Você está na página 1de 22

Ang Alamat Ng Buwan At Mga Bituin

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan


ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga
sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si
Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos
araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa
kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni
Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas
na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang
kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na
galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis
ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang
kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya
nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang
sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito
sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang
siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli
ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay
matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang
pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa
lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya
napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung
malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas.
Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak
nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay. Sa bawa't pagtaas pala
niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo
naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay
mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at
kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at
kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at
tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap
niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay
at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at
nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa
kanyang sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"

Ang Alamat ng mga Unang Alitaptap


Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay
hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng
apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit ng apoy ang mga alitaptap? Noong
unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga
kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na
ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may
dal-dalang apoy na kikisap-kisap? Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang
mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni't
ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing
maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga
damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na
takot. Bakit kaya? Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang
mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa
kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa
mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba
kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.
"At saan?" ang tanong ng sampaguita.
"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita.
"Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila
ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng
sampaguita.
"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya
kami ay pakaunti nang pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa
naman kayo."

"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga
kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking
ouno?" ang tanong ng sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabagkabag," ang sagot ng isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng
isang kulisap.
"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.
"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita.
"Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita.
"Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo.
Hindi nila kayo malalapitan."
"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.
"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang
bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay
silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila
malapitan ng mga kabag-kabag. Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila
nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."
Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi
nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong
"ALITAPTAP."

Ang Alamat Ng Pinagmulan Ng Lahi


Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa
paniwala ng marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig.
Hindi malaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pagiisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang
magandang paraan. Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang
gawing mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan.
Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi
ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay maitim at sunog.
Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi nasiyahan
si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na
anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una,
hinango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling

humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibhasa'y ikatlo na niyang


pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon.
Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang
pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan natin.

ANG ALAMAT NG BAYABAS

Noong unang panahon, may isang sakim at mapagmataas na hari. Si


Haring Barabas ay walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan. Wala
siyang ibang ginawa kundi ang utusan ang kanyang mga alipin. Tuwing may
mga handaan ay sobra syang maghanda. Kahit na may mga natirang
pagkain ay hindi sya namimigay kahit na alam niyang maraming
nangangailangan. Isang araw habang nagpipyesta ang hari ay may lumapit
na isang pulubi ang lumapit sa kanya at humingi ng pagkain. Sa halip na
bigyan ay pinalayas niya ito. Nagalit ang pulubi sa kanya at nagsabi na
bibigyan siya ng leksiyon. Bigla na lng naglaho ang hari at lumitaw ang isang
halaman. Napansin ng mga tao na nagbunga ito. Ito ay bilugan at may
koronang nakapatong. at ito na ang ang kanilang sakim na hari. Mula noon
ay tinawag na nila itong bayabas. Sa alamat na ito ay nagbigay ng isang
magandang aral sa pangit na pag-uugali ng hari. Ginamit niya ang kanyang
kapangyarihan upang makuha ang gusto. Hindi sya naging magandang
halimbawa ng tao at ng kahit ng pamumuno sa kanyang mga nasasakupan.
Bilang tao dapat tayong magmalasakit sa mga taong nakapaligid natin at
kailangan nating magpakita ng mabuting pag-uugali. Hindi maganda ang
maging isang sakim. Sa atin namang gobyerno, dapat din isalang-alang ang
maayos na pamumuno. May mga opisyales na dapat gampanan ang kanilang
mga tungkulin.
Alamat ng Butiki
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa
tabi ng kakahuyan. Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi
siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na
magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim. Ang anak; si Juan ay
isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng
kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay
umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang
bahay. Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at
naging mabait ang kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa
pagtatanim at paghahanap ng mga makakain. Sa paglipas ng panahon,
mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig
na binata. Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging
nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang
makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila
nakakalimutan ni Juan ang magdasal. Minsan, habang si Juan ay nangunguha
ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena. Si
Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kayat agad umibig dito si Juan. At dahil

sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.


O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang
mag-orasyon,
ang
wika
ni
Aling
Rosa
sa
anak.
Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas
sa
gubat,
ang
pagsisinungaling
ni
Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang
damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni
Helena. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pagibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.
Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang
aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko, ang pagsusumamo
ni
Juan.
Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso
ng iyong ina na nasa iyong mga palad! ang matigas na wika ni Helena.
Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan
siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa
bago maghatinggabi Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad
siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap
ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan.
Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang
kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina
ni
Juan,
at
kahit
nanghihina
na
ay
nagsalita
ito.
Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita.
Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa
mo sa iyong sariling ina, ang umiiyak na wika ni Aling Rosa.
Dios ko po, Inay! Patawarin nyo ako! ang nagsisising nawika ni Juan na
nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang
pumanaw
ang
kanyang
ina.
Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging
isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang
kauna-unahang butiki sa daigdig. Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena
na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang
napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit. Sa takot,
dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa
kisame. Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging
ibat ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid. Agad na
pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At
dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na
lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap. Nagsisi ng husto si Juan ngunit
huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang
sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim
upang mag-orasyon. At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring
pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga
engkanto.

