Você está na página 1de 121

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral

I: Heograpiya at mga Sinaunang


Kabihasnan sa Daigdig

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral
Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viria, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

DepEd Complex
Office Address: 5
2thnd Floor
Floor Mabini
Dorm G,Building,
PSC Complex
Meralco Avenue,
Pasig City
Philippines
1600Philippines 1600
Meralco
Avenue,
Pasig City,
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

PAUNANG SALITA
Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw
at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang
mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit
mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa
ibat ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa
kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang
ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring
pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,
politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati
naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at
mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal
na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong
Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig.
Halina at maglakbay sa daigdig sa ibat ibang panahon at tuklasin ang mga
gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.

TALAAN NG NILALAMAN
Modyul I Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36

Aralin 2 Ang Mga Sinaunang Tao


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 39
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49

Aralin 3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

53

55
110
112
116
117

MODYUL 1

HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG


KABIHASNAN SA DAIGDIG
Panimula
Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa
katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at
pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog
sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.
Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan.
Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang
kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad
ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang
kultural na tinawag na kabihasnan.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America,
ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng
panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga
tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang
pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang sumusunod:
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pagunawa sa daigdig
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at
mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon

Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao


Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa
daigdig
Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig
Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig

Panimulang Pagtataya
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng
daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A.

lokasyon

C.

paggalaw

B.

lugar

D.

rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan
at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ?
A.

Mesolitiko

C.

Neolitiko

B.

Metal

D.

Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng


kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon,
mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A.

imperyo

C.

kalinangan

B.

kabihasnan

D.

lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar


para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient
World?
A.

Alexandria

C.

Pyramid

B.

Hanging Gardens

D.

Ziggurat

5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.

Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?


A.

Tropikal na klima

C.

Buong taon na nagyeyelo

B.

Maladisyertong init

Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng


maraming wika sa isang bansa?
A.

Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.

B.

Maraming sigalot sa mga bansa.

C.

May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.

D.

Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

7. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong


naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I.

agrikultura

III.

labis na pagkain

II.

kalakalan

IV.

pangangaso

A.

IV, I, III, II

C.

IV, I, II, III

B.

II, I, IV, III

D.

I, II, III, IV

8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng


pag-unlad ng tao?
A.

Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.

B.

Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.

C.

Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.

D.

Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng


metal.

9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang


umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China?
A.

Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.

B.

Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.

C.

Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.

D.

Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop


na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa


pagitan ng Euphrates at Tigris.
x.

Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang


ikinabagsak nito.

y.

Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.

z.

Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia


at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.

A.

w at z

C.

y at z

B.

x at y

D.

z at w

11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?


A.

May pagkakapantay-pantay sa lipunang


Egyptian noong sinaunang panahon.

B.

Ang mga alipin at mangangalakal ay may


pantay na karapatan sa Egypt.

C.

Mas mataas ang posisyon ng mga paring


Egyptian kaysa sa mga mandirigma.

D.

Ang pharaoh, maharlika, at magsasaka


ang nasa mataas na antas ng lipunang
Egyptian.

12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga


sinaunang tao?
A.

Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga


kabihasnan sa kasalukuyang panahon.

B.

Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung


kayat kaunti ang kanilang mga ambag.

C.

Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang


mga pamanang ito.

D.

Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang


isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A.

Ang Germany ay miyembro ng European Union.

B.

Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

C.

Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang


mamumuhunan.

D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng


Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng ibat
ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
A.

Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.

B.

Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.

C.

Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.

D.

Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang


relihiyon.

15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na


pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong Neolitiko?
A.

Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.

B.

Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo


ng sapat na pagkain.

C.

Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao
na magpaamo ng hayop.

D.

Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng


pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.
7

16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A.

Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.

B.

Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.

C.

Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.


17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang
heograpiya-kasaysayan?
A.

May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.

B.

Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang


bulubundukin.

C.

Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na


nagbigay daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.

D.

Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot


ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan


sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa
iyong lungsod-estado?
A.

Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling


masakop ang mga teritoryo nito.

B.

May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na


magpapaunlad sa iyong pamumuhay.

C.

May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang


bagay.

D.

May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng


lungsod.

19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad


sa Mesoamerica?
A.

Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.

B.

Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tagaMesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.

C.

Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.

D.

Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay


na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang
buhay.

20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A.

Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng


mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.

B.

Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.

C.

Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging


asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.

D.

Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang


kabihasnan sa daigdig.

ARALIN 1

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
Sa araling ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa
paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

ALAMIN
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na
ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong
interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam
tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa
sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.
GAWAIN 1: GEOpardy!
Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na
ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang
papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

Pacific Ocean

Antarctica

gubat

lahing Austronesian

globo

bundok

compass

bagyo

Tropikal

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacific Ocean)


10

GAWAIN 2: Graffiti Wall 1


Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.
Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Gawain ito sa sagutang papel.
Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan
ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng
kapaligiran nito?

PAUNLARIN
Matapos ang pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa
daigdig, sisimulan ngayon dito ang pagtalakay sa mga konsepto at
klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito, tatalakayin
ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng
lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga
mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong
kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.

11

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya


Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar
kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay. Bagamat hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging
epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong
tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag
na kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at
graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:
HEOGRAPIYA

na
saklaw
ang
http://digital-vector-maps.com/
WORLD/GL-1068-Asia-Globe.
htm

anyong lupa
at anyong tubig

likas na yaman

klima at panahon

flora (plant life)


fauna (animal life)

distribusyon at interaksiyon ng tao at iba pang


organismo sa kapaligiran nito

Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang
tema ng heograpiya.
Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas
madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham
panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao
ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.

12

Diyagram 1.2 Limang Tema ng Heograpiya

Limang Tema ng Heograpiya

Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan


ng mga lugar sa daigdig
na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy

Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang


natatangi sa isang pook
na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy

Lokasyong Absolute na gamit


ang mga imahinasyong
guhit tulad ng latitude line at
longitude line na bumubuo
sa grid. Ang pagkukrus ng
dalawang guhit na ito ang
tumutukoy sa eksaktong
kinaroroonan ng isang lugar sa
daigdig.
Relatibong Lokasyon na ang
batayan ay mga lugar at bagay
na nasa paligid nito. Halimbawa
ang mga anyong lupa at tubig,
at mga estrukturang gawa ng
tao
Katangian ng kinaroroonan
tulad ng klima, anyong lupa
at tubig, at likas na yaman
Katangian ng mga taong
naninirahan tulad ng
wika, relihiyon, densidad
o dami ng tao, kultura, at
mga sistemang politikal

Rehiyon: Bahagi ng daigdig na


pinagbubuklod ng magkakatulad
na katangiang pisikal o kultural

Kapaligiran bilang
pinagkukunan ng
pangangailangan ng tao;
gayon din ang pakikiayon
ng tao sa mga pagbabagong
nagaganap sa kaniyang
kapaligiran

Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran:


ang kaugnayan ng tao sa pisikal
na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonan

may tatlong uri ng


distansiya ang isang lugar

Paggalaw: ang paglipat ng tao


mula sa kinagisnang lugar pa
tungo sa ibang lugar; kabilang din
dito ang paglipat ng mga bagay
at likas na pangyayari, tulad ng
hangin at ulan

13

Linear - Gaano kalayo ang


isang lugar

Time - Gaano katagal ang


paglalakbay

Psychological - Paano
tiningnan ang layo ng lugar

GAWAIN 3: Tukoy - Tema - Aplikasyon


Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa
lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pagkatapos, punan ng inyong pangkat ng kinakailangang impormasyon ang flower
chart sa ibaba.
1. May tropikal na klima ang Pilipinas.
2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand
upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang
nagbigay daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad
ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1 20 hilagang latitud at 103 50 silangang longhitud.
10. Espaol ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang
pansin ng inyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikong napiling
bansa katulad ng mga kongkretong halimbawang naayon sa limang tema ng
heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.
Lugar

Lokasyon

Napiling
Bansa

Interaksiyon ng
tao at kapaligiran

Rehiyon

Paggalaw

14

Pamprosesong mga Tanong


1.

Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang


napili ayon sa limang tema nito.

2.

Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral


ng katangiang pisikal ng bansa?

3.

Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa


heograpiya ng isang bansa?

Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod


na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit
na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa
solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na
organismo. Simulan mo na.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg

Nasaan ang planetang Daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon ng Daigdig sa solar system?
Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking
bituin, ang Araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat
ng buhay sa Daigdig halaman, hayop, at tao ay kumukuha ng enerhiya mula
sa Araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran mula sa hangin, alon,
ulan, klima, at panahon ay naaapektuhan ng Araw. Mahalaga rin ang sinag
15

ng Araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat
ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa Daigdig ay masasabing dulot ng tiyak
na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis
at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat taon.

Ang Daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas


at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot
ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim
mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.

com/earths_interior.html

Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito.

Ang Daigdig ay may


plate o malalaking
masa ng solidong bato
na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang
mga ito ay gumagalaw
na tila mga balsang
inaanod sa mantle.

Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi


ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng
iron at nickel.

Estruktura ng Daigdig

http://en.wikipedia.org/wiki/
Plate_tectonics

Ang Daigdig ay may apat na


hating-globo (hemisphere):
Ang Northern Hemisphere
at Southern Hemisphere na
hinahati ng equator, at ang
Eastern Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.
Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan, umaabot
lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman,
ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas
at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at
pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang
makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon,
ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.

16

http://www.studyzone.org/testprep/
ss5/b/comcontocheml.cfm

http://www.rocksandminerals4u.

Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.

Paano nakaaapekto
ang mga plate sa
pagbabago ng
hitsura ng ibabaw
ng daigdig?

Talahanayan 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig


Tinatayang Bigat (mass)

5.9736 x 1 024 kg

Tinatayang Edad

4.6 bilyong taon

Populasyon (2009)

6 768 167 712

Kabuuang Lawak ng Ibabaw


ng Daigdig

510 066 000 kilometro kuwadrado


(km2)

Lawak ng Kalupaan

148 258 000 km kwd (29.1%) (km2)

Lawak ng Karagatan

335 258 000 km kwd (km2)

Pangkalahatang Lawak ng Katubigan

361 419 00 km kwd (70.9%) (km2)

Uri ng Tubig

97% alat, 3% tabang

Circumference o Kabilugan sa Equator

40 066 km

Circumference o Kabilugan sa Poles

39 992 km

Diyametro sa Equator

12 753 km

Diyametro sa Poles

12 710 km

Radius sa Equator

6 376 km

Radius sa Poles

6 355 km

Bilis ng Pag-ikot

Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw


sa bilis na 66 700 milya bawat oras
(mph), 107 320 km bawat oras

Orbit sa Araw

Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw


sa loob ng 365 araw, limang oras, 48
minuto at 46 segundo

17

Longitude at Latitude
Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid
ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy
ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan
sa mapa o globo.
Tinatawag na longtitude
ang distansiyang angular na
nasa pagitan ng dalawang
meridian patungo sa
kanluran ng Prime Meridian.
Ito rin ang mga bilog (great
circles) na tumatahak mula
sa North Pole patungong
South Pole.

