Você está na página 1de 2

Alkoholismo

Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't iba ngunit magkakasalungat na kahulugan. Sa
karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong
kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila ng mga
problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang
alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang
inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang
alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa
kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak.
Habang kailangan ang pag-inom ng alak upang magkaroon ng alkoholismo, hindi
nangangahulugang magkakaroon ang isang tao ng alkoholismo base lamang sa pag-inom ng
alak. Iba-iba ang epekto ng alakat ang pagkakaroon ng alkoholismosa bawat tao, lalo na sa
mga aspeto ng kung gaano karami at gaano kadalas uminom ng alak. Dagdag pa rito, hindi pa
man alam ng mga mananaliksik ang mga mekanismo sa katawan ng tao na mag-uugnay sa
pagkakaroon ng alkoholismo, ilang mapapanganib na katungkulan ang nakilala na gaya ng
paligirang panlipunan (social environment), kalusugang pang-emosyonal (emotional health), at
kalagayang henetika (genetic predisposition).

Mga kahulugan
Sinasabing unang ginamit ang salitang "alkoholismo" noong taong 1852 upang mailarawan ang
"sakit na dulot ng sobrang pag-inom ng alak".[1] Naging kilala sa Estados Unidos ang salitang
"alkoholismo" nang naitatag ang "Alcoholics Anonymous", isang grupo ng mga alkoholikong
nais gumaling mula sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pakikipagtipon sa mga kapwa
alkoholiko, noong 1939.[2]
Malaki ang pagkakaiba ng mga kahulugan ng alkoholismo sa pagitan ng komunidad ng
medisina, mga programa ng panggagamot, at ng pangkalahatang publiko. Isinasalaysay ng
Journal of the American Medical Association ang alkoholismo bilang isang "pangunahing sakit
na mahirap lunasan na itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak,
pagiging maligalig na makainom ng alak, pag-inom ng alak sa kabila ng mga negatibong
kahihinatnan, at pamamaluktot ng pag-iisip."[3]
Binibigyang-kahulugan naman ng "DSM-IV" (ang pamantayan sa dayagnostiko ng sikiyatriya at
sikolohiya) ang "pang-aabuso sa alkohol" (alcohol abuse) bilang paulit-ulit na paggamit nito sa
kabila ng mga mapanganib na epekto. Dagdag pa rito ang "pag-uumasa sa alkohol" (alcohol
dependence) na inilarawan bilang pang-aabuso sa alkohol na may dagdag na "pagpaparaanan ng
droga" (drug tolerance, o ang pamamanhid ng katawan sa karaniwang dosis ng gamot na
nagiging sanhi ng mahigitang pag-inom nito), "abstinensya" (withdrawal), at ang di-makontrol
na damdaming makainom ng alak.[4]

Itinuturing bilang pundasyon ng modernong teyorya ng alkoholismo ang pag-aaral ng


siyentipikong si Elvin Morton Jellinek noong 1960. Sa kanyang pagsasaliksik, idiniin ni Jellinek
na ang dapat ituring na maysakit ang mga alkoholiko.[5] Samantala, sumasalungat naman ang
propesor ng pilosopiya na si Herbert Fingarette ukol sa pagkilala sa alkoholismo bilang isang
sakit, na sa halip ay ginagamit ang katagang "heavy drinking" (sobrang pag-inom) bilang
paglarawan sa mga negatibong epekto ng pag-inom ng alak.[6]

Epidemiyolohiya
Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak at
droga. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng
nagpapalunas ang alak.[7] Samantala sa United Kingdom, itinala na mahigit sa 2.8 milyon ang
bilang ng mga "mapang-asang manginginom" (dependent drinkers) noong 2001.[8] Inestima
naman ng World Health Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may paguumasa sa alkohol.[9] Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-asang
manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga Pilipino sa
alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo sa
pamilya at komunidad.[10]

Pagkilala at dayagnosis
Iba't ibang kagamitan ang kasalukuyang ginagamit para sa mga nais magsagawa ng iskrining
para sa alkoholismo. Mahirap makilala ang alkoholismo dahil wala pa ring tiyak na pagkakaiba
sa pangangatawan ng isang taong madalas umiinom ng alak kumpara sa isang taong may
alkoholismo. Dahil dito, may kinalaman ang pagkilala sa nagawang pagkasira sa buhay ng
manginginom nang dahil sa sobrang pag-inom ng alak kumpara sa inaakalang benepisyo na
nakukuha niya dahil dito.
Ilan sa mga ginagamit bilang pagsusulit at iskrining upang malaman ang antas ng alkoholismo ng
isang tao ay ang "CAGE Questionnaire" at ang "Michigan Alcohol Screening Test".[11][12]

Epekto sa lipunan
Iniuugnay ang madalas na pagkakalulong sa alak sa ilang mga problema sa sarili at sa lipunan,
kabilang na rito ang pang-aabusong sekswal at sa droga, pagpapakamatay, mga kaguluhan, at
ilang krime
http://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo

Você também pode gostar