Você está na página 1de 9

Ang Alamat

Pamagat :
Ang Kalupi
1) Pagkilala sa may Akda
Isinulat ni Arceli Salayon ang "Ang kalupi" upang ipahiwatig sa mambabasa ang
kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Nais niyang ipamulat sa mga
mambabasa ang kahulugan ng kanyang saloobin.
2) Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy
ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan
lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng
kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng
kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o
interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan
sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari
itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao,
mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing
tauhan.
3) Layunin ng may Akda
Ang layunin ng Akda ay upang imulat ang mga mata ng mga mambabasa sa mga
maaring kalabasan o kahantungan ng panghuhusga ng kapwa.
4) Tema o Paksa ng Akda
"Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na
kalooban."
5) Mga Tauhan o karakter sa akda
Aling Marta- pumunta sa palengke para mamili ng saangkap sa lulutuing sangkap
dahil yun ang araw ng pagtatapos ng kanyang anak
- pinag-bintangan niya ang bata
- siya ang dahilan ng pagkamatay nito
Bata- batang anak-mahirap
- naka-bangga kay AlingMarta
- Ang pinag-bintangan ni Aling Marta sa palengke
6) Tagpuan o Panahon
bahay- tinitirhan ni Aling Marta
palengke- doon niya nakabangga ang bata
pulisya-doon sila iniwan ng pulis para mag-usap
maaliwalas-ang panahon nung namamalengke si aling Marta
7) Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang mga pagkapit
ng mga pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas.

8) Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda


Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. And akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa buhay.
9) Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o
karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.
10) Buod
"Ang Kalupi''

Isang maaliwalas na umaga nang naghahanda si Aling Marta para sa kanyang


pamamalengke. Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang
makapaghanda ng masarap na putahe para sa tanghalian.
Nasa palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang
iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan
ng manok kaya pumasok siya sa loob.
"Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni Aling Marta
"Pasensya na po." Sabi ng Bata.
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis
ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang
pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling
Marta na ang bata ay anak-mahirap.
"Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay
pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao."
Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siya ng mantika.
Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang
bulsa.
"Bakit ho?" anito.
"E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
"Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae.
"Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na
sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung
bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng
kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso."
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip
ng mga nakaraang pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang
alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Hinanap niya ito at nakita
malapit sa tindahan ng kangkong.
"Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko,
ano? Huwag kang magkakaila!"
Tiyakin ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng
isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
"Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa ninyo."
"Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot ng pitaka
ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling
ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke."
Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng
kaunting impormasyon tungkol sa bata.
"Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa
bagay na ito.
Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng
pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito.

"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay
takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya
namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling
Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito.
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda
ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya
kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera.
Nangutang siya sa tindahan.
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak.
"Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak"
"Saan pa, e di sa pitaka."
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka."
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang
pinagbintangan.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."

Pamagat:

Alamat ng Kasoy
May Akda
Simon Lazaro

ANG ALAMAT NG KASOY


Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba.
Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod
na kuwento.
Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap.
Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at
nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit
na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY.
"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit.
Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may
makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang
naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan
ay narunig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong
ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa
mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa
ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.
Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik
sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng
engkantada ang kahilingan ng kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.
Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran
ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang
hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang
buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at
humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng
engkantada.
Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto
na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi
ng engkantada. "Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating
tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang
engkantada.
Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

Alamat

Pamagat :
(SA MGA KUKO NG LIWANAG)

May Akda :
KEVIN JOHN S. VENTURA
Ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes ay unang
lumabas bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway Magazine.
Isinasalaysay nito ang kuwento nina Julio at Ligaya, kapwa galing sa
probinsiya. Hindi na binabanggit dito kung aling probinsiya, sapagkat
kinakatawan nila ang libong kapuspalad na nakikipagsapalaran sa lungsod,
maynila araw-araw.
Si Ligaya ang naunang nagbaka-sakali, kasama ng isang matronang babae,
Mrs. Cruz, na nangako sa kanya ng isang simpleng trabaho, na may
posibilidad pang makapag-aral at makapagpadala ng kaunting tulong sa
iiwanan niyang mga magulang at kapatid. Pagkatapos ng ilang panahon na
hindi na nakakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kanyang mga magulang at
pati na rin kay Julio, na isip ni Julio na sundan ito sa Maynila upang hanapin
ito.
Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod.
Katulad nga ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya ng mga
kuko ng liwanag ng mga neon lightsng Kamaynilaan.
Maynilalaman ang pagkakasulat ng Kuko. Ang mga simbolong: Gusali, untiunting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito, bakal, graba at
semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga
kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang
nagmalasakit na tandaan, na sa kanyang kaitiman ay maaaring nagsisimbolo
na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.
Huling-huli ng nobela ang ingay, at kalaswaan ng Maynila. Akmang-akma
ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari, at tauhang
mapupuntahan, mararanasan, at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay
nito sa mambabasa ang isang napakamakatotohanang buhay sa Lungsod ng
mga Pangarap at Kasawian.
Kung babasahin mo ngayon ang nobela, maiisip mong maaari pa ring
mangyari ang kuwento ito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lang ang mga
pangalan ng kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan mo lang
ng cellphone sina Mister Balajadia at Misis Cruz, gawin mo lang mas
moderno ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin mo lang kahit minsan si Julio sa
LRT, atbp. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang gawin muling
pelikula ang librong ito, uubra pa rin ito kahit ilagay sa kasalukuyang taon
ang pruduksyon nito.

