Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Sa wikang Kastila nagmula ang salitang delikadeza, ngunit iba ang baybay nito. Sa
aking pagkakaintindi, pagkakaroon ng maayos na pakikitungo sa kapwa ang
pangangahulugan ng salitang ito. Isa itong ideyang kultural na nakuha ng mga Pilipino sa
ilang taong mananakop ng mga Kastila sa atin.
Pinapakita sa konsepto ng delikadeza ang respeto, hindi lamang sa katauhan ng
kapwa kung hindi pati na rin sa pagaari nito. Maaari rin, marahil, tawagin na
pakikipagkapwa-tao ang salitang delikadeza. Matatawag na tradisyunal na kaugaliang
Pilipino itong mga konspeto ng respeto at pakikipagkapwa-tao, mga konsetong kaugnay ng
delikadeza.
Malimit itong naririnig sa mga taong nabuhay sa panahon ng Martial Law at mas
nakatatanda pa sa kanila. Maririnig ito kapag nakaramdam sila ng pambabastos na tila walang
malasakit ang taong nakabastos matapos makabastos ng kapwa. Kapag nasabi ang salitang
ito, pumapasok kaagad sa isip ang paghingi ng respeto.
Kapag nabanggit ang salitang ito, naiisip rin ang pangangaral. Dahil tradisyunal na
kaugalian ang ipinapahiwatig ng salitang ito, malimit na sinasabi ito ng mga matatanda sa
kanilang mga anak at apo upang sila ay mamuhay na tulad ng kanilang mga nakakatanda. Sa
ganitong kaisipan, magagamit rin ang konspeto ng delikadeza bilang isang paraan ng
pagmamanipula.
DEPINISYON
Ayon sa Vocabulario de la lengua tagala, ang salitang delikadeza ay
nangangahulugang sarap o tamis.1
Ngunit, sa kontemporanyong panahon, malaki ang ipinagbago ng kahulugan ng
salitang ito. Mula sa UP diksyonaryong Pilipino, ang delikadeza ay pagiging lubhang selan;
1 Vocabulario de la lengua Tagala, s.v., delikadeza
Ang paglago ng dalawang depinisyon na ito ay makikita rin sa iba pang mga wikang
nagmula sa Latin, tulad ng Italyano at Pranses. Sa Pranses, mayroong salitang dlicat, na
nangangahulugang Delicate, dainty, exquisite.9 Samantala, sa wikang Italyano naman,
mayroong salitang delicatzza. 1. Qualit di chi, di chi che, delicato... 2. Gentilezza di
sentimenti, di maniere...10 ( 1. Pagiging delicate... 2. Pagiging banayad ng ugali at
pakikitungo.) Hindi nagkakalayo ang mga kahulugan na ibinibigay ng mga wikang nagmula
sa wikang Latin.
Nagkaroon, rin, ng ebolusyon ang salitang Kastila na delicadeza dito sa Pilipinas. Sa
Kapampangan, ang delicadeza ay sensitivity, refinement, fastidiousness.11 Wala gaanong
pagbabago mula sa kahulugan ng salita. Ganito rin ang makikita sa Chabacanoang
delicadeza ay delicacy, extreme carefulness.12Ngunit, ang ebolusyon na ito ay nangyayari
lamang sa mga wika sa Pilipinas na mayroong malaking asimilasyon sa mga Kastila. Kapag
wala ang asimilasyong ito, hindi nagkakaroon ng paghiram ng mga salita. Halimbawa na
lamang ang wikang Ivatan. Walang tumpak na salin ang salitang delicadeza. Kinakailangan
pang magsalin ng mgasalitang kaungnay, o kasama, sa depinisyon ng delikadeza
mapadudu, punao, at addao.13
LOOB AT LABAS
14 Flores, Patrick. Palabas. Ctrl+P Journal of Contemporary Art (www.ctrlp-artjournal.org). Issue 11(2008): 8-9
15 Ibid.
16 Alejo, Albert E. Tao po! Tuloy!: isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. Quezon City: Office of Research and
Publications, Ateneo de Manila University, 1990.
saloobin, napapayabong ang iyong pagkatao at higit na gumaganda ang pagtingin ng ibang
tao sa iyong katauhan at iyong pamilya na, kinalaunan, ay magiging isang importateng
kasangkapan sa matiwasay na pamumuhay.