Bagong Kaibigan
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong
isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi
ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan.
Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman
at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka
upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam
ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at
doon nakita ko ang ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay
doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula
sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa
lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na
tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para
itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong
bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang
sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin
akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa
kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga
hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay
ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!
Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating
na ang school bus.

PAGATPAT
Isang gabing namamahinga na sila, nabanggit ni Dindo ang napuna nito sa
dulong hilaga ng pulo. "May mga latian pala po sa gawing hilaga ng pulo,"
sabi niya kay Mang Pisyong. "At marami po akong nakitang isang uri ng
punongkahoy na ngayon ko lang nakita. Malalaki po ito, at may mga

sumusulpot na kung anong matutulis na bagay sa tabi nila, parang maliliit na


puno, pero medyo namumutimuti." "Pagatpat ang tawag sa mga
punongkahoy na 'yon," sabi ni Mang Pisyong. "Nasa putikan sila, at ang
sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag na air roots,
bahagi rin ng mga punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga puno
dahil nasa putikan nga sila. At ang mga uring ugat na 'yon ay nagagamit sa
mga lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa
mga bote." "Parang may mga bunga rin po," sabi pa ni Dindo. "Mayroon
nga," ayon ni Mang Pisyong. "At nakakain din ang mga bungang iyon, medyo
lasang keso, puedeng pagkapitas sa puno ay kanin, o kaya ay iluluto. At
nagagamit ding gamot, na pampaampat sa hemorrhage o labis na pagdugo."
"Hindi ko po yata alam ang punong sinasabi n'yo," sabi ni Kiko. "Kasi, ang
mga kilala mong mga puno ay yaong tumutubo sa bundok," sabi ni Mang
Pisyong. "E, ito ngang pagatpat, sa mga latian at putikan matatagpuan."
"Ano po naman ang silbi ng pagatpat?" tanong ni Inday. "Nagagamit din po
ba ang kahoy noon?" "Puwede ring magawang haligi, pinto, sahig, dingding
at kahit sa mga pantalan at tulay, nagagamit din," paliwanag ni Mang
Pisyong. "Kaya lamang, mahirap lagariin, at saka ang kahoy ay may taglay
na asin, dahil nga tumutubo nang malapit sa dagat o kaya ay mga ilog na
malapit sa dagat. Ang mga pakong kailangan sa kahoy na ito ay dapat na
yari sa tanso at dahil masyadong matigas ang kahoy, kailangan pa rin ang
mga turnilyo." "Pambihira namang uri ng kahoy iyon," buong paghangang
sabi ni Kiko. "Ang mapupuna ninyo sa ating mga punongkahoy, ibaiba ang
silbi sa kapaligiran," pagpapaliwanag pa ni Mang Pisyong. "tulad nitong
pagatpat, nabubuhay nga sa tabi ng mga latian at mapuputik na tabingdagat. At sa gayong paraan, naililigtas nila ang lupa sa pagkaagnas.
Nakatutulong din sa paligid ang kanilang mga ugat na sadyang ginagamit
nila upang makahinga sa maputik na kinaroroonan." "Kung susuriin po," sabi
ni Inday, "talagang mapupuna natin ang Kamay ng Diyos sa iba ibang tanim,
puno, ibon, hayop at maging mga tao. Ibaiba ang silbi natin... at kung iisipin
lamang ng mga tao ang kabutihan ng Diyos sa pagbibigay ng buhay sa atin
at sa ibang mga bagay sa ating kapaligiran, makikiayon tayo sa kalikasan."
"At laging may kaparusahan ang tao sa mga maling gawa," malungkot na
dagdag ni Kiko. Nagbuntonghininga, "Noong araw, hindi ko naiintindihang
masama pala ang pagkakaingin. Kainginero ang aking ama, at sa simula ng
kanyang pagtatanim ng palay sa bundok, maganda ang ani, pero habang
lumalaon, humina na nang humina. At napilitang maging mangingisda ang
aking Kuya, at ako po naman, Mang Pisyong, nakita n'yo, lumikas na rin ako
mula sa lupang binungkal ng aking ama pagkaraang silaban niya ang mga
puno upang magkaroon ng kaingin." "Ang sinisikap nga natin ngayon,
mapaunawa sa mga nagsisipagkaingin pa rin na hindi mabuti iyon," sabi ni
Mang Pisyong. "At ang kabutihang nagagawa ng mga NGO para sa kanila,
sila mismo, ang mga kainginero, ang kinakatulong sa pagtatanim sa mga
gulod na panot." "Ang kaso po," mapait pa rin ang tinig ni Kiko, "maraming
mga makapangyarihan sa ating mga kababayan, mayayaman, mga nasa
kongreso at matataas ang puwesto sa pamahalaan ang siya pang nakasisira
sa ating mga kagubatan. Sila ang mga illegal loggers. Mas higit po ang
pinsalang nagagawa nila kaysa mga kainginerong tulad ng tatay ko." "Totoo
rin ang sinasabi mo. Kiko," malungkot ding ayon ni Mang Pisyong, "at

