawat gilid.
c.

Bar Grap (Bar Graph)


- Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang
tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang mga datos na
sinisimbolo ng bar.

Halimbawang pormat:

d.

Bilog na Grap (Pie Graph)


-

Ito sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng

paghahati-hati nito.
Halimbawang pormat:

Maria Rosario L. Hilario

(Unang Markahan/Pre Lim.)

BSRT-1

4.

Talahanayan (Table)

Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay sa

mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.

Mga pinagkuhanang Reference:


https://prezi.com/h-z5lq3twnm-/copy-of-pagbuo-ng-lagom-at-konklusyon/
https://prezi.com/14pkjizi4-3h/copy-of-pagbasa/
http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagbibigayinterpretasyon-sa.html

Maria Rosario L. Hilario


BSRT-1

(Unang Markahan/Pre Lim.)

Você também pode gostar