Ang Prime Meridian na


nasa Greenwich sa England
ay itinatalaga bilang zero
degree longitude.

Longitude

West
(+)

Ang 180 degrees


longitude mula sa Prime
Meridian, pakanluran
man o pasilangan, ang
International Date Line na
matatagpuan sa kalagitnaan
ng Pacific Ocean.
Nagbabago ang pagtatakda
ng petsa alinsunod sa
pagtawid sa linyang ito,
pasilangan o pakanluran.

East
(+)

tm

//
mth
o/tr
rjtnh
go/
o/jrn
rrg.
rn.oe ml
naer hmtl
.aler hy.t
.le srayr.
ww
a
ww ss
/ww lolos
:/:/ /GG
ttpp ssss/
ht claa
m
/

Prime
meridian

http://images.yourdictionary.com/
international-date-line

18

http://www.avontrail.ca/
coordinates.html

http://2012books.lardbucket.org/books/regional-geography-of-the-world-globalization-people-and-places/s04-01-geography-basics.html

Tinatawag na latitude
ang distansiyang angular
sa pagitan ng dalawang
parallel patungo sa hilaga o
timog ng equator.

Ang equator ang humahati


sa globo sa hilaga at timog
hemisphere o hemispero.
Ito rin ay itinatakdang zero
degree latitude.

Ang Tropic of Cancer ang


pinakadulong bahagi ng
Northern Hemisphere na
direktang sinisikatan ng
araw. Makikita ito sa 23.5
hilaga ng equator.
Ang Tropic of Capricorn ay
ang pinakadulong bahagi
ng Southern Hemisphere na
direkta ring sinisikatan ng
araw. Matatagpuan ito sa
23.5 timog ng equator.

19

GAWAIN 4: KKK GeoCard Completion


Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. Kumpletuhin ang
KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang
pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa
loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita.
Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa papel.
Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto
sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa
kasalukuyan?

Mga Kataga:
1. Planetang Daigdig
2. mantle

3. plate

4. pagligid sa Araw
5. longtitude at latitude

E
O
C
A
R

20

Ang Klima
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang
makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw,
init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon
ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig
ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa
latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan,
at taas mula sa sea level.

http://www.qldaccommodation.com/
tag/alaska

Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na


sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming
habitat o likas na tahanang nagtataglay ng ibat ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at
napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga
lugar na lubhang napakalamig ng panahon.
GAWAIN 5: Dito sa Amin
Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan
sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon
tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin
ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram.
Ako si ________________________.
Narito ako sa _________________________
______________________________________

Ang klima dito ay

Batay sa taglay na klima at likas na yaman ng


aming lugar, ang pamumuhay dito sa amin ay
_______________________

Ang mga likas


yaman dito ay

_______________________
_______________________
21

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang klima?

2.

Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa ibat ibang panig ng daigdig?

3.

Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan


sa lugar?

4.

Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

5.

Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman


sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?

Ang mga Kontinente


Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift
Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente
na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo
ang kasalukuyang mga kontinente.
Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram
1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.
240 milyong taon Mayroon lamang isang
super continent na tinawag na Pangaea
na pinaliligiran ng karagatang tinawag na
Panthalassa Ocean.

200 milyong taon Nagsimulang maghiwalay


ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati
sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at
Gondwana sa Southern Hemisphere.
Sa kasalukuyan Unti-unti ang
paggalaw ng mga kontinente.
Tinatayang 2.5 sentimetro ang
galaw ng North America at
Europe bawat taon.

65 milyong taon Nagpatuloy ang


paghihiwalay ng mga kalupaan.
Mapapansin ang India na unti-unting
dumidikit sa Asya.

22

May mga kontinenteng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America,
at South America, at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama
sa Australia ay ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia,
Melanesia, at Polynesia.
Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente ng daigdig.
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng
ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang
Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa
ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng


natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng
halos 2 km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang
nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammal ang karagatang
nakapalibot dito.

Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.


Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng North at South America, at
ang kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong
(1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig.
Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha
Zone sa Nepal at Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na


bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa
pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos
6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.

23

Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring


kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at
inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil
sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay
ng Australia bilang isang kontinente, may mga
bukod tanging species ng hayop at halaman na
sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito
ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil,
platypus, at iba pa.

Ang North America ay may hugis na malaking


tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan
sa kontinenteng ito ang Applachian Mountains
sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging equator hanggang sa Cape Horn
sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa
kabuuang baybayin ng South America.

Talahanayan 1.2 Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente


Lawak (km)

Tinatayang Populasyon (2009)

Bilang ng
Bansa

Asya

44 614 000

4 088 647 780

44

Africa

30 218 000

990 189 529

53

Europe

10 505 000

728 227 141

47

North America

24 230 000

534 051 188

23

South America

12 814 000

392 366 329

12

Antarctica

14 245 000

-NA-

Australia at Oceania

8 503 000

34 685 745

14

Kontinente

24

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,


ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa
rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Kung susuriin ang isang


mapa, mapapansing ang
mga baybayin ng silangang
bahagi ng South America at
kanlurang bahagi ng Africa
ay tila lapat at akma sa isat
isa na parang mga piraso
ng isang malaking jigsaw
puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating magkaugnay
ang dalawang lupaing ito.
Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng
paglawak ng karagatan sa
pagitan nito at ang paglayo
ng dalawang nasabing kontinente. Ang paliwanag na
ito ay batay sa Continental
Drift Theory.

phillipriley.comswiki.wikispaces.net

Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at


South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw
nito ang kanlurang hangganan ng South America at North
America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,
pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New
Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil
matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito
bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng
crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga


ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong 1815 (92 000
ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36 000 ang namatay); at Mt. Pelee noong
1902 (30 000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala
ng malalakas na lindol ay ang China noong 1556 (830 000 ang namatay) at 1976
(242 000 ang namatay); Japan noong 1923 (143 000 ang namatay); Sumatra
noong 2004 (227 898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222 570 ang namatay).
25

GAWAIN 6: Three Words in One


Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy sa bawat
bilang? Isulat ang sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.
1.

Nile River

Sahara Desert

2.

Rocky
Mountains

Egypt

3.

Andes
Mountains

4.

Cape Horn

K-2

Argentina

5.

Kangaroo

Lhotse

Tibet

6.

Tasmanian
Devil
Micronesia

Appalachian
Mountains

Hudson Bay

Iberian
Peninsula

Balkan
Peninsula
Italy

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?

2.

Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?

3.

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga


kontinente ng Daigdig?
26

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig


Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.
Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang
kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak
ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na
populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig
ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29 028 talampakan o 8 848 metro).
Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19 340 talampakan o 5 895 metro) at
sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18 510 talampakan o 5 642 metro). Tingnan
ang Talahanayan 1.3.
Talahanayan 1.3: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig

Bundok

Taas (sa metro)

Lokasyon

Everest

8 848

Nepal/Tibet

K-2

8 611

Pakistan

Kangchenjunga

8 586

Nepal/India

Lhotse

8 511

Nepal

Makalu

8 463

Nepal/Tibet

Cho Oyu

8 201

Nepal/Tibet

Dhaulagiri

8 167

Nepal

Manaslu

8 163

Nepal

Nanga Parbat

8 125

Pakistan

Annapurna

8 091

Nepal

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:


Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60s latitude. Tingnan
ang Talahanayan 1.4 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.

27

Talahanayan 1.4: Mga Karagatan sa Daigdig


Lawak (sa
kilometro
kuwadrado)

Average na
lalim (sa
talampakan)

Pacific Ocean

155 557 000

12 926

Mariana Trench, 35 840 talampakang lalim

Atlantic Ocean

76 762 000

11 730

Puerto Rico Trench, 28 232 talampakang lalim

Indian Ocean

68 556 000

12 596

Java Trench, 23 376 talampakang lalim

Southern Ocean

20 327 000

13 100

(4 000 - 5 000 metro) 16 400


talampakang lalim, ang
katimugang dulo ng South
Sandwich Trench, 23 736 talampakang lalim (7 235 metro)

Arctic Ocean

14 056 000

3 407

Eurasia Basin, 17 881 talampakang lalim

Karagatan

Pinakamalalim na Bahagi
(sa talampakan)

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,


pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang
bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench ay ang Puerto Rico Trench
sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China
Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo
etal, Edisyon 2012 (pp. 12-20)

Mababasa rin sa AP III Project Effective Alternative Secondary


Education (EASE), Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang
higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng
daigdig.

28

GAWAIN 7: Illustrated World Map


Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa
loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: (Talain o ixerox ang mapa.)
bundok

disyerto

bulubundukin

dagat, look,
golpo

ilog

Source: phillipriley.comswiki.wikispaces.net

Anyong Tubig

Anyong Lupa
Greenland

Nile River

Madagascar

Amazon River

Borneo

Yangtze River

Mt. Everest

South China Sea

Mt. Kilimanjaro

Mediterranean Sea

Sahara Desert

Caribbean Sea

Himalayas Mountain Range

Bering Sea

Andes Mountain Range

Arabian Sea

Appalachian Mountain Range

Bay of Bengal

Tibetan Plateau

Hudson Bay

Scandanavian Peninsula

Gulf of Mexico

Arabian Peninsula

Persian Gulf

29

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig na makikita


sa mapa?

2.

Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na


kanilang pinaninirahan?

3.

Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng


kabuhayan ng tao?

GAWAIN 8: The Map Dictates


Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya
ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang
sagot sa papel.
Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig.
Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan, at isang tangway.
Guhitan ng simbolong alon (

) ang limang karagatan ng daigdig.

Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL.


Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may
simbolong YL.
Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.
KL
H

YL

YL

YL
KL

YL
KL

30

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta?

2.

May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo


at tao? Bakit mo ito nasabi?

3.

Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligiran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan?

Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod


ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya ang heograpiyang pantao. Simulan mo na.