hanggang hindi nasasawata ang pamiminsala ng mga illegal loggers, hindi


mawawala ang panganib sa ating kapaligiran." "Kung sana po naman,
mabilanggo ang mga mayayamang taong nagkasalapi dahil sa pamiminsala
sa ating mga bundok," sabi ni Inday. "Kaya nga, tayong lahat, dapat laging
magsuri sa pagkatao ng mga ibinoboto natin, sa mga taong hahawak ng
pamahalaan, iyon ang una sa lahat," sabi ni Mang Pisyong. "Kapag tapat sa
tungkulin ang mga pinuno ng barangay, alkalde, gobernador, kongresman,
senador at pangulo ng ating bansa, matatakot gumawa ng masama ang
naninira ngayon sa ating kapaligiran"
Ang Kaibigan
Pagod si Pedro sa maghapong pagbubungkal ng lupa ng kanyang amo,
Jaime. Si Jaime ang pinakamayama sa kanilang lugar. Maraming ari-arian at
negosyo. Halos lahat ng mga tao sa bayan ay kanyang trabahador. Si Pedroy
isang ordinaryong tao. Mabait. Palakaibigan. Madaling kausapin. Mababa
lang ang natapos na pag-aaral dahil sa kahirapan at kapurulan ng isip.
Tanging pagbubungkal ng bukid ang kayang gawin kaya ito ang naging
hanap-buhay. Ang kakulangan sa talinoy binawi sa lakas ng pangangatawan.
Tanging pag-inom ang bisyo. Pang-alis daw niya ng pagod sa buong araw na
paggagawa sa bukirin ni Among Jaime. Maliit lamang ang bayan nina Pedro
at Among Jaime. Halos magkakakilala lahat at alam ang kwentong-buhay ng
bawat isa. Nag-iisang bahay-inuman ang pinupuntahan ni Pedro para
maglibang. Nasa labas ng bayan ito, patungong bukid ang kinalalagyan.
Kaya nadadaanan ito tuwing pauwi na siya. Kilala siya sa bahay-inuman.
Halos yun at yun ding mga tao ang matatagpuang umiinom. Walang basagulong nangyayari dahil sa magkakaibigan lahat. Tanging pakay ay
magpakalasing para pansamantalang makalimot sa mga pasanin sa buhay.
Isang araw may dinatnang bagong salta si Pedro. Tahimik lang ito sa isang
sulok at mag-isang hinihimas ang malamig na baso. Nakakalahati na ang
laman nito at dahil sa may kalaliman na ang gabi ng makarating si Pedro,
marami na rin ang nainom. Malayo ang tingin nito at halatang malalim ang
iniisip. Di pinapansin ang mga nakapaligid sa kanya. Nakaugalian na ni Pedro
ang kausaping ang mga bagong salta sa bayan para maging kaibigan.
Lumapit siya at tinabihan sa kabilang upuan. Nagpakilala si Pedro. Bagay
namang ikinatuwa ng kausap. Mababaw lang ang mga pinag-usapan nila sa
simula. Mga simpleng bagay: pangalan, kung saan nanggaling, estado sa
buhay at bakit napadpad sa maliit na bayan. Marunong makibagay si Pedro
kaya madaling nagkagaanan siya ng loob ng estranghero. Nagsimula na
siyang magkwento ng mga serysong bagay tungkol sa buhay niya. Marunong
din mangilatis ng pagkatao si Pedro kaya madali rin niyang napansing
kakaiba ang tindig ng kausap. Mula sa pananalita, sa pag-galaw, sa pagbigay
ng kuru-kuro at pananaw. May sinasabi to sa buhay ani ni Pedro. Lumalim
pa lalo ang gabi pero hindi pa rin matapos-tapos ang kwentuhan ng dalawa.
Simple lang ang mga galaw ng estranghero. Hindi balbal ang pananalita.
Hindi malakas tumawa. Magalang. Kung di lang sa gusgusing pananamit nito,
masasabing nakakaangat sa buhay. Makatawag-pansin ang huling kwento ng
estranghero bago siya nagpaalam. Sinabi niyang patungo siya sa kanyang
bayan na matagal niyang hindi nakita. Malaki ang naging kasalanan niya sa
kanyang amain. Uuwi siya para humingi ng tawad. Dating siyang mayabang

