Você está na página 1de 5

Ang lumolobong populasyon ng Pilipinas

Posted by thepalawantimes under Tinig ng Masa


By M. V. Asuncion
Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral
ng National Statistics Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng
population ng Pilipinas sa rate na 2.1%. Malaki ang population growth rate na ito para
sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas.
Sa buong mundo, and populasyon ng kabuuan ng mga industrialized countries ay nasa
1 billion; sa developing countries 5 billion. Ang bansa natin ay kabilang sa top 15
most populous countries sa daigdig.
Nangunguna sa listahan ang bansang China na may 1.318 billion at may growth rate
na .5%; pangalawa ang India na may 1.131 billion sa growth rate na 1.6%. Pangatlo
ang United States na may 302 million population na meron lamang .6% growth rate. An
growth rate na binabanggit ay yung rate of natural increase, hindi kabilang ang
migration.
Kung pagbabasehan ang rate of natural increase ng population, pangatlo ang Pilipinas
sa buong mundo. Una ang Nigeria na may 2.5%, pangalawa ang Pakistan na may
2.3%, at ang Pilipinas 2.1%.
Noong Mayo 2000 ay nasa 76.5 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at kailan lang ay
nagsagawa muli ng census ang NSO para matiyak ang aktuwal na bilang ng mga
Filipino. Pero sa ginawang pagtaya ng ahensya, posible raw na nasa 88.7 milyon na
tayo.
Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, lalo na sa third world
country na tulad natin.
Unang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto gaya ng gutom,
krimen, corruption, kawalan ng tamang edukasyon, unemployment at iba pa.
Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malaki ang
populasyon, nai-stress ng husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at
kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin
ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang global changes sa klima ang ugat nito
kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas.
Andiyan din ang suliranin sa basura at polusyon sa paglobo ng populasyon. Sa Puerto
Princesa City nasa tayang 10 metrikong toneladang basura ang nakokolekta ng
tanggapan ng Solid Waste. Hindi pa natin masyadong pinu-problema ito sa
ngayon. Paano na kaya kung ma-triple ang populasyon? Tulad ng sa ibang lunsod sa
bansa, ito ang araw-araw na bangungot sa kanilang kapaligiran.

Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad.


Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang
prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa
ay survival instinct ang namamayani sa mga tahanan.
Tunay na napakaseryosong problema ang populasyon. Napakahalagang mapagtuunan
na ito ng karampatang atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa
sumabog sa pagmumukha natin ang isa na namang krisis.
Lahat ng nilalang ay binigyan ng Diyos ng pag-iisip upang mag desisyon sa kanyang
buhay, kabilang na ang bilang ng magiging anak. Sa usaping ito, naniniwala tayo sa
karapatan ng mamamayan at ng mag-asawa na pumili ng nararapat na paraan upang
makamit ang tinatawag na responsible parenthood. Sila lamang at wala nang iba pa.
November 21, 2007

https://timescolumns.wordpress.com/2007/11/21/ang-lumolobong-populasyon-ngpilipinas/
EDITORYAL - Paglobo ng populasyon bigyang prayoridad
Updated May 7, 2006 - 12:00am
The PHILIPPINE STAR
imageANG populasyon ng Pilipinas ay tinatayang nasa 87,857,473 na at patuloy pa sa
pagdami. Parang may pabrika ng bata sa Pilipinas. At sa nangyayaring ito, walang
epektibong hakbang na ginagawa ang pamahalaan kung paano mapipigilan ang
pagdami. Tila hindi na nasusunod ang tungkulin ng pamahalaan na i-educate ang
taumbayan tungkol sa mga dapat gawin para maiplano ang pamilya.

Kapag hindi napigil ang paglobo ng populasyon, hindi na makaaahon sa kahirapan ang
bansa. Lalo pa ngayong may oil crisis na ang apektado ay ang mga bansang mahihirap
na kabilang ang Pilipinas. Paano pa kung hindi na matapos ang krisis sa langis at
patuloy pa rin sa pagdami ang mga Pinoys. Saan pupulutin ang bansang ito? Kung
patuloy ang kahirapan, tiyak na uusbong ang krimen. Maraming problema at walang
ibang papasan kundi ang pamahalaan mismo. Balewala ang pagsisikap ng mga
namumuno na mapaunlad ang bansa kung hindi naman nila bibigyang pansin ang
paglobo ng populasyon.

