Você está na página 1de 56

Paghahanda sa

mga Kalamidad

Paghahanda sa
mga Kalamidad
Karapatang-Ari 2008
Bureau of Alternative Learning System
KAGAWARAN NG EDUKASYON

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Bureau of Alternative Learning System, Kagawaran


ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa
anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon
o ahensiya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:


Bureau of Alternative Learning Center
Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?


Nakapaloob ang Pilipinas sa Ring of Fire. Dahil dito, maaari tayong
makaranas ng mga pagsabog ng bulkan at mga lindol. Posible ring
makaranas tayo ng mga bagyo at baha. Sa katunayan, tinatayang
dalawampung bagyo ang bumibisita sa atin bawat taon. Nagdudulot ang
mga kalamidad na ito ng malaking pinsala sa buhay ng mga tao. Kung
minsan, maaari ring maging sanhi ang mga ito ng pagguho ng lupa,
likwepaksiyon at tsunami, na nagdudulot ng karagdagang pagkawala ng
mga buhay at ari-arian.
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sanhi ng kalamidad.
Matututuhan mo rin kung ano ang gagawin kapag nangyari ang mga ito.
Magbibigay rin ang modyul na ito ng mga mungkahi upang mabawasan
ang pinsalang maaaring idulot ng mga kalamidad.
Nahahati ang modyul sa tatlong aralin. Ang mga ito ay ang:
Aralin 1 Paghahanda para sa Bagyo
Aralin 2 Mga Pagputok ng Bulkan at mga Lindol
Aralin 3 Tsunami, Pagguho ng Lupa, at Likwepaksiyon

Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa


Modyul na Ito?
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang:

ipaliwanag ang mga sanhi ng bagyo, pagputok ng bulkan at


lindol;

talakayin ang mga kalamidad tulad ng tsunami, pagguho ng lupa


at likwepaksiyon (liquefaction) na maaaring dulot ng mga bagyo,
pagputok ng bulkan at lindol; at

maipakita ang ibat ibang maaaring gawin upang mabawasan ang


mga pinsalang posibleng maidulot ng mga kalamidad na ito.

Anu-ano na ang mga Alam Mo?


Bago mo pag-aralan ang modyul na ito, sagutan muna ang mga tanong
sa ibaba upang malaman kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa paksa.
Anong gagawin mo kung ikaw ay nasa mga sitwasyon sa ibaba? Isulat
ang iyong mga sagot sa mga patlang na nakalaan para rito.
1. Ipinagbibili ng iyong kaibigan ang kaniyang lupang nasa gilid ng
bundok nang mas higit na mura kaysa sa mga lote sa kabayanan.
May sapat kang naipon upang bilhin ito at patayuan ng maliit na
bahay. Ano ang gagawin mo upang masigurong ligtas ang lugar
para patayuan ng bahay?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay naligo sa kalapit na dagat.
Habang kayo ay nanananghalian, naramdaman mong umalog ang
lupa. Ano ang gagawin mo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
3. Naninirahan ka sa lugar ng mga iskuwater. Tulad ng ibang mga
bubong, ang bubong ng inyong bahay ay tumutulo at di mahigpit
ang pagkakapako. Ilang buwan na lamang at panahon na naman
ng bagyo. Ano ang gagawin mo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
4. Ang bulkan sa kalapit na probinsiya ay pumutok matapos ang
daan-daang taon ng pananahimik. Ang mga abong ibinuga nito ay
nakaabot sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5. Nasa loob ka ng sinehan nang maganap ang isang lindol. Nakita


mong nag-uunahang lumabas sa pintuan ang mga tao. Ano ang
gagawin mo?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Kumusta ang pagsusulit? Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa
Pagwawasto sa pahina 47.
Kung lahat ng iyong mga sagot ay wasto, magaling! Ipinakikita nitong
marami ka nang alam tungkol sa paksang ito. Maaari mo pa ring pagaralan ang modyul upang mabalik-aralan ang mga nalalaman mo na.
Malay mo, baka may mapulot ka pang bagong kaalaman.
Kung mababa naman ang iyong iskor, huwag mabahala. Ipinahahayag
nitong para sa iyo ang modyul na ito. Makatutulong ito upang maunawaan
mo ang mahahalagang konseptong maaari mong gamitin sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mong mabuti ang modyul na
ito, malalaman mo ang mga sagot sa pagsusulit at marami pang iba. Handa
ka na ba?
Maaari ka nang magtungo sa susunod na pahina upang simulan ang
Aralin 1.

ARALIN 1
Paghahanda para sa Bagyo
Ang buong arkipelago, maliban sa isla ng Palawan, ay binibisita ng
ilang bagyo sa buong taon, lalong-lalo na sa mga buwan ng Hunyo
hanggang Oktubre. Isa ang bagyo sa mga pinakamapinsalang pang
kalikasang kalamidad na tumatama sa bansa. Ito rin ang pinakamadalas at
nagdudulot ng pagkawala ng mga buhay at ari-arian.
Sa araling ito, madaragdagan ang kaalaman mo tungkol sa bagyo.
Tuturuan ka rin nito ng mga bagay na maaaring gawin bago dumating ang
bagyo, habang bumabagyo at pagkatapos bumagyo.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito


Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Pagkatapos, sagutan ang sumusunod
na katanungan.

1. Sa iyong palagay, ligtas ba ang mga taong naninirahan sa bahay


na ito sakaling dumating ang isang bagyo? Bakit o bakit hindi?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
4

2. Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng may-ari ng bahay bago


dumating ang bagyo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 47.
Ang mga ito ay maaaring di gaanong katulad ng mga nasa batayan.

Alamin Natin
Anong sumasagi sa iyong isipan kapag narinig mo sa radyo na may
darating na bagyo? Malakas na hangin? Malakas na pag-ulan? Ang
dalawang ito ay bahagi ng bagyo. Malakas ang bagyo sa mga rehiyong
tropikal tulad ng ating bansa. Karaniwang nabubuo sa Pacific Ocean ang
mga bagyong tumatama sa Pilipinas. Subalit kung minsan ay nabubuo ang
mga ito sa South China Sea.

Paano nakaaapekto ang mga


bagyo sa ating mga buhay? Ang
mga bagyo ay maaaring magdulot
ng malubhang pinsala sa buhay at
ari-arian ng tao.
Naninirahan ka ba malapit sa
dagat? Kung oo, mas higit ang
panganib na haharapin mo kung
may bagyo. Ang malalakas na ulan
at hanging bunga ng bagyo ay
maaaring magdulot ng malalaking
alon. Ang pangingisda sa ganitong
panahon ay magiging
napakamapanganib.
Kapag biglang naging kalmado
ang panahon, nangangahulugan
itong ang gitna o mata ng bagyo ay
nagdaraan na. Subalit, di magtatagal
ay darating ang hangin at ulan.
Habang lumalapit ang bagyo sa
lupa, unti-unti itong nawawalan ng lakas. Di maglalaon ay manghihina o
mamamatay ito kapag nasa lupa na.
Nagbabasa ka ba ng diyaryo o nanonood ng telebisyon pagkatapos ng
isang malakas na bagyo? Nakita mo ba kung gaano kalaki ang pinsalang
maaaring maidulot ng bagyo? Dahil may kasamang malakas na ulan ang
bagyo, nagdudulot ito ng pagguho ng lupa at pagbaha lalong-lalo na sa
mga lugar na walang sapat na bilang ng punong humahawak sa lupa.
Naaalala mo pa ba ang nangyari sa Ormoc noong 1991? Nang
dumating ang bagyong Uring sa probinsiyang ito, nagkaroon ng
malawakang pagguho ng lupa at pagbaha na pumatay sa libo-libong katao.

Napagmasdan mo na ba ang
mga kabukiran pagkatapos ng isang
bagyo?
Mapapansin mong karamihan sa
mga pananim ay napipinsala ng
malalakas na hangin at ulan.
Anong mangyayari sa mga
palay kung magkaroon ng bagyo
bago ito magapas? Mabubulok ang
mga ugat at butil nito. Ang mga
halaman ng saging ay madali ring
mapinsala ng bagyo. Ang mga
probinsiyang umaasa sa agrikultura
ay nawawalan ng milyon-milyong
piso tuwing tagbagyo.
Nakaaapekto rin ang mga bagyo sa ecosystem ng dagat. Ang
malalakas na hangin ay tumatangay sa mga coral reefs na nagiging sanhi
ng pagkasira ng mga ito. Dahil dito, nababawasan ang bilang ng mga isda
sa dagat dulot ng pagkasira ng kanilang mga tahanan. Pati ang mga isda sa
dagat ay natatangay rin. Pagkatapos ng bagyo, kalimitang makakikita ka
ng mga patay na isdang lumulutang sa dagat.

