Você está na página 1de 26

PAUNANG GAWAIN

If you dont know where you are


headed, youll probably end up
some place else.
Douglas J. Eder, PhD

GAWAIN 1
Bumuo ng 10 pangkat.
Bawat pangkat ay bubuo ng talaan ng 5
gawain na maaaring sumukat sa
KAALAMAN, PROSESO/KASANAYAN,
PAG-UNAWA, at PRODUKTO o
PERPORMANS.

PAGSUSURI SA GAWAIN
Anong naramdaman mo habang ginagawa
ang gawain?
Ano-anong mga gawaing pangklasrum ang
maaaring ipagawa sa mag-aaral sa ilalim
ng Kaalaman, Proseso / Kasanayan, Pagunawa, at Produkto / Perpormans?
Alin sa mga gawain ang maituturing na
diagnostic, formative, o summative?

Bakit mahalagang mataya ang mga magaaral bago isagawa ang pag-aaral, habang
isinasagawa ang pag-aaral, at pagkatapos
maisagawa ang pag-aaral?
Kailan masasabing ang pagtataya ay
holistic?
Ano-anong mga realisasyon ang iyong
nabuo tungkol sa pagtataya sa klasrum?

ANG PAGTATAYA
SA KLASRUM
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS FOR
GRADE 9 MASS TRAINING OF TEACHERS
Venue: Ecotech Center, Cebu City
Date: April 21-26, 2014

PAGTATAYA
Isang patuloy na proseso sa pangangalap,
pag-aanalisa, at pagninilay sa mga
ebidensya / impormasyon upang mabuo
ang isang makabuluhang paghusga sa
pagpapataas ng pagkatuto ng mga magaaral sa hinaharap.

PAGTATAYA
Kritikal na bahagi sa implementasyon ng
kurikulum, ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Tunay na sukatan ng pagkamapanghahawakan,
resilyent, at sistema ng edukasyong may kalidad.
Samakatuwid, ang pagtataya ay pangkabuuang
lapit sa pagtataya ng pagtuturo, pagbuo at
paglalahat, pagbibigay ng pidbak, upang
tuluyang maiangat ang kalidad ng pagtuturo.

Bakit tayo nagtataya?


1. Pagtataya para sa pagkatuto
Layunin ng pagtataya ang matukoy at
mabigyang-kahulugan
ang
mga
ebidensya na magagamit ng mag-aaral at
guro sa pag-alam ng kahandaan ng mga
mag-aaral, anong tunguhin at paano
tutungo sa nais puntahan. Bahagi nito ang
pagtatayang ginagawa sa klasrum upang
mapabuti ang pagkatuto.

Bahagi ng prosesong ito ang


diagnostic at formative na pagtataya.
Ang diagnostic ay nagaganap bago
pa simulan ang pagtuturo upang alamin
ang dating kaalaman ng mag-aaral at
karanasan,
mga
maling
konsepto,
kawilihan, at ang kanilang paraan ng
pagkatuto.
Halimbawa: pre-test, sarbey, pagalam sa kakayahan, K-W-L

Ang formative ay ang on going na


pagtataya na nagbibigay ng impormasyon
upang magabayan ang pagtuturo at
pagkatuto upang mapabuti ang pagkatuto
at pagganap sa klase. Maaari itong
pormal o impormal na paraan.
Halimbawa:
quiz,
pagtatanong,
magmamasid, draft work, think aloud,
dress rehearsal, portfolio

2. Pagtataya ng pagkatuto
Layunin nitong tayain o sukatin ang
natutuhan o magagawa ng mga magaaral. Sa madaling salita, tinataya nito ang
antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Bahagi nito ang summative na pagtataya.
Ang summative ay ang panghuling
pagtataya o culminating assessments na
isinasagawa pagkatapos ng isang yunit
upang tayain ang antas ng masteri o
kahusayan batay sa inaasahang bunga.

Ang summative na pagtataya ay


ebalwatib na nagreresulta sa pagbibigay
ng iskor o marka.
Halimbawa:
pagsusulit,
gawaing
pagganap, panghuling proyekto o
pagganap, portfolio

Hindi dahil alam na ng mag-aaral.