Ang pangamba na hindi na makaaahon sa kahirapan ang Pilipinas ang naging paksa ng
pulong ng mga miyembro ng United Nations Population Fund (UNPF) noong nakaraang
Martes. Sinabi ni Dr. Zahidul Huque, UNPF representative sa Pilipinas, na
hangga’t hindi nagkakaroon ng epektibong pagkontrol sa pagdami ng populasyon

ang Pilipinas, magpapatuloy ang kahirapan. Isang nararapat gawin ng gobyerno para
mapigilan ang pagdami ay maturuan ang mamamayan sa iba pang paraan ng
pagpaplano ng pamilya. Ipinagdiinan ni Huque ang kahalagahan ng reproductive health
issues na isang magandang paraan para matamo ang kaunlaran. Hindi raw basta
kaunlaran ang makakamit dito kundi kaunlarang pagmatagalan.

Tularan daw ng Pilipinas ang Brazil na sa maikling panahon ay na-managed ang


pagdami ng mga tao. Maging ang iba pang bansa sa Asia ay ginaya ang Brazi at
epektibong nakontrol ang pagdami ng kanilang populasyon. Ganito raw ang dapat
gawin ng Pilipinas. Dapat aksiyunan ang pagdami ng populasyon at maging prayoridad.

Lalo pang malulubog sa kahirapan ang bansa kung patuloy ang pagdami. Nararapat na
hindi lamang natural na pamamaraan ang ituro kundi pati na rin ang iba pang
makatutulong para hindi lumobo ang mga Pilipino. Wala namang ibang mahihirapan
kundi ang gobyerno na rin kung hindi malulunasan ang population explosion.
Iprayoridad ang pagkontrol sa pabrika ng mga bata.

http://www.philstar.com/opinyon/335438/editoryal-paglobo-ng-populasyon-bigyangprayoridad
PAGPIGIL SA PAGDAMI NG MGA TAO
Friday, August 24, 2012 by Alex V. Villamayor
Tatlumpung taon na ang nakalilipas nang mabasa ko sa isang maliit na karatula sa
isang tindahan ang mga katagang ito: Saan patutungo ang mundo sa pagdami ng tao?
At sa ibaba nito ay ang larawan ng ibat-ibang kahirapan ng mga Pilipino. Nung mga
panahon na iyon ay bata pa lamang ako ngunit nakadama na ako ng takot na ano nga
ba ang mangyayari kapag napuno na ng mga tao ang mundo. At nag-udyok pa nga sa
akin ang karatulang iyon upang makapagsulat ako ng maikling sanaysay tungkol sa
populasyon. Nakakalungkot isipin na makalipas ang maraming taon ay naruon pa rin
ang kaparehong katanungan. Mula apatnaput walong milyong populasyon nuong
simula ng dekada otsenta ay naduble sa mahigit siyamnapung milyon ang populasyon
ng Pilipinas ngayon. At nuong dekada rin na iyon ay pilit ng nilulutas ang kahirapang
bumabalot sa buong bansa. Ngayon, napakahirap ng sugpuin ang kahirapan dahil na
rin sa hindi nakontrol na pagdami ng tao mula nuong dekada otsenta hanggang
kasalukuyan.

Nabasa ko sa isang editoryal ang paliwanag kung bakit napakahalaga ang magkaroon
ng pagpigil sa pagdami ng tao. Napakadaling maintindihan kahit ng isang simpleng