Magbalik-aral Tayo
Tukuyin ang maliliit na larawan, at gamitin ang katawagan ng mga ito
upang mabuo ang pangungusap. Maaari mong piliin ang iyong sagot mula
sa mga salita at parirala sa kahon sa ibaba. May isang salita sa kahong
hindi akma sa mga pangungusap.
baha
mga tao
ulan

Ang

coral reef
isda
bagyo

hangin
Pilipinas
gitna

ay isang uri ng kalamidad sa rehiyong tropikal. Ito ay may

kasamang tuloy-tuloy na

bagyong tumatama sa

at malalakas na

. Ang mga

ay karaniwang nabubuo sa Pacific Ocean.

Kung minsan, nabubuo ang mga ito sa South China Sea.


Nagdudulot ang mga bagyo ng malubhang pinsala sa

at ari-

arian dahil sa malalakas na hanging dala nito. Lubha ring napipinsala nito
ang agrikultura.
Karamihan sa mga pananim ay napipinsala ng malalakas na hangin at
. Ang mga bagyo ay nakasasama rin sa ecosystem ng karagatan.
Tumatangay ang malalakas na hangin sa mga

na

nagiging sanhi ng pagkasira ng mga ito. Dahil dito, nababawasan ang


bilang ng mga

sa mga karagatan sapagkat ang kanilang mga tirahan

ay nasisira.
Sa tingin mo ba ay tamang lahat ang iyong mga sagot? Ihambing ang
iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 47.
8

Alamin Natin
Dahil ang mga bagyo ay malimit bumisita sa ating bansa, kailangang
malaman natin kung anong dapat gawin kapag may bagyo. Basahin at
alamin ang mga bagay na ito.
Bago ang Panahon ng Tag-bagyo
1. Inspeksiyunin kung nasa
mabuting kondisyon ang
inyong bahay, lalong-lalo
na ang bubong.

2. Putulin ang mga sangang


nakalambong sa inyong
bahay.

3. Tanggalin ang mga yerong


hindi nakakabit.

4. Maghanda ng isang emergency kit sa inyong bahay. Ang kit ay


kailangang maglaman ng:

maliit na radyong may


baterya
lente, kerosene,
lampara, kandila, at
posporo
inuming tubig, de lata,
abrelata, at damit
First Aid kit at
mahahalagang gamot

Habang may Bagyo


1. Huwag mataranta. Makinig na lamang sa radyo para sa mga
babala at paalala.
2. Manatili sa loob ng bahay. Pumirmi sa pinakamatibay na bahagi
ng inyong bahay.
3. Kapag magigiba na ang inyong bahay, protektahan ang sarili sa
pamamagitan ng kutson, basahan, o kumot. Magkubli sa ilalim ng
matibay na lamesa o kama.
1

Pagkatapos ng Bagyo
1. Makinig sa radyo. Huwag
lalabas hanggat hindi
opisyal na ipinahahayag na
wala nang bagyo o kayay
ligtas nang lumabas.

10

2. Mag-ingat sa mga
natumbang linya ng
kuryente, napinsalang mga
gusali at puno, at binahang
mga daluyan ng tubig.

Magbalik-aral Tayo
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bago dumating ang panahon ng bagyo, inspeksyunin ang inyong
bahay lalong-lalo na ang __________.
a.
b.
c.
d.

banyo
bubong
kusina
kuwarto

2. Kung nagsimulang magiba ang inyong bahay, ano ang dapat


mong gawin?
a.
b.
c.
d.

Manood ng palabas sa telebisyon.


Lumabas kaagad sa bahay.
Tumawag ng pulis.
Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng kutson, basahan, o
kumot.

3. Alin sa sumusunod ang HINDI mahalagang magkaroon bago


dumating ang tagbagyo?
a.
b.
c.
d.

lente at baterya
first aid kit at mahahalagang gamot
tsokolate at kendi
inuming tubig at de lata

4. Alin sa sumusunod ang ligtas gawin pagkatapos ng bagyo?


a.
b.
c.
d.

maglangoy
makinig sa radyo
mamasyal
mangisda
11

5. Alin sa sumusunod ang HINDI kinakailangang gawin bago


dumating ang panahon ng bagyo?
a.
b.
c.
d.

Gumawa ng maliit na palaisdaan malapit sa inyong tahanan.


Alisin sa inyong lugar ang mga yerong di nakakabit.
Maghanda ng emergency kit.
Putulan ng mga sanga ang puno.

Tingnan kung nakuha mo nang tama ang lahat ng mga sagot.


Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 48.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan


A. Pag-ugnayin ang mga salita sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B sa
pamamagitan ng paglalagay ng guhit na magkokonekta sa mga ito.
Hanay A

Hanay B

1. malakas na kalamidad sa
rehiyong tropikal

a.

2. Ang panahon ay biglang


nagiging kalmado kapag
dumadaan ito.

b. baha
c.

3. dulot ng malalakas na pagulan at kakulangan sa mga


puno

mga lugar malapit sa


dagat

mga lugar malapit sa


bulkan

d. mata ng bagyo

4. mga lugar na lubhang


mapanganib kapag may
bagyo

e.

malalaking alon

f.

bagyo

5. dulot ng malakas na ulan at


hangin
B. Anong gagawin mo kapag ikaw ay nasa mga sitwasyon sa ibaba?
Isulat ang sagot sa mga patlang.
1. Nalaman mo mula sa balita na sa loob ng 24 oras ay may darating
na malakas na bagyo sa inyong lugar. Anong gagawin mo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

12

2. Nakakakita ka ng kislap ng kidlat at nakakarinig ka ng ugong ng


kulog. Nakita mo rin mula sa inyong bintana ang mga
nakatumbang puno at poste ng kuryente. Ano ang iyong gagawin?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ihambing sa pahina 47 ng Batayan sa Pagwawasto ang iyong mga
sagot.

Tandaan Natin

Ang bagyo ay isang kalamidad sa mga rehiyong tropikal na may


kasamang tuloy-tuloy na pag-ulan at malalakas na hangin.

Ang bagyo ay nagdudulot ng pinsala sa mga tao, pananim, ariarian, at ecosystem ng dagat.

Ang malalakas na ulang dulot ng bagyo ay nagiging sanhi ng


pagbaha at pagguho ng lupa.

Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng mga bagyo, subalit


maaari tayong makagawa ng paghahanda bago ito dumating,
habang bumabagyo at pagkatapos nito upang mabawasan ang
pinsalang maaari nitong idulot.

13

ARALIN 2
Mga Pagputok ng Bulkan at mga
Lindol
Hindi ka ba namamangha sa halos perpektong hugis ng Bulkang Mayon?
Ito ang pinakatanyag at pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Sigurado akong
natatandaan mo pa ang pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991. Ang mga ito
ay dalawa lamang sa mga bulkan sa Pilipinas. Naninirahan ka ba malapit sa
Mt. Mayon, Mt. Pinatubo, o iba pang bulkan? Alam mo ba ang mga panganib
na maaaring maidulot ng mga ito? Alam mo ba kung ano ang gagawin
sakaling pumutok ang bulkang malapit sa inyong lugar?
Natatandaan mo pa ba ang lindol na naganap noon Hulyo 16, 1990? Ang
episenter nito ay nasa lunsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija, subalit
naramdaman ito sa buong Luzon. Ang lindol na ito ay puminsala sa mga ariarian at kumitil ng daan-daang buhay. (Ang episenter ay ang lugar sa ibabaw
ng mundo na direktang nasa itaas ng lugar na pinagmulan ng lindol.)
Sa araling ito, madaragdagan ang kaalaman mo tungkol sa mga pagputok
ng bulkan at mga lindol. Matututuhan mo rin kung ano ang gagawin bago,
habang at pagkatapos maganap ang mga pangkalikasang kalamidad na ito.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito


Pag-aralan ang larawan sa ibaba at sagutan ang sumusunod na
katanungan.

14

1. Sa tingin mo ba ay ligtas ang lalaki sa kaniyang kinaroroonan?


Bakit o bakit hindi?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Kung ikaw ang lalaki sa larawan, ano ang gagawin mo? Bakit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 49.