Heograpiyang Pantao
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig.
Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay
na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6 200 000 000 katao. Nakapaloob
ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong
daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang
ginagamit sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.5 ang
ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.
Talahanayan 1.5 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig
Pamilya ng
Wika

Buhay na
Wika

Bahagdan ng mga
Nagsasalita

Afro-Asiatic

366

5.81

Bansang Gumagamit ng Wika


Algeria,
Bahrain,
Cameroon,
Chad,
Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia,
Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya,
Mali,
Malta,
Mauritania,
Morocco,
Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi
Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan,
Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab
Emirates, Uzbekistan, at Yemen

31

Austronesian

1 221

5.55

Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook


Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia,
Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar,
Malaysia,
Marshall
Islands,
Mayotte,
Micronesia,
Myanmar,
Nauru,
New
Caledonia, New Zealand, Niue, Northern
Mariana Islands, Palau, Papua New
Guinea, Philippines, Samoa, Solomon
Islands,
Suriname,
Taiwan,
Thailand,
Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States,
Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna

436

46.77

Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,


Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium,
Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Canada, China, Croatia, Czech Republic,
Denmark, Fiji, Finland, France, Germany,
Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland,
Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,
Luxembourg,
Macedonia,
Maldives,
Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway,
Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal,
Romania,
Russian
Federation,
Serbia,
Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri
Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland,
Tajikistan,
Turkey,
Ukraine,
United
Kingdom, United States, Vatican State, at
Venezuela

Niger-Congo

1 524

6.91

Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,


Burundi,
Cameroon,
Central
African
Republic, Chad, Comoros, Congo, Cte
dIvoire, Cuba, Democratic Republic of
the Congo, Equatorial Guinea, Gabon,
Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau,
Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,
Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger,
Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,
Somalia, South Africa, South Sudan,
Sudan,
Swaziland,
Tanzania,
Togo,
Uganda, Zambia, at Zimbabwe

Sino-Tibetan

456

20.34

Bangladesh,
Bhutan,
China,
Kyrgyzstan,
Laos,
Myanmar,
Pakistan, Thailand, at Viet Nam

Indo-European

India,
Nepal,

Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family

32

Relihiyon
Mabibigyang kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at
rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang
buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito. Dahil sa
mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan
ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala
na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga
relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa
kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon
sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking
salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming
buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa
kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang
bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

Pinagkunan: The World Factbook 2012


33

Lahi/Pangkat-Etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race
o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin
ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang bumuo ng iba-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang
nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito
ng maraming diskriminasyon.
Sa kabilang banda, ang salitang etniko ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang mamamayan. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon
kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito
sa pisikal na heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng
indibiduwal o isang pangkat ng tao?
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng
mga tao sa daigdig?

34

GAWAIN 9: Crossword Puzzle


Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy
sa inilalarawan ng bawat bilang. Gawain ito sa kuwaderno.
1
3

10

Pahalang

Pababa

1.

Kaluluwa ng kultura

2.

3.

Sistema ng mga paniniwala


at ritwal

Relihiyong may pinakamaraming tagasunod

4.

7.

Pagkakakilanlang bayolohikal ng pangkat ng tao

Pamilya ng wikang may


pinakamaraming taong
gumagamit

9.

Pamilya ng wikang Filipino

5.

Salitang-ugat ng relihiyon

10.

Matandang relihiyong
umunlad sa India

6.

Salitang Greek ng mamamayan

8.

Pangkat ng taong
may iisang kultura at
pinagmulan

35

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na
katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim
na pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang
pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at
pamumuhay ng tao.

GAWAIN 10: My Travel Reenactment


Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang:
1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang
paglalakbay sa isang lugar.
2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay.
3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento.
4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang
tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.
5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito.
6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan.
7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric.
Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment
Pamantayan

Deskripsiyon

Puntos

Pagsasalaysay

Angkop ang pagsasalaysay sa paksang tinalakay;


nakapaloob ang tatlo o higit pang kaalaman ng aralin;
madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento;
malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang
isinasagawa ang pagsasadula

10

Pagsasadula

Magaling ang pagsasadula ng kuwento; mahusay na


naipakita ng mga tauhan ang kanilang pagarte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap

10

Pagkamalikhain

Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa


pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang
ginawang pagsasadula

Kabuuan

36

25

Pamprosesong mga Tanong


1.

Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?

2.

Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang


dula?

3.

Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya


at pamumuhay ng tao?

4.

Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na


katangian ng daigdig?

5.

Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes?


Bakit naging interesante ito para sa iyo?

GAWAIN 11: Modelo ng Kultura


Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang
inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang kasuotan ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo
at bagay na tumutukoy sa lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng iyong
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay
sa ibinigay na rubric.

37

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na


makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?

2.

Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang


pinili ng iyong kapangkat?

3.

Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa batay sa gawain?

4.

Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?

5.

Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?


Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura

Pamantayan

Deskripsiyon

Puntos

Nilalaman ng
Kasuotan

Wasto ang impormasyong nakasulat at mga


bagay o simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng
aralin

10

Disenyo ng
Kasuotan

Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay


at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;
malinaw ang mensahe batay sa disenyo

10

Pagmomodelo

Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa


klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o bansang kinakatawan ng modelo

Kabuuan

25

Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng


bagong Graffiti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graffitti Wall at
paghambingin ang dalawang sagot. Gawin sa kuwaderno.
Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan
ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng
kapaligiran nito?

38

ARALIN 2

ANG MGA SINAUNANG TAO


ALAMIN
Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na
baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong
ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralan.
GAWAIN 1: Kung Ikaw Kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.
Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin moy makatutulong sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan
ng iyong pagpili.

apoy

bato

kahoy

banga

buto ng hayop

Pamprosesong mga Tanong


1.

Alin ang iyong mga pinili?

2.

Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?

3.

Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang


bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-F Chart upang matukoy ang iyong
nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao.

39

GAWAIN 2: Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart


Isulat sa unang kolum ng tsart ang sariling sagot sa tanong.
Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?
Alam Ko Ngayon

Nadagdag Kong Kaalaman

Ito Na Ang Alam Ko

PAUNLARIN
Pagkatapos masabi ang alam mo ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang
magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang
iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang
tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizers, at mga gawaing
higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.
Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno
ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang Homo species (homo
na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at
nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng Homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga
ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng
Ebolusyon ng tao mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo sapiens.

Ape sinasabing
pinagmulan ng
tao

Chimpanzee pinapalagay na pinakamalapit na kaanak


ng tao, ayon sa mga
siyentista

Australopithecine
tinatayang ninuno ng
makabagong tao; Ape
na may kakayahang
tumayo nang tuwid

http://www.thejunglestore.com/ape
http://news.nationalgeographic.com/news/2012/10/121026-australopithecus-afarensis-human-evolution-lucy-scapula-science/
http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus

40

Homo habilis, Homo


erectus, at Homo sapiens mga pangkat ng
homo species

Lucy pinakatanyag na
Australopithecus afarensis
na natuklasan ang mga
labi noong 1974

Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis
noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong
Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

Tinatawag ding Panahon


ng Lumang Bato (Old
Stone Age)

Lower Paleolithic Period


Nagwakas dakong 120000 taon


na ang nakararaan

Nagmula ang Paleolitiko sa mga


katagang paleos o matanda at
lithos o bato

Pinakamaagang pananatili ng
tao sa daigdig

Hindi pa lumilikha ng mga


kasangkapan

Ang Homo habilis ay


nangangahulugang able man o
handy man dahil sila ang unang
species ng hominid na marunong
gumawa ng kagamitang bato

Sinundan ng mga Homo erectus


nang higit na may kakayahan sa
paggawa ng kagamitang bato

Pinakamahabang yugto sa
kasaysayan ng sangkatauhan

Maiuugat sa pagsisimula ng
paggamit ng kasangkapang
bato ng mga Hominid

Unang gumamit ng apoy at


nangaso ang mga sinaunang
tao

Panahong Paleolitiko
dakong 2 500 000 10 000 BCE
Upper Paleolithic Period

Middle Paleolithic Period

Dakong 40000 8500 taon ang


nakararaan

Dakong 120000 40000 taon


ang nakararaan

Nagkaroon na ng mga unang


pamayanan sa anyong mga
campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak

Paglitaw ng makabagong tao


noong 100000 taon ang nakalilipas

Ang mga yaong Neanderthal ay


nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-Magnon

Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta


sa katawan at pagguhit sa bato

Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany


ang mga labi

Lumitaw ang mga


komplikadong pagpapangkat
sa lipunan.

41

Mga Tanyag na Prehistorikong Tao


Ang Homo sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo
sapiens neanderthalensis (circa 200000 - 30000 CE). Higit na malaki ang utak
ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan.
May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang
ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.
Homo sapiens
neanderthalensis

Cro-Magnon

ttp://en.wikipedia.org/wiki/File:Homo_
sapiens_neanderthalensis.jpg

http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Cro-Magnon.jpg

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong


tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12000 taon nang
matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad
ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito
ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

42

Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na


Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng
Bagong Bato (New Stone
Age) na

Kilala ang panahong ito sa


paggamit ng makikinis na
kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.

Hango sa mga salitang Greek na


neos o bago at lithos o bato.

Ang terminong neolitiko ay


ginagamit sa arkeolohiya
at antropolohiya upang
italaga ang isang antas ng
ebolusyong pangkalinangan
o pagbabago sa
pamumuhay at teknolohiya.

Naganap sa panahong ito ang


Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.

Isa itong rebolusyong


agrikultural sapagkat natustusan
na ang pangangailangan sa
pagkain.

Ito rin ang nagbigay-daan sa


permanenteng paninirahan sa
isang lugar upang alagaan ang
mga pananim.

Panahong Neolitiko
dakong 10 000 4 000 BCE

May populasyong mula 3000


6000 katao

Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang


tabing pasukan ng isang
bahay ay mula sa bubungan
pababa sa hagdan

Inililibing ang mga yumao sa


loob ng kanilang bahay

May paghahabi, paggawa ng


mga alahas, salamin, at kutsilyo

Catal Huyuk Isang


pamayanang Neolitikong
matatagpuan sa kapatagan
ng Konya ng gitnang Anatolia
(Turkey ngayon)

Isang pamayanang sakahan

Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal. Edisyon 2012 pp.12-20

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang


tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang
yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 BCE. Inilalarawan sa susunod
na diyagram ang Panahon ng Metal.

43

Panahon ng Tanso

Panahon ng Bronse

Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso


subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang
yari sa bato.

Naging malawakan na noon


ang paggamit ng bronse nang
matuklasan ang panibagong
paraan ng pagpapatigas dito.

Nagsimulang gamitin ang


tanso noong 4000 BC sa
ilang lugar sa Asya, at 2000
BCE sa Europe at 1500 BCE
naman sa Egypt.

Pinaghalo ang tanso at lata


(tin) upang makagawa ng higit
na matigas na bagay,

Ibat ibang kagamitan at armas


ang nagagawa mula sa tanso
tulad ng espada, palakol,
kutsilyo, punyal, martilyo, pana,
at sibat,

Sa panahong ito natutong


makipagkalakalan ang mga tao
sa mga karatig-pook.

Nalinang na mabuti ang


paggawa at pagpapanday
ng mga kagamitang yari sa
tanso.