at sakim na tao. Pilit na hiningin ang kanyang mana sa amain kahit na buhay
pa ito. Naglayas siya nang makuha ang parte niya ng yaman. Nilustay sa
pag-inom, pambababae at kung anu-ano pang bisyo. Hanggang sa tuluyang
naubos ang kanyang pera at iniwan na ng mga kaibigan. Noong walang-wala
na siya at saka niya napagtanto ang kanyang kamalian. Dito niya naisipang
bumalik at humingi ng tawad. Napatahimik na lang si Pedro habang nakikinig
sa kwento ng kanyang bagong kaibigan. Makitid man ang pag-iisip pero
malawak ang puso ni Pedro. Naunawaan niya agad ang pakay ng kaibigan at
nakiramay sa sinapit sa buhay. Nagsabi ang kaibigan na natatakot siya na
hindi siya tanggapin ng amain. Marahang sumagot si Pedro na kung talagang
ganung kabait ang kanyang amain, hindi ito magdadalawang-isip na
patawarin siya. Wariy lumakas ang loob ng kausap at nagkaroon ng bagong
pag-nanais na makita ang ama. At dito na nagpaalam ang kaibigan.
Nagpasalamat kay Pedro sa kabutihang ipinakita sa kanya. Sabay silang
lumabas ng bahay-inuman. Mag-paalam sa isat isa; kanya-kanyang landas
ang tinahak.

Ang kahalagan ng Pag-aaral


Sa Barrio ng San Carlos, kilala nag pamilya Santilyan bilang angkan ng
mga mayayaman. Kilala ang kanilang pamilya dahil sa kanilang mga
negosyo. Si Romeo Santilyan ang haligi ng tahanan, Si Hulyeta ang Santilyan
ang ang kanyang kabiyak. Mayroon na silang nag-iisang anak na si Markus.
Sa kanilang kasikatan sa larangan ng pagnenegosyo sa pagpapatakbo ng
resturan, paupahan, tahian ng damit. Laging naiimbithan sa mga pagtitipon.
Sikat rin ang kanilang pamilya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sabi
ni Markus, sa kanyang mga kaibigan, "Maski di na ako mag-aral tiyak na
maabot ko ang aking mga pangarap." laking pagyayabang ni Markus.
"Marami akong mamanahin mula saa aking mga magulang." Dahil lumaking
mayaman si Markus, lahat ng gusto niya ayu nasusunod, mula sa pagbili ng
mamahaling damit, sapatos, cellphone, at marami pang iba. Di niya
natutunan ang mag-ipon ng pera, l;agi lang siyang gastos ng gastos ng pera
at
tanbay
sa
paaralan.
Nagkasakit ang kanyang ama ng "Cancer". Unti-unting naubos ang
kanilang pera. Humina ang kanilang negosyo. Nagsra ang mga ito at ang
perang naipon nila sa bangko ang kanilang ginamit. Hanggang sa mamatyay
ang kaniyang ama. Angf knayang Ina naman ay matanda na upang
magtrabaho. Noong mga panahon na iyon si Markus ay 1st year college pa
lamang at puro pagbabarkada ang inaatupag. Ang kanyang Ina ay dinala na
sa "Home for the Aged". Unit-unti an siyang nawalan ng kaibigan si Markus.
Dahil di natapos ni Markus ang kaniyang pag-aaral, naiisip ni Markus na sana
ay natutunan niya ang pag-iimpok ng pera nung sila ay mayaman pa, at ang
pagpapahalaga sa pag-aaral upang malayo ang marating s buhay.

Ang Pag-aaral ni Pepe


MAAGANG PUMASOK sa paaralan si Pepe, gaya ng iba pang araw, dahil
sa kanya ipinagkatiwala ni Mrs. Selva, ang kanyang guro, ang susi sa silidaralan. Ang kanyang paaralang pinapasukan ay isa mga napakaraming
pobreng paaralan sa bansa. Iilan lamang ang silid-aralan, at ang bawat isa ay
pinagkakasya ang mahigit na limampung mga mag-aaral. Si Pepe, dahil
nanggaling sa Maynila at lubos na mas matalino sa kanyang mga kamagaral, ang tinuturing ni Mrs. Selva na kanyang kanang-kamay. Pagpasok ni
Pepe sa silid aralan ay naglilinis muna siya, dahil nga sa nauuna siya sa
kanyang mga kamag-aral sa pagpasok. Walang istorbo, at lagi niyang
ikinagagalak ang makita ang araw na sumisikat sa silangan at ang liwanag
nitoy tumatagos sa mga gula-gulanit nat inaalikabok na bintana. Bago magikatatlumpong minuto makalipas ang ala-sais ay halos lahat ng kanyang mga
kamag-aral ay nagsidatingan na. Si Pepe, dahil sa kanang-kamay nga siya ni
Mrs. Selva, ay siya ring nagpapabasa sa kanyang mga slightly engot na mga
kamag-aral ng mga sulating bukabularyot mga kwentong pambata na
sinulat ni Mrs. Selva sa manila paper. Slightly engot lang naman, kasi nasa
grade 2 na e hindi pa marurunong magbasa nang tama. Pampublikong
paaralan kasi e, salat sa pondo ng gobyerno at salat din sa mga magagaling
na guro. Medyo dumadalas-dalas na ang pag-petiks ni Mrs. Selva dahil
medyo tumatanda na siya. Mahigit dalawampung taon na siyang nagtutro sa
paaralan, at di mabilang nang mga kaluluwa ang naglabas-pasok sa kanyang
silid aralan. Ilan sa kanila ay mga naging guro na ring tulad niya, abugado,
doktor, drayber ng dyip, pokpok, o manininda ng mga piniratang DVD sa
palengke. Halos araw-araw ay ganito ang drama sa buhay-paaralan ni Pepe.
Pero okey lang sa kanya iyon, dahil isang taon lang naman siya mamamalagi
sa paaralang yaon. Sa susunod na taon e sa isang pampribadong paaralan
na siya magpapatuloy ng pag-aaral. Nagin maayos ang pag-aaral ni Pedro at
napagtagumpyan ang kanyang mga pangarap.