Alamin Natin
May bulkan ba sa inyong bayan o malapit dito? May humigit kumulang
200 bulkan sa Pilipinas. Sa ibaba ay listahan ng mahahalagang bulkan sa
Pilipinas at mga lugar kung saan sila matatagpuan.
Bulkan

Lokasyon

Mayon
Taal
Kanlaon
Bulusan
Ragang
Smith
Hibok-Hibok
Dedicas
Babuyan
Cagua
Camiguin de Babuyanes
Banahaw
Calayo
Iraya
Pinatubo
Iriga
Biliran
Bud Dajo
Matutum
Kalatungan
Makaturing

Legaspi City, Albay


Talisay, Batangas
Negros Oriental
Sorsogon
Cotabato
Babuyan Island
Mambajao, Camiguin Island
Babuyan Island
Babuyan Island
Cagayan
Babuyan Island
Lucena City
Valencia, Bukidnon
Batanes
Zambales
Camarines Sur
Biliran
Jolo Island
Cotabato
Bukidnon
Lanao, Mindanao

Parker

South Cotabato

15

Nakakita ka na ba ng bulkan? Para itong karaniwang bundok o burol,


subalit may mga lagusan ito sa ibabaw na kung tawagin ay vent. Sa
pamamagitan ng mga lagusang ito, ang bulkan ay nakapagbubuga ng ibat
ibang bagay tulad ng magma, lahar, at abo kapag pumutok ito. Ang
parteng walang laman sa tuktok ng bulkan at matatagpuan sa ibabaw ng
vent ay tinatawag na crater.
Alam mo ba kung bakit pumuputok ang bulkan? Ito ay dahil ang
pressure sa magma chamber ay pumipilit sa magma na umakyat at
lumabas sa vent ng bulkan. Ang magma ay isang napakainit at tunaw na
batong nabubuo sa loob ng lupa. Kapag nakarating ito sa ibabaw ng lupa,
ito ay tinatawag na lava.

Crater

Magma

Magma chamber

Vent

Ang aktibidad ng bulkan ay batay sa dalas ng pagputok nito. Ang


bulkan ay sinasabing aktibo kung ang pagputok nito ay naitala ng tao. Ito
ay di-aktibo kung walang naitalang pagputok nito at ang anyo ng bulkan
ay nagsisimula nang magbago sanhi ng panahon at erosyon.
Tingnan ang susunod na mapa upang malaman kung may aktibo o diaktibong bulkan malapit sa inyong lugar.

16

Mga Bulkan sa Pilipinas

Aktibong bulkan
Di-aktibong bulkan

Source: http://www.reliefweb.int/mapc/asi_se/cnt/phil/phl_volc.html

17

Ipagpatuloy ang pagbabasa at alamin kung anong nangyayari kapag


pumutok ang isang bulkan.
Kapag pumutok ang bulkan, nagbubuga ito ng mga bagay na
nakapipinsala sa mga ari-arian at nakapagdadala ng sakuna sa tao.
Natatandaan mo pa ba ang
pagputok ng Mt. Pinatubo
noong 1991? Ang abo na
ibinuga ng Mt. Pinatubo ay
umabot maging sa ibang bansa
sa Asya. Maraming tao ang
nagkaroon ng mga sakit sa baga
nang pumutok ang Pinatubo.
Ang makapal na pagbagsak ng
abo o ashfall ay nagdulot ng
pagbagsak ng mga bubong
lalong-lalo na ang mga gawa sa
nipa, cogon, at lumang yero.
Marahil ay alam mo kung paano inanod ng lahar mula sa Mt. Pinatubo
ang mga puno, tao, sasakyan, at pati na bahay. Nakasira rin ito ng mga
gusali, kalsada, at tulay. Ang lahar o mudflow ay binubuo ng mga volcanic
particles at tubig. Sa loob ng maraming taon sa lugar ng Pinatubo, kapag
pumapatak ang malakas na ulan, ang lahar ay dumadaloy sa mga ilog at iba
pang anyong tubig. Nabarahan din nito ang mga daluyan ng tubig at nagdulot
ng pagbaha sa ilang lugar. Naging mababaw rin ang mga ilog dahil sa mga
depositong lahar.

18

Magbalik-aral Tayo
Isaayos ang mga titik upang makabuo ng mga salitang makakakumpleto
sa mga pangungusap sa ibaba.
1. (k b a l n u) Ang __________ ay isang burol o bundok na may butas
kung saan naglalabas ito ng mga bagay kapag ito ay pumutok.
2. (b t d o k i a i - ) Ang bulkang __________ ay walang nakatalang
pagputok.
3. (w o d m f l u) Lahar o __________ na binubuo ng mga volcanic
particles at tubig.
4. (f l a a h s l) Ang mabigat na __________ ay maaaring
makapagpabagsak ng bubong kung hahayaang maipon.
5. (g a m m a) Ang __________ ay napakainit na batong nabuo sa
loob ng lupa.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 49.

Alamin Natin
Marahil ay natatandaan mo pa ang pinsalang idinulot ng Mt. Pinatubo.
Sa mahabang panahon, ang mga tao ay kinailangang manatili sa mga
evacuation centers at maghintay sa pagdating ng tulong. Bilyon-bilyong
piso ang kinailangan upang maipagawa ang mega (sobrang laki) dike na
sasahod sa lahar sa isang basin.
Ang isang bulkan ay maaaring manatiling tahimik nang daan-daang taon.
Subalit hindi nangangahulugang wala nang posibilidad na pumutok ito tulad
ng Mt. Pinatubo. Ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman kung ano ang
nararapat gawin sakaling may pumutok na bulkang malapit sa inyong lugar.

19

Bago at Habang may Pagputok ng Bulkan


1. Kung ikaw ay nagbabalak magpatayo ng bahay, iwasan ang
mabababang lugar na maaaring daluyan ng kumukulong putik o
mudflow.
2. Dahil ang lahar ay mas madaling nakaaagos sa mga lugar na
walang punong pipigil dito, iwasan ang pagputol ng mga puno sa
tagiliran ng mga bulkan nang hindi pinapalitan ang mga ito.
3. Kapag may pagpatak ng abo o ashfall, takpan ang ilong ng basang
tela.
1

4. Sa pagitan ng matitinding pagpatak ng abo, tanggalin ang mga


abong nalaglag sa bubong upang maiwasan ang pagbagsak o
pagkasira nito.
5

Kung kayo ay nakatira malapit sa bulkan, kailangang may


nakahanda kayong sasakyan sa lahat ng oras dahil maaaring
pumutok ang isang bulkan sa anumang sandali.

6. Ipinagbabawal ng Philippine Institute of Volcanology and


Seismology (PHIVOLCS) ang paninirahan sa mga lugar na may 46 km ang layo mula sa tuktok ng aktibong bulkan. Sundin ang
kautusang ito. Ito ay para rin sa inyong kaligtasan. Kung inutusan
kayong lumikas ng PHIVOLCS, sundin ninyo ito.
4

20

Pagkatapos ng Pagputok ng Bulkan


1. Kung ikaw ay nasa
evacuation center o
nakikitira sa kamag-anak
sa isang ligtas na lugar,
maghintay ng instruksiyon
bago bumalik sa inyong
tahanan.

2. Pagdating sa inyong
tahanan, maaari ka nang
magsimula sa
pagkukumpuni ng mga
napinsalang bahagi nito.
Tanggalin ang mga abo sa
inyong bubungan.

3. Siguraduhing ligtas inumin


ang tubig. Tingnan kung
ito ay malinaw at walang
kakaibang amoy. Parating
pakuluan ang inyong tubig
nang 10-15 minuto.

21

Magbalik-aral Tayo
Pumutok ang isang bulkang
malapit sa tinitirahan ng pamilya
Galang. Ipinahayag ng
PHIVOLCS na kailangang sila
at ang iba pang mga pamilya ay
lumikas na sa kalapit probinsiya.
Isang buwan matapos ang
pagputok, sinabihan sila ng
PHIVOLCS na maaari na silang
magsibalik sa kanilang mga
tahanan. Anong payo ang
maibibigay mo sa kanila?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 49.

Subukan Natin
Upang bigyan ka ng
ideya kung anong uri ng
pangkalikasang kalamidad
ang sunod nating tatalakayin,
subukan mong gawin ang
eksperimentong ito.

Gelatin

Wafers

A. Mga Sangkap
Kailangan mo ng:
1
3
3
1
1

Asukal

baretang gelatin
pirasong wafer
tasang tubig
tasang asukal
tasang ebaporadang
gatas (opsyonal)

Tubig

Ebaporadang gatas

22

B. Paraan
1. Punitin sa maliliit na
piraso ang gelatin.
2. Ibuhos sa kumukulong
tubig ang mga piraso ng
gelatin.
3. Idagdag ang asukal at
haluin ito.
4. Tanggalin sa apoy.
5. Ilagay ito sa isang
plastik na mangkok.
Lagyan ng gatas
6. Kapag itoy malamig
na, ilipat ang gelatin sa
isang plato.
7. Patayuin ang mga wafer
sa ibabaw ng gelatin.
Pagkatapos ay alugin
ang plato at obserbahan
kung ano ang
mangyayari.
8. Kainin ang iyong
masarap na gelatin at wafer.