Panahong Metal
4 000 BCE Kasalukuyan
Persian Silver Cup

Panahon ng Bakal

http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Elam_cool.jpg

Natuklasan ang bakal ng mga


Hittite, isang pangkat ng IndoEuropeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 BCE.

Natutuhan nilang magtunaw at


magpanday ng bakal.

Matagal nilang pinanatiling


lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.

Nang lumaon, lumaganap


ang paggamit ng bakal sa iba
pang kaharian.

Teksto mula sa Araling Panlipunan III Project EASE Modyul 2

44

GAWAIN 3: I-Tweet Mo!


Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga
kailangang impormasyon ang I-Tweet Mo! Organizer.
Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa
sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko, at sa pangkat 3
at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. Ibibigay
ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng
mga tweet o maiikling pahayag.
Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga
pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng
komento ng diyagram.
@Paraan ng Pamumuhay
___Tweet:_______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Komento

@Paraan ng Pamumuhay
___Tweet:_______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Komento

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng


tao?

2.

Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay


sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?

3.

Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang


tao?

45

GAWAIN 4: Tower of Hanoi Chart


Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng
pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower
ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Gawin ito sa kuwaderno.

Malaki ang epekto ng


heograpiya sa pag-usbong
ng unang pamayanan.

Malaki ang naging


epekto ng agrikultura sa
pamumuhay ng tao.

1.

Higit na umunlad ang


pamumuhay ng tao dahil
sa paggamit ng metal.

1.

2.

1.

2.

3.

2.

3.

3.

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon?

2.

Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang


tao? Patunayan.

3.

Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito


ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.

4.

Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang


nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura
ng mga sinaunang tao sa daigdig?
46

GAWAIN 5: Ano Ngayon Chart


Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng
pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong
ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat din iugnay ang mga pangyayari ng
nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na
kabuluhan ng kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa
ibat ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon Chart.

Mga pangyayari sa
iba-ibang yugto ng
pag-unlad

Kahalagahan sa Kasalukuyan

Paggamit
ng apoy

Pagsasaka

Pag-iimbak ng labis
na pagkain

Paggamit ng mga
pinatulis na bato

Paggamit ng
mga kasangkapang
metal

47

Pagtatayo ng
mga permanenteng
tirahan

Pag-aalaga
ng mga hayop

Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon Chart


Pamantayan

Paglalarawan

Puntos

Nilalaman

Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga


pangyayari noong sinaunang panahon sa kasalukuyan

10

Ebidensiya

Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng


mga kongkretong halimbawa

10

Kabuuan

20

Pamprosesong mga Tanong


1.

Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang


panahon?

2.

Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?

3.

Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang


may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?

Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling


sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart. Isulat ito sa ikalawang kolum,
sa Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula
sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nagpayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto
sa Initial Idea.

48

PAGNILAYAN at UNAWAIN
Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa
iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman
sa pangkatang gawain sa bahaging ito.
GAWAIN 6: Archaeologist at Work
Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang
pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar.
Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis
Worksheet 1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at
sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet 2.
Task Card
Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa ibat ibang bahagi ng daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal Hyk. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na
natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang Iyong Misyon
Gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Hyk. Tingnan
ang pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon
Ang Catal Hyk sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24
football fields. Malapit ang Catal Hyk sa pampang ng Ilog Carsamba.

Artifact Analysis Worksheet 1

Artifact Analysis Worksheet 2

1. Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian


nito?

1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hyk


batay sa iyong ginawang imbestigasyon?
_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito


noong sinaunang panahon?

2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng


mga taga-Catal Hyk sa kasalukuyang
pamumuhay gamit ang sumusunod na
aspekto:

_____________________________________
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa
kasalukuyang panahon?

a. pang-araw-araw na gawain

_____________________________________

b. paraan ng paglilibing

4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito


tungkol sa Catal Hyk?

c. sining

_____________________________________

d. pinagkukunan ng pagkain

49

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga


taong nabuhay sa Catal Hyk?

2.

Ano ang mga patunay na ang Catal Hyk ay lumitaw noong panahong Neolitiko?

3.

Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay


sa Catal Hyk at sa kasalukuyang pamumuhay?
Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work

Pamantayan

Paglalarawan

Puntos

Artifact Analysis Worksheet 1

Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat artifact; mahusay na natukoy ang gamit at kahalagahan ng mga na ito

10

Artifact Analysis Worksheet 2

Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng


Catal Hyk gamit ang mga sinuring artifact;
mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa
Catal Hyk sa kasalukuyang pamumuhay gamit
ang ibat ibang aspekto

10

Pag-uulat

Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilalahad na kasagutan; mahusay na nalagom ang


mga impormasyong inilahad

Kabuuan

50

25

Mural Painting

Isang Pigurin

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.


Louis Community College http://users.
stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.


Louis Community College http://users.
stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Obsidian Arrow Head

Ceremonial Flint Dagger

Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/
mfuller/catalhuyuk.html.

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.


Louis Community College http://users.stlcc.
edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Mga Palamuti mula sa mga Bato at


Buto ng Hayop

Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa


Catal Hyk

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.


Louis Community College http://users.stlcc.
edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Imahe mula sa Science Museum of Minnesota,www.smm.org/catal

51

Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at Work, muling


sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay ang sagot
sa huling kolum na Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang lahat
ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart.

52

ARALIN 3

MGA SINAUNANG KABIHASNAN


SA DAIGDIG
ALAMIN
Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, na
mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang
nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng
mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat
ng tao sa kasalukuyang panahon.
Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
GAWAIN 1: Picture Frame
Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa.
Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng larawan mula sa salitang
inilaan ng guro sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang tumutukoy
sa mga naguhit na larawan.

53

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?

2.

Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong
pagkakaunawa sa salitang kabihasnan?

GAWAIN 2: WQF Diagram


Pumili ng paksa mula sa Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig na gagawan ng
WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito:
1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng W (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa.
2. Sa kahon ng Q (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot
tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa bilog F (facts). Babalikan ito pagkatapos ng
Pagnilayan at Unawain.
Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF Diagram,


malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng pagaaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin.

54

PAUNLARIN
Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang
impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng
mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.
Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito simulan
mo na.
Kabihasnan Katuturan at mga Batayan
a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay
na kahulugan ng mga kamag-aral.

b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan
sa kabihasnan.
c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan
ng salitang kabihasnan?
d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.

http://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/fighting-for-the-crown/

http://www.fishfarming.com/tilapia.html
http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=2818140

http://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancientegypt-hieroglyphics-on-wall.html

http://listdose.com/top-10-inventions-that-changed-human-lives-forever/

55

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging


ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?

2.

Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?

3.

Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?

4.

Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?

5.

Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng


mataas na antas ng agham at teknolohiya?

6.

Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular


sa Asya, Africa, at America?

Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga


batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa pagtalakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang talakayin
ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan
noong sinaunang panahon.

56

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan
ang mapa ng bituin () na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Mesopotamia (Iraq)

Egypt

Huang Ho (China)

Indus (India at Pakistan)


Mesoamerica

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan


ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o pagitan at potamos o ilog. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog na inaakalang lunduyan ng unang
kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa
buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng ibat ibang sinaunang pangkat ng
tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at
Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang
panahon, ibat ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang
lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

57

Heograpiya ng Mesopotamia
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga
ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaing
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile
Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula
sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik
(silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon
na nakabubuti sa pagtatanim.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya
mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan
din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at
tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay
ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng
lipunan sa mga sumunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong
panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang
lungsod sa daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,
binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan,
Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na
sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan
ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang
pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay
of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samut sari rin ang wikang
ginagamit sa rehiyong ito.
58

Bagamat ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,


nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang
mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India.
Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno
subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang
mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.
Heograpiya ng Lambak ng Indus
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa
lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi
ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na
ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay
halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran
ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing
Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay
nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang
milenyo BCE. Sa kasalukuyan tinatayang mahigit
1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito
partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.

Mapa ng Indus Valley


http://www.mapsofindia.com/history/indusvalley-civilization.html

Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok


ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900
km.(1800 milya) at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga
sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo
at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa
at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng
3000 BCE Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at
maayos na mga kalsada. Ang sumunod na limang siglo, ay nagkaroon din ito
ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

59

Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit
kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Mapa ng Kabihasnan sa China


http://history.howstuffworks.com/asian-history-of-china.htm

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na


pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na
milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng
mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.
Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang
nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal,
halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa
kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong
panahon.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho


Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa
tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula
sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang
makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang
malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China
Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyonal ng
China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit
dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan
ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa
ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga
magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao
sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan
ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom.
60

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa


Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na
nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay
mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt
bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang
paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol
sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng
mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na
ang paninirahang bago pa sumapit 8000 BCE Sinasabing maaaring ang mga
kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula
sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
Heograpiya ng Egypt
Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,
mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung
saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt
ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan
Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River
na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito
ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng
pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang
pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang
noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos
ang suplay ng tubig.
61

Mapa ng Egypt
http://egypt-trade.wikidot.com/

Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan


upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay
nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain
na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim
sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa
bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar
na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig
mula rito para sa mga lupang sakahan.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang
Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal
upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga
proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na
teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan
magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay
na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay
ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil
dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa
loob ng mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica


Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o
hunter ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na
ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North
America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa
mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E.,
umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga
Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa ibat ibang bahagi ng America.
Heograpiya ng Mesoamerica
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang gitna.
Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central
America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf
of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan

62

Mapa ng Mesoamerica
http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations/
mesoamerica.html

ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay


mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng
Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador,
at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng
pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa ibat ibang bahagi
ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang
paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking
populasyon ang rehiyong ito.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig
ni Mateo etal., (2012), pp. 75-82

Mababasa rin sa EASE Araling Panlipunan III Modyul 3 Ang Unang


Kabihasnan pp. 7-15, p.22, p.54 upang higit na mapagyaman ang kaalaman
tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

63

GAWAIN 3: Triple Matching Type


Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.

Sa pagitan ng mga
ilog

Lupain ng
Yucatan Peninsula
Timog ng
Mediterranean

Egypt

Nasa gitna ng kontinente

Tsino

Biyaya ng Nile

Indus

Nasa tangway ng
Timog Asya

Dumadaloy ang
Indus River

May matabang lupain


sa Huang Ho

Nasa Kanlurang
Asya

Mesoamerica
Mesopotamia

Nasa kanluran
ng Yellow Sea

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang


may pagkakatulad sa isat isa?

2.

Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa


pagtataguyod ng kabihasnan?

3.

Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking


impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot.

GAWAIN 4: Geography Checklist


Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba.
1. Makilahok sa iyong pangkat.
2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin:
(1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3)
Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica.

64

3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat.


Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila paper) sa tulong
ng sumusunod na panuto:
Isulat ang kabihasnang
nakatalaga sa pangkat

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikal


ng kabihasnang nakatalaga sa pangkat.

4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang


pangkat.
5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat.
6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto:
Isulat ang pangalawang
kabihasnang ihahambing

Isulat ang pangatlong


kabihasnang ihahambing

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Lagyan ng tsek (3) ang kahon kung taglay ng mga


kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpikal ng kabihasnan ng iyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing


ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal.
Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.

65

Pamprosesong mga Tanong


1.

Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan


ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isat isa?

2.

Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal


ang mga sinaunang kabihasnan?

3.

Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng


mga sinaunang tao?

4.

Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang


kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.

Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang


kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos
tungkol sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at
kontinente ng America.

66

Mga Sinaunang
Mga
Sinaunang
Kabihasnan
Kabihasnan
sa Daigdig
sa Daigdig
Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang
kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang
Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng
Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.
Ang Kabihasnang
Ang
Kabihasnang
Mesopotamia
Mesopotamia
sa Kanlurang
sa Kanlurang
Asya Asya
Sumer (3500 - 2340 BCE)

Ziggurat
http://www.bible-archaeology.
http://www.bible-archaeology.
info/ziggurats.htm
info/ziggurats.htm

Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga


Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing
sakahan ng
lupaing
sakahan
lambakng
ilog.
lambak ilog.

Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish,


Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk,
at Ur) na pinamunuan
Lagash,
Uruk, at Ur) ng
naisang
pinamunuan
hari.
ng isang hari.

Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing


Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan
at templo at
tahanan
ng templo
mga patron
ng mga
o diyos
patron
na makikita
o diyos
sa na
bawat
lungsod. sa bawat lungsod.
makikita

Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na


Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may
anthropomorphic
o may
katangian
katangian
at pag-uugaling
at pag-uugaling
tao.
tao.
Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na

Akkad (2340 - 2100 BCE)

Akkad (2340 - 2100 BCE)

Sargon I
http://en.wikipedia.org/wiki/Sarhttp://en.wikipedia.org/wiki/Sargon_of_Akkad
gon_of_Akkad

Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at


Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado tungkol
baboy.
sa
lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na
Madalas ang
tunggalian
ng mga lungsod estado
pamahalaan
ang
mga Sumerian.
tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang
matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
Sinakop ni Sargon I (2334 - 2279 BCE) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo
Sinakop
sa daigdig.ni Sargon I (2334 - 2279 BCE) ang mga lungsod-estado
at itinatag ang kauna-unahang imperyo
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotasa
daigdig.
mia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.

Si
Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng MesopotaIsa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
mia
sa Sin
lungsod-estado
ng Akkad o Agade.
Naram
(2254 - 2218 BCE)

Isa
sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ng lungNaram
Sin ng
(2254
- 2218
BCE)
sod-estado
Ur ang
kapangyarihan
nito at pina-

Sargon I

Cuneiform
ginamitan ng(hugis-sinsel)
paraan
ng pagsulat na
stylus at clay oang
luwad
na lapida
ginamitan
ng
stylus
at
clay
o
luwad
na
lapida
Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.

Noong 2100
munuan
ang Sumer
B.C.E.atpanandaliang
Akkad.
nabawi ng lungsod-estado
ng
Ur
ang
kapangyarihan
nito at pinaBumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga
munuan
Sumer
at Akkad. Sa loob ng suAmorite atang
Hurrian
sa Mesopotamia.

Bumagsak
munod
na tatlong
ang dinastiyang
siglo, ang mga
Ur lungsod-estado
sa pagsalakay sa
ng mga
katimugan,
Amorite
atpartikular
Hurrian sa
angMesopotamia.
Isin at Larsa, ay Sa
nagtungloob ng sugalian upang
munod
na tatlong
makontrol
siglo,
angang
rehiyon.
mga lungsod-estado sa
katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

67

Babylonian (1792 - 1595


BCE)

Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia.

ang Babylon ay naging kabisera ng Imperyong Babylonia.

Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang
kahariang Ashur.

Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak


ang kaharian ng Babylon.

Noong 1595 BCE sinalakay ng mga Hittite Anatolia


ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga
lungsod-estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
dayuhang pinuno.

Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagangsilangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa
Asia Minor (kasalukuyang Turkey).

Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114


- 1076 BCE) ang mga Hittite at naabot ng puwersa
ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang
imperyong Assyrian.

Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng


mga ekspedisyong militar pakanluran upang
mapasakamay ang mahahalagang rutang
pangkalakalan at makatanggap ng tributo.

Isa si Ashurbanipal (circa 668 - 627 BCE) sa mga haring


kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang
panahon.

Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang


pag-aalsa.

Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) ang nagtatag ng


bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan
ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.

Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562


B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo
ng Assyria noong 609 B.C.E.

Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang


natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang
nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa
kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa
sa Seven Wonders of the Ancient World.

Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni


Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging
bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian
ang Mesopotamia.

Code of Hammurabi
http://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Code-de-Hammurabi-1.jpg

Assyrian (1813 - 605 BCE)

Ashurbanipal
http://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Kinadshburn.JPG

Chaldean (612 - 539 BCE)

Hanging Gardens
http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Hanging_Gardens_of_
Babylon.jpg

Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang


pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.
68

Persian (539 - 330 BCE)

Cyrus the Great

http://en.wikipedia.org/wiki/Cyrus_
the_Great

Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga


Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa
Persia (kasalukuyang Iran) and sentro ng imperyong
ito.

Sa ilalim ni Cyrus the Great (559 - 530 BCE)


nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim
nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at
Asia Minor (kasalukuyang Turkey).

Darius the Great (521 - 486 BCE) umabot ang sakop


hanggang India.

Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga
lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador
o satrap.

Nagpagawa rin dito ng isang Royal Road na


tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na
kilometro mula Sardis hanggang Susa.

Napatanyag din ng mga Persian ang pagsulong ng


relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

Gawain 5: Complete It!


A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang
letra sa patlang. Gawain ito sa kuwaderno.
1. ___ ___ M ___ ___ Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia
2. ___ K ___ ___ ___ Unang imperyong itinatag sa daigdig
3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ Kabisera ng Imperyong Babylonia
4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ Imperyong itinatag ni Nabopolassar
5. ___ ___ T ___ ___ ___ Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia
6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ Imperyong itinatag pagkatapos ng
Babylonia
B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang makumpleto ang pangungusap.
1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil ____________
_________________________________________________.
2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __
_________________________________________________.
69

3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _____________________


_________________________________________________.
4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang ___
_________________________________________________.
5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Imperyong Persian ang ___________________________________
_________________________________________________.

Pamprosesong mga Tanong


1.

Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?

2.

Sino-sino ang mga pinunong namahala sa Imperyo?

3.

Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?

4.

Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay pag-usbong


at pagbagsak ng mga kabihasnan?

70

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa
mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng
kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod
na diyagram.

http://www.thenagain.info/webchron/india/harappa.html

Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa


lambak Indus at tinatayang umusbong ito
noong 2700 BCE

Sinasabing ang mga


Dravidian ang bumuo
ng kabihasnang Indus.

Planado at malalapad
ang mga kalsada nito.

Ang mga gusali ay


hugis parisukat at ang
mga kabahayan ay may
malalawak na espasyo.

Harappa
Natagpuan sa
kasalukuyang Punjab na
bahagi ng Pakistan. May
350 milya ang layo nito
mula sa Mohenjo-Daro
pahilaga.

Ang pagkakaroon
ng mga palikuran ng
mga kabahayan ay
itinuturing na kaunaunahang paggamit
sa kasaysayan ng
sistemang alkantarilya o
sewerage system.

http://en.wikipedia.org/wiki/Mohenjo-daro

Mohenjo-Daro
Ang Mohenjo-Daro ay
nasa katimugang bahagi
ng daluyang Indus River.

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay


matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang
mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang
suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang
Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng
bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto,
tulad ng bulak, mga butil, at tela.
Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nagaalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila
rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula
rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat
ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at
ginto sa kanilang mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
71

mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong


palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati
ng lipunan sa ibat ibang uri ng tao.
Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng Arabian
Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga
baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang
kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak,
mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa
Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na
representasyon ng isang bagay sa anyong larawan.
Sewer System
Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang
http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/
kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang
IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChannelPic_large.jpg
kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon
pa mang 2300 BCE. Kapuna-punang wala ni isa
mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema
ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000
BCE subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan
at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.
May ibat ibang paliwanag tungkol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May
nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at
pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.
May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta
sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE
Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo-Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob
ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang
Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na
ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at
Aryan na nagdulot ng wakas sa kabihasnang Indus.
Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula
sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at
nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at
mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong
nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga
Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang
Indus.
72

Steatite Seal
http://phys.org/news168539680.html

Ang Panahong Vedic (1500 - 500 BCE)


Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong
Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay
nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad
ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.
Ang salitang Arya ay nangangahulugang marangal sa wikang Sanskrit.
Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman
tungkol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagangkanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas:
ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong
himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay.
Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 BCE
hanggang 500 BCE na tinatawag ding panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki
at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit
unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran. Hindi na
pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin
sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 BCE, tuluyang nasakop ng mga
Aryan ang hilagang bahagi ng India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang:
maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.
Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat
sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan
at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw
din ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang
pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
kanilang pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang
lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo
ng mga pari.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang
katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
nangangahulugang lahi o angkan.

73

Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat


ng mga tao.

Brahmin
kaparian
Ksatriya
mandirigma
Vaisya
mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa
Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo
ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah
naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay,
nagbibitay sa mga kriminal

GAWAIN 6: Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya


A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan
sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog
Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa
kanilang pamumuhay.

74

B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at


Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa
kasalukuyan.
Ambag ng Kabihasnan

Kapakinabangan Ngayon

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus?


Ilarawan ang mga ito.

2.

Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?

3.

Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga


tao sa India batay sa sistemang caste? Ipaliwanag ang sagot.
75

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE - 500 CE)


Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimulang
tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16 na
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang
India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito
ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.
Pagsapit ng 500 BCE, ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan
at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa
maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng
monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang
mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo
ng mga bagong lungsod at lansangan.
Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa
bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain,
mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga
sa panahon ng digmaan at pagsasaka.
Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 BCE) Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan,
at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang
pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon,
nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges
at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na
kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay
makabagong Patna sa Bihar.
Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong pinamunuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang
India. Noong 518 BCE nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lambak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa
loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng
kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa ibat ibang kaharian ay maaaring
makapag-aral.
Tinapos ni Alexander the Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia.
Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas
patungong India noong 327 BCE. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian
ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian,
nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang
nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang
mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India.
76

Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng


sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE, ang bahagi ng hilagang-kanlurang
India ay naiwang walang mahusay na pinuno.
Pagkatapos nito, ibat ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan
ang kasunod na diyagram.
Imperyong Maurya
Pagkatatag

Noong 322 BCE, nasakop


ni Chandragupta Maurya
ang dating kaharian ng
Magadha at tinungo
ang mga naiwang lupain
ni Alexander. Sakop ng
imperyo ang hilagang India
at bahagi ng kasalukuyang
Afghanistan.

