Você está na página 1de 3

Si Gaygayoma, and Tala

Mula sa mga Tingguian ng Abra

Ang pag-ulan sa kasikatan ng araw ay isang pangyayaring maaaring


maipaliwanag ng agham. Ito`y kagaya ng pagsabay ng lungkot at ligaya.
Ngunit ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kwento ukol sa pagsabay
ng ulan at araw, lalo na`t may mga tribong nakabuo ng paliwanag ukol sa
pagsabay na ito. Ayun sa mga Tingguian ng Abra, ang kanilang paliwanag ay
makikita sa kwento ni Gaygayoma, and Tala. Heto ang kwento ni
Gaygayoma, ang Tala, na ating matutunghayan ayon sa aklat na Mga
Kwentong Bayan, Mula Timog Hanggang Hilaga: Folk Stories, Myths and
Legends of the Philippines for School Productions. Volume 1, lathala ng
SAMBA-LIKHAAN copyright 2004, mula sa tunay na `radio scripts` ni Lilibeth
Nacion (sa pag-uusap na ito, ang nakaakdang pangalan ng nagsasalaysay ay
Tita Beth)

Tita Beth:
Unang nakalap at nasulat ang mga kuwento ng Tingguian noong 1915.
Marami ang mga tauhan sa kuwentong ito. Madalas na tampok ang magasawang sina Apo-ni-Tulao at Apo-ni-Bulinayen. Si Apo-ni-Tulao ay
matatawag natin na parang isang diyos din sapagkat may mga
kapangyarihan ito. Isa rin siyang mandirigma, kaya`t bayani rin ang tingin sa
kanya ng mga Tingguian. Isang araw, habang naglalala ng basket,
nakaramdam siya ng gutom at parang gusto niya ng matamis. Naalala niya
na wala pang tanim ang kanilang bukid.
Apo-ni-Tulao:
Apo-ni-Bulinayen, halika sa bukid.
Bulinayen:
Bakit bigla mo yatang naalal ang bukid?
Apo-ni-Tulao:
Parang nagugutom ako. At gusto kong kainin ay matamis. Naisip ko ang
tub. Parang masarap magpangas ng matamis na tub.
Bulinayen:
Sandali at kukuha lamang ako ng kawayan na sisidlan ng tubig.
Apo-ni-Tulao:
Kukuha rin ako ng itatanim na tub.
Bulinayen:

Tumubo naman kaya ng mabilis ang mga tub? Baka lumipas ang iyong
ganang kumain sa kahihintay?
Apo-ni-Tulao:
Hindi. Gaano na lamang naman ba ang panahon para tumubo ang tub?
Tiyak ko, makapaghihintay ako.
Bulinayen:
Kung gayon ay tayo na, nang makatapos agad tayo.
Tita Beth:
(Nagsasalaysay) Masayang nagtatanim ang dalawa. Binubungkal ni Apo-niTulao ang lupa saka itinutulos ang tubo. Nakasunod naman si Apo-niBulinayen upang diligan ito. Hindi natapos ang maghapon ay puno na ng
tanim ang bukid.
Apo-ni-Tulao:
Ay, masakit sa likod, ngunit masarap ang pakiramdam ko.
Bulinayen:
Ako man, masakit din ang likod. Subalit ilang linggo pa siguro ay
magdadahon na ang tub at tataas.
Apo-ni-Tulao:
Balikan natin ito makalipas ang isang linggo, upang matiyak natin na hindi ito
namatay. Sa ngayon, payag na akong kumain na muna ng maski anong
gulay.
Bulinayen:
Tayo na munang umuwi nang makapagluto ako.
Apo-ni-Tulao:
Sige. Parang nalalasahan ko na ang tub.......(nagbabakas ang pag-uusap)
Tita Beth:
(Nagsasalaysay) Masayang umuwi ang dalawa. Paglipas ng pitong araw,
nagbalik si Apo-ni-Tulao sa bukid.
Apo-ni-Tulao:
Aba, malusog na malusog ang aming mga tanim na tub. At may mga dahon
na ito. Pero hindi lang pitong araw ang hihintayin ko upang makatikim ng
katas ng matamis na tub. Parang kailangan ng kaunting tulong mula sa
aking kapangyarihan. Hayan! Siguro pagbalik ko ay mas mabilis pa ang
paglaki ng mga tub.
Tita Beth:
(Nagsasalaysay) Paglipas ng limang araw ay mataas na ang mga tub at
maaari nang anihin. Nagmamadali itong umuwi upang balitaan ni Apo-niBulinayen.

Apo-ni-Tulao:
Apo-ni-Bulinayen! Galing ako sa bukid. Ang tataas na ng tub!
Bulinayen:
Talaga?! Mabuti naman at hindi mo na kailangan maghintay ng matagal.
Apo-ni-Tulao:
Bukas, sumama ka sa bukid at magkasama nating gapasin ang tub.
Bulinayen:
Sige. Bukas hindi muna ako maghahabi.
Tita Beth:
(Nagsasalaysay) Sa panahong iyon, nakatunghay mula sa langit si
Gaygayoma, dalagang anak nina Bagbagak, isang malaking tala at Sinag,
ang buwan. Nang makita niya ang matataas na tub, parang naengganyo
siyang tikman ito. Tinawag nya ang kanyang ama.
Gaygayoma:
Ama! Ama!
Bagbagak:
Ano yun, Gaygayoma?
Nakikita po ba ninyo sa ibaba

Você também pode gostar