Você está na página 1de 1

#3

Ang Epekto ng Pagtaas ng Presyo ng Langis sa Pamumuhay Natin


( ni Yolanda Panimbaan Canatan Learning Center )
Langis isang Natural Resources na matatagpuan sa ilalim ng lupa. Nakukuha lamang ito sa
pamamagitan ng mga makinaryang de-kalidad. Sa ibang bansa lalo na sa Saudi Arabia, doon may
malaking pagawaan at marami pang bansa na mapagkukunan ng langis. Ano ang malaking epekto sa
buhay natin sa pagtaas ng presyo ng langis? Bakit tayo laging maliliit ang labis na naapektuhan o
apektado pag tumataas ang langis?
Sa ating lipunan at sa ating mga mamamayan malaki ang epekto sa atin ang pagtaas ng presyo ng
langis. Halimbawa na rito ay ang pagtaas din ng pamasahe, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing
bilihin. Sa ganitong sitwasyon na halos walang tigil ang pagtaas ng mga bilihin kasabay rin ng laging
pagtaas ng presyo ng langis. Marami ang nag wewelga laban sa kagustuhang taasan ang sahod ng
manggagawa . Laging tumataas ang mga presyo ng bilihin samantalang ang sahod ay hindi tumataas.
Tumataas man pero magkano lang ang idinadagdag ng iilang kumpanya. Minsan pa nga sa kamalasan
maglalay-off o magtatanggalan pa sa ibang kumpanya na wala ng awa kung ano ang kahinatnan ng taong
walang hanapbuhay. Nakakalungkot isipin na tayong maliliit ang laging naaagrabyado. Tayong maliliit
ang nasa alanganing kalagayan lagi. Hindi nga ba kung wala tayong maliliit ay wala rin silang
mayayaman? Kung wala rin silang mayayaman wala rin tayong maliliit. Ang dapat sana ay pantay-pantay
dahil ang mahihirap ay lalong naghihirap. Tayong maliliit ang naapektuhan o labis na apektado dahil sa
ating mga pangangailangan pa lamang ay halos hindi na natin mabibili dahil sa sobrang mahal at sobrang
mura naman ng pagsahod ng mga matataas sa atin. Buhay nga naman, hindi alam kung saan lulugar lalo
na tayong mga maliliit sa lipunan. Siguro pati yung mga taong nag-iisip nalang ng hindi mabuti ay malaki
rin ang epekto sa buhay nila, ang walang hangganang paghihirap kaya gumagawa na lang ng hindi ka
nais-nais .
Dapat lagi nating isaisip ang ating kapakanan ng kapwa tao. Sana ay pantay-pantay ang pagtingin
nang nandito sa mundo ay mahihirap sa mayaman, mayaman sa mahirap. Sana lagi nating tandaan na ang
lahat nang nandito sa mundo ay pagmamay-ari ng Panginoon na pinahirap lang sa atin dito sa ibabaw ng
mundo.

Você também pode gostar