Pag-isipan Natin Ito


Nagustuhan mo ba ang gawain sa itaas? Ngayon, sagutan ang
sumusunod na katanungan upang malaman kung may natutuhan ka rito.
1. Mahuhulaan mo ba kung anong kalamidad ang tinutukoy sa
eksperimento?
_______________________________________________________
2. Anong nangyari sa mga wafer nang inalog mo ang plato?
_______________________________________________________
_______________________________________________________

23

Ihambing ang iyong mga sagot sa mga ibinigay sa ibaba.


1. lindol
2. Natumba ang mga wafer.
Kapag may nagaganap na lindol, yumayanig ang lupa. Ito ay maaaring
magdulot ng pagbagsak ng mga bahay, puno, at gusali.
Nais mo ba ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga lindol? Kung
gayon, ipagpatuloy ang pagbabasa.

Alamin Natin
Natatandaan mo pa ba kung ano ang iyong naramdaman nang
magkaroon ng lindol? Nasaan ka? Natakot ka ba? Anong ginawa mo? Ang
lindol ay maaaring maging isang nakatatakot na karanasan para
kaninuman. Alam mo ba kung ano ang sanhi nito?
Kapag naramdaman mong yumanig ang lupa, alam mo kaagad na ito
ay isang lindol, hindi ba? Nagtataka ka ba kung bakit nangyayari ito? Ang
lindol ay nangyayari kapag ang isang bulkan ay pumutok nang
napakalakas o kung ang mga tectonic plate ay gumalaw. Ang mga tectonic
plate ay tulad ng mga piraso ng jigsaw puzzle na magkakakabit. Madalas
gumalaw ang mga ito sanhi ng labis na init sa loob ng lupa.
Kung ikaw ay nakatira malapit
sa isang bulkan at ito ay pumutok,
mararamdaman mong yumayanig
ang lupa. Dahil ang lindol na ito ay
dulot ng pagputok ng bulkan,
tinatawag itong volcanic eruption.

24

Ang tectonic earthquake, o


isang lindol na mula sa paggalaw ng
mga tectonic plate, ay nagaganap sa
mas malawak na lugar.
Nakakita ka na ba ng malalaking
bitak sa lupa? Ang mga ito ay
tinatawag na fault. Ang mga fault ay
kumokontra sa mga puwersang
nagtatangkang paghiwalayin ang
mga plate. Kapag ang mga tagiliran
ng fault ay dumulas sa isat isa,
nagaganap ang lindol.
Pag-isipang muli ang nagdaang gawain. Anong nangyari sa mga pina
tayong wafer nang alugin mo ang plato? Bumagsak lahat ang mga ito,
hindi ba? Ganoon kalaki ang pinsalang maaaring idulot ng mga lindol.
Natatandaan mo pa ba ang mga gusaling bumagsak sa Northern Luzon
noong 1990? Natatandaan mo rin ba ang mga buhay na kinitil nito?

Magbalik-aral Tayo
Buuhin ang mga salitang makapagpapawasto ng pangungusap. Ang
ilan sa mga titik ay ibinigay na.
1. Ang _ _ n _ _ _ ay dulot ng pagputok ng bulkan o paggalaw ng
mga plate.

25

2. Ang mga _a _ _ _ _ ay pumipigil sa mga puwersang nagnanais


paghiwalayin ang mga plate.
3. Ang _ o _ _ _ _ _ _ earthquake ay nangyayari kapag pumutok
ang isang bulkan.
4. Ang _ _ _ _ o _ _ _ earthquake ay nagaganap sa mas malawak na
lugar.
5. Ang tectonic _ _ a _ _ _ ay madalas gumalaw sanhi ng matinding
init sa loob ng lupa.
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 49.

Alamin Natin
Tulad ng karamihan sa mga pangkalikasang kalamidad, hindi natin
mapipigilan ang lindol. Subalit may magagawa tayo sa pinsalang dulot
nito. May mga bagay na maaari nating isagawa upang maiwasan ang
pinsala. Pag-aralan mo ang mga ito sa ibaba. Makabubuting malaman
natin ang dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol.
1. Kung ikaw ay nasa loob ng
isang bahay o gusali kapag
lumilindol, magtago sa
ilalim ng matibay na mesa.
Lumayo sa mga babasagin,
bintana, o anumang bagay
na maaaring bumagsak.

2. Kung ikaw ay nasa kusina,


lumayo sa kalan,
refrigerator, at kabinet na
may mabibigat na laman.
Umalis sa kusina kung
kinakailangan o magtago sa
ilalim ng mesa.

26

3. Kung ikaw ay nasa mataong


pampublikong lugar, huwag
magmadali patungong
pintuan. Lahat ng tao ay
iyon ang gagawin. Sa halip,
magkubli sa ilalim ng isang
matibay na bagay.

4. Kung ikaw ay nasa loob ng


isang mataas na gusali,
huwag gumamit ng elevator.
Upang makalabas, gumamit
na lamang ng hagdanan. Mas
mabuti kung magkubli na
lamang sa ilalim ng isang
matibay na bagay tulad ng
mesa o upuan.
5. Kung ikaw ay nasa labas,
magpunta sa isang
maluwang na lugar. Iwasan
ang mga poste ng kuryente,
puno, gusali, karatula,
sasakyan, at iba pang mga
mapanganib na bagay.

6. Kung ikaw ay
nagmamaneho, ihinto ang
sasakyan sa tabi ng kalye at
ilagay ang parking brake.
Iwasan ang mga overpass,
tulay, poste ng kuryente,
karatula, at iba pang
mapanganib na bagay.
Manatili sa loob ng sasakyan
hanggang matapos ang lindol.

27

Alamin Natin ang Iyong mga Natututuhan


Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ang anak ni Aling Lina ay may hika. Nang pumutok ang bulkan
sa kalapit probinsiya, umabot ang abo sa kanilang lugar. Ano sana
ang ginawa ni Aling Lina?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Pagkatapos ng kanilang klase, sina Elsa, Carlo, at Ronald ay
naglaro ng patintero sa labas ng paaralan. Walang anu-ano ay
naramdaman nilang yumanig ang lupa. Nakita nilang gumalaw
nang malakas ang mga sanga ng puno. Ano sana ang ginawa nila?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 49.

Tandaan Natin

Ang pagputok ng bulkan at ang lindol ay kapwa nagdudulot ng


panganib sa tao, ari-arian, at kabuhayan.

Ang bulkan ay isang burol o bundok na nabuo sa paligid ng isang


butas at ibabaw ng lupang kung tawagin ay vent.

Kapag may matinding puwersa sa magma chamber, ang bulkan ay


magsisimulang pumutok. Kapag ang magma ay umabot sa ibabaw
ng lupa, ito ay tinatawag na lava.

Ang mga bulkan ay maaaring iklasipika bilang aktibo at di-aktibo.


May mga tala ukol sa pagputok ng mga aktibong bulkan, subalit
wala tungkol sa mga di-aktibo.

Ilan sa mga epekto ng pagputok ng bulkan ay pag-ulan ng abo o


ashfall, lahar, pag-agos ng putik o mudflow, baha, at erosyon ng
lupa.

Ang lindol ay pag-alog o pagyanig ng lupa sanhi ng mga


aktibidad ng isang bulkan o paggalaw ng mga tectonic plate.
28

Ang lindol ay maaaring volcanic o tectonic. Ang volcanic


earthquake ay nagaganap sanhi ng pagputok ng bulkan,
samantalang ang tectonic earthquake ay sanhi ng paggalaw ng
mga plate.

Ang mga fault ay pumipigil sa mga puwersang gumagalaw sa


tectonic plate. Kapag ang tagiliran ng mga fault ay dumulas sa
isat isa, nagaganap ang lindol.

Upang mabawasan ang pinsalang maaaring maidulot ng mga


pagputok ng bulkan at paglindol, may mga hakbang tayong
maaaring isagawa bago, habang, at pagkatapos maganap ang mga
ito.

29

ARALIN 3
Tsunami, Pagguho ng Lupa, at
Likwepaksiyon
Sa mga naunang aralin, napag-aralan mo ang tatlong uri ng
pangkalikasang kalamidad at mga dapat gawin kapag nangyari ang mga
ito. Ang mga bagyo, pagputok ng bulkan, at lindol ay maaaring maging
sanhi ng iba pang kalamidad na makapagdudulot ng karagdagang sakuna.
Sa araling ito, malalaman mo kung anong mga kalamidad ang
maaaring maging sanhi ng iba pang kalamidad. Malalaman mo rin kung
anong dapat gawin sakaling ang mga kalamidad na ito ay mangyari sa
inyong lugar. Sa araling ito, mas makabubuti kung makakukuha ka ng
kaakibat nitong casette tape na pinamagatang Tsunami: Ang Isang Lindol
ay Nakapagdulot ng Pagbabago. Maaari mong hingin ito sa iyong
Instructional Manager.