EPIKO NI LABAW DONGGON (MULA SA MGA LAMBUNAO NG ILOILO)


Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay
napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maramingregalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon
upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong
bayan sa kanilang kasal. At hindinagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito
at hindi nagtagal ay nagpakasal. At muli ay umibig si Labaw sa
isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na
may kapangyarihan din. Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking
asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya. Handa akong kalabanin
ka, sagot ni Labawkay Saragnayan. Naglaban sila ng maraming taon gamit
ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindimapatay ni Labaw si
Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay
Labaw. Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni
Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at
Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang
ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung
Baranugun. Gustongmakita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at
nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun
ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay
nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang
kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok. Kailangan nyo
munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo
siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak. Opo ama, sagot
ni Baranugun. Ipapadala kosina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini

upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan. Nalaman ni


Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at
pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu
Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain
nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan. Biglang nanghina si
Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay
Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni
Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong
laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban.
Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na
siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni
Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa
lambat. Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay
napaiyak sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi
na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain.
Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung
Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang
Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang
dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa. Nang
malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais
niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Gusto kong
magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at
dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito.
Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya,
naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at
ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

Hudhud hi Aliguyon

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang


sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang
pangalan niya ayAliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng ibat
ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga
kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano
makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang
gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya
bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya. Nang mag-binata
si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng
kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa
kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa
kanya ay ang mabangis na anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga
at bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon. Hindi naaling, pinukol
ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad
si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin
ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad

ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din


si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat.
Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon. Pabalik-balik at walang
tigil,
naghagisan
at
nagsaluhan
ng sibat si Aliguyon atPumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa
rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit
sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting
at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang
igalang ang isat isa. Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at
nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila
ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan.
Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila
ang kampihan ng 2 bayani. Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2
nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang
sapat na ang gulang niAliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batangbatang kapatid na babae niPumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay
si Bugan hanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga. Ang pilining
asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon,
si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat saIfugao.

Ibalon
Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castao, batay sa narinig niyang kuwento
ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon
ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina
Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. Si
Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara.
Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang
kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at
mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala
ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan
siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga
lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya,
mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na
kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang
nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si
Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon. Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya
ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong
ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming
bagay. Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong
Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa
pagluluto. Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si

Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang


kasangkapan sa bahay. Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon.
Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at
kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o
hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit
sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya
ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Nalaman ni
Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog. Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut.
Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong
magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan
ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod
ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng
matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.
Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Maragtas (Epikong Bisayas)


Ang epikong Maragtas ay kaysayan ng sampung magigiting, matatapang
at mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula
Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking
isinalaysay ng mga taga-Panay. Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na
pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga pangyayari: Ang
Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si
Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan.
Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at
anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan,
ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang
sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao.
Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay sultan Makatunao. Nagusap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu
Sumakwel. Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang
kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa
paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel.
Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel
sa balak na paglaban. Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay
punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga
datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang
palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si
Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw
ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan
Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila
nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa
kalayaan. Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa
Borneo. Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang
tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na
kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang
kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang

itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at


ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin
nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing
na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain. Isang hatinggabi,
lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung
datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga
katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat
ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya
ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu
Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang
mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang
asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel,
Balensuela, Dumalogdog at Lubay. Ang mga tag-Borneo ay kilala sa tawag na
Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila
ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang
minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam
niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at
namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi
nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang
pangalan nito ay Aninipay. Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita
niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong oyon. Pandak, maitim, kulot
ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na
marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa
pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo
na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan. Si Marikudo
ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay
masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang
lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at
matulungin sa kapwa. Dumating ang takdang araw ng pagkikta ng mga Ati
sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May
isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga
Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin.
Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu
Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang
bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang
mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang
makipanirahan ang mga dumating na Bisaya. Muling nagpulong ang mga Ati
at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming
pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look
ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa
Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo
ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming
handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng
itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng
kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng
maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang
solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw
pandigma, ang sinurog. Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni

Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang
barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang
mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na
ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni
Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas.
Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na
kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan
ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng
bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani). Ang lupang kapatagan ay
ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay.
Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok. Madaling isinaayos ni
Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na
si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay
tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at
asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si
Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya
sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel.
Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel.
Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay
Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang
mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya
sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao. Matapos
magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti
ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu
Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong
ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito
na sa Taal manirahan kasama ang mga Taga-ilog. Isang araw lamang at
umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

INDARAPATRA AT SULAYMAN-EPIKO NG MINDANAO

Ito'y salaysay ukol kay emperador Indarapatra ng Kahariang Mantapuli.