Mahalagang Pangyayari

Lions of Sarnath
http://en.wikipedia.org/wiki/Emblem_of_india
Pagbagsak

Nagsimulang humiwalay sa
imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera.
Sa pagbagsak ng Imperyong
Maurya noong ikalawang
siglo BCE nagtagisan ng
kapangyarihan ang mga
estado ng India. Sa sumunod
na limang siglo, ang hilaga
at gitnang India ay nahati
sa maliliit na kaharian at
estado.

77

Ang kabisera ay nanatili sa


Pataliputra.

Tagapayo ni Chandragupta
Maurya si Kautilya, ang may
akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil
sa pangangasiwa at estratehiyang politikal.

Ang imperyo ay pinamunuan ni


Ashoka o Asoka (269-232 BCE)
ang kinikilalang pinakamahusay
na pinuno ng Maurya at isa sa
mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang
kaniyang madugong pakikibaka
sa mga kalinga ng Orissa noong
261 BCE na tinatayang 100,000
katao ang nasawi, tinalikdan
niya ang karahasan at sinunod
ang mga turo ni Buddha.

Imperyong Gupta

Pagkatatag

Ang pangalan nito ay


hango mula sa pangalan ng
naunang imperyo. Itinatag
ito ni Chandragupta I (Circa
319-335 CE)

Mahalagang Pangyayari

Si Reyna Kumaradevi
at Chandragupta I
http://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Queen_Kumaradevi_
and_King_Chandragupta_I_on_a_
coin_of_their_son_Samudragupta_350_380_CE.jpg

Pagbagsak

Sa pagsapit ng ikaanim na
siglo CE, nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta
sa kamay ng panibagong
mananakop, ang mga White
Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang
Asya.

78

Chandragupta II (Circa 376 - 415 CE).


Nakontrol uli ang hilagang India.
Muli, ang kabisera ng imperyo ay
nasa Pataliputra.

Itinuturing itong panahong klasikal


ng India.

Naging epektibo ang pangangasiwa


samantalang ang panitikan, sining,
at agham ay yumabong.

Maunlad ang mga larangan ng


Astronomiya, Matematika, at
Siruhiya (surgery) sa panahong ito.

Si Kalidasa, ang kinikilalang


pinakamahusay na manunulat at
makata ng India, ay nabuhay sa
panahong ito bagamat hindi alam
ang eksaktong petsa. Ang dulang
Sakuntala na tinatayang isinulat niya
noong ikaapat o ikalimang siglo CE
ay hango mula sa kaisipang Hindu.

Imperyong Mogul

Pagkatatag

Itinatag ang Mogul nang


masakop ni Babur ang
hilagang India at Delhi
noong 1526.

Mahalagang Pangyayari

Taj Mahal
http://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Taj_Mahal_2012.jpg

Pagbagsak

Sa pagsapit ng ikaanim na
siglo CE, nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta
sa kamay ng panibagong
mananakop, ang mga WHite
Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang
Asya.

Labis na humina ang Mogul


dahil na rin sa pagdating ng
makapangyarihang English
sa India.

79

Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim


ni Akbar na namuno sa kabuuan
ng hilagang India mula 1556
hanggang 1605.

Nagpatupad siya ng kalayaan


sa pananampalataya at
makatarungang pangangasiwa.

Ilan pang magagaling na pinuno


ang humalili kay Akbar tulad
nina Shah Jahan na nagpatayo
ng Taj Mahal at Aurangzeb
na nagbawal ng sugal, alak,
prostitusyon, at sati (suttee)
o pagsunog ng buhay sa mga
biyuda.

GAWAIN 7: Empire Diagram


Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya.
Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga
ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang
bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag
na imperyo sa Timog Asya.
Imperyo sa Timog Asya

Maurya

Gupta

Mogul

Datos:

Datos:

Datos:

Pinuno:

Pinuno:

Pinuno:

Aral na Natutuhan:

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang


imperyo?

2.

Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?

3.

Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang


kabihasnan?
80

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya


Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin,
at dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga
sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000
taon. Suriin ang kasunod na diyagram:

Kabihasnang Tsino
Xia (2000 - 1570 BCE)

Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang


kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng
Huang Ho.

Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa


kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang


gumamit ng bronse sa panahong ito.

Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda


sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle
bones o mga tortoise shell at cattle bone.

Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng


mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na
pinuno.

Oracle Bone
http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Orakelknochen.JPG

Pinatalsik ang Shang noong 1045 BCE

Zhou o Chou (1045 - 221 BCE)

Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o


Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit. Pinili
siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay
naging masama at mapang-abuso, ay babawiin
ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot,
peste, o digmaan.

Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang


humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:

Shang (1570 - 1045 BCE)

Confucius

Confucianism Layuning magkaroon ng


isang tahimik at organisadong ; ipunan sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at
pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa
lipunan.

Taoism Hangad ang balanseng sa kalikasan


at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.

Legalism Ipinanganak ang tao na masama


at makasarili. Subalit sila ay maaaring
mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na
batas at marahas na kaparusahan.

http://en.wikipedia.org/wiki/FileConfocius_Tang_Dynas

81

Qin o Chin (221 - 206 BCE)

Confucius

http://en.wikipedia.org/wiki/
File:The_Great_Wall_of_China_at_
Jinshanling.jpg
Han (202 BCE - 200 CE)

Sui (589 - 618 CE)

Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng


dinastiyang Zhou.

Sa ilalim ng Ying Zheng ng Qin o Chin, nagawang


pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang ibat
ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili
bilang Unang Emperador ng China at kinilala
bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221 - 210
BCE)

Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo


upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng China. May
haba itong 2400 kilometro o 1500 milya.

Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih


Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang
mag-alsa si Lui Bang.

Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa


Confucianism.

Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang


napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang


Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin
ang watak-watak na teritoryo ng China.

Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall of China


na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin
ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng
Huang Ho at Yangtze.

Li Yuan dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban


sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag
niya ang dinastiyang Tang.

Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng


China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan
ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa
larangan ng sining at teknolohiya.

Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon


sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga
dugong bughaw at mga karaniwang tao.

Ibinalik ang civil service examination system na naging


mahalga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang
pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han
subalit pinagbuti pa sa panahong Tang.

Bumagsak ang dinastiya dahil sa samut saring


pag-aalsang naganap sa China.

Grand Canal
http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Kaiserkanal01.jpg
Tang (618 - 907 CE)

Mapa ng China sa ilalim ng Tang


http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Tang_Dynasty_circa_700_CE.png

82

Song (960 - 1127 CE)

Yuan (1279 - 1368 CE)

Ming (1368 - 1644 CE)

Forbidden City
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Forbidden_City_Courtyard.jpg

Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito.

Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil


sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi


ng China kaya napilitan ang Sung na iwanan ang
kabisera nito noong ika-12 siglo.

Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa


unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang
barbaro.

Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila
ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang
hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan.

Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang


dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o
panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng
komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak
na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya
hanggang silangang Europe.

Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na


ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming.

Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa


ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.

Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa


ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian
Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga
Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.

Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin ang populasyon ng
China na umabot sa 100 milyon.

Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito


ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan.
Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na
sumalakay sa Korea.

83

Qing o Ching (1644 - 1911)

Mapa ng China sa ilalim ng Tang

Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang


Dinastiyang Ming ng mga semi-nomadic mula sa
hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino
na barbarong dayuhan.

Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium


laban sa England (1839-1842) at laban sa England
at France (1856-1860) ay malaking dagok sa
imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang
pagbebenta ng opyo ng Europeo sa China, dahil
nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng
lipunan.

Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon


sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain
tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din
sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang
ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga
rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang
pang-ekonomiya ng nanalong bansa.

Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865)


at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin
ang mga Manchu na lubhang mahina at walang
kakayahang labanan ang panghihimasok ng
mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping
na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino.
Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer
(1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang
mga mapanghimasok na Kanluranin.

Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French
(1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (18941895).

Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya


sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911
na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng
China.

http://www.inquirer.net/

84

GAWAIN 8: Maramihang Pagpili sa Tsart


A. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga
tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob
ng mga bilog.
Kabihasnang Tsino
Mga Dinastiya: Chou, Ming, Qing, Shang, Sui, Tang, Yuan

1.

Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang
Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito

2.

Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China

3.

Huling dinastiya sa China

4.

Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang


Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism

5.

Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito

6.

Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of


Heaven

7.

Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

Mga Tauhan: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi

8.

Itinuring ang kaniyang sarili bilang unang emperador

9.

Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China

10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang


bahagi ng Africa
11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

Mga Ambag: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism


12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador
13. Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China
14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming
15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao
sa kalikasan

85

Kabihasnang Egyptian
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong
batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno
at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim
ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang
nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh
ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang
sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa
kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng
Egypt sa sumusunod na pagpapanahon:
1

Pre-dynastic
Period

Nauna sa Panahon
ng mga Dinastiya

Nauna sa 3100 BCE

Early Dynastic
Period

Panahon ng mga
Unang Dinastiya

Una at Ikalawang Dinastiya


(circa 3100 - 2670 BCE)

Old Kingdom

Matandang
Kaharian

Ikatlo hanggang Ikaanim na


Dinastiya (circa 2670 - 2150
BCE)

First Intermediate Period

Unang Intermedyang Panahon

Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya (circa 2150 - 2040 BCE)

Middle
Kingdom

Gitnang Kaharian

Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa 2040 - 1650 BCE)

Second Intermediate Period

Ikalawang Intermedyang Panahon

Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650 - 1550 BCE)

New Kingdom

Bagong Kaharian

Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya (circa 1550 - 1070 BCE)

Third Intermediate Period

Ikatlong Intermedyang Panahon

Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya (circa 1070 - 664 BCE)

Late Period

Huling Panahon

Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya (circa 664 - 330 BCE)

86

Nangingibabaw ang bawat dinastiya hanggat hindi ito napatatalsik o walang


tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang
tiyak na petsa.
Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng
sinaunang kasaysayan ng Egypt.

3
1

5
4

7
6

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya


Nile

hieroglyphics nome nomarch

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa


Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal
na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang sagradong ukit o hieratic sa wikang Greek. Ang
sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala
ng mga pangyayari.
Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging sentro
ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na
nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan
ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay
unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan.
Tungkol saan ang larawan?

Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga


sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/
Hieroglyphics

87

3
1

7
6

Panahon ng mga Unang Dinastiya


Upper Egypt Lower Egypt

menes Memphis

Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga
pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang
populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang
sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt
at Lower Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan
ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang
lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa
panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa ibat ibang lupain. Ang
Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.
Tungkol saan ang nasa larawan?

Ano ang nais ipahiwatig nito?

3
1

5
4

Matandang Kaharian
Great Pyramid

Khufu

Seven Wonders

88

Pepi II

Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang


mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong
ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling
hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo
naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay
ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 BCE. Ito
ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide.
Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa
Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga piramide ang
tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang
ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek
na pinakamagandang arkitektura sa mundo.
Bagamat natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga
pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang
paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis
ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile
Delta upang maging bagong taniman.
Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90
BCE). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na
nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay
siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang
kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na taggutom at mahinang
pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang
kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa
loob halos ng dalawang siglo.
Unang Intermedyang Panahon
Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang
Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 BCE, tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong
Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo
naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na
dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya
ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes
ay pinangalanang Inyotef o Antef.

89

Anong estruktura ang nasa larawan?

Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng


mga sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/
gizapryramid

3
1

5
4

7
6

Gitnang Panahon
Mentuhotep I

Itjtawy

Amenemhet II

Hyksos

Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I.


Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera
sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon ni
Senusret I o Sesostris I (1970 - 1926 BCE), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878 - 1842 BCE)
ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang
palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay
na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929 - 1895 BCE) na namayani
sa loob ng 45 taon.
Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga
naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo
sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na
maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan
sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating
ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang Hyksos
ay nangangahulugang mga prinsipe mula sa dayuhang lupain. Sinamantala
nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang
kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang pamamayani ng mga
90

Hyksos noong 1670 BCE at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang
siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng
mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula
ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt.
Ikalawang Intermedyang Panahon
Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman
sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang
humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya
ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at
katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang
Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani
sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan
hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng
dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?

Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasaysayan ng sinaunang Egypt?


http://en.wikipedia.org/wiki/
File:Ibscha.jpg

3
1

5
4

7
6

Bagong Kaharian
Empire Age

91

Ahmose Hatsheput

Akhenaton

Rameses II

Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din ito
bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570 - 1546 BCE) ang mga Hyksos mula
sa Egypt noong 1570 BCE. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa katimugan.
Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng
malalakas na mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia
sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga
Hittite at Mitanni.
Si Reyna Hatshepsut (1503 - 1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518
- 1504 BCE), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang
mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504
- 1450 BCE), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo BCE ay si Amenophis IV
o Akhenaton (1350 - 1334 BCE). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng
mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga
tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw.
Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka.
Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay
pinalitan ni Tutankhamen (1334 - 1325 BCE) na noon ay siyam na taong gulang
pa lamang nang maupo sa trono.
Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293 - 1291 BCE).
Siya ay sinundan nina Seti I (1291 - 1279 BCE) at Rameses II (1279 - 1213 BCE).
Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng
20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite
nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis
III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa
pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang
Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na
namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.
Ikatlong Intermedyang Panahon
Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes
(1070 - 1044 BCE) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari
mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno
92

nito ay si Shoshenq I (946 - 913 BCE) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang


dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang
nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23
Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower
Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang
kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan
hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si
Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya
ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?

Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang


Empire Age?

3
1

5
4

7
6

Huling Panahon
Psammetichus

Alexander the Great

Cleopatra VII

Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664 - 610


BCE). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya
ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala
upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene.
Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang
sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570 - 526 BCE). Hindi naglaon,
napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si
Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya.
Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito.
Namuno ang mga Egyptian hanggang sa Ika-30 Dinastiya bagamat mahihina
93

ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian


at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.
Noong 332 BCE, sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong
bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang
imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia
hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 BCE, naging
satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt
at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari
sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng
dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig
ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82
Sino ang nasa larawan?

Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?

GAWAIN 9: Walk to Ancient Egypt


Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem sa ibaba upang makumpleto ang
dayagram.
Kabihasnang Egyptian
1.

Tauhan

8.

Tauhan

2.

Bagay

7.

Bagay

3.

Panahon

6.

Panahon

4.

Tauhan

5.

94

Tauhan

1.

Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig

2.

Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian

3.

Itinuring bilang Empire Age at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang Egypt

4.

Kinilalang isa sa mahuhusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt

5.

Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt

6.

Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng


mga pyramid sa Egypt

7.

Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan ng mga ito

8.

Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng


mga Hittite

Pamprosesong mga Tanong


1.

Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?

2.

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa


mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?

3.

Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?

4.

Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging
papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt?

5.

Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?

Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente na
America, partikular sa Mesoamericaang mga Olmec at Teotihuacan.

95

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica


Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 - 1500 BCE)
Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay
sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa
Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga
produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz
noon pa mang 3500 BCE. Sa pagsapit ng 1500 BCE, maraming taga-Mesoamerica
ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang
karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa
Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa maraming rehiyon, ang
maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag
na lipunan ay ang Olmec.
Ang mga Olmec
Olmec (1500 - 500 BCE)

Ang kauna-unahang umusbong sa Central America


(at maaaring maging kabuuang America) ay ang
Olmec.

Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber


people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng
dagta ng punong rubber o goma.

Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf


Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig
hanggang Guatemala.

Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang


Shang sa China.

Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo


rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa
ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa
hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining.
Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang
palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang
tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga
96

likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya


sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.
Kulturang Olmec
Larong Pok-a-tok

Ang rituwal sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa


pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na
larong tinatawag na Pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong
basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring
gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang
yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang,
tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola
sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang
mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang
ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos
ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa ibat ibang
sentro sa buong Mesoamerica.

Lilok ng anyong ulo


mula sa mga bato

Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga


anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking
ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat
na 44 libra. Maaari diumanong ang mga lilok na ito
ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay
nakagawa ng mga templong hugis piramide sa ibabaw
ng mga umbok na lupa. Ang mga estrukturang ito
ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga
diyos.

Hayop na jaguar

Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakintatakutan ng maninila (predator) sa


Central America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan
saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga
lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong
mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong
lugar tulad ng Costa Rica.
Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec
ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang
mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong
sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.

97

Ang mga Teotihuacan


Teotihuacan
(250 BCE - 650 CE)

Sa pagsapit ng 200 BCE, ang ilan sa mga lugar sa


lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa
ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya

Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa


panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahulugang tirahan ng diyos

Pagsapit ng 150 CE, ito ay naging isang lungsod na may


halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000
katao

Sa pagitan ng 150 CE at 750 CE, ang populasyon


nito ay minsang umabot sa 120,000

Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan,


at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawang
makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong pagawaan
ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang
produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian ay isang
maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit ito ng
mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo.
Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking
bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa
ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.
Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered
Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya
nagmula ang ibat ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan
din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.
Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650
C.E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar,
tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig ni
Mateo et al. (2012)

Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE


(Effective Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang
impormasyon.
a. Modyul 3 Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48)
b. Modyul 7 Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico (pp. 9-16)

98

GAWAIN 10: Tracing the Beginning Chart


a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.
b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.
Ano ang sinaunang
kabihasnang umusbong
sa daigdig?

Paano nagsimula
ang kasaysayan ng
kabihasnang ito?

Ano ang katangian ng


mga katutubo nito?

Pamprosesong mga Tanong


1.

Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?

2.

Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang


katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?

3.

Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag


nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.

4.

Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan


ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?
99

GAWAIN 11: Pagbuo ng K-Web Diagram


Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng Kabihasnan - Web Diagram.
1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.
2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.
Egypt

Mesopotamia

Mesoamerica

Sinaunang
Kabihasnan

Indus

Tsino

1.

Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian

2.

Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus

3.

Sagradong aklat ng mga Aryan

4.

Tawag sa China na nangangahulugang Gitnang Kaharian

5.

Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America

6.

Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu

7.

Bahay-sambahan ng mga Sumerian

8.

Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt

9.

Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang tirahan ng


diyos

10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa Seven Wonders ng sinaunang daigdig


11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop
12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, at El Salvador
13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt
14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit
na pamunuan ang china
15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat sa Egyptian

100

Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at tuluyang
pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na gawaing
tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.
GAWAIN 12: Kabihasnan (Pathway Diagram)
1. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan.
a. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat
2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat
4 ang Kabihasnang Egyptian.
b. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong makilahok
sa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa pamamagitan
ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang.
c. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba
pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang
ekonomiya, kultura, at lipunan nito.
d. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.

e. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong pathway diagram.


f. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang sumusunod na rubric.

101

Rubric sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram


Pamantayan

Paglalarawan

Puntos

Nilalaman

Nakapaloob sa diyagram ang 5 o higit pang mahahalagang pangyayari sa nakatalagang kabihasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nito

10

Pag-uulat

Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng


nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong
diyagram

10

Iba pang
impormasyon

Nakapaglahad ng iba pang datos na may kaugnayan sa kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan

Kabuuan

25

2. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan


at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan.
3. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa ibat ibang sinaunang kabihasnan sa daigdig.
GAWAIN 13: Gallery of Ancient Rulers
1. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat
ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin.
2. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalangalang ang kasunod na mga panuntunan:
a. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing estatuwa na kakatawan sa
piniling pinuno.
b. Ihanda ang posisyon ng estatuwa ayon sa katangian at nagawa ng piniling
pinuno.
c. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang
maglalarawan sa pinuno ang katawan ng estatuwa.
d. Itanghal sa klase ang mga estatuwa. Magtalaga ng 1-2 kapangkat na
magpapaliwanag tungkol sa estatuwa.
102

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?

2.

Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan?

3.

Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipaliwanag.

4.

Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin


ng isang pinuno? Ipaliwanag.

Bibigyan ng marka ang ginawang estatuwa gamit ang kasunod na rubric.


Rubric sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient Rulers
Pamantayan

Paglalarawan

Puntos

Gawang
Estatuwa

Angkop ang estatuwa bilang kinatawan ng piniling pinuno ng pangkat; wasto ang mga simbolo
at datos na ikinabit sa estatuwa

10

Pag-uulat

Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang pinuno batay sa estatuwa; naglahad nang higit sa
tatlong impormasyon tungkol sa nasabing pinuno

10

Orihinalidad

Natatangi ang pagkakabuo ng estatuwa; gumamit ng mga akmang disenyo upang maging
makatotohanan ang hitsura

Kabuuan

103

25

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kanikanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan,
husay, at talento ng mga sinaunang tao sa ibat ibang larangan at aspekto. Hindi
natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay
maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng ibat
ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin
sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay
may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan
na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?
Mesopotamia
Ziggurat

Ang Ziggurat ay estruktura kung saan


pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron
ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang
Ziggurat.