mamamayan ang pagpapaliwanag sa artikulong iyon. Ang sabi, kahit hindi gaano
mabilis na lumaki o lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ay hindi masasabing naghihirap
ang bansa kung ang mga tao ay tatlong beses kumakain maghapon,
nakakapagpagamot kung maysakit, nakakapasok ang mga bata sa pampublikong
paaralan. Ito ay kung kakaunti ang populasyon na tumatanggap ng serbisyo ng
pamahalaan. Dahil kahit mabagal ang paglaki ng yaman ng bayan ay kaunti lang
naman ang naghahati-hati. Ang sabi pa sa naturang editorial, lumiliit ang sukat ng
lupang taniman ng pagkain dahil sa mabilis na pagdami ng tao. Ang nangyayari ay
palaki ng palaki ang pag-angkat ng bigas, kinukulang na kasi ang ani ng mga
nagtatanim ng palay dahil ang dating palayan ay kabahayanan na ngayon. Nuon ay
ang Pilipinas ang pinakamalaking nagluluwas sa buong mundo ng mga produkto ng
niyog, ang pinakamalaking kalaban ng Brazil sa kalakalan ng asukal sa Amerika, at ang
pinakamalaking tagapagdala ng mga troso sa Japan. Ngayon ay nagmahal ang
mantika dahil lumiit ang ani ng niyog, kulang na ang asukal sa bansa, ang materyales
sa paggawa ng bahay ay bakal at konreto dahil wala na ring kahoy sa bundok ang
mga ito ay dahil wala ng mapagtaniman dahil nagiging kabahayanan ng mga
dumadaming iskwater ang mga lupain.

Napakalaki ng epekto ng mabilis na pagdami ng tao sa kahirapan ng buhay. Habang


dumarami ang bilang ng mga tao ay bumababa naman ang kalidad ng pamumuhay.
Nariyan ang kahirapan, kawalan ng hanap-buhay, maruming kapaligiran at ang mga
napipilitang gumawa ng krimen dahil sa kahirapan. Mula nuong dekada otsenta ay
mahigit apatnapung milyon ang nadagdag sa kailangang arugain ng pamahalaan.
Kung gaano man ang iniunlad ng ating ekonomiya mula nuong dekada otsenta ay
nabale-wala ang halaga at hindi nararamdaman ang kaginhawahan dahil mabilis na
dumami ang mga tao na nakikipag-agawan sa nagkukulang na serbisyo ng gobyerno.
Mahalaga ang bilang ng populasyon ng isang bansa upang magkaroon ng mapayapa at
magandang buhay ang kanyang mamamayan.
Kung hindi sana naduble ang
populasyon, nagpapakasaya sana ang taong bayan sa iniunlad ng ekonomiya sa loob
ng 30 taon. Nakakapagtaka pa ba kung bakit patuloy ang paglaki ng kahirapan? Ang
mga tao na rin ang may kasalanan dahil walang kontrol sa pagpaplano ng pamilya kaya
dumadami ang mga nangangailangan. Kailangan na ng puspusang pag-kontrol ng
populasyon, anuman ang paraan natural man o artipisyal. Kung tatangkilikin ng mga
tao ang isinusulong ng pamahalaan, o kung susundin nila ang gusto ng Simbahan na
tanging pag-abstinensya lamang ang katanggap-tanggap na pag-plano ng pamilya ay
nasa taong may-pagmamalasakit at responsobilidad sa mga anak na ang pagpapasya.
Sa pagtatapos ng araw, ang mag-asawa pa rin ang bubuhay sa kanyang mga anak.

Karamihan sa mga pamilyang dumaranas ng kahirapan ay iyung may maraming anak.


Mayroong dalawang mag-anak na magkapareho ang kinikita ngunit magkaiba ang dami
ng anak. Ang una ay may isang dosenang anak na nag-aagawan sa kita ng magasawa samantalang ang ikalawa ay may dalawang anak lamang na nakikinabang sa
kita ng mag-asawa. Mas maraming anak mas maraming kailangang iluto, mas
maraming pag-aaralin, mas maraming inaala-alang kalusugan, mas maraming

ibinibigay na pangangailangan. Samantalang ang may dalawang anak ay mas


maraming pagkain, maliit ang gastos sa pag-aaral at asikasong-asikaso ang kalusugan
ng mga anak. Kung sa halimbawang ito ay inilagay sa magkaparehong kita ang
dalawang mag-anak, gasino pa kaya kung ang mag-asawang maliit ang pamilya ay
kumikita ng mas malaki na kadalasan ay siyang nangyayari?

Pagpigil sa Pagdami ng mga Tao


Ni Alex V. Villamayor
August 23, 2012

http://alex-insights.blogspot.com/2012/08/pagpigil-sa-pagdami-ng-mga-tao.html

Você também pode gostar