Ngunit lubog man sa man sa dumi at alikabok ang Maynilang isinalalarawan


sa nobela, mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw
dito. Ang mga nakilala ni Julio ay mabubuting tao, kapos man sila mismo sa
materyal na mga bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga
sarili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan ay nagagawa pa rin nilang
magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio. Sino pa ba naman ang
magtutulungan, Ika nga.
Isang mabisa, walang-kupas, at makatotohanang salamin ng lipunan ang
nobela. Mabisa, sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ay
ipinapakita ito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isa-isantabi. Sa
makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin ito.
Malungkot mang isipin, ang kuwento nga ay kuwento ng libo-libong Julio at
Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit
napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain
na mas magiging mas mahirap pa.
Makatotohanan ito, sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad
ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang
sitwasyon ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga
maralitang tagalungsod, ang diskriminasyon ng ilang tao, at ang bulok na
systema na nag papatakbo dito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan
ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa
kanya. Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kanyang
kapalaran. Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa
man ang mangyari sa kanya. Si Julio ay hindi si Ibarra na iniinda lamang ang
mga kasamaang idinudulot sa kanya ng kanyang mga kaaway. Ngunit hindi
rin naman siya si Simoun na naniniwalang na kasamaan din ang dapat idulot
sa mga kanyang kaaway.
Sa huli, sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang katulad ni
Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano
ang kabuluhan at kahulugan ng kanyang kinasapitan?
Maaaring hindi intensyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na
iyan. Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng
realidad ang kanyang nobela. Ipinapaubaya niya marahil sa atin ang
paghahanap ng mga sagot, ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa
nasabing realidad. Hindi man nito tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan
nitong palawakin ng mambabasa ang kanyang kamalayan sa realidad na ito,
at, harinawa, kumilos.

Balita

Daluyong
PAMAGAT:

ANG MAY-AKDA
LAZARO FRANCISCO

Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni
Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit
pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa
matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng
mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga
nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus,
Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang
Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga
nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin
ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa
wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa


Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang Patnubay ng Lahi ng Maynila.
Dangal ng Lahi ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya
ang Republic Cultural Heritage Award sa Panitikan.

MGA TAUHAN

LINO- dating bangkero ng isang asyenda, na nabigyan ng pagkakataong


magmay-ari ng sambanos na lupa sa tulong ni Padre Amando Echevarnia
PADRE AMANDO- nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Tumulong
kay Lino at sa anak nito.
MS. LORETO SANCHEZ- pamangkin ni Padre Amando at punung-guro sa
eskwelahan sa Pinyahan. Kumupkop kay Ernesto
ERNESTO- anak ni Lino sa pagkabinata
BIDONG- katiwala ni Lino sa kanyang bukid at kasintahan ni Huli
HULI- anak ni ALing Barang at Mang Abeng at kasintahan ni Bidong
ALBINO- katiwala ni Don Tito sa kanyang bakahan at matalik na kaibigan ni Lino
DON TITO- isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng
tenancy system
DR. BENIGNO (BENEG) SITYAR- anak ni Don Tito na tumatakbo sa
pagkagobernador
DIDANG- babaing taga-maynila na napadpad sa Maruhat at kasintahan ni Lino
ALING HUWANA- balong babae na kumupkop kay Didang

ALING BARANG- ina ni Huli


ALING BASILIA- ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni Padre Amando
ATTY. MARCELO LIGON- abugado ni Padre Amando
SALINA, MINA, AT BEBA- mga kaibigan ni Ms. Sanchez

BUOD

Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa


ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na
hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang
anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong
tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na
anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit
batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya.
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na
nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay
mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.
Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema
ng pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang
tumutol ditto at isa na rito si Don Tito.
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang
nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan.
Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda.
Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan
ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak
ni Padre Amando

Pamagat:

Ginang, binugbog ng kinakasamang nahuling may kalaguyo


May Akda
Bombo Naga Posted in More News Friday, 01 November 2013
Lugar:
NAGA CITY - Nagpapagaling pa ngayon ang isang ginang matapos saktan ng
kaniyang kinakasama sa Mauban, Quezon.
Ayon sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, sinundan umano
ng 53-anyos na biktima ang kaniyang 48-anyos na live-in partner sa isang
videoke bar.
Subalit hindi pa man nakakarating sa videoke bar ay nakita na umano ng
biktima ang suspek na may kasamang ibang babae.
Sa galit ay agad nitong nilapitan ang dalawa at sinuntok sa mukha ang
suspek.
Bunsod nito, labis na nagalit ang lalaki daan upang pagsusuntukin siya sa
mukha at iba pang bahagi ng katawan hanggang sa matumba siya.
Sa ngayon, hinihintay pa ng pulisya kung itutuloy ng biktima ang reklamo sa
kinakasama.

Você também pode gostar