Code of Hammurabi

Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na


mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang
napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman
ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na
aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.

Cuneiform

Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng


pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer.
Ito ay tinatawag na Cuneiform.

104

Epic of Gilgamesh

Sa larangan ng literatura, itinuturing ang


Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang
akdang pampanitikan sa buong daigdig.
Ito ay kuwento ni Haring Galgamesh ng
lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong
ikatlong siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata
ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great
Flood ng Bibliya.

Iba pang kontribusyon

water clock
paggawa ng unang mapa
sexagesimal system o pagbibilang na
nakabatay sa 60
astronomiya

Indus
Sewerage System

May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod


dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala
bilang mga kauna-unahang paninirahang
sumailalim sa tinatawag na urban o city
planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga
kalsada sa matatandang lungsod ng MohenjoDaro at Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.

Arthasastra

Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong


ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda
o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya.
Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya,
ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya.

Ayurveda

Ang Ayurveda o Agham ng Buhay ay isang


mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India. Tinawag itong Agham ng
Buhay sapagkat binigyang-tuon nito ang
pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa
mga karamdaman.

105

Ramayana at Mahabharata

Ang dalawang epikong pamana ng India sa


larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang
salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-anak ang
mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan
at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang
salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang
asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang
demonyong hari.

Iba pang kontribusyon

Pamantayan ng bigat at sukat

Decimal system

Paggamot at pagbubunot ng ngipin

Halaga ng pi (3.1416)

Taj Mahal

Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism,


Buddhism, Jainism, at Sikhism)

Tsino
Great Wall of China

Sa panahon ng Qin, tinatayang isang mil-yong


katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo
ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing
simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng
mahabang panahon.

I Ching at Bing Fa

Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng


perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol
sa ibat ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing
na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na
aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni
Sun Zi o Sun Tzu noong 510 BCE.

106

Feng Shui

Ang paniniwala sa Feng shui o Geomancy ay


nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol
sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap
sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihanmalambot at kalmado. Samantala
ang yang ay tumutukoy sa kalalakihanmatigas
at masigla.

Iba pang kontribusyon

Paggamit ng silk o seda

Kalendaryo

Star map

magnetic compass

seismograph

wheel barrow

water clock

sundial

chopsticks

abacus

pamaypay

payong

Egypt
Pyramid

Ang mga piramide ay hitik sa mga


simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng
pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang
kapangyarihan ng mamuno. Gayundin,
pinatunayan nito ang paniniwala sa
buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng
kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay
makikita sa piramide bilang paghahanda sa
kabilang buhay.

107

Mummification

Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa


isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa
isang prosesong tinatawag na mummification,
ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal
upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito,
ang isang mummy o embalsamadong bangkay
ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.

Hieroglyphics

May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian


na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang
isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan.
Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang
sa mga papel kundi nakaukit din sa mga
pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta
sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging
mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga
rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa
malatambong halaman na tinatawag na papyrus.

Iba pang kontribusyon

Geometry

Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto

Kalendaryo na may 365 araw

Sagradong pagdiriwang

108

GAWAIN 14: K-A-K Organizer


Unawain ang sumusunod sa pagbuo ng organizer.
a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Ambag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang
ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.
Kabihasnan

Ambag

Kabuluhan

c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig?

2.

Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng


mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?

3.

Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?


109

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa impluwensiyang
heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay bibigyan ng malalim
na pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito
ang pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng heograpiya at pamana ng
mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao.

GAWAIN 15: Thank You Letter


Sundin ang sumusunod.
1. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.
2. Isaalang-alang ang sumusunod na hakbang sa gawaing ito:
a. Pumili ng isang anyong lupa, anyong tubig o kahit anong bagay na may
kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong
gawan ng liham pasasalamat.
b. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na
ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao hanggang sa kasalukuyan.
c. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.
Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter
Pamantayan

Paglalarawan

Puntos

Nilalaman

Mahusay na naipaliwanag ang bahaging


ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga
sinaunang tao; nakapagbigay ng halimbawang
magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa
mga sinaunang tao

12

Teknikal na
Pagbuo ng
Liham

Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ng


mga salita, at maayos ang mga bahagi ng isang
liham

Anyo at
Disenyo

Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay


ng malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang
kulay ng disenyo

Kabuuan

d. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral.


110

25

GAWAIN 16: Maimpluwensiyang Kabihasnan


Kumpletuhin ang kasunod na diyagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang
kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa
sa kasalukuyang panahon.
Impluwensiya sa Daigdig
Impluwensiya sa Pilipinas
Pamana ng Sinaunang Kabihasnan

Pamprosesong mga Tanong


1.

Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang


pamanang tinukoy sa diyagram?

2.

Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.

3.

Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?

4.

Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong reaksiyon?

5.

Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang


tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang
pamana?

Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F (facts) ng mga


bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa.

111

ILIPAT AT ISABUHAY

Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, ang


ILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto
at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod
na proyekto.

GAWAIN 17: POKUS NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ng

mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural


Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang
proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong
bansa.
Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong na unang bubuo ng isang panukalang
proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa
pagbuo ng panukalang proyekto:
1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod:
Pangkat 1 Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia
Pangkat 2 Iran para sa Sinaunang Persia
Pangkat 3 Egypt para sa Kabihasnang Egyptian
Pangkat 4 India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus
Pangkat 5 China para sa Kabihasnang Tsino
Pangkat 6 Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica
2. Kung ikaw ang tagapangulo ng iyong komite na nabanggit sa itaas, tiyaking
makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa
itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto.
a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na ipreserba:
Pares 1 isang estruktura o landmark, Pares 2 isang tradisyon/kaugalian,
at Pares 3 isang sinaunang bagay
b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang
kasunod na template.
112

Bansang nakatalaga sa pangkat: __________________________


National Committee on the Preservation of Cultural Heritage
UNANG BAHAGI:
a. Pamagat ng proyekto: __________________________________________
b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________________________
c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: __________
d. Halagang gugugulin sa proyekto: _______________________________
Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _____________________

IKALAWANG BAHAGI:
a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?)
b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?)
c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong
paraan?)
IKATLONG BAHAGI:
a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin
upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?)
b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa
proyekto?)
c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit
ng proyekto?)
d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyekto?)
IKAAPAT NA BAHAGI:
a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kung
isasagawa ang proyekto?)
b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong
sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga sinaunang ambag at pamana ng bansa?)
c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan
ng gagawing proyekto?)

113

c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala.


d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala.
e. Iulat sa klase ang ginawang panukala.
3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.
Kraytirya

Nilalaman ng
Panukalang
Proyekto

Kumpleto ang
nilalaman ng
panukalang
proyekto;
100% na wasto
ang itinala
sa panukala;
makatotohanan
ang lahat ng
sagot sa tanong;
may kabuluhan
ang gawang
panukala;
mahusay ang
iginuhit sa
magiging bunga
ng proyekto

May 1-2 ang


nawala sa
panukalang
proyekto; hindi
bababa sa
75% ang may
wastong itinala
sa panukala;
makatotohanan
ang mahigit 75%
sagot sa tanong;
may kabuluhan
ang gawang
panukala;
mahusay ang
iginuhit sa
magiging bunga
ng proyekto na
may 1-2 aspekto
ng guhit ang
kailangang
isaayos

Mahigit sa 50%
ang nawala sa
panukalang
proyekto;
mahigit sa 50%
ang hindi wasto
sa mga itinala
sa panukala;
may 50% sa
nilalaman ng
panukala ay hindi
makatotohanan;
may pagaalinlangan sa
kabuluhan
ang gawang
panukala;
hindi gaanong
malinaw ang
guhit

Mahigit sa 50%
ang nawala sa
nilalaman ng
panukalang
proyekto;
mahigit sa 50%
ang hindi wasto
sa mga itinala sa
panukala; hindi
maka-totohanan
ang panukala;
hindi maipakita
ang kaugnayan
ng guhit sa
panukala

Pinagkunan ng
Datos

Ibinatay sa 3
Ibinatay sa 2
o higit pang
sanggunian ang
sanggunian ang datos
datos na kabilang
sa panukalang
proyekto (aklat,
pahayagan, video
clip, internet, at
iba pa)

114

Ibinatay lamang Walang batayang


ang sanggunian pinagkunan
sa batayang aklat at gawa-gawa
lamang ang mga
impormasyon

Presentasyon
ng Panukalang
Proyekto

Mahusay ang
paglahad sa
presentasyon;
malinaw at
malakas ang
boses ng
tagapagsalita;
lubos na
naipaliwanag
ang bawat aytem
sa panukala

Maayos ang
paglahad sa
presentasyon;
may ilang
kinabahan at
mahinang boses;
naipaliwanag
ang higit sa 75%
ng kabuuang
aytem sa
panukala

Karaniwan ang
paglahad sa
presentasyon;
maikli at hindi
binigyan ng
pansin ang
maraming bahagi
ng panukala;
hindi gaanong
maunawaan
ang pagsasalita;
mahigit sa
50% ang hindi
naipaliwanag sa
panukala

Hindi malinaw
ang paglahad sa
presentasyon;
hindi
naipaliwanag
ang maraming
bahagi ng
panukala; hindi
maunawaan
ang pagsasalita;
kaunti
lamang ang
naipaliwanag

TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL


Tinalakay sa modyul na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito
tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may
malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.
Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay
na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran.
Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging
matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang
higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng
mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.
Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos
na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng
panahon.
Sa susunod na modyul, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang
klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga
Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng
daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.

115

TALASALITAAN
Ahimsa doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo
Caste pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic
Core pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380
milya ang kapal ng outer core
Crust pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta
Dinastiya pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan
Hellenistic nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang to imitate Greeks; tumutukoy
sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang Greek
pagkaraan ni Alexander the Great
Heograpiya pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran
Heograpiyang pantao sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon,
lahi, at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig
Hominid miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa
kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee, at orangutan
Khanate estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang
Asya)
Klima kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa
matagal na panahon
Kontinente pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig
Khyber Pass lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na naguugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya
Mantle binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal
Nome malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt
Nomarch pinuno ng nome
Oracle bone tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang
mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino

116

Pacific Ring of Fire rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga aktibong
bulkan
Plate malaking masa ng solidong bato
Satrap gobernador o pinuno ng satrapy
Satrapy lalawigan ng Imperyong Persian
Steppe malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa silangang
Europe at Asya
Terra-cotta anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang luwad
Vedas sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga
salaysay.

SANGGUNIAN
A.

Aklat
Mateo, PhD Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, edisyon 2012

B.

Module
EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 2
EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 3

117

Você também pode gostar