Sa iyong pagpapalabas, nabubuksan ang iyong mundo, at isipan, sa maraming mga
punto de bista. Ang pangyayaring ito ang maguudyok sa iba pa na magbukas na rin. Ito,
ngayon, ang magbubukas sa ating mgs isipan at magpapalawak sa pagunawa sa kapwa, na
nagpapakita rin ng pakikipagkapwa-tao.
Ngunit, nariyan naman ang kabaligtaran nito. Kung mayroong bukas, mayroon ding
sarado. Isa itong dichotomy na hindi maiiwasan. Sa ganitong pagtingin, nagkakaroon ng
kabaligtaran sa pagtingin sa salitang delikadeza.
Mula sa bukas, nagiging sarado ang pagtingin sa mundo sa paggamit ng salitang
delikadeza. Ang delikadeza ay isang asal na tradisyunal. Ibig sabihin, itinuturo ito ng mga
nakatatanda upang turuan ang mga nakababata ukol sa tamang asal. Malimit, sa pagtuturong
ito, sumasara ang isip. Kumikitid ang pagiisip, mula sa kaninang malawak at bukas.
Ang tatlong konsepto na mga nabanggitpagiging maselan, pagiingat, at pamilya
ay tumutukoy sa kabuuan ng ideya ng delikadeza. Mahirap burahin ang kahit anong dungis sa
pamilya. Para itong isang tattoo na, kahit anong pagtanggal, magiiwan ito ng bakas. Maselan
ang pangalan ng pamilya kaya kinakailangan itong ingatan.
Maliban sa pagtingin sa pamilya, at ang dangal na kaakibat ng pangalan ng pamilya,
ang buhay mismo ng mga miyembro ng pamilya ay isang bagay na may halaga sa konsepto
ng delikadeza, at ang aking salin na delicacy.
Sa pagkakaroon ng delicacy, o selan, ng buhay, ating mahihinuha ang konsepto ng
ephemerality, o ang pagiging panandalian, ng buhay ng tao. Itong selan at ephemerality na ito
ang nagbibigay ng sense of delicacy sa pamilya; mapatungkol man ito sa tao, bagay, o
pangalan.
Ang ephemerality ay binibigyang kahulugan ng Oxford English dictionary na [i]n a
more extended application: hat is in existence, power, favour, popularity, etc. For a short time
only; short-lived; transitory.17 Gusto ko bigyan ng pansin ang huling salita sa kahulugang
ito: transitory. Makikita sa salitang ito ang pagkakapareho niya sa salitang transition.
Mahahanap ang koneksyong ito sa mas konkretong paraan sa pamamagitan ng pagtingin sa
etymolohiya nila. Ang dalawang salitang ito ay nagmula sa salitang Latin na transire.18
Sa madaling salita, ang pamilya ay nagbibigay ng ideya ng mabilis na pagbabago ng
kalagayan. Itong pagbabago na ito ay maiuugnay natin sa konsepto ng oras. Oras, din, ang
ugat ng konsepto ng ephemerality ng buhay. Oras ang pinagtutungkulan ng buhay. Ang
delicacy ng buhay ay nakaugat sa konsepto ng oras. Ang buhay ay time-bound. Pati oras ay
may sense of delicacy. Ang oras ay transitory. Wala tayong magagawa kapag ang oras na ito
ay lumipas na. Ito ay wala na sa magpakailanman.