Siya'y matalino, mabait at matapang. May sibat siyang matapos ihagis sa
kaaway ay bumabalik sa kanya. Nang may nanalot na mga dambuhalang
halimaw sa Mindanaw ay isa-isa niya itong napatay. Humingi ng tulong si
Emperador Indarapatra kay Prinsipe Sulayman na iligtas nito ang Kaharian sa
apat na salot: si Kurita, hayop na maraming paa at isang kainan lamang niya
ang limang tao; si Tarabusaw, mukhang tao na nangangain ng tao; si Pha,
ang ibong dahil sa kanyang laki'y nakapagpapadilim ng bundok at ang
halimaw na si Kurayan, isa ring ibong may Pitong ulo. Tinanggap ni Sulayman
ang tungkulin. Naglagay si Indarapatra ng halaman sa durungawan at kapag
nalanta ito ang ibig sabihin ay nasawi ang prinsipe. sa-isang napatay ang
mga halimaw, ngunit nang maligtas niya ang pakpak ng huling halimaw ay
nadaganan siya nito at siya'y namatay. Nalanta ang halaman at nabatid ni

Indarapatra ang nangyari kay Prinsipe Sulayman. Pinuntahan niya ito at


dumalangin nang taimtim sa Bathala. Nabuhay na muli ang bayani. Isang
magandang dalaga sa mga nailigtas ni Sulayman ang nakabihag ng kanyang
puso.

"Ang Pamilyang Mahirap"


Ivan: Inay! Nasan na po ang uniporme ko?
Inay: Nandyan anak sa-Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di
nakapag- babayad.
Inay: Ay. Naku anak, bukas na iyon?
Kara: Oo inay. Kailangan na pong mag- bayad. Di ako makapagte- test.
Inay: Osig-Bunso: Nay. Ang sapatos ko po.. Sira na.
Inay: Ha? Sira nanaman? Paayos mo nalang anak sa itay mo.
Ivan: Inay.. Male- late na ho ako! Ang uniporme ko po.
Inay: Ah. Oo nga pala. Nandyan anak sa loob ng kwarto mo.
Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok
sa trabaho.
Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. Osige anak, paayos mo na ang sapatos

mo nang makapasok ka na. Maaga pa naman.


Bunso: Opo. Inay.
...
Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa
eskwelahan.. Naiwan ang mag-asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si
Itay.
Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang
sweldo ko? Bukas na pala ang exam ni Kara.
Inay: ... (nakatungo lamang si inay)
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y
sira- sira na. Kawawa naman ang bata.
Inay: ...
Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya
naman ito'y kinamusta nya.
Itay: Oh, tila di ka yata nagsasalita? Bakit?
Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang
asawa.Hinawakan nito ang leeg at noo..
Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga
ka muna sa ngayon at baka lumala pa yan. Eto, gamot para sa lagnat mo,
inumin mo ya-Inay: Hindi.
Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at magpahinga.
Inay: Ayoko. Kailangan ko magtrabaho.
Itay: Pero..
Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko.
Kailangan na natin ng pera.
Sabi ni inay na tila kumbinsidong- kumbinsido sa sinasabi nya.
Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang
pagtatrabaho mo. Tapos uminom ka ng gamot. Papasok na ko sa trabaho.
Paalam. Tandaan mo, makararaos din tayo.
At pagtapos nun, umalis na si Itay.
Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapag- pasensya. Sya
ang laging kumikilos sa bahay nila. Nagtatrabaho sya bilang isang labandera.
Ang itay naman, isa syang pulis. Mayron silang tatlog anak, ang panganay na
si Ivan, na nasa kolehiyo na. Ang dalaga nilang si Kara na 4th year student
na. At ang grade 5 nilang anak na bunso. Mahirap ang buhay ngunit
pinagtyatyagaan na lamang nila. Pinaka- pangunahing problema nila ay ang
pera. Mahigit tatlog buwan na silang di nakapag babayad sa tinitirahan nila.
Kaya naman sunud- sunod ang bayarin. Nang makarating si Inay sa bahay na
pinagtatrabahuan niya..
Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami
ng mga anak ko. Kung maaari sana'y ikaw muna ang umasikaso dito. Wala
sila Inday.. Dayoff nila. Kaya ikaw lang ang maiiwan dito. Pagpasensyahan
mo na ha. Hayaan mo dadagdagan ko sweldo mo.
Inay: Naku, ma'am yun nga po ang pinunta ko rito.
Amo: Oh, bakit?
Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos sinisingil na