Makinig Tayo
Pakinggan ang kaakibat nitong casette tape. Kung walang tape, basahin
na lamang ang komiks sa ibaba. Ang kuwento ay tungkol sa isang malaks na
lindol na nagdulot ng Tsunami sa Moro Gulf sa Mindanao.
Tsunami: Ang Isang Lindol ay Nakapagdulot ng Pagbabago
Mga Tauhan: Fred
Eloy

39 taong gulang, responsableng ama


12 taong gulang, anak na matigas ang ulo

Meding 34 taong gulang, asawa ni Fred


Idad

38 taong gulang, mula sa baryo nina Fred

Turo

40 taong gulang, mula sa baryo nina Fred,


isa ring mangingisda

Lola

65 taong gulang, ina ni Meding

30

Isang araw habang naglalaro si Eloy sa


dalampasigan

Mamaya na lang, `Nay.


May pupuntahan pa ako.

Eloy!Eloy!

At saan ka
naman
pupunta?

Sa dalampasigan,
Inay! Doon sa Puting
Bato.

Bakit po, Inay?


Halika at
tulungan mo
ako.

Maaari mong gawin iyon mamaya.


Tulungan mo muna akong ilatag
ang mga banig upang mapatuyo
ko ang mga inasinan kong isda.

Pagbalik ko na lang,
`Nay.

Baka nag-uumpisa na yong


paligsahan. Saka mamumulot pa
ko ng mga sigay para pantantos
namin sa bingo ni Totoy!

Eh, bakit nga ba hindi titigas


ang ulo niyan eh hindi
nakakatikim ng palo sa inyo
ng asawa mo?!

Eloy, magbalik ka rito! Eloy! Eloy!


Ang batang ito, napakatigas
talaga ng ulo!
Nanay... bumaba po pala kayo...

31

Narinig ko kasi ang paguusap nyo ng anak mong


sutil...

Hayaan po ninyo, Nanay,


pagbalik niya mamaya,
pangangaralan ko.

At humahabol sana ako para kausapin


ang batang yon! Eh, bumababa pa
lang ako sa hagdan eh, nakatakbo na
agad!

Buti naman kung makikinig


nga. Sinabi ko na sa inyo...

Alam ko po, Nay. Ang batang


matigas ang ulo, sa palo
nasusuheto! Pero iba po kasi
ang paniniwala namin ni
Edoy. Naniniwala po kami na
mahinahong pangaral lamang
ang kailangan para magtanda
ang isang bata na matalino
naman.

Sa dalampasigan...

Nang biglang...

Parang iba ang ihip ng


hangin, a!

A-A-Ahhhhhhhhh!

Halika na,
anak! Umuwi
na tayo.

Ang Itay naman!


Bakit ba parang
takot na takot
kayo? Eh, lindol
lang naman yon!

Mamaya na po,
Tay! Mangunguha
muna ako ng
mga...

32

Lumilindol!
Dalina,
Eloy! Halika
na! Umalis
na tayo rito!

Ahhhhhhhhhhhh!

Mapanganib ang lindol... lalo


na sa ganitong
dalampasigan! Halika na!

Tay! Tulungan nyo po


ako. Tayyy! Hindi po
ako makabangonnn!

Mamaya na! Kung


gusto nyo iwan nyo
na lang ako rito!
Dahil hindi naman
ako natatak---

Tayyy! A-abutin
mo kooo!

Uh!
Uh!

Nandiyan na ako,
anak! Huwag kang
matakot! Tutulungan
kitaaa!

Kumapit ka sa
kamay ko, Eloy!
Hihilahin
kitaaaa!

Tay!
Salamat sa Diyos at hindi
ka nasaktan!

Halika na, Eloy, umalis


na tayo rito sa
dalampasigan... at baka
magka-tsunami pa!

Huwag kang bibitiw sa kamay


ko! Ngayon... Unti-unti kang
umusad palapit sa akin!
Hihilahin kita!
Uhm...uhm...uh...!

Ano yon, Tay?


Tusinong
gurami?

Huwag ka nang magmatigas pa,


Eloy! Hindi ngayon ang oras paSaka ko na yon
ipaliliwanag sa iyo!
Umalis na tayo rito
at baka abutan tayo
ng malalakas at
malalaking alon!
Tay, tingnan nyo, o! Bumaba ang
tubig dagat! At naglitawan ang halos
lahat ng korales at ibat ibang mga
kabibe na datiy hindi ko maabot
dahil nasa malalim na parte na nga
ng tubig!

Ah, hindi ako aalis dito hanggang


hindi nyo pinapaliwanag sa akin
kung ano yon. Tutal, tumigil na
ang lindol!

33

Ang gaganda ng
mga kabibe at
korales!
Mangunguha ako!

Tay!

Magbalik ka
rito,Eloy!

Tay! Nakikita nyo yong palapit na


mga a-alon?! M-Mas mataas pa
kesa sa mga gusali sa bayan!

Bitiwan nyo ko, Tay! Hayaan


nyong--

Takbo, Eloy!
Bilis!Takbo!

May tsunami na
ngaaa!

Inaaaaayyy
koo poooo!

Ang buong
barangay,
tinabunan ng
mataas na alon!

Kung hindi kita


nahatak,
malamang
natangay ka na
rin,anak!

Kaawaan tayo ng Diyos! Eloy,


sa burol!! Aakyat tayo sa
burol!!Dali!!

Tama ka po, Tay! Kung hindi


nyo po ako napigil, patay na
ako ngayon! Patawarin nyo po
ako!

Umaasa ako na magiging aral ito sa


iyo, anak... na sa susunod, matututo
ka nang makinig sa payo ng mga
nakatatanda sa iyo at hindi na
katigasan ng ulo ang paiiralin mo.

34

Opo, Tay. P-Paano


po ang Inay?... At
ang Lola?

Nakakatakot po pala
ang tsunami. Biro
nyo sa isang
kisapmata, tinabunan
at inilubog nito ang
buong barangay
natin! Itay, paano po
ba nagkakaroon ng
tsunami?

Iniisip ko rin sila. Pero bumaba man


tayo rito sa burol ngayon ay wala rin
tayong magagawa. Malamang na
matangay din tayo ng rumaragasang
daloy ng tubig bunga ng mga
higanteng alon na tumaklob sa ating
barangay! At saka, umaasa ako na
nakalikas sila bago umabot dito ang
tsunami. Magaling ang mga pinuno ng
ating barangay. Mga beterano ring
mandaragat ang mga yon at bihasa sa
pagbabasa ng mga palatandaan sa
kalikasan. Samantalay maupo na
lamang muna tayo rito sa itaas ng burol
at hintaying bumaba ang tubig!

Eh, saan po
nanggaling ang
tsunami?

Ayon sa mga matatanda


natin, bago
magkatsunami,
nagkakagulo at nagiingay ang mga hayop.
Patunay na maging mga
hayop ay nakakaramdam
ng tsunami.

Para mas maintindihan mo... ganito yon, eh. Ang buong bahagi ng mundo ay binubuo
ng mga tinatawag na tectonic plate na nasa ilalim ng lupa o ilalim ng dagat. Ang mga
ito ay laging kumikilos at nagbabanggaan. Ang iba naman, sa halip na magbanggaan
ay naglalayo, naghihiwalay. At ang iba pa ay kumikilos nang pahilis sa isat isa. Ang
Pilipinas ay kasama sa mga bansang ang mga plate ay nagsasalubong at
nagbabanggaan.

Pano mo po nalaman,
yan,Tay?

35

Ah. Eh, ano po ang nangyari


doon sa mga sinasabi mo
pong... plate?

Itinuro sa amin ng science teacher


namin noong nasa high school pa
ko.

Kapag ang dalawang plate ay nagbabanggaan, ang isa sa dalawang ito ay kumikilos
pailalim. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng tinatawag na mga ocean trench,
makikitid at mahahabang parang kanal. Nagiging dahilan din ang mga pagkilos na
ito ng pagsabog ng bulkan at paglindol.

TUBIG-DAGAT
OCEANIC PLATE

CONTINENTAL PLATE

Siguro nga.
Siguro, kanina nagbanggaan ang dalawang plate dito
sa lugar natin kaya lumindol, no Tay?

DAGAT

Yon din po ang dahilan


ng tsunami?

