Você está na página 1de 1

#6

Ang Impluwensya ng Media sa Mga Kabataan


( ni Yolanda Panimbaan Cantan Learning Center )
Media teknolohiya na ginagamit sa pangkomunikasyon o libangan. May kabutihang
dulot ito kung nasa tama ang paggamit. May kasamaan ding hatid kung sobra naman ang
paggamit o inaabuso na. Kabilang dito ang T.V, Radyo, Computer/Internet, Cellphone, Mp3,
Laptop, Playstation at marami pang iba. Ano ang kaibahan ng media noon kaysa ngayon? Paano
maprotektahan ang mga kabataan sa mas lalong tumitinding pagunlad ng teknolohiya?
Malaki na ang pagbago sa ating teknolohiya ngayon kaysa kapanahunan noon. Dati-rati
ang media ay simple lang. kadalasan noon telebisyon, radio, mga teleponong mahahaba ang
hugis. Noon mabibilang sa daliri ang gawa ng teknolohiya. Ang mga kabataan ay hindi
nakakaranas gumamit ng mga computer o internet. Ang media ngayon ay ibang iba na dahil kahit
bata palang ay marunong nang magkomputer o internet, gumamit ng mga cellphone, Mp3,
laptop, playstation o kung ano pa na teknolohiya ang may gawa. Malayo na ang narating ng
teknolohiya sa ngayon lalo na pagdating sa computer o internet. Marami ang nagiging Addict
o lulong na sa pag internet dahil sa teknolohiyang ito marami kang malaman o pwedeng makita
pati sa ibang bansa ay nakakahanap rin ng ka-chat ika nga. Ito ay naging Worldwide na dahil
sa taglay na kaalaman ng teknolohiya. Malaki talaga ang kaibahan ng media noon at ngayon.
Maprotektahan ang mga kabataan sa mas lalong tumitinding pagunlad ng teknolohiya sa
pamamagitan ng pag-alalay sa kanila pagdating sa paggamit ng mga gadgets. Turuan sila kung
ano ang tama at kung ano ang mali sa paggamit ng teknolohiya. Kailangan ang tamang
edukasyon o kaalaman para alam nila kung hanggang saan at para saan ang mga teknolohiyang
ito. Ituro sa kanila ang maganda at hindi magandang gamit ng ibat-ibang gamit pang teknolohiya.
Ang magandang dulot nito ay una halimbawa ang paggamit ng cellphone. Ang paggamit ng
cellphone ay malaking tulong kung gagamitin lamang sa tamang pangkomunikasyon. Maganda
ang dulot nito lalo na kung may kamag-anak sa ibang mga lugar o ibang bansa tapos kailangan
tawagan o kumustahin. Madali lang ang pagkakaroon ng komunikasyon. Ganun din sa
Computer o Internet, maraming puwedeng malalaman na makapagbibigay kaalaman.
Halimbawa rito ang paghahanap ng trabaho at marami pang iba. Masama ang dulot ng mga ito
kung sobra na o labis na ang paggamit. Tulad ng wala nang magawang trabaho dahil
naaaddict sa pagtetext, paglalaro o chat dito chat doon. Ang masama pa mas nilalaan ng pera
kaysa pagkain. Masamang dulot din ang pagkakaroon nang sakit tulad ng pasma, ulcer at iba pa.
Para sa akin, ito ang isa sa halimbawa ng masama at magandang dulot ng teknolohiya.
Sana sa pagbabago ng ating teknolohiya, hindi natin kalilimutan na hindi habang panahon
na teknolohiya ang ating aasahan. Sa panahon natin ngayon hindi mabilang ang gawa na ng
teknolohiya. Sana huwag nating kaligtaan ang paglalaan ng oras o panahon sa ating Amang
Lumikha. Hindi natin makakaila na marami na ang nakakalimot sa pagkakaroon ng panahon sa
pagsamba. Kaya hindi pa huli para bigyan ng pagkakataon ang ating Poong Maykapal. Ang
lahat ng nandito sa ibabaw ng mundo, Siya lamang ang maylikha. Ang tangi lamang na
maihahandog ulit sa kanya ay ating mga kahit konting panahon lamang.

Você também pode gostar