Ang katibayan ng pag-unawa ay higit na
mapanghamon kaysa ng katibayan na alam ng
mag-aaral kung ano ang tama o balidong sagot.
Ang tunay na pag-unawa ay nakikita lamang
kapag alam ng mag-aaral kung bakit mahalaga
ang pinag-aaralan at kung paano ito ilalapat.

ANTAS NG PAGTATAYA
SA K-12
ANTAS NG PAGTATAYA

KAALAMAN
PROSESO / KASANAYAN
PAG-UNAWA
PRODUKTO /
PERPORMANS
Kabuuan.

BAHAGDAN

15%
25%
30%
30%
100%

KAALAMAN. Tumutukoy sa kasapatan ng


kaalaman sa nilalaman ng mga aralin,
mga totoong impormasyon na nakalap ng
mag-aaral
PROSESO / KASANAYAN. Nauukol sa
operasyong kognitib ng mag-aaral sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
impormasyon sa pagbuo ng kahulugan o
pag-unawa.

PAG-UNAWA. Tumutukoy sa
pangmatagalang malalaking kaisipan o
ideya, prinsipyo at paglalahat na mahalaga
sa bawat disiplina na maaaring masukat
gamit ang mga yugto ng pag-unawa.
PRODUKTO / PERPORMANS. Tumutukoy
sa mga makatotohanang paglalapat ng pagunawa ng mag-aaral sa buhay na
pinatutunayan ng produkto/perpormans ng
mga awtentikong gawain.

GRASPS
GOAL (Layunin): Ano ang layunin sa
pagsasagawa ng produkto/pagganap?
ROLE (Papel na gagampanan ng bawat
isa kung ito ay kolaboratibong gawain at
ng Mg kung itoy indibidwal): Ano ang
papel na gagampanan ng indibidwal /
kasapi ng bawat pangkat?

AUDIENCE (Awdyens): Sino ang tagatangkilik


ng produkto/pagganap?
SITUATION (Sitwasyon): Ano ang sitwasyon?
Bakit gagawin ang produkto/pagganap?
PRODUCT/PERFORMANCE
(Produkto/Pagganap): Ano ang inaasahang
produkto/pagganap?
STANDARDS (Mga Pamantayan): Paano
mamarkahan/itataya ng mga tagatangkilik ang
produkto/ pagganap?

GAWAIN 2
Bawat pangkat ay bumuo ng isang
perpormans gamit ang modelo ng
GRASPS.

PAGSUSURI SA GAWAIN
Anong naramdaman mo habang ginagawa ang
gawain?
Anong nakatulong sa iyo sa pagsasagawa ng
gawain?
Anong naging balakid sa pagsasagawa ng
gawain?
Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa pagbuo
ng perpormans? Rubriks?
Anong kaalaman ang natutuhan mo sa gawain?

ANTAS NG KAHUSAYAN
Beginning (B)
Developing (D)
Approaching Proficiency (AP)

Proficient (P)
Advanced (A)

74 at pababa
75 - 79
80 - 84
85 - 89
90 at pataas

BEGINNING (74 at pababa). Ang magaaral ay kulang sa mahahalagang


pangangailangan o ang mga kasanayan
ay kulang o hindi pa nalinang bilang
pangunahing kahingian sa pag-unawa.
DEVELOPING (75-79). Ang mag-aaral ay
may minimum na kaalaman at kasanayan
sa pag-unawa ngunit nangangailangan pa
ng paggabay upang maisagawa ang mga
awtentikong gawain.

APPROACHING PROFICIENCY (80-84).


Nalinang na sa mag-aaral ang mahahalagang
kaalaman at kasanayan sa pag-unawa, na
may kaunting paggabay pa mula sa guro at
mga kaklase upang mailipat ang kasanayan
sa pag-unawa sa pamamagitan pagsasagawa
ng mga awtentikong gawain.
PROFICIENCY (85-89). Nalinang na sa magaaral ang mahahalagang kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa, at nagagawa na
nang mag-isa ang mga awtentikong gawain.

ADVANCED (90 at pataas). Ang magaaral sa antas na ito ay humigit na sa


inaasahang pangangailangan/kaalaman o
kasanayan sa pag-unawa, at
nakapaglilipat o nakaaayon agad-agad sa
pagsasagawa ng mga awtentikong
gawain.

Maraming salamat.

Você também pode gostar