DELIKADEZA SA LITERATURA
Ang mga ideyang ito ay makikita sa kuwentong Ama ni Eli Rueda Guieb III. Ito ay
galing sa isang antolohiya, na pinamagatang Pamilya. Sa maikling kuwentong ito,
tinitignan ang ibat ibang aspekto ng buhay ng isang ama. Tinitignan ang mga ideya,
damdamin at mga pasanin ng isang ama, na dati na ring naging anak ng isang ama na may
mabuting kalooban.
Tulad ng sinasabi ko sa mga naunang talata, ang buhay ng isang tao sa pamilya ay
may selan at napaparam, o panandalian. Sa akda ni Guieb, makikita ang mga sentimyento
ukol dito, na partikular sa konteksto ng ama.
Masama ang loob ko kay Daddy. Galit ako sa mga taong umaalis nang
walang paalam. Umalis si Dadddy nang walang anumang babala...Ang
bilis ng buhay. O baka mas tamang sabihing mas mabilis ang kamatayan
kaysa buhay, mas maagap.19
Sa Pilipinas, ang pamilya ay isang mahalagang bahagi ng buhay at ng komunidad.
Ang ibat ibang bahagi ng lipunan ay nagpapatibay pa ng ideyang ito. Sa pagkawala ng isang
kapamilyang isang amanakikita ang delicacy of life. Ang buhay ng tao ay, tulad ng
nabanggit na, napaparam.
Kaakibat ng idea ng napaparam ay ang ideya ng mahabang panahon, o
magpakailanman. Isa itong dichotomy of thoughtisang kabalintunaan. Kung wala ang
realidad ng pagkaparam, o pagkawala, ng oras at buhay, hindi uusbong ang konsepto ng
panghabambuhay at magpakailanman.
Sa ganitong pangangailangan ng kabaliktaran ng pagkaparam, lumalabas ang
pangangailangan ng tao sa isang bagay na magbibigay sa kanya ng immortality, o kawalangkamatayan. Sa buhay ng tao, hinahanap niya kung ano ang kaniyang maiaambag sa mundo.
Itong ambag na hinahanap ng sansinukob ay isang ambag na walang kamatayan.
Tanggap ng tao na siya ay mawawala rin sa mundo. Tanggap na katotohanan ang
ephemerality of life. Sa pagtanggap na ito, lumalabas ang pagnanais na mabuhay
magpakailanman. Maraming kuwento na nagpapatungkol dito. Pati sa relihiyon, ang
19 Eli Rueda Guieb III, Ama, in Pamilya: Mga Katha, (Quezon City: The University of the Philippines Press, 2003), 8.
20 Saundra K Ciccarelli and J. Noland White. Psychology, 3rd ed. (Upper Saddle River: Pearson Prentice Hall, 2012), 323.
21 Guieb, Ama,, 23.
mga mahal niya sa buhay, hanggat kilala pa siya ng mga apo, kahit sa
pangalan lang, kahit sa kuwento lang.22
Para sa persona, ito ang nais niyang maatim. Ito ang nais niyang mangyari
sa kanya sa kanyang pagyao. Ang may umalala at gumunita sa buhayisang buhay
na maselan.
Ang selan ng buhay ay makikita rin sa pagnanais na mapayabong ito. Dahil
nga ang buhay ay time-bound, kinakailangan na magamit mo ang oras mo para sa
makabuluhang bagay. Hindi dapat inaaksaya ang oras sa pamomroblema ng mga
bagay hindi na dapat pinoproblema. Sa halip na gawin ito, dapat tayo mamuhay na
may pagiisip sa kung paano natin mapauunlad ang ating sarili at maging mabuting
tao. Ito, marahil, ay makakapagiwan ng isang magandang legacy.
