Você está na página 1de 1

Pasalita at Pasulat na Diskurso: Pagkakaiba at Pagkakatulad

A.Pagkakaiba
Pasalita. Kadalasan sa natural na paraan, ang pasalitang pagdidiskurso ay hindi gaanong
napaghahandaan at bukas sa interbensyon ng tagatanggap. Ang anumang nasabi na ay hindi na maari
pang baguhin o ayusin pa ang paraan ng pagbibitiw ng mga salita. Sa patuluyang diskurso, ang
nagsasalita ay walang oras para huminto at mag-isip pa kung paano pagsusunud-sunurin ang mga
salita o pangungusap.
Pasulat. Sa pasulat na diskurso,karaniwan na ang teksto ay napaghandaan. May panahon ang
mnunulat na mag-isip kung ano ang sasabihin at paano ito sasabihin. Ang mga pangungusap ay
maayos na nabubuo. Ang mga naisulat na ay maari pang rebyuhin at baguhin. Kabilang sa diskursong
ito ang mga tekstong tulad ng mga artikulo sa pahayagan, memo, liham, adbertisment, sanaysay,
tula, maikling kwento, atbp.

Você também pode gostar