Você está na página 1de 2

Pag-ibig: Ingatan at Alagaan

Ni: AlyssaEunice A. Valdez


Gr.9- St. Gerard Majella

Ano ang pumapasok sa ating mga isipan kapag


naririnig natin ang salitang Pag-ibig. Alam nating
lahat na kapag naririnig natin ito, ang pumapasok sa
ating isipan ay relasyon sa pagitan ng dalawang tao.
Ngunit hindi lamang ito ang ibig sabihin ng pag-ibig.
Mayroon tayong ibat ibang kahulugan na ibinibigay sa
pag-ibig.Mayroon rin tayong ibat ibang paraan upang
maiparamdam sa ibang tao ang ating pag-ibig.
Ang pag-ibig ay isang damdamin na dapat nating
ingatan. Lahat ng tao sa mundo ay mayroon nito sa
kanilang mga puso. Huwag agad nating ipagkatiwala sa
iba ang ating pag-ibig.Dapat natin itong alagaan dahil
mahirap itong mawala sa atin. Ang pag-ibig natin sa
ating pamilya,kaibigan, sa ating bayan at sa taong
ating minamahal ay dapat nating alagaan upang hindi
mawala ang tiwala nila sa atin. Dahil sa pag-ibig din
nakukuha ang tiwala ng ibang tao.Lahat tayo ay
gagawin ang ating makakaya huwag lamang itong
mawala. Dahil sa pag-ibig natuto tayong
magpatawad,tumulong sa ating kapwa,magpasaya at
maglingkod sa ating kapwa. Sa pag-ibig tayo nakuha
ng inspirasyon at dahilan upang mabuhay pa sa
mundong ito. Ang pag-ibig rin ang dahilan upang tayo
ay maging masaya.

Ang pag-ibig ang ating dahilan upang maging


Masaya at dahilan upang maging malungkot. Lahat
tayo ay nalulungkot kapag nawala ang ating pagibig.Ngunit kailangan din natin ng limitasyon.Huwag
ibigayl ahat ng pag- mamahal sa isang tao, dapat ay
mahalin din natin ang ating sarili. Kaya dapat nating
alagaan at ingatan ang ating pag-ibig.

Você também pode gostar