LUPA

36

Nagkakaroon ng tsunami, karaniwan na, pag may malakas na paglindol sa


ilalim ng dagat, tulad kanina. Kasi, tulad ng sabi ko, may mga plate din sa
ilalim ng dagat. Kapag nagbanggaan din ang dalawang plate doon at medyo
mababaw ang pinagmulan ng lindol pero malalim ang tubig sa dagat, tiyak,
magkakaroon ng malalaki at matataas na pag-alon.
PLATES

LUPA

Direksiyon ng Tsunami

Katulad ng
nagnyari
kanina.

Ganoon nga. Dahil sa malakas na lindol


sa isang parte ng dagat, naitutulak
pataas ang tubig dagat nang malakas,
kaya lumalaki at lumalakas ang pagalon. Habang lumalapit ang alon sa
dalampasigan, lalo itong lumalaki,
nag-aala-higante! Ang bilis din ng
pagdaloy nito kaya mahirap iwasan at
takbuhan! Nangyayari ito kapag may
sumabog na bulkan sa ilalim ng dagat.
O kaya ay may gumuhong lupa o mga
bato sa ilalim din ng dagat.

Kaya mapanganib pala


talaga ang tsunami!

Nasaan na kaya ang mga Nanay?


Hindi ko pa sila nakikita ni Lola.

Magtanong tayo
sa mga taong
naroon sa...

37

Alalang-alala rin kami sa iyo! At


maging sa Nanay!

Fred! Eloy! Salamat sa Diyos at


nakaligtas din kayo! Alalangalala ako sa inyong mag-ama!

Nagawa naming makalikas sa mas mataas na lugar bago rumagasa ang


malalaking alon! Nagbalik lang kami rito paghupa ng baha. At sinisimulan
ko na nga ang paghanap sa inyong dalawa!

Alam mo, Nanay, kung hindi ako nailigtas ng Tatay, malamang wala na ako
ngayon! Ngayon ko naunawaan na walang ibubungang mabuti ang
katigasan ng ulo! Kaya simula ngayon, magiging masunurin na po ako!

Natutunan na ng anak
natin ang mahahalagang
leksiyon na dala ng
tsunami! Magpapakabait
na siya!

Salamat naman kung


ganoon! Kung hindi pa
nagkatsunami eh baka
hindi ka pa rin
magtatanda!

Pag-isipan Natin Ito


1. Ayon sa kuwentong nabasa at/o narinig mo, anu-ano ang mga
sanhi ng tsunami?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Ano ang maaaring gawin upang maiwasang mapinsala ng
tsunami?
_______________________________________________________

38

_______________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 50.

Alamin Natin
Ang tsunami o mga killer wave ang
pinakamalakas na alon sa mundo. Alam
mo ba kung bakit nagkakaroon ng mga
ganitong alon?
Nakabubuo ang tsunami kapag may
pumutok na bulkan sa ilalim ng dagat o
nagkaroon ng malakas na lindol. Ang
isang malawakang pagguho ng lupa sa
ilalim ng dagat ay maaari ring
magdulot ng tsunami. Ang tsunami ay
tulad ng isang ordinaryong alon sa
dagat. Subalit habang lumalapit ito sa
dalampasigan, nagiging malakas na
pader ito ng tubig. Ang tsunami ay maaaring maging kasintaas ng gusali.
Hindi kataka-taka kung bakit natatangay nito ang isang buong baryo.
Upang maiwasang maging biktima ng tsunami, lumikas kaagad sa
isang mataas na lugar pagkatapos ng isang malakas na lindol. Huwag nang
hintayin ang pagdating ng mga alon. Hindi ka mabubuhay upang ilahad
ang iyong kuwento. Huwag mangingisda kahit bumaba na ang tubig.
Tandaang ang tsunami ay sunud-sunod na mga alon. Manatili sa isang
ligtas na lugar hanggang sa makadaan ang pinakahuling alon.

Subukan Natin
Upang mabigyan ka ng ideya
kung anong kalamidad ang sunod
na tatalakayin, subukan mo ang
gawaing ito.
Mga Kagamitan:

39

1 kahong walang laman at


may sukat na 3x5x1
maliliit na bato
Paraan
1. Punuin ang walang
lamang kahon ng maliliit
na bato.
2. Dahan-dahang itagilid
ang kahon pakanan at
pakaliwa.
3. Obserbahan kung ano ang mangyayari.

Pag-isipan Natin Ito


1. Anong nangyari sa mga bato nang itinagilid mo ang kahon?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung maglalagay ng bagay sa
mga bato bago mo ito itagilid?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
3. Isiping ang mga bato sa kahon ay pundasyon ng bahay. Ano sa
palagay ang mangyayari sa bahay kapag nagkaroon ng lindol?
_______________________________________________________
_______________________________________________________

40

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 50.

Alamin Natin
Naninirahan ka ba malapit sa dagat?
Napansin mo ba kung may lugar sa
inyong bakuran kung saan tila malambot
ang lupa? Mas malaki ang posibilidad na
maging biktima ka ng likwepaksiyon
kung ang inyong lupa ay mabuhangin.
Kapag lumindol, ang lupa ay
humihina. Ang puwersa ng tubig ay
lumalakas, kung kayat ang maliliit na
bahagi ng lupa ay naghihiwalay. Dahil
dito, kumikilos ang lupa nang tila
likido kayat tinawag itong likwepaksiyon (liquefaction).
Paano nakaaapekto ang likwepaksiyon sa tao? Kapag humina ang
lupa, hindi ito magiging magandang pundasyon para sa mga gusali. Kung
ang inyong bahay ay nakatirik sa ganitong uri ng lupa, guguho ang inyong
bahay kapag lumindol o kahit na hindi pa lumilindol.

Pamilyar ka ba sa mga balita tungkol sa pagguho ng lupa (landslide)


sa Baguio City, lalong-lalo na sa panahon ng bagyo? Ang pagguho ng
lupa ay biglaang pagkilos pababa ng malaking tipak ng lupa. Ang
malakas na pag-ulan ay maaaring makapagdulot ng pagguho ng lupa.

41

Kung walang sapat na punong hahawak sa lupa, madali itong maanod ng


malakas na ulan.
Mahuhulaan mo ba kung ano pa ang sanhi ng pagguho ng lupa? Ang
mga lindol ay nagdudulot din nito. Kapag umaalog ang lupa, nagiging
marupok ito. Ang mga tipak ng lupa ay dumudulas sa isat isa.

Upang malaman kung ligtas ang inyong tahanan sa likwepaksiyon at


pagguho ng lupa, makabubuting kumonsulta sa geologist. Masusuri niya
kung ang lupa ay nasa ligtas na lokasyon, o kung ligtas magtayo ng bahay
sa isang lugar.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan


Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ang inyong pamilya ay naninirahan malapit sa dagat subalit ang
iyong asawa ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Noong isang buwan,
bumili ka ng telebisyon, refrigerator at component system. Ang
iyong mga anak ay naglalaro sa likod-bahay nang makaramdam
ka ng malakas na lindol. Anong gagawin mo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

42

_______________________________________________________
2. Si Marta at ang kanyang pamilya ay naninirahan sa gilid ng burol.
Ang kanilang ikinabubuhay ay ang paggawa ng uling at pagbebenta
nito sa palengke tuwing Linggo. Hindi nila pinapalitan ang mga
punong sinusunog nila. Ano sa tingin mo ang mangyayari pagdating
ng tag-ulan?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 50.

Tandaan Natin

Ang mga kalamidad tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan, at lindol


ay nagdudulot ng iba pang kalamidad tulad ng tsunami,
likwepaksiyon, at pagguho ng lupa o landslide.

Ang tsunami ay sunud-sunod na higanteng along dulot ng


pagputok ng bulkan sa ilalim ng dagat, lindol, o pagguho ng lupa.
Kapag may tsunami, kailangan mong lumikas sa mataas na lugar.

Ang likwepaksiyon (liquefaction) ay nangyayari kapag ang lupa


ay kumikilos nang tila likido. Ang sanhi nito ang pagkilos ng
maliliit na bahagi ng lupa palayo sa isat isa dahil sa puwersa ng
tubig sa pagitan nila.

Ang pababang pagkilos ng malalaking tipak ng lupa ay tinatawag


na landslide o pagguho ng lupa. Nangyayari ito kapag ang lupa ay
nagiging marupok sanhi ng pag-alog na dulot ng lindol. Kung
minsan, dulot din ito ng malakas na ulang madaling makatangay
sa lupa lalong-lalo na kung walang mga punong hahawak dito.

Upang maiwasan ang sakunang dulot ng likwepaksiyon at


pagguho ng lupa, kumonsulta sa geologist upang malaman kung
ligtas ang lugar na pinagtayuan ninyo ng bahay.