rin po kami sa bayarin sa bahay. Eh kaso ang asawa ko po, sa susunod na


linggo pa ang sweldo. Eh hanggang ngayong week nalang po ang mga
bayarin.
Amo: Ah..
Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang
po akong kung maaari ay ngayon ko po makuha ang sweldo ko, kahit
magkano lang po. Basta makapag- bayad lang ako sa amin.
Hiyang hiya nitong nagtapat sa amo.
Amo: Ah.. Eh magkano ba kailangan mo?
Anak ng Amo: Mommy! Tara na!
Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot
nya.
Inay: Naku, kayo po ang bahala. Nakakahiya po talagang humingi ng may-Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na taon ka
nang nagtatrabaho dito. At malaki ang naitulong mo sa bahay pati sa
pamilya ko. Kaya binabalik ko lang ang pabor. Magkano ba talaga?
Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming
kaibigan. Walang niisang taong minaliit nya kahit katulong lamang ito sa
bahay nila.
Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng
utang namin sa nirerentahan.
Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod
na buwan may sweldo ka pa.
Inay: Naku! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito.
Amo: Haha. Ayos lang. Basta wag mo kaming iiwan ha?
Pagbibiro nito.
Amo: Kailangan ka rin namin dito! Hahaha.
Inay: Napaka- bait mo po talaga Ma'am.
Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan rin kaming
naging ganyan kaya tumutulong ako.
Inay: Ah ganun po ba? Salamat po.
Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng mga anak
ko. Haha. Maiwan na kita ha? Uuwi din kami dito mamayang hapon.
Inay: Sige po. Mag- ingat po kayo, ma'am!
Amo: Ikaw rin.
Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni Inay at
nagkaroon sya ng Amo na handang tumulong sa pamilya nya. Nang maiwan
sya sa bahay nito, nilinis nya ang bawat sulok ng bahay. Naglaba, atbp.
Hanggang sa dumating ang pamilya ng amo nito.
Amo: Oh. Kamusta naman? Pasensya na kung natagalan ka samin ha?
Inay: Naku, ayos lang po.
Amo: Walang dudang swerte ang pamilya mo sa'yo. Masipag at mapagaruga.
Inay: Ginagampanan ko lamang po ang papel ko.
Amo: Ahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag alaga sa kanila.
Dahil nandyan ka naman.

Inay: (natuwa naman ito at napangiti)


Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak. Gutom na
yun siguro.
Inay: Naku, baka nga po!
Amo: Gerald! Anak! Nasan na?
Gerald: Opo! Eto na po.
Sabi nito habang naglalakad palapit sa kanila.
Gerald: Eto po oh.
Inaabot nito ang isang plastik na may mga ulam.
Inay: Naku, ano yan iho?
Gerald: Pagkain po.
Amo: Pasalubong namin pra sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak mo?
Inay: Tama po kayo.
Amo: Eh kanina nang sunduin ko si Gerald, magkausap sila ni Ivan.
Gerald: Opo. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na nahihirapan na
kayo kanina bago sila pumasok. Tila magkandarapa ka na raw po sa sobrang
daming inaatupag. At narinig nya raw po ang napagusapan nyo ng asawa
mo. Kaya naman nung uwian na po namin, niyaya namin syang isabay
pauwi. Sabi nya ayaw na raw po.
Inay: Naku, bakit daw?
Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa inyo. Parttime Job daw po.
Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa
araw na ito, napakaraming nangyaring hindi inaasahan.
Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.
Inay: Naku. Maraming maraming salamat po ha?
Amo: Osige. Magkita nalang tayo bukas.
Inay: Sige po.
Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso
pati ang Itay. Pumasok sya sa bahay at napansing wala ang panganay nya.
Mga anak: Mano po, Inay.
Inay: Oh, nasan ang kuya nyo?
Kara: Di po namin alam eh. Kanina pa ang uwian nya.
Inay: Ah ganun ba? Osige, etoh kumain na tayo.
Itay: San mo naman nabili yan?
Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba, makapag
babayad na rin tayo ng mga bayarin natin!
Natutuwa nitong sabi.
Itay: Talaga? Eh san galing ang pera?
Inay: Pinakiusapan ko ang amo ko. Sobrang bait talaga nya't pati ang
pangbayad sa tuition ni Kara at sa bahay natin ay binigay nya.
Bunso: Nanay, ang bait nila.
Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot. Osige tara
na't gutom na siguro kayo.
Itay: Halina.
...

Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay
nila. Si Itay, si Kara at ang bunsong kapatid at tulog na. Si Inay naman ay
lumabas ng bahay. Nahihilo man at inaantok na ang Inay ay hinintay parin
nito si Ivan na pumasok sa gate nila. Di naglaon ay dumating na nga. May
dala itong supot. At nagmano sa kanya.
Inay: Oh, bakit ngayon ka lang dumating?
Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po ang gamot
oh.
Inay: Para saan yan?
Ivan: Inay, alam ko pong kahapon ba kayo may sakit. Hindi mo lang
pinahahalata.
Kaso kaninang umaga po, di na kinaya ng katawan nyo.. Tapos, nag trabaho
pa kayo. Malala na ang sakit nyo. Kaya eto po, inumin nyo nang maagapan
agad yan. Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at
pasalamatan ito. Kinaumagahan ay isa nanamang panibagong araw.
Maraming pagbabago, pero ito naman ay para sa ikinabuti ng pamilya nila.
Hiblang Abo
Lugmok na nakaupo si HUSE 70, sa silya. Nag-iisa. Nakapako angtingin
sa sahig. Binabaybay ng lipaking palad ang hilatsa ng puluhan nglumang
tungkod.Naglalakbay ang tingin sa mga bakanteng kama. Babalong samata
ang luhang hindi malaglag-laglag. Mapupuna mo sa mga kilos niHuse na
naaalala niya ang mga kasama niya sa silid na iyon atmahahalata mo din na
siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyayarinoon. Naalala niya ng una
niyang makaharap si MISIS SALVACION sa opisina nito. Paulit-ulit siyang
tinanong nito tungkol sa kanyang pagkatao. Nang umupo si Huse sa silya na
nakaharap sa mesa ay biglaniyang naalala ang tatlong matanda na kanyang
kasama.
Sa dilim,muling mabubuhay ang ala-ala. Isa-isang papasok sina, BLAS,
70;SOTERO, 75; at PEDRO, 72. Aayusin ng tatlo ang kanilang higaan.Makikita
dito na si Sotero ay nangungulila sa kanyang bunsong anak nasi VICTORIA.
Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Sotero si Victoria. Ang kanyang na si
Victoria ay hindi na niya nakita simula ng siya makulong.Ang apat na
matanda ay laging nagtatalo. Ito ay dahil kay Sotero. Hindi pa rin matanggap
ni Sotero na ang kanyang ay patay na. Si Blas ay ang laging nakakasagutan
ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi ay hindimaayos ang tulog nila dahil
kay Sotero.Madaling araw ng magising si Blas. Madilim na madilim
satanghalan. Pagkaraan ng ilang saglit habang unti-unting lumiliwanag ang
ilaw ng silid ay bumangon na si Blas upang gisingin si Huse, Pedro,at Sotero.
Habang ginigising ni Blas si Sotero ay bumalik na naman angkanyang pagkaulila sa kanyang anak. Kung anu-ano na naman angkanyang pinagsasabi.
Nang suwayin siya ni Blas na tigilan na niya angkanyang ginagawa ay
tumayo si Sotero at sinugod si Blas gamit angkanyang natitirang lakas.
Sinakal niya si Blas, ngunit nanlaban din naman si Blas. Inawat ni Huse ang
dalawa ngunit tinulak siya ni Blas.Mangigisay si Sotero. Nang marinig ni Blas
ang malakas na nguyngoy ni Pedro ay doon pa lamang siya tumigil. Lumabas

si Blas upang pumuntasa misa na ginaganap sa ibaba. Naiwan namang


umiiyakl si Pedro sasulok at lalapitan naman ni Huse ang hindi na
gumagalaw na katawanni Sotero. Nang oras ding iyon ay namatay na si
Sotero. Dinala na siyasa ospital.
Tanggap ni Blas ang nagawa niyang kasalanan kaya namanmaluwag sa
kanyang kalooban na hinintay ang mga pulis. Habang naghihintay sa pulis ay
nagkwentuhan muna si Huse at Blas. Ilangsandali pa ay dumating si Misis
Salvacion at ang pulis sa kanilang silid upang dakpin si Blas. Una ng nawala
sa silid na iyon si Sotero at sumunod si Blas. Naisip naman ni Pedro na
maglinis na lamang sila niHuse sa silid nila. Pinapulot ni Huse kay Pedro ang
mga palaspas nanagkalat sa sahig at pinatapon ito sa labas. Nang akmang
lalabas na sapinto si Pedro ay sinabi niya kay Huse na Huse........paalam na
Walang kakibo-kibo si Huse dahil ang akala niya ay nagbibiro lamang si
Pedro.Ngunit ilang saglit pa ay dumating si Misis Salvacion sa kanilang silid
upang kamustahin siya. At ng sabihin na ni Misis salvacion kay Huse napatay
na si Pedro ay nagulat ito at walang kaimik-imik. Pag kalabas niMisis
salvacion ay lumugmok si Huse sa mesa at tahimik na umiyak.Wala ng
nagawa si Huse kung hindi tumingin sa tatlong higaang tiklop ang gapok na
kutson at umiyak ng umiyak.

Você também pode gostar