Sa akda, ang ama ng persona ay namuhay sa probinsya matapos bumalik
ang kanyang asawa na nakipagtanan sa ibang lalaki. Sinabi ng kanyang ama ang
dahilan kung bakit siya ay lumayo. Ito, raw, ay
[p]ara maghanap ng luang kaluluwa na maaaring makapagpuno ng
kawalang nararamdaman ko...Minsan, ang pagiging ama, dugtong niya, ay parang
pagtatakwil ng sarili. Marami akong bagay na isinakripisyo para sa pamilya, para
sa inyo. Pero hindi ko pinagsisisihan na isinakripisyo ko ang ilang bahagi ng
buhay ko para sa inyo. Bahagi iyon ng pagiging ama.23
Sa siping ito, makikita ang pagkaselan ng buhay ng tao sa perspektibo ng loob. Ang
pagbuhay sa isang pamilya ay hindi madaling trabaho. Ito ay gampanin na kinakailangan ng
22 Ibid., 28.
23 Ibid., 8.
24 Ibid., 23.
Works Cited
Aldave Yap, Fe. The Tagalog Region: Lexicon of the Languages and Dialects. Manila:
Komisyon sa Wikang Filipino, 2007.
Alejo, Albert E. Tao po! Tuloy!: isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. Quezon
City: Office of Research an Publications, Ateneo de Manila University, 1990.
Cassell's French Dictionary, 18 ed., s.v. "dlicat." New York: Cassell, Ltd, 1980.
Cassell's Latin Dictionary, s.v. "delicatus." New York: Funk & Wagnalls Company,
1955.
Cassell's New Latin-English English-Latin Dictionary, 5 ed., s.v. "delicacy." London:
Cassell & Company Ltd., 1968.
Chabacano de Zamboanga Handbook and Chabacano-English-Spanish Dictionary,
s.v. "delicadeza, aflojar." Quezon City: Claretian Publications, 1989.
Diccionario Espaol-Ibatn, s.v. "aflojar, aplacar, apaciguar, fino, gusto." Manila:
Tipographia de Sto. Tomas, 1914.
Flores, Patrick. Palabas. Ctrl+P Journal of Contemporary Art (www.ctrlpartjournal.org). Issue 11(2008): 8-9
French Dictionary Unabridged Edition, s.v. "dlicat." Edinburgh: Chambers Harrap
Publishers Ltd, 2001.
Ciccarelli, Saundra K., and J. Noland White. Psychology. 3rd ed. Upper Saddle River:
Pearson Prentice Hall, 2012.
Gran Diccionario Espaol-Ingles Unabriged Edition, s.v. "delicadeza." Paris:
Larousse, 1993.
Guieb, Eli Rueda Guieb III. "Ama." In Pamilya: Mga Katha. Quezon City: The
University of the Philippines Press, 2003
Il Nuovo Zingarelli, 9 ed., s.v. "delicatzza." Bologna: Zanichelli, 1988.
Kapampangan Dictionary, s.v. "delicadeza." Angeles City: Holy Angel University
Press, 2011.
Klein, Dr. Ernest. A Comprehensive Etymological Dictionary of the English
Language, s.v. "delicate." Amsterdam: Elsevier Publishing Company, 1966.
Manobo-English Dictionary, s.v. "family, honor, weak." Hawaii: University of Hawaii
Press, 1968.
The Oxford English Dictionary, s.v. "ephemeral." Oxford: Oxford University Press,
1989.
Oxford Universal English Dictionary, s.v. "delicate." Oxford: Oxford University
Press, 1937.
The Merriam-Webster Dictionary, s.v. "delicacy, transitory, transition." Springfield,
Mass.: Merriam-Webster, Incorporated, 1997.
The Oxford Dictionary of English Etymology, s.v. "delicate." London: Oxford
University Press, 1966.
UP Diksyunaryong Filipino, 2 ed., s.v. "delikadeza, hina, pino." Quezon City:
University of the Philippines Press, 2010.
Vocabulario de la lengua tagala. s.v. "delicadeza, hina, inam, pino." Manila: Imprenta
de Ramirez y Gibaudier, 1860.