Malapit mo nang matapos ang modyul na ito. Magaling! Naging


masigasig kang mag-aaral. Marami ka bang natutuhan sa modyul na ito?
Nasiyahan ka ba sa pagbabasa nito? Kung may mga bagay na hindi pa
maliwanag sa iyo, balikan mo ang bahaging ito ng modyul at pag-aralan mo
itong muli.
Matatagpuan sa sunod na pahina ang buod ng mahahalagang puntos sa
modyul upang matulungan kang tandaan ang mga ito.
43

Ibuod Natin
Sinasabi sa atin ng modyul na ito na:

Ang bagyo ay nagaganap sa rehiyong tropikal at may kasamang


malalakas na hangin at ulan.

Ang mga bagyo ay nagdudulot ng pinsala sa mga tao, pananim,


ari-arian, kabuhayan at pantubig na ecosystem.

Ang pagputok ng bulkan at lindol ay kapwa sanhi ng sakuna sa


tao, ari-arian, at kabuhayan.

Ang bulkan ay burol o bundok na nabuo sa palibot ng isang butas


sa ibabaw ng lupa na kung tawagin ay vent.

Ang lindol ay ang pag-uga o pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa


aktibidades ng bulkan o paggalaw ng mga tectonic plate.

Ang mga kalamidad tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan, at lindol


ay maaaring maging sanhi ng iba pang kalamidad tulad ng
tsunami, likwepaksiyon, at pagguho ng lupa.

Ang tsunami ay sunud-sunod na mga higanteng along dulot ng


pagputok ng bulkan sa ilalim ng dagat, paglindol, o pagguho ng
lupa.

Ang likwepaksyon ay nagaganap kapag ang lupa ay kumikilos


nang parang likido.

Ang pababang pagkilos ng mga tipak ng lupa ay tinatawag na


pagguho ng lupa o landslide.

Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng mga kalamidad, subalit


may mga paraan na maaari nating isagawa bago mangyari, habang
nangyayari, at matapos mangyari ang mga ito.

44

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?


A. Tukuyin kung ano ang inilalarawan. Isulat ito sa palaisipan sa
ibaba. Siguraduhing isulat ito sa wastong kahon.
Pahalang
3.
4.
5.
6.
11.
12.
13.

Napakainit na bato
Madalas na paggalaw sanhi ng matinding init sa loob ng lupa
Ang bulkan ay pumuputok at naglalabas ng mga volcanic na materyal
Sunud-sunod na mga higanteng alon
Malakas na ulan at hangin sa mga rehiyong tropical
Tinatawag ding mudflow
Salitang ginagamit para sa magma kapag ito ay nasa ibabaw na ng lupa

14.

Pag-alog o pagyanig ng ibabaw ng lupa

Pababa
1.
2.
5.
7.
8.
9.

Uri ng bulkang walang nakatalang pagputok


Ang lupa ay kumikilos na tila likido
Butas kung saan dumadaan ang mga materyal mula sa bulkan
Pinaghalong volcanic particle at tubig
Nagdudulot ng mga sakit sa baga
Ang paraan ng mga likido, solido at gas na makalabas patungong ibabaw ng lupa sa
pamamagitan ng aktibidad ng bulkan
Tectonic ___________: malaking parte ng ibabaw ng mundo na palagiang

10.

gumagalaw dahil sa tindi ng init sa loob na bahagi ng mundo.


1
2
3

10

9
11
12

13

14

45

B. Handa ka ba sa mga kalamidad? Ano ang gagawin mo kung


nahaharap ka sa sumusunod na sitwasyon?
1. Naghahanda ka ng pananghalian sa kusina para sa iyong
pamilya nang bigla kang nakaramdam ng pagyanig ng lupa.
Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________
____________________________________________________
2. Nakalikom ka ng sapat na salapi upang makapagpagawa ng
bagong bahay. Anong gagawin mo upang masigurong ang
loteng pagtatayuan mo nito ay ligtas?
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Nasa dalampasigan ka nang iyong maramdaman ang
paglindol. Alam mong sa anumang sandali ay maaaring
dumating ang tsunami. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________
____________________________________________________
4. May aktibong bulkan sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo
kapag nagbabala ang PHIVOLCS na maaari itong pumutok sa
nalalapit na panahon?
____________________________________________________
____________________________________________________
5. Narinig mo sa radyong may darating na bagyo. Ano ang
gagawin mo?
___________________________________________________
____________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 51.

46

Batayan sa Pagwawasto
A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 23)
1. Kukonsulta muna ako sa geologist. Susuriin niya ang lupa
upang malaman kung ligtas magtayo ng bahay rito.
Papayuhan niya ako kung dapat ko bang bilhin ang lupa o
hindi.
2. Tatakbo kami sa mas mataas na lugar dahil ang lindol ay
maaaring magdulot ng tsunami.
3. Dahil may kasamang malalakas na ulan at hangin ang bagyo,
aayusin ko ang aming bubong. Tatapalan ko ang mga butas
nito upang hindi ito tumulo. Ipapako ko rin nang mahigpit
ang bubong dahil maaari itong mailipad ng malakas na
hangin.
4. Tatakpan ko ng basang tela ang aking ilong upang hindi ako
magkaroon ng sakit sa bagang dulot ng abo.
5. Magtatago ako sa ilalim ng mga silya sa halip na tumakbo
patungo sa mga pintuan.
B. Aralin 1
Pag-aralan at Suriin Natin Ito (pp. 45)
Ang sumusunod ay mga halimbawang kasagutan lamang. Ang
mag-aaral ay maaaring may kakaibang pagsusuri.
1. Sa palagay ko ay hindi ligtas ang mga taong naninirahan sa
bahay na iyon kapag dumating ang bagyo. May panganib na
mailipad ng malakas na hangin ang bubong. Nanganganib
ding mabagsakan ng mga sanga ng puno ang bahay.
2. Ang mga taong naninirahan sa bahay ay kailangang ayusin
ang kanilang bubungan at putulin ang mga sanga ng puno
bago dumating ang bagyo.
Magbalik-aral Tayo (pahina 8)
1. bagyo

5. mga tao

2. ulan

6. baha

3. hangin

7. korales

4. Pilipinas

8. mga isda
47

Magbalik-aral Tayo (pp. 1112)


1. (a) Kung ang inyong bubong ay hindi matibay, malamang ay
mailipad ito ng malalakas na hangin.
2. (d) Hindi ka dapat lumabas ng bahay dahil mas mapanganib
sa labas. Gumamit na lamang ng mga kumot upang
maprotektahan ang sarili.
3. ( c ) Hindi mo kakailanganin ang mga tsokolate at kendi
upang makaligtas sa bagyo.
4. (b) Hindi pa rin ligtas na maglangoy, mamasyal, o mangisda
dahil ang tubig ay hindi pa kalmado.
5. (a) Hindi kailangang magtayo ng maliit na palaisdaan
malapit sa inyong bahay bago dumating ang panahon ng
bagyo.
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 1213)
A. 1.
2.
3.
4.
5.

f
d
b
a
e

B. Ito ay mga halimbawang kasagutan lamang. Maaaring iba ang


iyong nasasaisip.
1. Maghahanda ako ng emergency kit na kapapalooban ng
maliit na radyo, baterya, lente, kandila, posporo, first aid
kit, at mahahalagang gamot. Mag-iimbak din ako ng
inuming tubig at mga de lata.
2. Titigil ako sa loob ng bahay dahil mapanganib sa labas.
Maaari akong mabagsakan ng mga natutumbang puno o
poste ng elektrisidad.
C. Aralin 2
Pag-aralan at Suriin Natin Ito (pp. 1415)
Ang sumusunod ay mga halimbawang sagot lamang. Maaaring
may iba kang pagsusuri.
1. Sa palagay ko ay hindi ligtas ang lalaki. Nakatira siya sa gilid ng
bulkan na walang mga puno. Ang bulkan ay maaaring pumutok
anumang oras. Kung mangyayari ito, hindi siya kaagad
makalilikas dahil wala siyang nakahandang anumang uri ng
transportasyon.
48

2. Kung ako ang papipiliin, nanaisin kong manirahan sa mas


ligtas na lugar. Kung ako ang lalaki, lilisanin ko ang lugar
kung may babalang maaaring pumutok ang bulkan. Subalit
kung kailangan kong manatili sa lugar na iyon, titigilan ko na
ang pagputol ng mga punong malapit sa aming bakuran upang
mabawasan ang pagbaha ng putik. Mag-iipon din ako ng pera
upang makabili ng traysikel o dyip para sa mabilis na paglikas
sakaling magbantang pumutok ang bulkan.
Magbalik-aral Tayo (pahina 19)
1.
2.
3.
4.
5.

bulkan
di-aktibo
mudflow o pag-agos ng putik
ashfall o pag-ulan ng abo
magma

Magbalik-aral Tayo (pahina 22)


Kailangang bumalik sila sa kanilang tahanan at ayusin ang
anumang nasira ng pagputok ng bulkan. Kailangang tanggalin nila
ang abo sa ibabaw ng kanilang bubong upang maiwasan ang
pagbagsak nito. Kailangan din nilang suriin kung ligtas ang tubig
upang inumin.
Magbalik-aral Tayo (pp. 2526)
1.
2.
3.
4.
5.

bulkan
faults
volcanic
tectonic
plates

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 28)


1. Kailangang paalalahanan ni Aling Lina ang kanyang anak na
magtakip ng ilong. Maaaring lumala ang kanyang hika kung
matagal siyang makalalanghap ng abo ng bulkan.
2. Sina Elsa, Carlo, at Ronald ay dapat manatili sa bukas na
lugar na malayo sa mga puno, gusali, at poste ng kuryente.

49

D. Aralin 3
Pag-isipan Natin Ito (pahina 38)
1. Ang tsunami ay maaaring dulot ng paglindol, pagguho ng
lupa o pagputok ng bulkan sa ilalim ng lupa.
2. Kailangang lisanin ang dalampasigan at magtungo sa mataas
na lugar pagkatapos ng lindol. Dapat iwasan ang pangingisda
kahit bumaba na ang tubig. Ang tsunami ay sunud-sunod na
mga higanteng alon, kayat makabubuting manatili sa isang
ligtas na lugar hanggang makadaan ang huling malaking alon.
Pag-isipan Natin Ito (pahina 40)
Ang sumusunod na sagot ay inaasahan mula sa iyo. Subalit
maaaring maging iba rin ang iyong mga sagot batay sa iyong
obserbasyon.
1. Ang mga bato ay gumulong sa loob ng kahon.
2. Ang bagay ay kikilos sa kung saan-saang direksiyon dahil sa
paggalaw ng mga bato. Maaari itong bumagsak at maaari ring
matabunan sa ilalim ng mga bato.
3. Ang bahay ay magigiba o babagsak. Masisira ito.
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 4243)
1. Ako at ang aking mga anak ay tatakbo sa mas mataas na lugar
kahit na hindi namin madala ang aming mga kasangkapan.
Maaari pa naming palitan ang mga ito. Ang mahalaga ay hindi
kami mamatay sa tsunami.
2. Maaari silang maging biktima ng pagguho ng lupa. Ang
malalakas na pag-ulan ay madaling tatangay o makapagdadala
ng lupa dahil walang punong pipigil dito.

50

E. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pp. 4546)


A.

D
2

W
4

K
7

T
8

I
10

11

O
12

13

L
14

T
I

B.
1. Lalayo ako sa kalan, refrigerator, at mga kabinet na may
mabibigat na bagay. Magkukubli rin ako sa ilalim ng
isang matibay na bagay gaya ng mesa.
2. Kokonsulta ako sa geologist upang malaman kung ligtas
magpatayo ng bahay sa lupang nabili ko.
3. Magmamadali ako sa pagpunta sa mas mataas na lugar.
4. Maghihintay ako ng karagdagang payo at babala. Lagi
akong magiging handa sa paglikas.
5. Titingnan ko kung nasa ayos ang aming bubong at
puputulin ko ang mga sanga ng kahoy na malapit sa
aming bahay. Tatanggalin ko rin ang mga nakakalat na
yero sa aming bakuran. Maghahanda ako ng emergency
kit na kinabibilangan ng maliit na radyo, lente, baterya,
kandila at mahahalagang gamot. Mag-iimbak din ako ng
mga inuming tubig at de lata.
51

Talahuluganan
Aktibong bulkan Bulkang may nakatalang pagputok
Aquatic Ecosystems Mga komunidad ng mga bagay na may buhay at
walang buhay na nakikisalamuha sa isat isa sa tubig o malapit
dito
Arkipelago Grupo ng mga islang pinaghihiwalay ng tubig
Ashfall Pinong pulbos na bumababa galing sa papawirin mula sa
pumutok na bulkan
Bagyo Masamang panahong may kaakibat na malalakas na hangin at
ulan na kalimitang may kasamang kulog at kidlat
Kalamidad Isang di mabuting pangyayaring nagdudulot ng malaking
kawalan at pagkasira
Casualty Mga tao o bagay na nawala, nasira o naisakripisyo sanhi ng
isang pangyayari tulad ng pangkalikasang kalamidad
Coastal areas Mga lugar na matatagpuan sa tabing dagat
Di-aktibong bulkan Bulkang walang nakatalang pagputok at
nagsisimula nang magbago ng anyo sanhi ng paglipas ng panahon
at erosyon ng lupa
Dike Pader na ginawa upang maiwasan ang pagbaha
Dormant Hindi aktibo sa kasalukuyan at walang posibilidad na
maging aktibo sa hinaharap
Drainage Channel Isang daan kung saan dumadaloy ang likido
Ekuwador Isang linyang kathang isip lamang na naghahati sa mundo
sa dalawang bahagi, timog at kanluran
Epicenter Lugar sa ibabaw ng lupa na direktang nasa itaas ng
pinagmulan ng lindol
Fault Isang giwang o bitak sa ibabaw ng lupa
Geologist Isang taong maraming nalalaman sa pinagmulan,
estruktura, at komposisyon ng lupa, lalong-lalo na ng mga bato
Kulog Dumadagundong na tunog na maririnig pagkatapos ng kidlat
Lahar Tinatawag ding mudflow (Umaagos na kumukulong putik)

52

Landslide Biglaang pagguho ng malalaking tipak ng lupa


Lava Magma na umabot na sa ibabaw ng lupa
Lindol Ang pag-alog o pagyanig ng ibabaw ng lupa sanhi ng mga
aktibidad ng bulkan o ng paggalaw ng mga tectonic plate
Magma Napakainit na batong galing sa kailaliman ng lupa at ibinuga
ng pagputok ng bulkan
Mudflow Kombinasyon ng volcanic particle at tubig
Pagputok Ang paraan ng mga likido, solido at gas na makalabas
patungong ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng aktibidad ng
bulkan. Ito ay maaaring malalakas na pagputok o tahimik na
paglabas ng lava.
Rehiyong tropikal Mga bahagi ng mundong matatagpuan sa pagitan
ng 23.5 hilaga at 23.5 timog ng ekuwador
Ring of fire Mga bulkang nakapalibot sa Pacific Ocean. Ito ay
kinabibilangan ng 2/3 ng mga bulkan sa mundo.
Soil Erosion Pag-anod ng lupa mula sa isang lugar patungo sa isa pa
sa pamamagitan ng tubig, hangin at mga buhay na organismo
kasama na ang tao
Tectonic Earthquake Lindol na mula sa paggalaw ng mga tectonic
plate
Tectonic Plates Malalaking parte ng ibabaw ng mundo na palagiang
gumagalaw dahil sa tindi ng init sa loob na bahagi ng mundo
Tsunami Mga higanteng along dulot ng pagputok ng bulkan sa ilalim
ng dagat, paglindol o pagguho, ng lupa
Vent Butas sa ibabaw ng lupa na dinaraanan palabas ng mga materyal
mula sa bulkan
Volcanic Earthquake Lindol na sanhi ng pagputok ng bulkan

53

Mga Sanggunian
Federal Emergency Management Agency. Earthquakes-Things to
Know. http://www.fema.gov/kids/knw_eq.htm. 12 March 200,
date accessed.
Federal Emergency Management Agency. Hurricane.
http://www.fema.gov/kids/hurricat.htm. 12 March 2000, date
accessed.
Federal Emergency Management Agency. Tasty Quake Activity.
http://www.fema.gov/kids/tastyeq.htm. 12 March 200, date
accessed.
Southern California Earthquake Data Center. Home Safe Home.
http://www.scedc.scec.org/homesafe. Html. 8 March 2001, date
accessed.
Southern California Earthquake Data Center. Reviewing the Basics.
http://www.scecdc.scec.org/eqabc.htm. 8 March 2001, date
accessed.
Southern California Earthquake Data Center. Your Personal Safety.
http://www.scedc.scec.org/safety1.html. 8 March 2001, date
accessed.
Think quest. Glossary. http://www.library.thinkquest.org/17457/
English.html. 9 March 2001, date accessed.
University of Washington College of Engineering. Liquefaction.
http://www.ce.washington.edu/~liquefaction/html/main.htm. 10
March 2001, date accessed.

54

Você também pode gostar